Chapter Seventeen
“Miss Shamia dumating na po iyong titulo ng hacienda na binili niyo sa probinsya.” Salubong ni Pia sa dalagang amo nang makapasok ito sa opisina.
After another week pinayagan na rin si Shamia nang magulang na pumasok sa trabaho. Siguro’y naingayan na rin ito dahil sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ngawaan ang ina dahil sobrang tigas ng ulo.
Sinabing huwag ng mag-gagalaw dahil bawal dito. Binawalan na rin kasi ito nang doktor dahil sa sobrang maselan na pagbubuntis nang mommy niya dahil na rin sa katandaan.
“Kailan pa dumating?”
“Kanina lang po. Nasa table niyo na po. May kailangan pa raw po kayong pirmahan para sa pagtitibay.”
“Thank’s.” Tinanguan niya ang sekretarya saka nagtungo sa loob ng opisina.
She found the paper above her table so she signed it immediately.
Tanghali na nang bulabugin siya ng tawag mula sa reception area. Naikonekta na siguro agad ni Pia sa telepono dito sa loob ng kaniyang opisina, so she answer it immediately dahil baka importante. Hindi naman basta-basta nagkokonekta agad ito ng tawag mula sa baba.
“Yes?”
“Mam, may naghahanap po sa inyo dito sa lobby.”
“Who?”
“Kaiser Pineda po, yung dati niyong bodyguard. Nagpipilit po siyang umakyat diyan, ang sabi ko po busy pa po kayo tapos sabi niya maghihintay na lamang raw po siya dito sa lobby hanggang sa hindi ka na busy.”
Napahilot na lamang sa noo ang dalaga dahil sa biglaang pagkirot niyon. Ilang araw lamang siya nitong tinigilan. Akala niya umuwi naang lalaki sa kanila? Sa hindi malamang dahilan ay tila may kung anong mabigat sa dibdib niya ang nawala dahil sa kaalamang hinahanap na naman siya nang lalaki.
Shit! Ano ba itong nararamdaman ko?
“Hayaan niyo siya. Bantayan niyo lang na hindi makaakyat dito yan.”
Sigurado naman siyang hindi rin ito magtatagal sa paghihintay sa kaniya. Kaya hahayaan niya na lamang ito sa paghihintay sa wala.
“Yes Mam. Understood po.”
Muli bumalik sa pagta-trabaho ang dalaga nang matapos ang tawag. Kailangan niyang mabawasan manlang ang trabaho dahil may importante siyang pupuntahan mamaya.
“Mam may nagpa-deliver po ng pagkain para sa’yo raw po.” Ani Pia na pumasok sa silid.
“Pakilagay na lang diyan.”
Akmang tatalikod na ito ng biglang bumalik. “Ah, naipakuha ko na rin po kayo ng gamit sa mansion Mam. At iyong mga tauhan na ipinadala niyo sa binili niyong hacienda ay nakarating na raw po.”
“Okay good. How ‘bout your things?”
“Okay na po.”
“Good. You may go! Ayusin mo na ang trabaho para makaalis na tayo.”
ALAS dos ng hapon ay muling pumasok sa opisina ang kaniyang secretary. “Nasa helipad na po ang chopper Mam.”
“Good. Let’s go!” sabi niya saka nagpatiuna nang lumabas at sumakay ng elevator patungong helipad ng kompaniya.
Hindi pa man tuluyang sumasara ang elevator nakita niya ang isang lalaking humahabol sa pagsasara nito. Sa gulat niya ay napaatras pa siya pero sa kabutihang palad ay hindi naman ito nakaabot pa.
Anong ginagawa nito sa itaas? Natakasan ba nito ang bantay sa ibaba? Eksaktong pagsakay ni Shamia sa chopper ay ang paglabas din nito sa pinto ng rooftop.
“Shamia!!” sigaw nito.
“Mam? si Kaiser yan di ba? Hindi mo pa rin ba siya kakausapin?” usisa ni Pia.
Hindi pinansin nang dalaga ang sinabi nito bagkus ay pinanood niya ang pagsigaw ni Kaiser sa rooftop na tinangka pang habulin ang sasakyang panghimpapawid hanggang sa umabot ito sa gilid ng rooftop na kaunting galaw ay siguradong mahuhulog na.
The fuck! Gago ba siya?
Tinanaw niya lamang ang lalaki hanggang sa makalayo na nang tuluyan ang sasakyang pang-himpapawid.
