Chapter 9 Charles Effort
Athalia's POV
Binabagtas namin ni Charles ang daan patungo sa bayan. Hindi ko maiwasang isipin si Luke. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Kitang-kita ko kanina sa kaniyang mga mata ang sakit at selos dahil magkasama kami ngayon ni Charles. Pero bakit? Hindi ba dapat maging masaya siya para sakin? Pero bakit parang kabaligtaran iyon? Iba kasi ang ipinaparamdam niya kapag kasama ko siya. Nahinto ako sa pagmumuni-muni ng biglang huminto ang sasakyan sa may gilid ng daan. Tiningnan ko si Charles na nakatitig sakin.
"Bakit ka huminto?" tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim habang titig na titig sakin.
"Kanina pa kita tinatawag, Ath. Subalit hindi ka sumasagot. May problema ba?" tanong niya.
Naramdaman ko sa kaniyang boses ang sakit, maging ang pagbabago ng kaniyang ekspreksiyo na kakikitaan ng lungkot. Sino ba naman ang hindi masasaktan at malulungkot? Kung ang ka-date mo ay naglalayag ang isipan? Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt.
"Wala naman. May bigla lang akong naisip. Pasensya, Charles." ani ko at nagyuko ng ulo para itago ang pagkapahiyang nararamdaman.
"Si Luke ba ang iniisip mo?" tanong niya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Sasabihin ko ba o magdedeny ako? Narinig kong binuhay ni Charles ang makina ng sasakyan at ang pagbuntong-hininga nito.
"Hindi mo na kailangang sagutin, Athalia. Ang totoo niyan, nagseselos ako kay Luke dahil mas malapit ka sa kaniya." aniya at pinausad na ang sasakyan.
Nag-angat ako ng tingin at umayos ng pagkakaupo. Tiningnan ko ang mga gusali at establisyementong nadadaanan namin.
"Magkaibigan lang kami ni Luke, Charles. Hanggang doon lang kami at hindi na hihigit iyon. Kaya huwag ka naagselos sa kaniya." ani ko at tiningnan siya. Tumingin siya sa gawi at nginitian ako, ngumiti rin ako sa kaniya.
"Hindi ko maiwasan, Ath. Pasensya ka na, hindi pa tayo magkasintahan pero kung umasta ako parang kasintahan mo na." aniya na punong-puno ng pagsisisi ang ekspreksiyon ng mata. Ngumiti ulit ako.
"Ayos lang, Charles. Naiintindihan ko. Wala kang dapat ihingi ng pasensya dahil normal lang iyon na maramdaman mo." ani ko. Hindi ko ipinagbabawal kay Charles ang Pagseselos. Dahil maski ako nararamdaman ko yun, kaibigan ko pa. Paano nalang si Charles, na manliligaw ko?
"Alam mo ba na yan ang nagustuhan ko sayo. Napakamaunawain mo, Ath. Wala na ata akong mahihiling pa, nasa iyo na lahat ng katangian na gustong-gusto ko." aniya at muli akong sinulyapan at tinitigan ng buong paghanga. Ngumiti ako sa kaniya.
"Maraming Salamat." tugon ko.
NANG marating namin ang Chechu Restaurant kung saan kami magda-date ni Charles. Ito ang pangalawang punta ko rito, una ay noong nagkaroon ng Business Meeting kasama si Luke at Sir Michael Lereño.
Lumabas si Charles ng Black Kia Optima K5. Umikot siya patungong passenger's seat kung saan ako naroon at pinagbuksan ako ng pintuan. Nang mkaalabas ako iginiya niya ako patungo sa entrance ng Restaurant kung saan mayroong dalawang gwardiya na nagbabantay sa magkabilang gilid niyon. Habang papalapit kami, naulinigan ko na madilim sa loob ng Restaurant. Tiningala ko si Charles na kasabay Kong naglalakad na nasa tabi ko.
"Bakit ang dilim ng Restaurant, Charles? Anong meron?" tanong ko. Sinulyapan niya niya ako at nginitian.
"Let's see what inside." mahiwagang tugon niya.
