Chapter Twenty One
“Sarap talaga kapag libre!” Matapos kumain ay agad na komento ni Krystaleen. Kahit kailan talaga kung umasta ang babae parang hindi kumikita ng milyones.
“Kapal talaga ng mukha mo!” Pambabara agad ni Ysa dahil ito ang nanlibre ngayon. Hindi na sila nito pinagbayad dahil natural ini-reserve nito ang buong beach resort para sa bonding nila.
Kasalukuyan silang naglalakad-lakad sa dalampasigan. Nauuna ang tatlo sa paglalakad samantalang sila ni Kai ay nasa hulihan. Panaka-nakang lumilingon si Lourine sa banda nang magkasintahan at nahuhuli niyang kinukuhanan sila nito ng litrato gamit ang kaniyang white cannon DSLR.
“Air drop the picture to me later, uh!” nagulat si Shamia ng magsalita ang lalaki sa kaniyang tabi.
“Sure! With pleasure.” Lou said then wink at her.
“Post mo sa IG mo Kai uh! I’ll check it later.” Sulsol naman ni Krysta.
Kaiser scratch his forehead before answering. “Uhh... I don’t have any social media accounts.”
“What? For real?” gulat niyang tanong.
“Yes! But if it’s really needed to post our pictures I gladly make one.” Kaiser answer that earned teases from her friends.
“Cheesy ehy!” Ysa commented. “Keso ka pala ‘insan? Sorry ngayon ko lang nalaman .” anito na sinabayan pa ng halakhak.
Hanggang sa maka-uwi ang magkakaibigan sa hotel hindi na tinantanan pa ng mga girls si Kaiser, as if naman na hindi pa alam nang mga ito iyon. Pero yung totoo mas lalong naging open ang binata sa mga kasama not like the last time na masiyado itong tahimik na kung hindi dadaldalin ni Krysta hindi magsasalita manlang.
Maybe because he’s the bodyguard but not now, kaya naipakikita na nang binata ang totoo niton pagkatao. Hindi tulad noon na parang de numero ang bawat galaw. Maybe for being an ex-military guy.
Nang makapasok sa hotel room agad siyang nagtungo sa bathroom para maligo. She feel so stinky because of sweat dahil sa paglalakad nila sa seashore. Hindi naman siya nagtagal sa bathroom dahil gagamit rin ang kasama niya sa kwarto. Tinutuyo niya ang buhok ng maliit na towel nang salubungin siya nang binata at agad na niyakap. What the heck?
“Is there any problem?” nagtataka niyang tanong sa lalaki dahil bigla-bigla na lamang itong yayakap.
“Can we stay here for another day?”
What? They’ll going to extend the vacation? “Bakit?”
“I just want to be with you even for just a day. Yung tayong dalawa lang...”
“Pero marami akong trabaho sa opisina. Matatambakan na naman ako ng mga papeles doon.”
“Please... baka kasi kapag bumalik na tayo sa syudad hindi na naman kita malapitan, hindi na kita makausap, hindi na kita mayakap!” he said with cracked voice.
Is he crying? Nasagot ang tanong nang dalaga ng maramdaman niya ang tila pagkabasa ng kaniyang balikat na tanging manipis na roba lamang ang tabing.
“What are you saying? Bakit? W-why?” naguguluhan na talaga siya sa ikinikilos nang binata. Kanina lamang ay ayos silang nag-uusap.
“Ibabalik na naman nang pamilya mo ang mga bodyguards mo at bantay-sarado ka na naman. Hindi na naman kita malalapitan at makakausap. Babalik na naman ba ako sa pag-tanaw na lang sayo?”
“Of course not! We’re going to meet even we’re going back to Manila.” Paliwanang niya sa binata at sinuklian ito nang ng mas mahigpit na yakap. “Ngayon pa ba na na-realize ko na mas matimbang pa rin ang pagmamahal kaysa sa galit? No! magkikita pa rin tayo.”
