Chapter Nineteen

Today is Saturday so it means its friends bonding day.

Naglalaan ang magkakaibigan ng oras upang magkasama-sama. Maliban na lamang kung may mga emergency sa trabaho o di kaya ay nasa ibang bansa for business matters.

Maaga siyang nagising dahil napag-usapan nila na ang venue sa today’s bonding ay sa beach resort nang kaibigang si Ysabell sa Batangas. Naka-reserve na raw ang buong resort para sa kanilang magkakaibigan. Ganoon talaga ang ginagawa nila kapag gusto nang buong barkada ng out of town trip. Noong nakaraan ay sa hacienda Sandler nila napiling mag-bakasyon. Mayroon pang isang rest house doon na ginagamit lamang kapag bumibisita ang mga kamag-anak nang mga Sandler. Doon nais nang mga ito na maglagi kapag umuuwi ng bansa.

Maagang umalis ang dalaga para sa mahaba-habang biyahe. Hindi na rin niya isinama ang mga bodyguards. Nagpaalam naman siya sa magulang and thankfully pumayag ang mag ito ng walang pagdadalawang isip. Weird!

Malayo-layo rin ang biyahe kaya nag-stop over muna ang dalaga sa isang restaurant na nadaanan upang kumain. Tinawagan niya na rin sina Ysa at sinabing nasa biyahe na siya. Ganoon din naman ang sagot nang mag ito.

Muli siyang nagmaneho at bumiyahe patungong Batangas kung saan ang lokasyon ng resort.

Malapit na siya sa resort ng mapansin niya ang isang sasakyan na nakasunod sa kaniya. Kanina pa niya napapansin na nakabuntot lamang sa hulihan ng sasakyan niya ito. Binibigyan niya ito ng space at pinababagal rin ang pagmamaneho para maka-over take pero nanatili itong nasa hulihan lamang nang kaniyang sasakyan.

Maging sa pagliko nang dalaga sa daan na patungo sa resort ay nakasunod ito. Maari kayang isa sa mga bakasyunista sa resort nila Ysa? Pero naka-reserve iyon. Sino naman kaya ang isang ito? Pero ang ipinagtataka niya hindi manlang siya nakararamdam ng takot at kaba na maaring masamang loob ang nakasunod sa kaniya.

Pero in fairness sa masamang loob na ito ang ganda ng sasakyan. Black Sedan.

Papasok na ang sasakyan nang dalaga sa beach resort ng matigilan at muling sinulyapan ang sasakyan na nasa hulihan pa rin na akmang papasok rin.

Black Sedan? She looked at the plate number and viola she’s right. Isa ito sa sasakyan ni Ysa. Posible bang si Ysa ito? Pero ang sabi nang dalaga ay nauna na ito.

Posible kayang...? Nagoyo siya? Hindi naman siguro.

Ipinark niya ang sasakyan sa entrance ng villa saka bumaba at kinuha ang mga gamit niya. Tinulungan naman siya ng isang staff ng Villa at ang isa ay kinuha ang susi ng sasakyan para i-park sa parking lot ang sasakyan.

Hindi niya na nalingon pa kung sino nga ba ang sakay ng Black Sedan ni Ysa dahil agad na naglakad papasok ang staff na may dala ng kaniyang mga gamit. Ihinatid siya nang staff sa isang silid.

Agad niyang hinagilap ang phone ng makapasok. Una niyang tinawagan si Lourine.

[“Yes? Nandiyan ka na?”] Nangunot ang noo niya sa bungad nang babae.

“Oo. Nasaan ka na? Akala ko ba nasa biyahe ka na ng tawagan kita kanina?”

[“Oo nga. E kaya lang nasiraan ako ng sasakyan. Kaya tumawag pa ako ng maaring mag-ayos, hindi naman ako marunong nito. Wait ka lang diyan!”]

Tinapos ni Shamia ang tawag at si Krysta naman ang isinunod.

[“Yes darling? Something came up, kaya hindi ako makakasama sa outing. Enjoy!”]

Naguluhan ang dalaga sa sinabi nito. Enjoy? E mag-isa lang siya dito!?

Si Ysabell naman ang kinontak nang dalaga at kapag kung anong excuse rin ang sasabihin nito mabuti pang umuwi na rin lang siya.

Nang sagutin nito ang tawag inunahan na niya ito. “Wag mong sabihing hindi ka rin makakapunta? Sasabunutan ko na kayo!”

[“Ah nahulaan mo!”] anito na tila nang-aasar pa. [“Lo siento Amiga.”]

“Nag-drive ako nang ilang oras para lang sa wala? My god! Pinagod niyo lang ako for the sake of nothing!?” hindi na niya napigilang singhalan ang kaibigan sa kabilang linya.

[“Ano ka ba! Wag kang high-blood---”]

“Paano ako hindi maha-high blood sa ginawa niyo? O ano tatanga ako dito mag-isa? Ang mabuti pa siguro magpasundo na lang ako sa chopper ko at magtrabaho na lang sa opisina.”

[“No no no... May makakasama ka pa rin naman kapalit namin at sure ako mag e-enjoy ka! Bye!”]

