Chapter 14: His Affection
Luke'sPOV
Bumaba ang halik ko sa leeg ni Athalia at hindi ko maiwasang mas mag-init ng umungol si Athalia, lalo na ng mapahawak siya sa aking buhok. Ibig lang sabihin at gusto niya ang ginagawa ko. Fxck! Ang mga kamay ko ay kusang naglakbay sa kaniyang katawan. Nang dumako iyon sa kaniyang mayamang d*bdib, bahagya ko iyong pinisil. Hindi ko maiwasang mapaungol sa sensayong na nadarama.
Sh*t! Hindi ko akalain na ganito pala ang sensasyong mararamdaman ko kung kay Athalia ko ginagawa ang mga ganitong bagay. Ni minsan hindi ko naramdaman ito sa mga babaeng naidala ko sa kama. Kapag ginagawa ko ito kay Mickaela, wala akong maramdamang ganito. Ayaw ko naman siyang hindian at baka magalit siya sakin at malaman pa ni Mom, magalit pa sakin si Mom.
Bahagya kong iniangat ang pang-itaas na pajama ni Athalia. Pero bago ko pa tuluyang matanggal iyon. Kumalas si Athalia sa pagkakayakap sakin at umalis sa pagkakakandong sakin na para bang may sakit akong nakakahawa. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang pagsisisi. Na para bang isang napakalaking kasalanan ang aming ginawa.
"Hindi dapat natin ito ginagawa Luke, mali ito. Maling-mali! Sh*t!" aniya at napasabunot sa buhok.
Nanghihinang napaupo siya sa monobloc chair at inihilamos ang kamay sa mukha. Huminga ako ng malalim. Hindi ko maiwasamg masaktan sa inakto niya. Pero totoo naman. Tama nga siya, mali ang ginawa namin pero wala eh. Nagpadala ako sa emosyon ko, hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin.
"Pasensya na, nagpadala ako sa emosyon ko, Athalia. Pero gusto ko ang ginawa ko at hindi ko pinagsisisihan iyon." ani ko habang nakatitig sa kaniya. Tumingala siya sa kisame at huminga ng malalim tsaka tumayo.
"Bakit? Bakit hindi mo pinagsisihan, Luke? May kasintahan ka!" aniya at umiling-iling. Tumingin siya sakin at matiim akong tinitigan.
"May nararamdaman ka ba sakin Luke?" tanong niya. Biglang nanlaki ang mga mata niya at nag-iwas ng tingin sakin.
"Sorry, hindi ko sinasadyang matanong. Bigla nalang lumabas sa bibig ko." aniya kasabay ng pamumula ng mukha.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute lang tingnan ang pamumula ng kaniyang pisngi. Siguro ito na ang oras para malaman niya ang nararamdaman ko para sa kaniya
Wala ng dahilan pa para ilihim ko ang nararamdaman ko. Mas mainam na rin na masabi ko na gusto ko siya para gumaan na rin ang pakiramdam ko. Mahirap dalhin sa puso ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Matulog ka na Luke para makapagpahinga ka, kailangan ko na rin matulog dahil may pasok pa ako bukas." aniya. Tumalikod na siya at naglakad patungo sa pintuan. Ito na, ibinuka ko ang bibig para magsalita.
"Oo, Athalia may narardaman ako para sayo." —ani ko.
Bahala na kung magalit siya o layuan ako, pero tama na ang ilang taong paglilihim sa nararamdaman ko para sa kaniya. Natigil siya sa paglakad at humarap sakin. Kababakasan ng pagkalito ang kaniyang mukha.
"Pakiulit, Luke. Tama ba ang narinig ko na may nararamdaman ka para sakin o baka guni-guni lang iyon o baka nagkamali ako ng pandinig." tanong niya habang nakakunot ang noo.
—"Tama ang narinig mo, Athalia. May nararamdaman ako para sa iyo. Matagal na akong may gusto sa'yo, Athalia. Simula palang ng mga bata tayo, may paghanga na ako para sayo. Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sayo noong nasa Canada ako, pero hindi ko magawa dahil ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko.