Nakita ni Shamia ang pagkinang ng mga mata nito dahil sa sinabi niya. “Really? How about your parents?”
“Hindi naman sila nakikialam sa mga desisyon ko Kai, alam mo yan! At kung makialam sila, ipaglalaban kita!” muli siya nitong niyakap ng sobrang higpit. Mahihiyang dumaan sa pagitan nilang dalawa ang hangin.
“I love you babe...”
“I love you too Kai.” And with that she kiss him with passion and longing. But it was interrupted when they heard a knock on the door.
“Istorbo yun ah...” natawa siya sa himutok ng binata. Pero agad din naman itong nagtungo sa pinto para pagbuksan ang istorbo. Agad din itong nagbalik at hinigit siya patungo sa kama.
“O ano raw? Sino yun?” tanong nang dalaga habang nakaunan siya sa dibdib nito.
“Si Ysa nagpaalam lang na mauna na silang bumiyahe pauwi. Tayo ba?”
“Uwi na rin tayo. I know may trabaho ka rin.”
“Okay lang naman na mag-absent ako kahit isang araw pa, maiintindihan naman ni tito iyon at saka ang CEO ang kasama ko kaya okay lang.” anito na naka-ngisi pa. Malakas ang loob nito dahil si Ysa ang nag-aya ng bakasyon. Ang babae rin ang sinasabi nitong CEO na kasama. Sa DM Entertainment ito nagta-trabaho which is, si Ysa ang nagpapatakbo.
Makalipas ang ilang minuto nauwi ang grupo sa isang mabining katahimikan. Ninanamnam ang presensya ng isa’t isa. Mahigpit ang yakap nang binata sa kaniya na parang anytime ay maglalaho siya. Umayos siya ng higa sa dibdib nang lalaki at pinakikinggan ang mabilis na kalabog ng puso nang binata. Animo sumasabay ito sa tindi rin ng kabog nang puso ni Shamia.
“Babe...?” mamaya ay basag nito sa katahimikan.
“About the past... I just want to clear my name to you and uhh...” he’s hesitating.
“No no no. Stop right there Kaiser. I don’t want to ---”
“Babe, hear me first huh!” Wika ni Kaiser na bumangon sa kama kaya maging siya ay napabangon na rin. “Gusto ko lang linawin na---”
“No! tapos na iyon babe. Ayoko ng makarinig ng tungkol sa nakaraan. Tapos na iyon! Let’s move on... intindihin natin ay ang hinaharap... please ayoko nang makarinig ng tungkol sa nangyari!” pigil nang dalaga sa akmang pagpapaliwanag nito. “Masaya na naman tayo ngayon so please... iwan na natin ang naging problema natin sa nakaraan huh!” wika niya saka hinawakan ang mukha nag binata. Hinaplos niya iyon habang masuyo siya nitong pinagmamasdan. “I love you!”
Nakakaunawa siya nitong sinang-ayunan sa kaniyang kagustuhan. “I love you too.”
Si Shamia na ang unang humalik sa kasintahan. Nais niyang iparamdam sa binata kung gaano niya ito na-miss.
“SI Ysa ang kumausap sa parents mo para payagan kang sumama sa bakasyon. At idinahilan niya na naka-reserve para sa inyo lamang ang resort at walang mangyayaring masama sa’yo kasi magtatalaga siya ng mga bantay para sa kaligtasan niyong magkakaibigan.”
“Sinungaling!”
Kasalukuyan silang nagbi-biyahe pauwi sa syudad matapos na mag-extend pa sila ng isa pang araw. Ikinu-kwento ni Kai sa dalaga ang taktika kung paano napapayag ni Ysabella ang magulang niya para lumakad ng walang bodyguards. Kaya pala at ease ang mga ito ng magpaalam siya. Hindi lang alam nang mga ito na ang taong iniiwas na makasama niya at makita ay kasabwat sa plano.