Hindi na nito hinintay ang protesta niya at pinatayan siya ng tawag. Mga bruhang iyon! Paano siya mag e-enjoy ng walang kasama?

As if on cue may kumatok sa pinto ng silid na kaniyang inu-ukopa. Kahit na asar pa rin sa ginawa ng mga kaibigan binuksan niya pa rin iyon only to find out Kaiser outside her door.

“What are you doing here?” So, tama siya. Ito nga ang sakay ng sasakyan ni Ysa na nakasunod sa kaniya kanina.

“I’m here to accompany you! Alam ko na hindi makakarating ang mga kaibigan mo kaya ako na lang ang nagprisenta na samahan ka.”

Napairap siya. “O ngayon? Kaya ko naman mag-isa, sanay naman ako nang nag-iisa and worse ng niloloko.”

Sinamaan niya ito ng tingin ng makita niyang malawak ang ngisi nito. “What!?”

“Hugot ba iyon?”

“Ano naman ngayon?”

“Uhh...”

Nangunot ang noo nang dalaga dahil tila nag-aalangan itong magsabi ng kung ano man ang problema. “Ano na naman? Pakibilisan nga! Magpapahinga na ako at nang maka-uwi na rin ako ng maynila.”

“Okupado lahat ng silid and uhh... hindi pa ako nakaka-book ng room.”

Okupado? She thought Ysabella reserve this resort for them bakit dumating lang ang lalaking ‘to naging okupado na lahat? “And now?”

“Pwedeng share na lang tayo? Don’t worry I’ll sleep on the couch for you to be at ease.”

“Hah! Ang pagsasama lang natin sa isang kwarto hindi na ako magiging panatag.”

Bumagsak ang balikat nito. “Okay! Sa sasakyan na lang siguro ako magpapalipas at magpapahinga and then uuwi na rin lang ako.”

Nakonsensiya naman siya dahil sa parinig nang lalaki.

“Okay okay! Fine! Come in.” Wika nang dalaga saka niluwagan ang bukas ng pinto at inanyayahayang pumasok ang binata.

Agad naman na umaliwalas ang bukas nang mukha nito saka excited na pumasok ng silid. Kahit hindi pa niya sinasabihan na maari nitong ilagay sa cabinet ang mga gamit na dala nito nagkusa na itong ilagay ang mga iyon. Itinira nang binata ang space sa gawing kanan ng cabinet para sa mga gamit nang dalaga.

Napagpasiyahan niyang ituloy na lamang ang bakasiyon ngayong araw dahil sayang nga talaga kapag umuwi rin siya na wala manlang napala sa pagbiyahe ng ilang oras. Nagtungo si Shamia sa balkonahe ng silid upang magpa-hangin at mapagmasdan ang magandang tanawin kalakip ang malinis at malinaw na karagatan sa hindi kalayuan at ang mga pinong buhangin na tila kaysarap maglakad ng naka-paa.

“Thank you for letting me stay here with you baby...”

Napalingon ang dalaga sa loob ng silid nang marinig iyon mula kay Kaiser na ngayon ay taimtim siyang pinagmamasdan. Nang magsalubong ang kanilang mga mata tila siya napako sa kinatatayuan. Hindi niya magawang igalaw ang mga paa lalo na nang dahan-dahang maglakad patungo sa kinaroroonan niya ang binata at marahan siyang kinabig patungo sa malapad nitong dibdib at isandig roon.

“I love you, Mam.”

Rinig na rinig niya ang mabilis na tibok ng puso nang binata at tila ayaw pahuli ng kaniyang puso dahil eratiko itong tumibok na tila lalabas na sa kaniyang dibdib.

HINDI alam ni Shamia kung paano sila nauwi sa kama. Magka-yakap na magkatabi habang nakahiga. Nakaunan siya sa kaliwang braso nang lalaki at nakayakap naman ang kanang braso nito sa bewang niya.

“Babe...”

Nahihiyang itinago nang dalaga ang kaniyang mukha sa malapad nitong dibdib dahil tila ngayon lamang nag-sink in sa kaniya ang nangyari.

Narinig pa niya ang tawa nang nang binata. Ngayon niya natanto na sobra niya talagang na-miss ang lalaki. Dahil sa simpleng tawa nito ay nagwawala ang kaniyang puso na tila nais nang lumabas sa kaniyang dibdib.

“Don’t be shy baby... wala namang nakakahiya sa ginawa natin.” He chuckled. “Matagal na naman nating ginagawa iyon ah?”

“Fuck! Shut up!” lalong tumindi ang pamumula ng mukha ni Shamia dahil sa mga pinagsasasabi nito.

Nakakahiya! Niyakap ka lang, bumigay na! Isa kang dakilang marupok! Sermon niya sa sarili.

“Babe?” Inabot ni Kaiser ang mukha nang dalaga at ihinarap sa kaniya. Nakita nang dalaga ang mukha nitong ang laki-laki ng ngisi.

“Ano ba?” singhal ni Shamia para itago ang hiya.

“I love you!” And with that he kissed her. Shamia feels the longing and love on his kisses. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha habang ninanamnam ang halik nang binata na matagal na niyang hinahanap-hanap.

He held her face and gently wipes the tears that keeps falling. “Iyakin mo po.”

Niyakap niya ang binata ng sobrang higpit na tinawanan muna nito saka ginantihan rin ng mas mahigpit na yakap. Naramdaman niya pa ang bahagya nitong paghalik sa tuktok ng kaniyang ulo.

She miss his sweetness so much! She miss his touch! She miss everything about him.

Hindi pa nila napag-uusapan ang mga nangyari sa nakaraan. And she decided to set aside the problem for a while at i-enjoy muna ang mga pangyayari sa kasalukuyan.

“Babe, labas tayo. Hapon na po di na tayo nakapananghalian.” Maya-maya ay reklamo na nito. Minsan talaga hindi niya ito maintindihan. Sometimes he’s sweet and then later on nang-aasar na at panay na ang reklamo. That’s the other thing she missed about him.

“Kasalanan ko?”

“Kasalanan mo talaga! Kung hindi mo ako niyakap hindi tayo malilipasan sa pagkain.”

Kinurot niya ito sa tagiliran na nagpa-igtad sa binata at muntik nang mahulog sa kabilang side ng kama. “Ako pa talaga huh!”

“Hindi ba?”

“Hmm-kay!” wika nang dalaga saka bumangon sa kama at isinuot ang damit nito na una niyang nahagilap sa sahig sa gilid ng kama.

“Joke time baby... Ako po talaga ang may kasalanan. I can’t resist you po e!”

Natawa si Shamia dahil sa kakonyohan nang lalaki. Ganoon ito noon kapag nag-aasaran sila and gladly, siya pa rin ang panalo sa huli. And I’m happy na hindi pa rin siya nagbabago.

“Ewan sa’yo! Bangon na, nagugutom na ako.” hinila niya ang binata para mapilitan na itong bumangon sa kama. Tiningnan niya ang oras sa cellphone na nasa ibabaw ng night stand. Nakasaad doon na alas tres na nang hapon. Alas nueve siya dumating sa resort and suddenly it’s now already three in the afternoon. It so sudden. At may kasama pa siya sa silid.

Nakita pa niya ang lockscreen ng telepono and she’s sure it wasn’t her’s. Tinitigan niyang mabuti ang larawan at natanto niyang siya ang nasa lockscreen ng cellphone nang lalaki. How sweet of him! Hindi pa rin pala nito pinapalitan ang lockscreen na isinet niya for him noon.

“Tagal!” reklamo niya dahil ang kupad ni Kaiser kumilos.

“Napagod po kasi ako kanina!” muling nag-init ang mukha nang dalaga sa bigla nitong saad. “Wanna join me to shower to conserve the water.”

Inirapan niya ito saka nagtungo sa cabinet at kumuha ng isang white plain t-shirt at isang maong shorts kasama rin ang one piece swimwear. Saka inunahan niya ito patungo sa banyo at agad na ini-lock ang pinto.

“Shamia! Sabay tayo di ba?” rinig niyang sigaw nang binata sa labas ng pinto.

“Pagod ka po di ba? Pahinga ka na lang wag ka na sumama. Kaya ko naman pong mag-isa.” Sagot niya saka hindi na pinansin pa ang lalaki na panay pa rin ang sigaw at reklamo sa labas ng pinto ng banyo. Mabilis lang siyang naligo dahil ramdam niya na ang pagkalam ng sikmura. Damn! I’m really hungry.

Nang makalabas ng banyo ang dalaga nakita niya si Kaiser na nakaupo sa gilid ng kama at mukhang nakaligo na.

Nagtataka niyang tinanong ang lalaki. “San ka naligo? O nagbasa ka lang ng buhok?”

“Yuck huh!” react nito. “Nakiligo ako sa kabilang hotel room.”

Anak ng! “Sinong tao sa kabila?”

“Huh? Babae! Ang ganda nga, mukha siyang model, o artista ba? Ewan. Hindi ko sure! Basta maganda siya.” Habang sinasabi iyon nang binata ay pasama naman ng pasama ang hilatsa ng mukha ni Shamia na tila hindi nito napapansin dahil super oblivious ito sa nakita nitong magandang babae sa kabilang hotel suit.

Nagmamadali niyang hinagilap ang cellphone at wallet para makalabas na agad siya sa silid. Hindi niya matagalan ang naririnig sa bibig nang hinayupak na lalaki. “Then go to her. Doon ka na lang.”

Nanggigigil siya habang nagdadabog na lumabas ng silid. Hindi na niya pinakinggan ang pagtawag nito. Saktong paglabas niya ng hotel suite ay ang pagbukas rin ng katabing silid na sigurado siyang ang sinasabing silid ni Kaiser na pinaliguan nito.

Nagulat siya ng makilala kung sino ang lumabas mula sa katabing silid. Nagmamadali pa nitong isinara ang pinto at akmang papasok pero huli na, nakita na niya at nahagilap na niya ang lapastangan.

Damn her!

Agad niyang hinablot ang buhok nang babae.