Chapter 10 Safekeeping

Luke'sPOV

"LUKE!"

Nanhihinang tumingin ako sa pintuan ng kwarto kung saan naroon si Athalia at nakatayo. Dali-dali niya akong nilapitan sa kama kung saan ako nakaupo. Biglang nawala ang kalasingan ko dahil sa presensya niya. Ano ba ang nangyari? Ano ba ang ginawa ko? Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko.

"Ayos ka lang? Bakit ka ba naglasing?" aniya at tiningnan ang nagkalat na mga basag na gamit na nasa kwarto, porcelain jar iyon at vases. F*ck! Naramdaman ko ulit ang pananakit ng ulo. Bahagya kong pinisil ang sintido ko dahil sa kirot niyon.

"Humiga ka at ako na ang bahala sayo." aniya.

Sinunod ko siya dahil pakiramdam ko mabubuwal ako dahil sa sakit ng ulo at ang panghihilo. Nang makahiga sa kama at ipinikit ang mga mata para kahit papaano mawala ang pananakit ng ulo ko. Nakarinig ako ng papalapit na mga yabag.

"Ayos lang ba siya, iha?" mukhang si Manang Daisy ang nagsalita.

"Hindi po eh. Pakibantay muna siya Manang. Kukuha lang po ako ng maligamgam na tubig at gamot." ani Athalia at narinig ko ang papalayo niyang mga yabag.

Pinilit kong imulat ang aking mga mata at nakita ko si Manang Daisy na nakaupo sa upuan at nakatingin kay Manong Amboy na nililigpit ang mga nagkalat na mga nabasag kong porcelain jar at vases. Nang makita ako ni Manang Daisy na nakamulat ang mga mata, agad niya akong nilapitan.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Luke?" nag-aalala niyang tanong sakin.

Hindi ako umimik. Masakit na masakit ang ulo ko. Bumangon ako, pero nang iangat ko ang katawan ko, naramdaman kong parang hinahalukay ang tiyan ko. Tumayo ako kahit nahihilo ako.

"Luke!" sigaw ni Athalia.

Naramdaman ko ang kaniyang mga kamay na umalalay sa aking bewang at idinantay ang aking kanang kamay sa kaniyang balikat. Naglakad kami patungong banyo. Nang matapat ako sa sink. Kumapit ako roon para kumuha ng suporta.

"Magsuka ka na. Aalalayan kita." ani Athalia.

Tiningnan ko siya at inalis ang braso ko na nasa kaniyang balikat at ipinatong iyon sa sink tsaka kumapit para doon para balansehin ang sarili. Baka bigla akong bumagsak. Ayaw ko ng mag-alala ng sobra sakin si Athalia kapag may nangyaring masama sakin.

"Lumayo ka, baka marumihan ka. Then, turn around. Huwag kang titingin sakin." ani ko habang pinipigilan ang sarili na magsuka, pero sa totoo lang gustong-gusto ng kumawala iyon sa bibig ko. Ayaw kong makita niya akong nagsusuka. That's embarrassing!

"Ahm, okay." aniya at umatras palayo sakin tsaka tumalikod.

Doon na kumawala ang pagsusuka ko. Halos humapdi ang tiyan ko dahil sa ginagawa ko. F*ck! Walang laman ang tiyan ko ng uminom ako. Nang matapos ako, guminhawa ang pakiramdam ko pero mahapdi pa rin ang tiyan ko. Nagmomog agad ako. Lumapit si Athalia sakin at pinunasan ang labi ko, maging ang mukha kong pawis na pawis na. Nang matapos siya, inakbayan ako at iginiya palabas ng banyo.

"Ano bang nasa isip mo at naglalalasing ka? Mabuti sana kung naglasing ka lang. Pero, nagwala ka pa! Isipin mo rin kaming nag-aalala sayo, Luke. Paano kung may mangyaring hindi maganda sayo? Papatayin mo kami sa pag-aalala!" malakas niyang sigaw at biglang natigilan nang malapit na kami sa kama. Malinis na ang kwarto.

"I'm sorry kung nataasan kita ng boses, Luke. Hindi ko lang maiwasang. Sobra akong nag-alala. Sana huwag mo na uulitin iyon, Luke." aniya at pinaupo ako sa kama.

Maski ako ay nagulat din sa pagsigaw niya, pero may karapatan siyang magalit. Dahil imbes na magpapahinga siya, heto at nandito siya sa bahay at inaalagan ako. Pero masaya ako sa kaalamang nag-aalala siya para sakin.

"Nag-aalala ka sakin?" tanong ko sa kaniya. Napakunot-noo siya.

"Oo naman. Kaibigan mo ako Luke, malamang mag-aaalala ako sayo. Hindi lang ako ang nag-alala. Si inay, nag-alala din. Ganun din sina Manang Daisy at Manong Amboy nag-alala din." aniya.

