Chapter Eighteen

It was Friday afternoon. The thought of missing someone is really terrifying. Hindi alam ni Shamia kung bakit, pero bigla na lamang pumasok sa isip niya ang binata habang nakaharap sa laptop to process the on going procedures for the magazine that they’re going to launch this month.

Shit! Why now? Bakit bigla niya na lamang itong na-miss? Siguro’y dahil sa araw-araw na naman itong nambubulabog.

She hate to admit but she like him being around.

“Shit!” Hindi siya makapag-focus sa ginagawa.

Kahit anong gawin niyang pilit sa sarili na ikilos ang katawan at ayusin na ang trabahong nasimulan ay hindi talaga. Nakakainis! He’s invading her senses again.

Naipikit ni Shamia ang mata dahil sa pagkairita. Sumandal siya sa swivel chair at hinilot ang nananakit na ulo. Hinihila na nang kawalan ang isip niya ng bigla namang tumunog ang cellphone na nasa bag niya na nakapatong sa sofa sa kabilang dulo ng opisina.

Padabog na nilapitan ko iyon saka hinagilap ang telepono at sinagot ang tawag na hindi tinitingnan kung sino ang caller.

“Hello?”

“Shamia?”

Napakunot ang noo nang dalaga dahil sa narinig na boses sa kabilang linya. Boses lalaki. Inilayo niya ang telepono sa tenga at tiningnan ang caller ID. Lalong nangunot ang noo ni Shamia na may kasama pang pagtaas ng kilay ng makitang hindi nakarehistro ang numero.

“Who’s this?”

“I miss you!”

Otomatikong kumabog ang puso nang dalaga sa narinig. Damn it! It’s him.

Hindi niya malaman kung puputulin na ba ang tawag ngunit mukhang malabo dahil kahit ang ilayo sa ang telepono ay hindi niya magawa kaya rinig na rinig pa rin niya ang pinagsasasabi nang binata sa kabilang linya.

“Shamia baby... c-can we talk please! I-I miss you so much.” Narinig pa niya ang hikbi nito sa kabilang linya. Parang may sumipa sa dibdib nang dalaga. “Baby, please...”

Hindi pa rin siya sumagot. And she gather all her courage and strength to put the call down. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa binata. Siguro kaunting oras at panahon pa, maari na ulit niyang kausapin at patawarin si Kaiser, yun ay kung magagawa pa nitong maghintay.

Nanghihinang napa-upo ang dalaga sa sofa. Shit! Ang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa pagkarinig pa lamang nang boses na ilang araw na niyang tinitiis na marinig. Walang duda! Mahal ko pa talaga ng gago!

Nakakainis! Lalo siyang nawala sa kondisyong magtrabaho.

Napagpasiyahan ni Shamia na lisanin na ang opisina at magliwaliw sa mall. Hindi niya na rin naman matatapos ang trabaho dahil sa laman nang isip niya.

Naglakad-lakad ang dalaga sa loob ng mall at nagtingin-tingin habang kasunod niya ang limang bodyguard na hindi pa rin iniaalis nang daddy niya. Okay na rin yun para kung makapamili siya mayroon siyang taga-bitbit.

Pumasok siya sa isang boutique ng mga sapatos at high-heels stiletto. Namili siya sa mga nakahilera. Dinampot niya ang isang pares saka nagtungo sa sofa sa gilid at isinukat iyon. Sakto naman ito sa sukat ng kaniyang paa.

“Miss?” tawag niya sa pansin nang sales lady na nakatayo sa isang tabi.

“Mam? nakapili na po kayo?” nakangiting approach nito sa dalaga.

“Ah, yes. I want this one and another pair of color red please.”

“Same size mam?”

“Of course. Ako ang bumibili di ba?” nakairap na sagot niya sa sales lady na tila nahintakutan sa pagtataray nang dalaga.

Habang kumukuha ng isa pang pares ang babae naglibot-libot siyang muli sa loob ng boutique para magtingin kung mayroon pa ba siyang magugustuhan. Dumako ang paningin niya sa labas ng boutique ng may dumaan sa gilid. Sinundan niya iyon ng tingin na sana pala hindi na lang niya ginawa.

Si Kaiser Pineda, may kasamang babae at nagtatawanan pa talaga ang mga ito. Nagngitngit ang kalooban nang dalaga sa nakita. Akala ba niya miss siya nito? Akala ba niya mahal pa rin siya nito? Umasa na naman yata siya sa wala. Kung kailan handa na siyang magpatawad at muli nang tanggapin ang binata saka pa niya makikita ang mga bagay na muling makapagpapabago sa kaniyang desisyon.

Sinundan niya ang mga ito ng tingin hanggang sa makalampas sa boutique kung nasaan siya.

Buwisit!

“Mam eto ---”

“What!?” Bulyaw niya sa sales lady na lumapit. Nahintakutan naman itong yumuko. “Uhh sorry! Nabigla lang ako.”

“Okay lang po, eto na nga po pala iyong isa niyo pang ipinakukuha.”

Kinuha nang dalaga ang dalawang pares ng stiletto saka nagtungo sa counter para magbayad at nang makauwi na, baka masalubong pa niya ang dapat na hindi nararapat.

