Chapter Sixteen
She was in her office when her friends arrived. Sunod-sunod dumating ang mga ito at isa-isa siyang niyakap. Maliban kay Ysabell.
“Oh my god! Are you okay?” agad na usisa ni Krysta. Na sinusuri pa siya.
“Kumusta ka?” tanong naman ni Lourine na nakaupo na sa harap ng kaniyang table.
“I’m fine.” Sagot ni Shamia saka isa-isa ang mga itong nginitian. “OA niyo lang. Halos isang buwan na akong nakalabas ng ospital ngayon lang kayo nag-pakita sa akin tapos kung makatanong kayo diyan!”
“Sorry! Na-busy kami eh. At saka nagvi-video call naman tayo e, kaya okay na iyon.” Nagsisimula na naman si Krysta sa pagtatalak. And as usual tahimik naman si Lourine and si Ysabell tahimik din na hindi naman nito ugali.
“Alam namin na okay ka physically but how ‘bout emotionally Mia?” maya-maya ay muling tanong ni Lourine na nagpatahimik sa dalaga. Hindi niya maapuhap ang dapat na isagot. Dahil alam niya sa sarili na hindi pa din siya okay.
Nang makausap niya si Kaiser noong nakaraan sa CR hindi na muli ito nagpakita. Iniisip niya na siguro sumuko na ito at bumalik na sa pamilya nito sa probinsiya. Ganoon ba ito kadaling sumuko sa pagsuyo sa kaniya? Pakiramdam tuloy niya totoo iyong sinabi sa kaniya ng babae sa probinsiya nang mga ito.
Siguro hinabol siya nito dito para makipag-ayos at magawa nito ang balak na sinasabi nang babae pero hindi siya pumayag na makipag-ayos kaya siguro sumuko na ito.
Kaunting suyo pa sana nito bsa kaniya ay bibigay na siya. Pero nasaan ito, sumuko na at hindi na muling nagpakita. Dahil doon ay lalong nagatungan ang galit niya sa lalaki and theirs an idea pop in her head.
“Shamia?”
“Huh!?”
Nakita niya si ni Krysta na naka-dukwang na sa mesa niya, si Lourine at Ysabell ay nag-aalala na nakatingin din sa kaniya.
May inabot si Krysta sa mukha ni Shamia at pinahid iyon.
Luha.
“Are you okay?”
Hindi niya alam na sa kakaisip ay nag-aaksaya na naman siya ng luha para sa lalaking iyon.
“Okay lang ako.”
Napatingin siya kay Ysabell ng bumuntong-hininga ito. At tila may nais sabihin.
“What is it Ysa? May sasabihin ka? Kanina ka pa tahimik diyan?” wika niya.
“A-ahmm! Kasi...”
Si Krysta naman ang nag-usisa dahil inaayos pa niya ang sarili. Ganoon din ang kaniyang mga gamit. Hindi siya pwedeng magtagal sa opisina dahil tumakas lamang siya. Kapag nalaman nang mga magulang niya na nagpunta siya sa opisina pagagalitan na naman siya tulad ng nangyari ng lumabas siya nang walang paalam.
“Ano Ysa?”
“Sa amin tumutuloy si Kai.” Anitong nakayuko. “This past month sa bahay siya tumutuloy. But I swear kahapon ko lang nalaman kasi kakauwi ko lang from business trip.”
Ang dalaga ang palaging pinapadala nang pamilya sa mga out of town business trip.
“What do you mean?” kunot-noo kong tanong. Anong sa kanila tumutuloy?
“Kwento kasi ni Daddy may tumawag daw sa kaniya sinasabi na paki-tingnan si Kai kasi nga sumunod daw sa’yo and mag-kaaway nga daw kayo, pero hindi naman sumunod si Dad kasi nga... Hello! Di naman daw niya kilala, at nung nagpakilala daw iyong tumawag it turns out na iyong kapatid daw nila dad na itinakwil iyon, si Tita Belinda, kaya hinanap nila si Kai at sa bahay pinatuloy kasi ayaw na daw umalis sa harap ng hacienda niyo at ng bahay mo.”
Natahimik si Shamia sa narinig. Really? So it’s true then?
“Oww, that’s a big revelation huh!”
Kahit na gulat sa narinig ay hindi niya naiwasan na matawa sa sinabi ni Krysta.
“Yeah, but you don’t even look shocked huh!” sikmat ni Lourine. Akala ni Shamia hindi ito nakikinig dahil busy sa kakadutdot sa telepono nito.
“So anong plano mo Sham?” baling ni Ysa sa dalaga na hindi maipaliwanag ang hitsura. “I know pinsan ko siya pero kung may ginawa siyang bad sa’yo, I don’t hesitate to abandon him and be with you instead.”
“So, may plano kang tulungan si Kaiser?”
“Ahmm... not really!” At ang gaga pilit pang tumawa na animo balewala.
“Okay lang na tulungan mo siya pero FO na tayo!” nalukot ang mukha nito dahil sa tinuran ni Shamia. “Joke.” Pahabol niyang sabi saka nag-peace sign sa kausap.
Medyo magaan na din ang pakiramdam niya despite of what she’ve learned about him, living in with the Del Mar’s.
NASA mayor pa lamang ang dalaga ng mansion pero rinig na niya ang patiling boses nang mommy niya na sumalubong sa dalaga. “Saan ka na naman galing na babae ka huh!? Sabi ko sa’yo magpaalam ka at ng masamahan ka!”
“Mommy I’m okay! May kinuha lang ako sa opisina. At saka may kasama ako.” paliwanag niya na iminuwestra ang isang bodyguard na kasunod niya sa pagpasok.