Tinungo niya ang bedside table at kinuha roon ang tray na may lamang gamot at isang basong tubig. Kinuha niya ang upuan na ginamit kanina ni Manang Daisy at umupo sa harapan ko. Iniabot niya sakin ang gamot.

"Uminom ka ng gamot, para kahit papaano mawala ang sakit ng ulo mo." aniya. Kinuha ko iyon, pati ang isang basong tubig at ininom iyon. Nang mainom ko iyon. Iginiya niya ako pahiga.

"Mahiga ka na, kailangan mong magpahinga para mawala na ang pananakit ng ulo mo." aniya at kinuha ang palanggana na nasa ibaba ng kama at sinimulang punasan ang aking katawan.

Ipinikit ko ang mga mata at ninamnam ang pagdampi ng bimpo sa aking balat. Hindi ko akalain na ganito pala kaasikaso si Athalia. Ito ang unang pagkakataon na inasikaso ako kapag lasing, noong nasa Canada ako.

Kapag lasing ako, hihiga lang ako sa kama at matutulog. Ayaw ni Mickaela na alagaan ako, dahil nandidiri daw siya. Samantalang, si Athalia ay sinamahan pa ako sa banyo. Mapait akong napangiti, napakaswerte ni Charles. Nakaramdam ulit ako ng selos.

"Papasok ka ba bukas?" tanong ko sa kaniya.

"Magpapaalam muna ako na hindi makakapasok kay Sir Lereño." aniya. Huminga siya ng malalim tsaka tumikhim. "Pwede ko bang tanggalin ang damit mo?" tanong niya. Napansin ko sa tono ng kaniyang boses na nahihiya siya. Athalia is still the same, innocent.

"Sure." ani ko.

Naramdaman ko ang pagdantay ng kaniyang kamay sa aking katawan at ang bahagyang pag-angat ng aking damit. F*ck! Nag-iinit ako. Nang tuluyan niyang mahubad ang aking pang-itaas na damit. Sinimulan na niyang idampi ang bimpo sa aking hubad na katawan. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Athalia. Fxck! It's turning me on!

"Matulog ka na, Luke. Kailangan mo na magpahinga." aniya.

Paano ako makakatulog nito? Kung ganito ba naman ang ginagawa niya. Paano ako makakatulog? Hays. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Paano ka? Saan ka matutulog?" tanong ko sa kaniya.

"Babantayan kita. Hihiram ako ng makapal na kumot kay Manang Daisy, dito ako sa sahig matutulog." aniya habang patuloy pa rin sa pagpunas sa aking katawan. Nararamdaman ko na unti-unti nang nilulukob ako ng antok.

"Salamat, Athalia." punong-puno ng sensiridad na sabi ko. Hindi ko na narinig ang sinabi ni Athalia dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

NAGISING ako na magaan ang pakiramdam. Salamat kay Athalia na nag-asikaso sakin. Napangiti ako dahil doon, ito ang unang pagkakataon na naranasan ko ang pag-aalaga ni Athalia. Pakiramdam ko worth it ang paglalasing ko at ang pagbabasag ko ng mga gamit.

Dahil kung hindi dahil doon sa ginawa ko, hindi ko malalaman kung paano mag-alala sa akin si Athalia. Speaking of Athalia, saan kaya siya natulog? Napabaling ako sa ibaba ng kama ng may marinig akong ingay.

Tiningnan ko kung ano iyon. Si Athalia! F*ck! Bakit sa sahig siya natulog?! Naalala ko sinabi pala niya iyon kagabi, hindi ko lang napagtuunan ng pansin dahil nilukob na ako ng antok ng mga sandaling iyon.

Mabilis akong bumaba ng kama at nilapitan si Athalia na mahimbing na natutulog. Maingat ko siyang binuhat at inilapag sa pinadulong bahagi ng kama. Nang mailapag ko siya, mataman ko siyang tinitigan. Napakaganda niya. Napakaamo ng mukha. Hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"Kung wala akong kasintahan na bumalik dito sa Pilipinas, magkakagusto ka ba sakin, Athalia? May posibilidad ba na maging tayo kapag niligawan kita?" napabuntong-hininga ako.

Kung maibabaik ko lang ang nakaraan, sana naitama ko lahat ng mga maling desisyon ko sa buhay. Edi sana, hindi ako nahihirapan ngayon. Huminga ako ng malalim at napasulyap sa wall clock na nasa tabi ng pinto. Alas-singko na ng umaga.

Kailangan ko pang ipaalam si Athalia kay Mr. Lereño. Nang dahil sakin hindi tuloy siya makakapasok sa trabaho, pero ayos lang iyon. Bayad ang araw niya sa araw na ito. Tinungo ko ang computer desk kung saan nakapatong roon ang aking laptop.

Nag-email ako kay Mr. Lereño na hindi muna makakapasok si Athalia, dahil inaalagaan niya ako. Mas maganda na iyong maging totoo. Kung magsisinungaling ako, baka makaapekto pa iyon sa pagiging business partner namin. Nang masigurong naipadala na ang email. Tumayo ako at tinungo ang kusina, kung saan nadatnan ko si Manang Daisy na abala sa pagluluto ng agahan. Nang makita niya ako. Lumapit siya sakin.

