Chapter Twenty
“Aray... aray... w-wait! Pakibitiwan ang buhok ko! Masakit!”
“Talagang masasaktan ka!”
“Magpapaliwanag ako, Shamia!”
“Magpapaliwanag? Ano pang kailangan mong ipaliwanang na gaga ka!?”
Kahit gigil na gigil pa rin dahil sa ginawa nang mga ito binitiwan na rin niya ang buhok nang mahaderang babae. Kita pa niya ang pagkalaki-laking ngisi ni Kaiser na nakasandal sa pader malapit sa kinaroroonan nila ng magaling na babae. Napansin na rin niya ang paglabas ng dalawa pang babae sa silid ng babaeng sinabunutan niya kanina.
“Chill baby...” lumapit na sa kaniya si Kaiser para pigilan siya sa akmang pagsugod pa sa dalawa. Naka-ngisi pa ang mga ito na tila hindi takot sa anuman ang kaya niyang gawin sa mga ito.
“Mga bruha kayo! Nakakatuwa bang paglaruan ako?” singhal ni Shamia sa tatlo.
“Yeah! Lalo nang pumayag kang magsama kayo ni Kaiser sa iisang silid.” Halata pa talaga ang pang-aasar sa mukha at sa tono ng boses ni Krystaleen.
Yes! Ang mga bruha niyang kaibigan ang lumabas sa silid na katabi ng hotel suite na inu-okupa niya. Ang lakas ng loob nang mga ito na sabihing may kaniya-kaniyang emergency kaya hindi makakapunta at makakasama sa outing nila, iyon pala nasa kabilang silid lamang at naghihintay nang resulta sa mga plano nang mga ito na talaga namang gumana at nag-tagumpay.
Walang pakundangan na yumakap sa dalaga si Lourine na may malisosyang mga tingin. “Masarap ba?” agad niyang nabatukan ang babae dahil sa klase ng tanong nito.
Mangisay-ngisay naman sa kilig si Krysta at Ysa na narinig ang tanong ni Lourine. Nagkukurutan pa ang mga ito at may pahampas pa sa kaniyang balikat.
Narinig rin niya ang tawa ni Kaiser na nahalo sa malakas na halakhak ni Ysa at Krysta. “Guys! Kain na tayo. Nagugutom na iyan kanina pa baka tayo na ang kainin niyan pag hindi pa siya na-bigyan ng pagkain. Alam niyo na... pagod!”
“Akala ko ba ‘insan pinakain mo na iyan?” ani Ysa.
Tumawa muna si Kaiser bago sumagot. “Yes. Kaya lang hindi yata na-kontento.”
Buwisit na mga ‘to. Kung makapag-usap akala mo wala siya sa harap nang mga ito at hindi siya kasabay na naglalakad para humanap ng restaurant na maka-kainan.
“Ano ba yan? Sabik na sabik?” patuloy na pang-aasar ni Krysta. “Can’t wait?”
“What do you mean, Krysta?” usisa ni Lourine na animo walang alam. Ang galing talaga magkunwari nang mga kaibigan niya. Ang galing manloko, heto nga siya at nagsilbing halimbawa nang mga ito sa galing magplano at manloko ng tao.
“You know what I mean,” Anito na bahagya siyang inginuso. Agad naman itong nasundan nang halakhakan sa kanilang mga kasama. Siya nama’y hindi na malaman ang gagawin, tatakbo ba siya palayo sa mga ito o huwag na lang pansinin ang kwela niyang mga kaibigan?
Ngunit sigurado niyang hindi naman niya iyon magagawa dahil sa higpit nang akbay ni Kaiser sa balikat niya at kapit pa nito ang kaliwang kamay nang dalaga. Animo natutunugan ang kaniyang planong gawin.
“Mga buwisit talaga kayo! Pinagtutulungan niyo na ako!” hindi na niya napigilang singhal sa mga kasama. Ilang beses pa niyang pinagha-hampas ang binata na sinasalag lamang nito at sinisiguro na hindi siya makakalayo. Kaya inirapan niya na lamang ang lalaki.
Muli niyang narinig ang malutong na tawa ni Kaiser. Ang sarap pakinggan. Na-miss niya talaga ang halakhak nang lalaki. Na-miss niya ang lahat sa binata.
“Na-miss ka lang nyan ‘insan!” gatong ni Ysa.
Sa pagka-irita ni Shamia sa mga ito ay nauna na siya sa pagpasok sa resto na napili nilang kainan. Pinakawalan na kasi siya nang binata buhat sa mahigpit na mga hawak at akbay nito. Nasa loob rin lamang ito ng resort nina Ysa.
Totoo nga naman naka-reserve ang buong beach sa kanilang magka-kaibigan dahil wala siyang ibang napansing mga turista kundi mga staff at employee lamang sa resort na abala sa pag-aasikaso sa kanila ganoon din sa mga gagamitin nila sa kanilang activities mamayang magkakaibigan.
Hindi naman nagtagal ay kasunod na rin niya ang apat na panay pa rin ang halakhakan at tukso sa kaniya. Hindi niya pinansin ang mga ito at nauna nang um-order nang lapitan siya nang isang waiter at i-bigay ang menu.
“Nagutom ka talaga, hon?” ani Kai na umupo sa tabi niya idinantay pa ang kanang braso sa likod ng upuan niya. Kaya naman parang naka-akbay na rin ito sa kaniya. Ang maliit na ginawa na iyon ng binata ay hindi pa rin nakalampas sa kaniyang mga kaibigan. Kaniya-kaniya na naman ng tukso ang mga ito sa kanilang dalawa ng binata.
“Ang dami niyong tawag sa isa’t-isa! Ano ba talaga ang totoo dun?” Hayan na naman ang pang-aasar nang kaniyang mga kaibigan. Sandali lamang nanahimik dahil sa pag-order. At ang mga bruha sandamakmak na pagkain ang in-order.
Hindi niya pinansin ang mga ito pati na rin si Kai dahil pinagtuunan na niya nang pansin ay ang pagkain. Talagang nagugutom na siya kaya wala na siyang pakialam sa mga kasama.
He’s extra sweet now, maybe bumabawi talaga ang binata sa mga nangyari sa nakaraan. Maya’t-maya nitong tini-check kung may pagkain pa ba siya sa plato o titingnan kung may dumi siya sa mukha o sa gilid nang kaniyang mga labi. Maya’t maya rin siya nitong tinatanong kung may gusto pa ba siyang kainin, at kung anu-ano pa.
Hindi na nila napapansin pa ang masamang tingin sa kanila nang tatlo pa nilang kasama. At ang halinhinang eksaheradang tikhim nang mga ito. Nagpapapansin.
Ngunit habang patagal nang patagal ang pagsasama nila nang binata sa resort hindi niya maiwasang alalahanin ang sinabi sa kaniya ni Krysta noon...
“Gaga! Babae ka, syempre kailangan mong linawin ang namamagitan sa inyong dalawa. Ano yan? Niyakap at hinalikan ka lang, tapos wala pang label, tabi na agad kayo matulog?” litanya nang kaibigan. “Hindi sa lahat ng oras ginagamit ang ‘action speaks louder than words’.”
Siguro pag natapos na ang bakasyon nila saka na niya ito muling tatanungin kung ano ba talaga sila? At kung ano ang nangyari sa nakaraan?
Ayaw niyang sirain ang magandang nangyayari sa ngayon. She’ll cherish first the moment while it last at hihintayin na muli na silang bumalik sa dati.
I hope for the better outcome of my actions...