Natawa si Kaiser. “Nagulat nga ako nang ayain niya ako na sumama sa bakasyon niyong magkakaibigan. Noong una nagtaka ako bakit ako isasama. Tapos sabi niya gusto niya maging si Cupid. Kaya gumagawa siya ng paraan para magkaayos na tayo.”
“At bakit ka nga pala nakasunod sa akin sa biyahe?” bigla niyang naalala.
“Naka-sunod na ako sa’yo pag-alis mo pa lang sa mansion ng magulang mo. Nasa labas ako ng gate at hinihintay ng lumabas ka at bumiyahe para masundan at mabantayan ka at the same time.”
“Asar ‘to. Mabuti na lang nakilala ko iyong sasakyan ni Ysa na gamit mo. Naku kung hindi tumawag na ako ng pulis at ini-report ka na.”
“Ginawa ko ang lahat para hindi mo ako mapansin na nakasunod sa’yo. Napa-malas nga lang at napansin mo ako hindi pa man nakakarating sa resort.”
Convoy sila sa biyahe dahil kahit naisin raw nito na ipagmaneho siya hindi naman daw nito maaring iwan ang sasakyan ni Ysa sa resort dahil magagalit raw ang pinsan. Kaya ngayon magkausap sila sa telepono. Naka-connect sa speaker ng sasakyan ang cellphone niya kaya malakas niyang naririnig ang boses nang lalaki. Ito nama’y gumagamit raw ng bluetooth earpiece.
“Mia baby... dahan-dahan sa pagmamaneho, parang bumibilis na!”
Tinawanan niya lamang ang sinabi nito. Masyado OA. “Hindi naman ah!”
Hindi rin nagtagal ay nakarating sila sa mansion na pag-aari niya. Hindi na siya dumiretso sa hacienda para maka-iwas sa sermon at imbestiga nang magulang. Hindi niya kayang mag-sinungaling sa mommy niya lalo na at emosyonal ang ina dahil naglilihi pa rin kahit na limang buwan na ang tiyan nito.
“Pasok ka muna Kai.” Aya niya sa binata nang makababa siya sa sasakyan, ganoon din ito. Agad na kinuha nang isa sa tauhan niya ang sasakyan at ipinarada sa garahe sa bandang likuran ng mansion.
“Hindi na Mia... uhh... papasok ako sa trabaho ngayon at baka masesante na ako ni Madam CEO. Alam mo na!” pabiro pa na saad nito saka muling sumakay at nagmaneho palayo.
Ang dalaga nama’y nakangiting pumasok sa loob ng bahay. Nagulat pa siya ng makita niya si Manang Leny na nakatayo sa gitna ng sala at malaki ang ngiting nakaguhit sa mukha. “Mukhang bati na kayo nang binatang iyon ah? Maaliwalas na ang mukha mo.”
“Manang naman e!” nginitian lamang siya nito. “Sige Manang akyat lang ako sa kwarto, bukas na ako papasok sa trabaho tanghali na rin kasi.”
Kinuha niya ang maleta ko at siya na ang nagdala habang paakyat kami sa hagdan. “Mabuti iyang bati na kayo dahil maganda na ang lawas ng iyong mukha! Hindi na palaging parang malungkot at may iniisip.”
“Lawas?”
“Bukas o ekspresiyon Hija! Iyon ang tawag sa amin sa probinsiya.”
Napatango ang dalaga. “Sige Manang, salamat!”
Tumango si Manang saka naglakad na pababa ng hagdan. Dati-rati ay nagboboluntaryo pa itong tutulungan siya sa pag-aayos ng mga damit pero simula ng sabihan niya ito na kaya na niya at hindi na kailangan ng tulong hindi na siya nagtangka pa.
Mabilis na lumipas ang maghapon at magdamag. Kasalukuyan siyang nagbibihis at naghahanda papasok sa opisina. Maraming papeles ang nangangailangan ng kaniyang atensiyon.
Pababa na siya ng hagdan ng tumunog ang telepono niya. Agad niya iyong hinagilap sa loob ng bag na nakasabit sa aking kaliwang balikat.