"Ayos ka na ba, Sir Luke?" tanong niya sakin. Bigla akong naasiwa sa tinawag niya sakin.

"Ayos naman po. Huwag niyo na po akong tawaging Sir Luke. Pwede naman pong iho na lagi niyong itinatawag sakin noon o Luke nalang po, Manang Daisy." ani ko at bahagyang ngumiti. Yumuko siya.

"Pasensiya ka na iho. Ang laki kasi ng pinagbago mo." aniya na medyo nahihiya.

"Ayos lang po iyon." ani ko at umupo sa stool ng island counter.

"Sandali at ipagtitimpla kita ng kape. May soup rin akong ginawa para sayo." aniya at nagtimpla ng kape. Pagkatapos niyang magtimpla ng kape, ibinigay niya iyon sakin.

"Salamat po." ani ko.

Ngumiti lang si Manang Daisy. Tinungo niya ang lalagyan ng plato at kumuha ng mangkok tsaka nagsandok ng soup na nasa stove. Inilapag niya iyon sa harapan ko.

"Kumain ka na, para magkalaman ang tiyan mo. Tumawag kanina si Senyora Olivia, kinakamusta ang hacienda." ani Manang Daisy.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Bakit hindi man lang ako magawang kamustahin ni Mom? Simula nang mamatay si Dad, nagbago na ang pakikitungo niya sakin. Hindi na tulad ng dati. Akala ko noon, kaya siya ganoon ay dahil nagluluksa siya.

Pero makalipas ang ilang buwan, wala pa ring nagbago sa pakikitungo niya. Kelan balak sabihin ni Mom ang pagkamatay ni Dad sa pamilya? Ayaw ko siyang pangunahan, pero kailangan nilang malaman ang totoo lalo na si Tita Odessa.

Iwinaksi ko iyon sa isipan, marahil abala lang si Mom sa Sebastian Farm kaya hindi niya ako naalala. May tiwala ako kay Mom na sasabihin niya iyon sa tamang panahon. Tiningnan ko si Manang Daisy na mataman na nakatitig sakin.

"Ano po sabi niyo?" tanong ko.

"Sabi ko ayos lang ang Hacienda at maayos ang pagmamahala mo." aniya.

"Salamat po Manang Daisy." may sinseridad na ani ko.

Simula noon, mapagkakatiwalaan na si Manang Daisy. Lahat ng mga kalokohan ko noon ay itinatago niya noon kay Mom. Kaya kapag napalago ko ang Hacienda, bibigyan ko sila ng gantimpala.

"Walang anuman iho. Sandali, pupunta lang ako sa labas. Maglalaba lang ako. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ako." ani Manang Daisy at lumabas na ng kusina. Sinimulan ko ng kainin ang soup at inumin ang kape.

"Good Morning, Luke. Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Athalia.

Natigilan ako dahil doon, nang makabawi sa pagkabigla unti-unti akong pumihit patalikod para tingnan si Athalia na ngayon ay nakatayo sa may pintuan at nakangiti. Hindi ko maiwasang mapangiti, nakakahawa ang ngiti niya. Mukhang maganda ang gising niya.

"Good Morning din, Ath. Ito ayos na ako. Salamat sa pag-aalaga sakin. I owe you for this." ani ko.

Naglakad siya palapit sakin at umupo sa katapat kong upuan. Nang makaupo siya, tinitigan niya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko biglang tumigil ang pag-inog ng mundo dahil sa ginagawa niya.

"Mabuti naman. Sa susunod, huwag mo na ulit gagawin iyon. Okay?" aniya. Hindi ko maibuka ang mga labi ko kaya tumango nalang ako bilang pagtugon. Tumikhim siya at nagbaba ng tingin.

"Ahm. Pwede ko ba mahiram ang laptop mo? Gagawa lang sana ako ng excuse letter para sa pagliban ko— pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.

"Ginawa ko na. Pagkagising ko nagpadala na ako ng email kay Sir Lereño, kaya wala ka ng dapat alalahanin pa. Pasensya ka na, dahil sa nangyari, kailangan mo tuloy lumiban sa trabaho." ani ko. Naguguilty ako. Oo, masaya ako dahil kasama ko siya ngayon pero alam ko kung gaano kaimportante sa kaniya ang trabaho.

"Ayos lang iyon, Luke. Kung ikaw naman ang dahilan ng pagliban ko. Ngayon lang naman ako liliban. Wala kang dapat alalahanin. You're worth it." aniya habang titig na titig sakin.

F*ck! Tama ba ang narinig ko? Senyales na ba ito na magiging maayos na ang pagkakaibigan namin? Na babalik na kami sa dati? Sana nga, dahil kapag nagkataon ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo.