Chapter Fifteen
ISANG buwan na matapos ma-discharge sa hospital si Shamia. At hindi siya hinahayaan na magbalik na kaagad sa trabaho. Kung lalabas naman siya para mag-ikot-ikot at mamasyal, hindi siya hinahayaan na walang kasamang pamilya bukod pa sa limang bodyguard na itinalaga nang ama sa dalaga.
Ayon sa mga ito ay kailangan niya iyon para sa safety purposes. Naalala niya tuloy ang nangyari ng magising siya.
***
Nagising si Shamia sa isang puting silid. Hospital. Dahil sa sinag ng ilaw sa loob ng silid ay hindi niya masyadong ma-imulat ng maayos ang kaniyang mga mata. Pero laking pasalamat niya ng may magpatay niyon.
“Salamat naman at gising ka na.” Saad ng Kuya niya na agad na lumapit sa kaniyang kinaroroonan ng makita siyang nagmulat ng mga mata.
“Kuya?”
“Masyado mo kaming pinag-alala Shamia! Mabuti na lamang na napuntahan ka agad ni Pia. Jusko! Sana naman kung may problema ka sinasabi mo sa amin at hindi iyang sinasarili mo, iyan tuloy napapahamak ka!”
“I’m okay now kuya!” pagpapalubag niya ng loob nang mga kasama sa silid. “Where are mommy and daddy?”
“Lumabas sandali para bumili ng pagkain... Okay ka na ba? Wala nang masakit sa’yo? Oh wait I shall call the doctor, wait here okay!”
Tumango si Shamia bilang pagsang-ayon. Maya-maya pa ay dumating na ang doctor kasama ang ilang mga nurses. Chineck kung ayos na ba siya, and thanks ‘god na walang malaking pinsala sa kaniyang katawan.
Nang makaalis ang doctor agad siyang nagtanong sa kapatid. “Ilang araw akong walang malay kuya?”
“Isang linggo.” Bumuntong-hininga ito. “Hindi kita tatanungin kung ano ba ang nangyari before the accident. I’ll leave that to mom and dad.”
Maya-maya pa pabalyang bumukas ang pinto ng silid at humahangos na pumasok doon ang mga magulang.
“Oh my god! Mabuti naman at gising ka na baby! Jusko! Pinag-alala mo kami Shamia.” Wika nang mommy niya na agad siyang dinamba ng yakap. Umiiyak nitong isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg at doon umiyak.
“Mom nababasa ang leeg ko.’ Pagbibiro ni Shamia sa ina. “Hi dad.” Bati niya sa daddy niya na nakamasid lamang sa gilid ng kama.
“Ikaw na bata ka bakit ba hindi ka nagsasabi sa amin huh? Pamilya mo kami. Kung may problema ka hindi pagpapakamatay ang sagot!”
“Mommy wala akong balak magpakamatay.” Irap ni Shamia.
“May problema kayo ni Kaiser, right?”
“Dad, not now please!” pakiusap niya dahil muli na namang bumalik sa kaniya ang sakit. Ayaw muna niyang maalala o marinig manlang ang pangalan nang lalaki.
Tahimik naman ang Kuya niya at ang kaniyang Mommy ay nanatiling nasa tabi nang dalaga habang sinusuri ang mga galos sa katawan niya.
“Alam ko! Pero isang linggo na rin siyang nasa labas. At kung hindi pa lagyan ng mga guwardiya ang labas ng kwarto mo ay hindi titigil sa kakapumilit na pumasok at makita ka.” Mapanuri siyang tiningnan ng ina. “At minsan ay lasing na pumupunta dito at kapag hindi payagan na pumasok ay nagwawala. Ano bang nangyari sa inyo? Wala namang maisagot ang sekretarya mo.”
“Ayoko siyang makita at makausap, kung nandiyan pa siya paalisin niyo na please!”
“Anak...”
“Please mom, dad.” At muling tumulo ang traydor niyang mga luha. Kakagising pa lamang niya pero heto na naman siya iiyak dahil lang sa narinig niya ang pangalan nito.
“Ilang beses na naming ginawa pero hindi siya nagpapatinag anak.” wika ni Mrs. Sandler. “Talk to him hija, para matapos na ang problema niyo.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nang ina . Humiga siya sa kama saka nagtalukbong. “I want to rest, so please! Don’t bother me!”
“If that’s want you want, anak!” turan nang Daddy niya saka nanahimik.
It was Shamia’s fifth day in the hospital when she heard commotion outside her hospital room. Tinangka niyang lumabas upang makita ang nangyayari sa labas ng masalubong niya ang kapatid na si Sherwin kasama ang kanilang Mommy na papasok. Hindi kasama nang mga ito ang ama dahil pumasok raw ito sa trabaho.
“What’s happening outside, mom?”
“It’s him again.”
Bumuntong-hininga ang dalaga. Kahit na gusto niya itong kausapin ay hindi niya magawa dahil hindi niya pa kayang paki-harapan ang binata. So as of the moment, she need to prepare for her to be strong para makausap si Kaiser. Yung hindi na siya iiyak kapag hinarap na niya ang lalaking may malaking kasalanan sa kaniya.
“Tapos ko ng asikasuhin ang discharge papers mo.”
“Is that so? Kung ganoon, tara na! Gusto ko ng bumalik sa kompaniya para ma-asikaso ko na ang publishing ng magazine ko, siguradong na-postpone iyon.”
“Hindi ka muna magta-trabaho Shamia! You’re staying in our mansion.”
“But...”
“Pwede kang lumabas pero kailangan may kasama ka and of course may mga bodyguards para hindi ka maabala ni Kaiser especially now that you don’t want to talk to him.”
Shamia hate it when just hearing his name it affects her so much. Mas lalo na siguro kung makikita niya ito, kaya pumayag na lamang siya sa bodyguard na sinasabi nang mommy niya at sa pag-tira pansamantala sa mansion. Pumayag na rin si Shamia sa pansamantalang pagtigil sa trabaho dahil nangako siya sa ina na hahayaan na muna niya na ito ang bahala sa Shamia’s Magazine.
***
At hanggang ngayon, lagi pa ring nanggugulo si Kaiser sa labas ng mansion. Hindi lamang ito makalampas dahil sa mahigpit na seguridad. At sa loob ng isang buwan hindi pa siya muling nakakalabas ng bahay. Mas gusto nang dalaga na manatili sa kaniyang silid sa mansion kaysa ang lumabas, dahil baka masumpungan niya si Kaiser sa labas at iyon ang kaniyang iniiwasan dahil sa oras na mangyari iyon hindi niya alam ang gagawin sa oras na makita niya ang lalaki.
But this time, she prefer going out of her haven. Busy ang lahat kaya hindi na siya nag-abala pang magpaalam, hindi niya na rin inabala pa ang pamilya para samahan siya dahil sa mall lamang naman ang punta niya at isa pa may mga bodyguard naman siyang kasama.
Papasok pa lamang siya sa mall pero ramdam na niya ang titig ng mga tao. Sino ba naman ang hindi titingnan kung makakakita ang mga ito ng isang babaeng magmo-mall lamang pero pinalilibutan ng mga bodyguards. She ignores all of them. They’re not worth her time.
Nilibot niya ang buong mall for her to be tired para agad siyang makatulog mamaya at hindi na siya makapag-isip. She also went to a restaurant nearby and ordered some food to eat. She also offered food for her bodyguards pero tumanggi ang mga ito dahil nasa trabaho daw at bawal kumain. Naalala tuloy niya si Kaiser, dahil tulad ng mga ito hindi rin basta-basta pumapayag sa inaalok because according to him, it’s against the protocol.
Hayy! Iniiwasan ko na nga bakit sumasagi pa rin sa isip ko?
Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng makaramdam ng pagbabawas ng tubig sa katawan. Agad siyang tumayo at hinanap ang restroom.
Susunod pa sana ang mga ito sa kaniya ngunit kaniyang sinabi na bantayan na lamang ang kaniyang mga gamit and food.
Walang tao sa rest room kaya solo niya ang lugar. Pumasok siya sa isa sa cubicle and do her thing. Narinig pa niya na may pumasok pero hinayaan niya lamang dahil baka gagamit din ang mga iyon.
Ngunit laking gulat niya na hindi mga kababaihang magc-cr ang nakita ni Shamia sa loob kundi si Kaiser na naka-sandal sa sink. Balak sana niyang ignorahin ang lalaki at lumabas na pero agad siya nitong napigilan saka hinila pabalik. Isinandal siya nito sa pader malapit sa pinto.
Pilit niyang pinatatatag ang loob kahit na gustong-gusto na niyang umiyak at sigawan ang lalaki. Hindi ako handa. “What do you want?”
“You. I want you!”
“Sorry Mr. But the feeling is not mutual so if you’ll excuse me.” Palag nang dalaga ngunit hindi siya pinakawalan ni Kaiser.
“Please babe! Talk to me! Ano bang nagawa ko?”
Parang switch ang tanong nito sa mga luha niya dahil agad iyong nagsituluan. “Y-you dare to a-ask me t-that? How could you?” Shamia glared at him even when she’s crying.
“Dahil hindi ko alam kung bakit umalis ka ng walang paalam at dahil pa doon naaksidente ka! Ngayon? Tell me! What’s the problem huh? Please, babe.” Ani Kaiser na mahigpit ang hawak sa mga braso nang dalaga kahit na mahigpit iyon hindi niya maramdaman ang sakit sa paghawak nito. It is so gentle. And that makes her cry harder.
“Let go of me!” nagpatuloy sa pagpiglas ang dalaga.
“No! Tell me babe, tell me, what’s wrong?” nagulat ang dalaga ng bigla itong lumuhod sa harap niya at iniyakap ang mga braso sa kaniyang mga binti habang umiiyak.
“Ang kapal ng mukha mo na magmukhang kawawa at magmakaawa! Ano? Hinahabol mo ako dahil wala ka pang perang nakukuha sa akin?” hindi na niya napigilan pang sumbatan ang lalaki. “Na dinala mo ako sa probinsya niyo para lalong mapalapit sa’yo and then you can have ways on my money? Dinala mo ako sa probinsya niyo para lamang iwan-iwanan at magtungo sa pamilya mo? Ano? Kumusta ang asawa at anak mo? Pati mga magulang at kapatid mo? Masaya ba sila ng wala na ako doon? Na wala na silang problema na makipag-plastikan sa akin? C’mon tell me! Tell me!?”
Nagtatakang tiningala siya ni Kaiser buhat sa pagkakaluhod nito, tumutulo pa ang luha mula sa mga mata nito patungo sa panga. Naawa siya pro pilit niyang sinupil ang nararamdaman. “W-what are you talking about Shamia?”
“Don’t give me that shit Mr. Pineda! Alam ko na ang lahat.”
Hindi makapaniwalang nakatingin si Kaiser sa kaniya and she take that opportunity to get away from him.
“Sino nagsabi sa’yo niyan? ... Your money? Asawa? Anak?” hindi pa rin makapaniwalang sambit nang binata.
“I don’t need your money all I want is you Ms. Sandler. And I am fucking single.”
Hindi niya ito pinansin at nagtuloy na sa paglabas ng cr. He even dare to lock the door huh! Kung wala lamang sila sa ganoong sitwasyon kanina pa siya tumawa, who wouldn’t dare? Kinorner siya nang binata sa CR for them to talk. Really? Sa restroom?
Pero siguro dala na nang tawag ng pangangailangan nang binata na makausap siya kaya kahit saan basta makausap siya nito ay wala na itong pakialam.
Naantig si Shamia dahil doon but sh choose to ignore what she feel. Hindi niya ito bibigyan ng kapanatagan, she want to bother him by his own conscience.