“Hello?” She answered it without even checking who the caller is.
“Good morning babe!”
“Oh! Hi...”
“Gulat ka?” anang nasa kabilang linya na sinabayan pa ng malakas na halakhak. “Office na?”
“Nope. I’m still here at home.” Wika ni Shamia na ipinagpatuloy na ang pagbaba ng hagdan. Nagtungo siya sa kusina dahil kinawayan na siya ni Manang. “Yes po?”
“Who’s that babe?” narinig niyang tanong ni Kaiser sa kabilang linya.
“Ah si Manang tinawag ako.—bakit po Manang?”
“Kumain ka muna Mia bago pumasok sa trabaho. At iginawa rin kita ng snack para hindi ka magutom habang nagta-trabaho.” Paliwanag nito habang inihahanda ang mesa.
“Sige Mia baby kain ka na muna tawagan kita mamaya. Bye! Love---”
Hindi na niya pinatapos ang sinasabi nang nasa kabilang linya ibinaba na niya ang tawag. Agad siyang kumain ng matapos na ihanda ni Manang ang mesa. Habang kumakain ang snack naman niya ang inihanda nang matanda. Daig pa talaga nito ang mommy niya kung mag-asikaso sa dalaga. Kaya nang magpasya siyang bumukod na sa pamilya dinala niya rin ang matanda.
“Magkikita ba kayo ni Kaiser, Mia?” nagulat siya ng biglang magsalita si Manang. Akala niya lumabas na ito ng kusina.
“Nanggugulat naman kayo Manang e!” napahawak pa siya sa kaniyang dibdib.
“Sus ‘tong batang ‘to magugulatin, nagkabalikan lang at saka iyong boypren.” Nagawa pa siyang tuksuhin ni Manang bago ito tuluyang lumabas na muli ng kusina.
Sa kusina siya kumakain lalo na pag wala naman siyang kasabay. Ayaw niya sa malaking dining room nakakalungkot kumain mag-isa roon. Hindi tulad sa kusina nandito si Manang at minsan ay ang ibang tauhan ng mansion.
Sinimangutan niya si Manang kahit na hindi na naman siya makikita. Siguro’y inihatid na sa sasakyan ang mga gamit niya.
Madali niyang tinapos ang pagkain at nag-toothbrush saka nagtungo na sa labas ng mansion. Nagulat siya sa sasakyang naka-parada at naghihintay. The Lexus LM Minivan.
Bakit iyong sasakyan pa? Marami naman iba sa garahe. “Wala na bang ibang sasakyan sa garahe?” tanong ni Shamia sa driver na nakatayo sa gilid ng sasakyan.
“Meron naman po Mam kaya lang po kina-carwash pa po at saka araw po ngayon ng inspeksiyon sa mga sasakyan niyo Mam. Ito lang pong Van ang hindi kailangang iinpeksiyon dahil hindi naman po ito nagagamit palagi.” Mahabang paliwanag nang driver.
May araw talaga na sabay-sabay na ini-inspeksiyon ang mga sasakyan para sa kaligtasan na rin ng gagamit. Pero ang sabay-sabay na i-carwash? Hindi naman pero bakit ngayon pa nang mga ito naisipan?
Napatingin ang dalaga sa relong nasa bisig. Kinse minutos na lang at huli na naman siya sa pagpasok sa opisina. Kahit na ba sa kaniya ang kompaniyang iyon nakakahiya naman sa mga empleyado na siya pa ang male-late siya na nga itong may sasakyan.
No choice. Sumakay ang dalaga sa sasakyang matagal na niyang iniiwasan. Kung dati-rati gustong-gusto niyang gamitin ang sasakyan na ito dahil sa kumportable, ngunit matapos ang aksidente noon ni hindi na niya ito matingnan man lang dahil naalalaniya ang mga ito. At ipinapagamit niya na lamang ito sa pamamalengke ni Manang o kaya ay may mahalagang pupuntahan ang mga tauhan niya o kaya isa sa mga ito kapag may pupuntahan ang mga ito.