Ilang minuto pa ay nakarating ang dalawa sa hacienda na kaniyang binili. Kahit na walang helipad na maaring paglapagan ng chopper ay okay lamang dahil maari naman itong bumaba kahit na sa niyugan.
Lumapag ang sasakyang panghimpapawid malapit sa rest house nang hacienda. Kaya naman pagbaba pa lamang nang dalaga sumalubong na sa kaniyang paningin ang mga trabahador ng hacienda.
Hinanap niya ang ilang partikular na mukha at hindi siya nabigo. Nandoon ang mga ito sa bandang hulihan ng mga tauhan.
Karlito. Belinda. Kobe. Kharis.
Kumakaway pa si Kharis sa kaniya at akmang tatakbo papalapit ngunit agad naharang ng mga tauhan na nauna na dito.
Yes! Ang haciendang tinitirahan nang mga Pineda ang siyang kaniyang binili. She don’t know what’s gotten into her at naisipan niyang itong bilihin.
Nagdiretso si Shamia sa resthouse na dati ay open sa lahat ngunit ngayon na pag-aari na niya ito hindi na iyon mangyayari.
“Mam nakuha na po namin ang plano sa pagpapa-renovate ng bahay. At sinisimulan na po ang pagtatayo ng gate sa bukana ng lupain. Ganoon din po ang guard house na ipatatayo malapit sa gate.”
Salubong sa dalaga nang isa sa tao na kinuha niyang makakatulong sa buong renovation ng bahay. “Okay good.”
“At tulad din po nang inyong nais, ipinatawag na po namin ang lahat ng tao na nakatira sa sakop ng hacienda.”
“Give me a minute to rest, please!”
Agad naman itong tumalima. Kinausap nito ang mga tauhan na gagawa sa lahat upang mapabilis na ang trabaho. Sila naman nang kaniyang sekretarya ay aalis rin mamaya kapag nakausap na nila ang lahat ng tao.
Habang nagpapahinga ay tinawagan niya ang ina. Baka kung ano na naman ang ginagawa nito.
[“Hello Mia? Okay lang ako, hindi ako kumikilos manlang, nakaupo lang ako dito sa sala.”] Agad nitong paliwanag nang sagutin ang tawag.
“Siguraduhin mo lang mommy. Baka kung ano na naman ang ginagawa mo huh!” masiyado pa naman itong pasaway.
[“Hindi, hindi... kahit kausapin at tanungin mo pa si Nel.”] tukoy nito sa asawa nang kuya niya. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil nandoon naman pala ito at may magbabantay.
“Okay. Bye!” paalam ni Shamia saka agad na pinatay ang tawag at tumayo na upang makausap na ang mga tao. At nang makaalis ng rin siya sa lugar na iyon.
“Pia, where are you?” hanap niya sa secretary na nawala na lang sa kaniyang tabi sa sofa.
Lumabas ang dalaga sa rest house at naabutan niya ang babae na nakikipag-kwentuhan sa mga tao sa labas.
“Mam Shamia, meeting na po tayo?”
“Yes.”
Bumaling muli ito sa mga kausap. “Settle down everyone. We’re going to start the meeting.”
Kaniya-kaniya namang hanap ng upuan ang lahat na nagkakagulo pa.
“Try to minimize your voice. I don’t want the noise.” Malamig na turan ni Shamia. Lalo na at nakita niya ang mukha ng babae ni Kaiser na katabi ang pamilya ng lalaki.
What is she doing here? Dito na rin siya nakatira? Kunot-noo niyang tanong sa sarili. Akala niya ba taga kabilang barangay ito? So, all along taga rito rin ang babae sa hacienda?
“Good afternoon po sa inyo.” Bati ni Pia sa mga tao. Nanatili namang nakatayo sa harap si Shamia. “This is Miss Shamia Gyllette San---”
Naputol ang pagpapakilala ni Ms. Alvaro ng sumabat ang babae. “We know her! Hindi mo na siya kailangang ipakilala pa, you know nanggaling na siya dito once, right Shamia?”
Ang lakas talaga ng loob ng babaeng ito. Nakakapang-gigil.
“Yes.” Balewala niyang sagot.
Ngumisi naman ito. Habang ang mga tao ay naguguluhan sa pagsasagutan nila nang babae. Alam niyang kilala na siya ng ilan sa mga tauhan sa hacienda pero hindi lahat. Dahil kahit na nagtagal siya ng ilang araw dito hindi naman siya gaanong lumalabas. Because? Ah! I don’t want to remember.