Kulang na nga lang hilain ko na ang oras, araw buwan at taon para lang makasama ka. Kung may nagawa lang sana ako para hindi umalis ng bansa at makasama ka, ginawa ko na. Inilihim ko itong nararamdaman ko para sayo dahil alam ko na wala ring katugon ang nararamdaman ko. Pero nahihirapan na ako Athalia, nahihirapan na akong magpanggap na wala kang epekto sakin kapag nasa malapit ka.
Pero niloloko ko lang ang sarili ko. Dahil kapag nasa malapit ka, natutuliro ang isip ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko sinasadyang magkagusto sayo, Athalia. Pero mapigilan ba ang puso ko na tumibok para sa'yo?" tanong ko.
Hindi ko akalain na gumaan ang pakiramdam ko ng masabi ko iyon sa kaniya. Sa wakas! Nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang mga iyon. Tinitigan ko si Athalia at naghihintay ng sagot.
Gulat na gulat si Athalia sa mga narinig dahil nakaawang ang labi niya nang masabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Huminga siya ng malalim na parang pinapakalma ang sarili dahil sa kaniyang mga narinig. Nang hindi siya magsalita, nakaramdam ako ng takot. Takot na baka layuan niya ako sa mga sinabi ko at kamuhian ako. Natatakot ako na iwan niya ako.
"Athalia? Wala ka bang sa--sabi--hin?" tanong ko na hindi maiwasang mautal. Sobra ang kabang nararamdaman ko. Nagyuko siya ng ulo.
"Hindi ko alam ang isasagot ko, Luke. Nagulat ako sa ipinagtapat mo sakin. Hindi ko akalain na may nararamdaman ka para sakin dahil ang akala ko kaibigan lang ang tingin mo sakin." aniya.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Nang ilang dangkal nalang ang layo ko sa kaniya hiwakan ko ang kaniyang baba at itinaas ang mukha niya para magpantay ang aming paningin. Tinitigan ko siyang mabuti, ako ang lalaki kaya dapat maging matapang ako.
Kahit na ramdam ko na wala siyang nararamdaman para sakin kahit para nalang sa pagkakaibigan namin. Sinalubong niya ang tingin ko. Ngumiti ako sa kaniya, pero sa loob-loob ko nadudurog na ang puso ko sa sakit dahil walang katugon ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dinama ang lambot niyon.
"Ayos lang kahit walang katugon ang nararamdaman ko para sayo. Naiintindihan ko iyon, Athalia. Hindi mo kailangang piliting ang sarili mo na magustuhan no rin ako. Alam ko naman na kaibigan lang ang turing mo sakin at syempre nandiyan si Charles na nagpapasaya sayo. Hindi kita aagawin sa kaniya. Patas ako lumaban.
Ang mahalaga lang sakin masabi ko ang nararamdaman ko para sayo, ang hirap hirap na kasing magpanggap na hindi ako nasasaktan kapag nakikita ko kayong magkasama ni Charles. Gusto kitang ipagdamot pero may karapatan ba ako? Wala, dahil hindi naman kita pag-aari para ipagdamot ka sa iba. Masaya na ako sa ganito na magkaibigan tayo. Kasi no heartbreak, diba?" ani ko. Hinalikan ko siya sa noo.
"Matulog ka na para makapagpahinga ka na, maaga ka pa bukas. Ihahatid pa kita sa trabaho." ani ko.
Tumango siya kaya lumayo na ako sa kaniya. Tumalikod siya at naglakad palabas ng kwarto. Nang maisarado niya iyon. Marahan akong napabuntong-hininga. Ganito pala kahirap magtapat ng nararamdaman at ang kalalabasan ng pagtatapat mo.
Naglakad ako patungp sa kama tsaka nahiga. Hintayin ko nalang sumapit ang umaga, tiyak na hindi rin ako makakatulog kahit ipikit ko ang mga mata. Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa aking bulsa, kinuha ko iyon at tiningnan ang caller. It was Mickaela. Napipilitan sinagot ko iyon at inilagay ang cellphone sa taenga.