Napakunot-noo ako. May surpresa bang naghihintay sakin sa loob? Ibig sabihin nirentahan niya ang buong Restaurant?! Hindi ko maiwasang humanga. Gagawin niya talaga lahat para sa babaeng mahal niya. Pero, kahit ganoon ang ginawa niya. Wala pa rin akong naramdamang kiliti at kilig sa puso ko. Darating din yan! Pagpalalakas ko ng loob sa aking sarili.
Nang makalapit kami sa glass door ng Restaurant, binuksan iyon ng dalawang gwardiya. At nang makapasok kami, biglang nagliwanag ang buong paligid! Punong-puno ng naggagandahang bulaklak at lobo ang buong paligid.
May pabilog na mesa sa gitna na may flower vase sa gitna at napaparesan ng dalawang silya na magkatapat. May dalawang service crew na nakatayo sa magkabilang gilid ng mesa. Nagtatakang tiningala ko Charles na ngayon ay nakatitig sakin.
"Ginawa mong lahat ito?" manghang tanong ko. Tumango siya.
"Naghalf-day ako sa trabaho at nakisuyo ako sa kanila na tulungan all mag-ayos." aniya at tiningnan ang dalawang service crew na ngumiti naman. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya na parang nag-aalinlangan na baka hindi no nagustuhan ang surpresa. Ngumiti ako sa kaniya.
"Oo naman. Nagustuhan ko Charles, sino ba namang babae ang hindi magugustuhan nito? Sobrang handa at talagang pinaghandaan. Salamat sa napakagandang venue ng date natin." ani ko.
Masaya ako dahil sa effort na ibinigay niya. Pero bakit parang pakiramdam ko may kulang? Parang may hinahanap ako. Napukaw aki sa malalim na pag-iisip ng igiya ako ni Charles sa mesa. Pinaghugot niya ako ng upuan.
"Salamat." sabi ko at umupo na sa hinugot niyang upuan.
"My pleasure, Ath." aniya at umupo na run sa katapat kong upuan. Lumapit samin ang dalawang service crew at inilapag ang mga pagkain sa mesa na nakakatakam.
"Ath?" tanong sakin ni Charles. Mula sa pagtitig sa pagkain dumako ang paningin ko sa kaniya.
"Bakit?" tanong ko.
"May itatanong sana ako sayo." aniya.
"Go on." aniko. Senenyasan niya ang isang service crew. Mula sa isang gilid may ginunting ito. At sa likuran ni Charles, dahan-dahan bumubukas ang isang tarpaulin na nakarolyo na ngayon ko lang napansin. nang tuluyang iyong bumagsak, nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Tiningnan ko si Charles
"Will you be my girlfriend?" tanong ni Charles. Kitang-kita ko sa emosyon ng kaniyang mga mata ang takot, marahil ay takot na baka ireject ko siya. Huminga ako ng malalim at sinalubong ang kaniyang mga titig.
"Wala namang masama kung maging tayo agad diba? Mad makikilala mo ako at mas makikilala kita kapag naging tayo. Sabi nga nila, relasyon ang pinapatagal hindi panliligaw." aniya.
Sabagay tama siya, pero ayaw kong makipagrelasyon dahil dun. Gusto no handa na talaga ako day pakikipagrelasyon bago ko siya sagutin. Pero kung lilipas pa ang isang buwan na hindi ko pa rin siya matutunan na magustuhan. I'll take risk, sasagutin ko pa rin siya. Baka sakali kapag naging kami, magustuhan ko siya.
"Charles, hindi naman sa ayaw kita maging kasintahan. Pero, parang mastadong maaga kong magiging tayo ngayon? I mean, ilang linggo mo pa lang akong nililigawan diba? Gusto ko kapag sinagot kita, handa na akong makipagrelasyon sayo. Yung hindi napipilitan. Sana naiintindihan mo ako, Charles." ani ko.
Kitang-kita ko ang pagbalatay ng lungkot sa kaniyang mukha. Pagdaka'y nawala iyon at napalitan ng ngiti.
"Naiintindihan ko, Ath. Sorry, nagmadali ako, akala ko ayos lang sayo. Handa akong maghintay Ath kahit gaano pa katagal, Ath." aniya. Punong-puno ng sensiridad ang mga sinabi niya.
"Salamat, Charles." ani ko. Napaka-imposibleng hindi ko matutunang magustuhan at mahalin si Charles. Mabait siya, maalaga at may respeto sa akin.