As usual nakapalibot na naman sa dalaga ang mga bodyguard habang bitbit ang mga shopping bags nang pinamili niya. Hindi pa man siya nakakasakay sa back seat ay may humahangos na lumapit sa gawi nila.

Kaiser Pineda.

“Mia baby... andito ka pala! Hindi kita napansin kanina.” Anitong sinusuri ang mga shopping bags na inilalagay na sa compartment ng sasakyan.

Mia baby? Bakit ang sarap pakinggan? Kaya lang masakit sa dibdib lalo na ng makita niya ang papalapit rin na babae. Iyong kasama nito kanina.

Hindi niya pinansin ang binata bagkus ay tumuloy siya sa pagsakay sa sasakyan. Nang umaandar na ang sasakyan hindi niya napigilang lingunin ang kinaroroonan nang lalaki at nang kasama nitong babae. Naroon pa rin ang mga ito, nakatungo si Kaiser na animo natalo sa pustahan at inaalo naman ito nung babae.

Oh! E di sila na! Banas na wika niya sa sarili kahit na ang totoo ay parang may humahalukay sa kaniyang dibdib.

[“SHAMIA Sandler what did you do to my cousin?”] bungad ni Ysabell nang sagutin ni Shamia ang tawag.

“Istorbo ka!” pabalang niyang turan. Abala siya sa paglalagay ng skincare ng bulabugin siya ng tawag nito.

[“Nakita ka raw niya sa mall, pero bakit malungkot ang hitsura at parang iniwan ng isang bangkang isda. Di ba dapat masaya iyon kasi nakita ka? O baka tinarayan mo na naman?”]

“Kasalanan ko pa ngayon? Ano ba dapat ang ginawa ko?” nakairap na saad niya.

[“Please Shamia, ang tagal na nang alitan niyo! Give him a chance to explain. Para kayong mga sira.”] Tila nanggigigil na wika nito sa kabilang linya. Marahil kung kaharap lamang siya nito sigurado na nasabunutan na siya nang kaibigan. [“Pinapahirapan niyo lang ang mga sarili niyo!”]

Nai-kwento kasi niya sa kaibigan ang nararamdaman niya especially yung time na naiisip niya ang pinsan nito this past few days.

“Wala akong ginawa sa ka---”

[“Owws! E bakit ayon na naman siya sa labas ng bahay at umiinom na naman mag-isa. Simula ng dito siya tumira sa bahay ganyan na iyan. Oo nga’t matino siya kapag nasa opisina pero kapag andito na sa bahay ganoon palagi ang estilo niya. Umiinom mag-isa sa labas ng bahay at kung tatanungin naman hindi sasagot.”]

At oo nga pala. Nagtatrabaho na ito sa kompaniya nina Ysa. Binigyan daw ito ng trabaho nang daddy ni Ysa para makatulong pa rin ito sa pamilya kahit na malayo. Alam na rin kasi nang pamilya Del Mar ang buhay nang isa sa pamilyang inabanduna nang mga ito kaya marahil ay bumabawi.

“Ano ba dapat ang gawin ko? Lumapit sa kaniya at mag-makaawa? Oh no! bakit ako ang gagawa? Ako ba ang may kasalanan?”

[“Sigurado ka ba sa kasalanang ibinibintang mo?”]

“Yes. Di ba nga yung babae niya ang nagsabi sa akin? Makakalimutin ka na ata.”

[“Duh! One-sided lang ang narinig mong kwento no! Kausapin mo na siya. Alam ko naman na mahal mo pa rin si Kai, arte mo lang!”]

“Oo na nga. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa gagong iyon!” singhal ni Shamia. Itinigil na ang paglalagay ng skincare sa katawan dahil sa seryosong usapan. Saka kinuha ang phone na kanina ay inilapag niya sa mesa sa kaniyang tabi para maituloy ang ginagawa. Hindi niya pinatay ang loudspeaker para kahit hindi niya itapat sa tenga ay rinig pa rin niya ang sinsabi nang kaibigan sa kabilang linya. Nagpalakad-lakad si Shamia sa buong kwarto habang bitbit ang telepono at nakikipag-sagutan pa rin sa makulit na kaibigan.

[“Totoo? Mahal mo pa?”] Paulit-ulit?

“Yes. I still love him.” Shamia said almost whispering.

[“I love you too.”]

Halos mabitiwan nang dalaga ang phone nang marinig ang malalim at malamyos na boses mula sa kabilang linya. And she’s sure whose voice is that. Did Ysabella set up me? Narinig pa niya ang tili nang babae na tila nasa tabi lang nito

[“Hello? Mia baby? I still do love you at hindi rin nawala iyon.”]

Kung hindi siya napahawak sa pader sa kaniyang tabi marahil nakasalampak na siya sa sahig dahil sa mga sinasabi ng nasa kabilang linya. Ibig sabihin nakikinig lamang ang lalaki sa usapan nila nang pinsan nito all this time? Fuck Ysabell!

Narinig pa niya ang muling tili ng gaga sa kabilang linya bago nagsalita. [“Oh, ano Shamia? Aarte ka pa ba?”]

Aarte pa ba ako?