"It's already past eleven in the evening. Bakit gising ka pa?" nagduda niyang tanong. Hays. Ito na naman siya. Nasa Canada palang kami, mapagduda siya.
"Hindi ako makatulog kasi iniisip kita." ani ko.
Pakiramdam ko para akong masusuka sa sinabi ko. Pero wala akong maipalusot para hindi siya magduda. Nakapagdesisyon na ako, pagdating ni Mickaela at ni Mom makikipagkalas na ako sa kaniya. Ayaw ko na! Paano mapapasakin si Athalia kung may excess baggage? Kung gusto kong mapasakin so Athalia kailangan Kong layuan ang mga bagay na magiging hadlang para mapasakin siya.
"Ako rin naman naiisip kita, Luke. Namimiss na kita, malapit na kami matapos dito. Maybe next next week uuwi na kami. Sabik na akong makasama ka, Luke. Sabik na sabik na ako sayo. Siguro naman hindi mo na ako hihindian niyan?" tanong niya na may pang-aakit sa boses. F*ck! Next next week na sila babalik, kailangan kong mapaghandaan iyon. Baka bigla nila madatnan si Athalia sa bahay.
"Sabihin mo sakin kung anong araw ang eksaktong pag-uwi ninyo." ani ko at hindi pinansin ang huli niyang sinabi.
Wala ng dahilan para may mamagitan pa samin, dahil simula ng umuwi ako dito sa Pilipinas siniguro ko sa sarili ko na wala ng mangyayari samin. It was all lust! Walang dahilan para lokohin ko pa ang sarili ko.
"Oo, sweet. Basta pag-uwi mo ihanda mo ang sarili mo. Goodnight, matulog ka na. I love you!" aniya sa nang-aakit parin na boses.
Hindi ko maiwasang mapailing. Liberated na babae si Mickaela. Sabagay, sa Canada siya lumaki. Natuto siyang magtagalog dahil ang kaniyang ina ay Pilipino. Lahing Italyano ang kaniyang ama, at namalagi sa Canada dahil sa negosyo nitong Tobacco, sila ang nagmamay-ari ng Romano Tobacco Enterprise. Ang kaniyang ina ay isang empleyado noon sa RTE, at doon nagkakilala ang magulang ni Mickaela. Huminga ako ng malalim.
"Gusto ko na rin magpahinga, Mickaela. Hintayin kita sa pagbabalik mo. Goodnight." ani ko at pinatay na ang tawag, inilagay ang cellphone sa bedside table.
Alam kong ramdam ni Mickaela ang malamig na pakikitungo ko sa kaniya, pero isinasawalang-bahala niya lang iyon dahil alam niya na walang hiwalayang mangyayari. Pero, doon siya nagkakamali. Siguro, tama na ang dalawang taon na pagtitiis. Kailangan ko ring isipin ang kaligayahan ko.
Ilang minuto akong nakatitig lang sa kisame hindi talaga ako dalawin ng antok. Kinuha ko ang cellphone at naglaro muna, pampalipas oras. Hanggang sa may narinig akong marahang pagkatok sa pinto. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga't bumaba ng kama. Tinungo ang pinto at binuksan iyon. Tumambad sa aking harapan si Athalia.
"Athalia? Bakit gising ka pa? Matulog ka na, ayos lang ako huwag mo akong alalahanin." ani ko habang nakatitig sa maamo niyang mukha. Kinagat niya ang pang-ibabang labi na para bang nahihiya sa sasabihin.
"Hindi rin kasi ako makatulog sa isiping hindi ka dadalawin ng antok kaya pwede bang dito nalang ako matulog? Ayos lang ba?" tanong niya.
Pakiramdam ko naumid ang dila ko sa sinabi niya. Makakatabi ko siyang matulog ngayon? Totoo ba itong nangyayari o nananaginip lang ako? Si Athalia makakatabi ko makatulog? This is a dream come true!