"My pleasure, Ath. So, kain na tayo. Baka lumamig ang pagkain." biro niya na ikinatawa ko.
Nagsimula na kaming kumain. Inasikaso niya ako, nilagyan ng pagkain ang aking plato. Habang kumakain nagkwekwentuhan kami ng mga bagay-bagay tungkol sa aming sarili.
"SALAMAT sa paghatid, Charles." ani ko nang makababa ako ng passenger seat na siyang nagbukas ng pintuan.
"Walang anuman. Pasensya ka na hindi na ako makakapasok sa loob, may biglaan kasing pulong sa opisina. Babawi ako sa susunod, Ath. Pupunta ako rito para pormal na manligaw sayo." aniya. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang pinisil. Pero kahit ganun, wala akong maramdamang kiliti sa ginawa niya. "Salamat sa araw na ito Ath, sobrang nag-enjoy dahil nakasama kita. Ikaw palang buo na ang araw ko." aniya at hinalikan ako sa noo. Iniabot niya sakin ang paper bag na kinuha ko naman.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho. Huwag magmadali, makakarating ka rin. Salamat rin sa date na ito, nag-enjoy rin ako, Charles. Salamat sa bonggang surpresa." ani ko.
"Mauna na ako. Pasok ka na sa loob, baka hinihintay ka na ni Tita. See you again." aniya.
Tumango ako. Pumasok na siya sa driver's seat at pinasibad ang sasakyan palayo sa dako kung saan ako naroon. Nang hindi ko na matanaw ang kaniyang kinalululanan, binuksan ko ang gate gamit ang hawak na susi tsaka pumasok sa loob. Ikinandado ko muna ang gate bago naglakad patungo sa pintuan ng bahay. Kumatok ako ng dalawang beses.
"Nay! Nandito na po ako!" sigaw ko para marinig niya ako.
Ilang sandali pa ay, narinig ko ang pagpihit ng seradura at ang pagbukas ng pintuan. Nginitian ko si Inay tsaka nagmano.
"Magandang hapon po, Inay." ani ko. Tumingin siya sa aking likuran.
"Asan si Charles? Bakit hindi mo kasama?" tanong ni Inay na nakakunot-noo at tsaka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ako. Nagpatiuna na siyang pumasok, sumunod naman ako.
"May biglaang pulong sila, Inay. Babawi nalang daw po siya sa susunod, Inay at pormal na liligawan ako dito sa bahay." ani ko at inilapag ang paper bag nang makarating ako sa kusina. Tiningnan ni Inay ang paper bag.
"Oh sige, aasahan ko iyan. Ano naman iyang dala mo, Thalia?" tanong niya sakin.
"Nagtake-out po kami ni Charles, Inay para hindi na kayo mag-abala na maghanda ng inyong hapunan." ani ko at tinungo na ang kwarto.
Pumasok ako sa banyo at naligo, pagkatapos maligo, nagbihis na ako tsaka lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si Inay na abala sa pagtimpla ng gatas. Umupo ako sa silya ng dining table. Alam na alam talaga ni Inay ang gusto ko.
Kapag ganitong kagagaling ko galing trabaho, nagtitimpla na ako ng gatas. Stress ko kasi ang pag-inom niyon. Nang matapos si Inay, iniabot niya sakin ang isang basong gatas na tinanggap ko naman. Umupo siya sa kaharap kong silya at tinitigan naman.
"May problema po ba, Inay?" tanong ko sa kaniya habang nilalaro ang kutsara na nasa baso para mawala ang kahit papaano ang init niyon. Bumuntong-hininga si Inay.
"Thalia anak, sigurado ka na ba talaga sa pagpapaligaw kay Charles? Alam mo naman na mayaman si Charles at hindi tayo katulad niya. Kapag naging kasintahan ka niya, baka madaming tao ang humadlang sa relasyon ninyo. Mga taong huhusgahan ka at pag-iisipan ng hindi maganda. Ayaw kong masaktan ka anak. Baka, mamaya ipagpalit ka niya sa ibang babae na katulad niya o di kaya ay ipagkasundo siya sa ibang babae na may mayaman na kagaya niya. Ganiyan ang buhay ng mayayaman, gusto nila magpayaman pa lalo. Kaya anak, pag-isipan mong mabuti ang mga desisyon mo." aniya na punong-puno ng pag-aalala ang boses.
Hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi ni Inay dahil lahat ng iyon totoo. Ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap. Huminga ak ng malalim at tumitig kay Inay.
"Isasaulo ko po lahat ng mga pangaral niyo sakin. Naiintindihan ko po kayo at nauunawaan ko ang gusto niyong ipahiwatig. Pero Inay, gusto kong subukan. Kita ko ang sinseridad sa panliligaw sakin. Wala akong dapat katakutan Inay, haharapin ko ang mga taong mapanghusga na nakataas ang noo dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama at mali. Walang mangyayari kung laging takot ang paiiralin ko Inay. Haharapin ko ang mga pagsubok na darating sakin ng matatag." mahaba kong paliwanag. Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata ni inay. Hinawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa mesa at bahagyang pinisil.
"Nandito lang ako lagi para sayo, Thalia anak. Para suportahan ka sa mga desisyon mo sa buhay. Alam kong kayang-kaya mong malampasan lahat iyon. Ikaw pa! Ang tibay-tibay mo!" aniya na naiiyak na.
"Inay." ani ko at tumayo mula sa pagkakaupo at tinungo ang kinaroroonan ni Inay. Niyakap siya mula sa likuran and rested my chin to her shoulder.
"Nagpapasalamat po ako sa Diyos dahil biniyayaan ako ng Ina na kagaya niyo. Mahirap man ang buhay pero nandiyan ka para ibigay ang mga pangangailangan ko. Simula ng namatay si itay, ikaw na ang nagsilbing Ama ko. At kung ipapanganak akong muli, ikaw pa rin ang pipiliin kong maging ina." ani ko at pinunasan ang luhang dumausdos sa aking pisngi.
Simula pagkabata, hindi ako nakaranas ng pagmamalupit. Inalagaan at itinuring akong prinsesa ni Inay. Kinaya niya ang lahat para lang mapag-aral ako sa kolehiyo. At utang na loob ko kay inay ang lahat ng mga tagumpay na nakamit ko. Pinisil niya ang braso ko na nakayakap sa kaniya.
"Nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil ikaw ang naging anak ko. Salamat sa lahat anak." aniya.
Naputol ang aming pag-uusap nang biglang tumunog ang doorbell na nasa gate. Binaklas ko ang mga kamay na nakayakap kay inay. Akmang tatayo na si Inay pero pinigilan ko siya.
"Ako na po ang titingin Inay." ani ko at naglakad na patungo sa labas ng bahay.
Mula sa liwanag na nagmumula sa street light na nasa tapat ng bahay. Nakita ko na lalaki ang nakatayo sa may gate.
"Athalia! Kailangan kita ngayon!" aniya na kababakasan ng pag-aalala ang boses.
Boses palang kilalang-kilala ko na. Si Mang Amboy ang tumawag sa pangalan ko. Pero bakit? Anong nangyari? Agad akong lumapit sa kaniya at binuksan ang gate. Nang makalapit ako tinanong ko agad siya.
"Manong Amboy, ikaw po ba iyan? Ano po ang nangyari?" tanong ko.
"Oo anak, ako nga. Si Luke kasi lasing na lasing. Nagwawala at nagbabasag ng gamit sa kwarto. Hindi namin siya mapatahan, anak. Binabanggit niya ang pangalan mo ng paulit-ulit, kaya pinuntahan na kita. Nagbabakasali na kumalma siya kapag nakita ka niya. Dala na rin siguro ng alak kaya nagkakaganoon siya." aniya. Nakaramdam ako ng awa kay Luke dahil sa nalaman, ano ba ang nangyari?
"Tara na po, Manong Amboy. Baka mapano pa siya sa pinaggagawa. Magpapaalam muna ako kay Inay." ani ko. Hahakbang na sana ako patalikod nang magsalita si Inay.
"Narinig ko lahat anak, pumunta na kayo para maabutan niyo siya." ani Inay na nakatayo di kalayuan sa gate.
Tumango ako at tinungo ang passenger's seat ng kotse ni Manong Amboy na may kalumaan na. Sumunod si Manong Amboy at sumakay sa driver's seat tsaka pinaharurot iyon patungo sa mansiyon ng Sebastian.