“Umalis na di ba? Bakit bumalik pa? Para maghabol?”
Nginisihan ni Shamia ang sinabi nang babae sa likod. “Walang personalan, negosyo lang.” At sinenyasan niya si Pia to continue.
“Ahm... As I was saying. This is Miss Sandler, and she’s the new owner of the Hacienda and---”
“I want all of those who are not included in my place, out!”
Nagkaroon nang komosyon dahil sa kaniyang sinabi. Maging ang magkapatid na Pineda ay napatayo pero hindi niya pinansin ang mga ito. Si Pia naman ay nagtatakang napatingin sa kaniya. Hindi naman kasi iyon ang napag-usapan nila kanina bago sila bumiyahe.
Kaniya-kaniya ang mga ito ng nais ipahayag at nais na sabihin. Ngunit hindi niya binigyan nang pagkakataon ang mga ito.
“Now? I have here the new rules in this place. Pia, where is it?”
Agad namang tumalima ang sekretarya para iabot sa amo ang iPad na naglalaman ng rules.
“First of all, lahat ng nakikitira lamang at hindi naman mga tauhan sa loob ay ninanais kong umalis, I’ll give you a month to leave.”
“Pero Mam, wala naman po kaming mapupuntahan.”
“Isang buwan? Saan naman po kami makakahanap ng bagong tirahan sa loob ng isang buwan?”
Kaniya-kaniya ang mga ito sa pagsasalita ngunit iisa lamang ang nais nila. Pagtutol. Pero ang tumatak sa isip niya ay ang sinabi nang babae ni Kaiser. “Hindi naman ata makatarungan yan! Hindi kami aalis! Paano kami nakakasigurado na nabili mo na nga ang hacienda?”
Nag-init ang kaniyang ulo dahil sa sinabi nito. She smirk. “Nag-aral ka ba talaga? You acted like an elementary graduate.”
Sinenyasan niya muli si Pia. Agad naman nitong kinuha ang kopya ng titulo saka iniabot sa babae. Tila napahiya naman ito nang makita ang titulo.
“Ganito na lang, lahat ng gustong manatili dito ay pipirma sa kontrata at susunod sa mga regulasyon sa loob ng lugar na ito. At gagawa ng trabaho sa hacienda.” Paliwanag ni Shamia sa lahat.
Sumang-ayon naman halos lahat. “Okay. It’s settled then!”
Tinalikuran niya ang lahat nang tao sa labas ng rest house matapos ang usapan. Kaagad sumunod si Pia. Kinausap muna niya ang mga tauhan na maiiwan roon. Ipinaliwanag niya ang mga nais niyang mangyari sa malawak na lupain.
Ipinaliwanag ni Shamia ang gusto niyang mangyari sa bahay. Ang paglalagay ng second floor sa bahay pero ang buong palapag ay isang kwarto lamang. Palalagyan rin niya ng helipad sa bandang likuran ng bahay para sa chopper.
Idadagdag rin niya sa mga tauhan na nag-aalaga ng mga hayop at pananim ang mga bagong tauhan na ayaw umalis ng hacienda. Marami siyang nais baguhin sa lugar. Tulad na rin nang maraming kung sinu-sinong pumapasok sa lugar. She want this place to be private from anyone whose not belong.
“YES mom, pauwi na ako.”
[“Bilisan mo hah, gabi na naman kung nasaan ka pa. Dito ka sa bahay dumiretso ha, huwag sa bahay mo. Ako ang nagluto.”]
Napailing na siya dahil sa sinabi nito. “Mom! I told you to stay still!”
[“Anak katulong ko naman sa pagluluto ang daddy mo kaya okay lang.”]
“Mom...”
[“Just go home safe okay, Bye!”]
Agad siya nitong binabaan ng telepono. Alam nama niyang umiiwas lamang ito sa sermon. Ipinikit nang dalaga ang mga mata upang sandali makapagpahinga. Wala naman siyang ginawa sa lugar pero pakiramdam niya pagod na pagod siya.
Hindi na siya nag-abala pa na kausapin sina Kharis kanina, hindi pa niya kayang humarap sa kahit na sino na malapit sa lalaking pinaka-iiwas iwasan niya. Kaya matapos ang kaniyang pakay sa lugar agad din siyang sumakay ng chopper at nag-aya na para umalis.
I promise I’ll come back.