But maybe time really heals all wounds.
Ngayon na nakakausap na niya ulit si Kaiser tulad ng dati siguro naman its also time to forgot all the bad things that happen in the past.
THIRTY minutes later nakarating siya sa lobby ng kompanya. Sinalubong siya nang receptionist.
“Good morning Mam, nasa opisina niyo po ang mg kaibigan niyo.” She informed the boss.
“Okay, thank you.”
Sina Krysta lamang ang ini-expect niyang makikita sa loob ng opisina pero nagulat siya nang maging si Kaiser ay nandoon rin. Prenteng naka-upo sa swivel chair niya sa likod ng mesa.
“What the...”
Agad na tumayo si Kaiser para salubungin siya. “Good morning ulit Mia baby. Kumusta ang biyahe?” anito na pasimpleng umakbay sa kaniya at bumaba sa bewang niya ang mga braso nito.
“Breezy moves cousin pero nakita namin!”
Natawa sina Lourine at Krysta na nakahilata sa sofa. Maging si Kaiser ay naka-ngisi rin.
“So kumusta kayo?” pag-iiwas niya sa topic. Dahil panigurado siya ang iha-hot seat ng mga ito.
“Kayo ang kumusta?” agad na balik-tanong ni Krysta na umayos na sa pagkakaupo sa sofa. Pinalo pa nito ng unan si Lourine para umayos na rin sa pag-upo. Nagkasatan pa ang dalawa saka ibinalik ang atensiyon sa kanilang dalawa nang binata.
Umupo si Shamia sa single sofa malapit kay Ysa. Si Kaiser naman ay umupo sa tabi ni Lourine.
“What’s the real score between the two of you?” Ysa ask seriously.
“We’re together.” Si Kaiser ang sumagot.
“Ang confident huh!” pambabara ni Krysta. “Si Shamia ang tinatanong namin!”
“Yes.” Maiksi niyang sagot. Confirming their relationship.
“Huh? Anong yes?” naguguluhang usisa ni Krysta. Napakamot pa ito sa sentido.
“Ang slow mo talaga Krystaleen kahit kelan.” Pang-aasar ni Lourine na nakatanggap ng batok kay Krysta na inabot pa talaga ito. Dahil napapagitnaan nilang dalawa si Kai. “Yes means sila na! Oo na! Okay na sila! Nagkabalikan na sila! O, ano pa ba ang hindi mo maintindihan?”
Tumayo si Krysta at muling inabot ang buhok ni Lourine at nagsabunutan na ang dalawa sa sofa. Mabuti na lamang at naka-alis si Kaiser sa pagitan ng dalawa. Kung hindi ay naipit na ang binata sa gulo ng dalawang baliw na gumugulong-gulong na ngayon sa carpeted floor ng opisina niya ng mahulog na ang mga ito mula sa sofa.
“Hayaan niyo sila, balik tayo sa interrogation.” Ani Ysa. Dismissing the presence of the two. “Kayo na ulit talaga, Mia? Di ka ba nabibigla lang?”
“Ysabella ano bang klaseng tanong yan!?” sikmat ni Kaiser sa pinsan.
“O e malay mo napilitan lang talaga siya, mabuti na iyong malinaw tayo!”
“Babe tell her hindi ka napipilitan lang, tell her!” turan nang binata na niyugyog pa ang mga braso ni Shamia.
“Oo nga. Totoo! Hindi ako napipilitan lang. I just learned that mas matimbang ang pagmamahal kaysa galit. And I want to move on from the past.”
“E di ba past mo rin si Kaiser?” sabat ni Krysta na tapos na pala makipag-sabunutan.
“Yes. He’s my past...”
“Babe!?”
“Present and future.” she continued. That earned oh’s and yie’s from her friends.
Agad naman siyang niyakap ni Kaiser while sobbing. “I love you.”
“Iyakin mo Bro!” pang-aalaska nina Ysa pero hindi na nila iyon pinansin.
“I love you too baby...”