“Oo nga, pero dapat may kasama ka ring pamilya, sinamahan sana kita!”
Inirapan niya ang ina dahil sa biglang pagka-irita. Ang matinis na boses nito ay tila umuukilkil sa kasulok-sulukan ng kaniyang tenga. “Mom! Please... pamilya ko rin naman sila ahh! At saka may kinuha nga lang ako!”
“Aba’t! may gana ka pang paputian ako ng mata hah! Bakit natagalan ka? Inabot ka ng hapon kung may kinuha ka nga lang?” nairita na rin siguro ito sa dalaga dahil hinagilap siya nito at hinila ng bahagya ang buhok niya.
Sasagot pa sana siya nang sumulpot ang daddy niya sa pinto mula sa kusina.
“Tama na iyan sweetie, ready na ang hapunan.” Nabaling doon ang atensiyon nilang mag-ina.
“Magbihis ka na Mia, maghahapunan na tayo! Ang daddy mo ang nagluto.”
Sa narinig agad siyang umakyat patungo sa sariling silid at dali-daling nagbihis pagkatapos ay mabilis rin na nagtungo sa dining room kung nasaan na ang pamilya.
Her Dad never cooks often, kaya nagtataka siya and at the same time na e-excite. Nagluluto lamang ito kapag hiniling nang asawa at hindi nito iyon mahindian.
“Oh, nandito na ang bunso natin, halika! Upo na at nang makakain na tayo.” Salubong sa kaniya nang Daddy niya. Masaya at maaliwalas ang bukas ng mukha nito. Madalas ay stressed ito sa trabaho pero ngayon mukhang sayang-saya ito.
“Mukhang masaya kayo ngayon ah? Hindi stressed sa work?”
“Kahit stressed basta may masayang balita, panalong-panalo!”
“Ano bang meron? Kuya?” baling niya sa Kuya niya na abala sa pag-aasikaso sa pamangkin niya. Sinagot naman siya nito ng isang kibit-balikat saka muling ibinaling ang atensiyon sa anak.
Tiningnan niya rin ang asawa nang kapatid, ngunit ganoon din ang sagot sa dalaga.
Tila wala nga itong mga ideya sa ipinakikitang saya ng kanilang mga magulang.
Nang walang makuhang sagot ay muli niyang binalingan ang magulang na kulang na lang ay kuminang ang mga mata sa labis na kasiyahan. “What now? Sabihin niyo na pwede? Nakakabanas!”
“Sus! Broken hearted ka lang kaya ka ganyan. Sungit!” alaska nang kuya niya. Buwisit na’to!
“I’m pregnant!”
Sasagot na sana si Shamia sa kapatid ng mabitin iyon dahil sa sinabi nang mommy nila. Nanlalaki ang mata niyang tiningnan ang mag-asawa. Pregnant? Really?
Maging ang kaniyang kuya at ang asawa nito ay ganoon din ang reaksiyon, muntik pa ngang mahulog ang kapatid sa silyang kinauupuan nito.
“Mom!?” nang makabawi ay agad na ngawa ni Sherwin. “Sigurado ba kayo jan? Hindi ba kayo nagi-ilusyon lang?”
“Sherwin!?” sigaw ni Mr. Sandler. “Bawal ma-stress ang mommy mo!”
“Paanong hindi bawal ma-stress, ang tanda niyo na! Jusko! Sumasakit ang ulo ko sa inyo.”
“Ayaw niyo bang magkaroon ulit ng kapatid? Huh!?” naiiyak turan nang ina.
Tahimik lamang siyang nakikinig sa argumento sa hapag. Ayaw niyang dagdagan pa ang isipin dahil sa pansariling problema pa lang, sawa na ang dalaga.
“Shamia? Ikaw, hindi ka ba natutuwa?” baling ni Mrs. Sandler anak na babae. Tila humahanap ng pagsang-ayon na hindi nito nakuha sa anak na lalaki.
“Mom, ilang taon ka na ba?”
“47.”
“And still, you’re pregnant?” napahawak na ang dalaga sa sintindo dahil sa biglaang pag salakay ng kirot doon.
“Mom, wag niyo na munang pa-mroblemahin si Mia, broken hearted pa yan!”
“Ano ba kuya? Manahimik ka pwede!”
Nag-akto naman ito na isi-nipper ang bibig. Natawa ang asawa nito dahil sa inakto nang asawa.
“Dad! Ang tanda na niyo huh!” baling niya sa amang tahimik na nakaalalay sa asawa.
“Hindi niyo ba tanggap itong kapatid niyo?”
“Drama huh! Ang inaalala lang naman namin ay ang kaligtasan niyo mom!” tutan ni Shamia. “Ngayon? Bawal kayong kumilos o magbiyahe. Maupo lamang kayo sa isang tabi!”
“Okay pa naman ako hija, kapag malaki na ang tiyan ko saka na ako titigil sa pagtrabaho.” Ito pa rin ang nag-aasikaso ng iba pa nilang negosyo katulong ang kuya Sherwin niya at ang asawa nito.
“Feeling baget’s mommy?” singit na naman nang kuya niya.
Inirapan niya naman ang kapatid dahil kadaldalan nito. “Dad, make sure na hindi magtatrabaho si mommy! Akuin mo lahat ng gawain niya.”
“Aba oo naman! Aalagaan ko siya ng mabuti.”
Hindi na nakipagtalo pa ang dalaga. Kumain na lamang siya nang tahimik kaysa makinig sa pang-aasar nang kapatid sa kanilang magulang.
“Matanda pa anak ko sa kapatid ko niyan.” Banat na naman nang kuya niya na nagpatawa sa lahat na nasa hapag.
Shamia is thankful that she can laugh now, even for just a moment.