Chapter 14: Chapter Fourteen

It’s already four days since Shamia and Kaiser went to vacation. And she noticed something on Kaiser’s action. On there first day, ihinatid nila ang mga kapatid nang lalaki sa eskwelahan at saka sila namasyal pagkatapos. Pero ng mga sumunod na araw umaalis ang lalaki ng maaga at gabi na umuuwi. Ang sabi naman nang magulang nang lalaki ay may inaasikaso itong importante. Maging ang dalawa nitong kapatid ay ganoon din ang sinasabi sa dalaga.

Tinatanong niya ito kung anong importante ang inaasikaso nito para sana malaman niya if she can help pero hindi naman nito sinasabi. Kaya siya, kung hindi sa bahay lamang ay namamasyal na mag-isa sa hacienda ang dalaga at minsan ay sa palayan o di kaya ay ihahatid niyang muli ang mag-kapatid para naman may mapag-libangan siya dahil ang magaling niyang kasintahan iniiwanan siya to do something she don’t know.

Kung minsan naiirita na siya pero pilit pa rin niya itong iniintindi dahil mahal niya ang lalaki at iintindihin niya ito sa abot ng kaniyang makakaya.

Isa ang gabing ito sa mga araw at gabi na gabing-gabi na umuuwi ang lalaki.

Muli ay pumasok ito sa silid na inu-okupa niya kung saan kasama niya ang kapatid nitong babae. Lumapit ito sa kaniya at dahan-dahang hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kaniyang mukha. At tulad ng mga nagdaang gabi, hinalikan siya nito sa noo, sa tuktok ng kaniyang ilong at nagtagal ang halik nito sa kaniyang labi.

“I love you.” He murmured then went out of the room.

Ang buong akala nito ay hindi niya alam ang palihim nitong pagpasok sa silid. Nagpapanggap siyang tulog na sa tuwing ginagawa ni Kaiser iyon at paglabas nito saka lamang niya imumulat ang mga mata at iisipin kung saan ba talaga ito nanggagaling.

But this night Shamia decided to confront her boyfriend. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama, ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng silid ay nakarinig na siya ng mga boses na nag-uusap. It’s Kaiser and his parents on the sala. Nagpasya ang dalaga na hintayin na lamang na matapos ang pag-uusap ng mga ito ngunit hindi na niya napigilan ang makinig lalo na ng marinig nang dalaga ang pangalan niya.

“Kailan mo pa asabihin kay Shamia ‘to?”

“Hindi ko po alam ‘Nay, hindi ako makahanap ng tiyempo na magsabi sa kaniya.”

Paano ka makapagsasabi kung palagi ka namang wala?

“Ay naku mahirap na usapin yang inagawa mo Kaiser. Maigi pa ay sabihin mo na yan hangga’t hindi pa naparito ang mag-i-----”

Naparito?

“Tay. I know what I’m doing. Sadyang hindi pa lang ako makahanap ng oras. Asabihin ko naman ay kaya laang ay natatakot rin ako.”

“Mas mabuti anak ay sabihin mo na bukas yan! Hindi mare-resolba ng takot yang problema mo. Baka malaman pa ni Shamia s iba ay naku mas nakakatakot yan.”

Hindi na narinig pa ni Shamia na sumagot si Kaiser hanggang sa mag-paalam ang magulang niya na matutulog na. Hindi na rin siya naglakas-loob pa na kausapin ang binata. Ang nasa isip niya ng mga oras na iyon ay ano ang sinasabi nang mga itong problema?

Nagbalik sa kama ang dalaga saka pinilit ang sariling matulog kahit na umu-ukilkil sa utak niya ang mga narinig. Ngunit magmamadaling-araw na siya dinalaw ng antok.

NAGISING si Shamia kinabukasan na mabigat ang pakiramdam. Parang may mabigat na nakadagan sa kaniyang katawan. Naisip niyang baka ang katabi niyang matulog na si Kharis iyon, ngunit nitong mga nakaraan naman ay hindi ganoon at hindi naman yumayakap sa kaniya ang babae.

Pinilit niyang imulat ang mga mata para makita kung sino ang salarin and it’s no other than Kaiser Pineda, himself. Anong ginagawa nang binata roon? Napatingin tuloy siya sa orasan na nasa tapat ng pinto ng silid. 11:30? Panibago naman ata na hindi umalis ang lalaki at nagawa pa siya nitong tabihan sa kama.

Akmang babangon na siya ng humigpit ang yakap nang lalaki sa kaniyang bewang.

“Good morning baby...”

Hmmm. “Good morning. Wala kang lakad ngayon?”

“Wala. I want to stay here with you.”

“Hindi mo ako ginising nakakahiya naman kina Nanay at Tatay! At saka hindi ko naihatid sa school iyong dalawa.” Wika ni Shamia habang sinusubukang makawala sa mahigpit na yakap nang lalaki kahit na ang totoo ay miss na miss na niya ang mga yakap at haplos nito sa kaniya.

“Ihinatid ko sila tapos bumalik ako agad para makatabi ka sa pagtulog.” Ani Kaiser na wala talaga atang balak na pakawalan siya. “I miss you!”

“I miss you too, Babe!” sagot niya na hindi na pumalag at yumakap na rin sa kasintahan.

“I have something to tell you, sana ma----”

Naputol ang sasabihin nito sana ng mag-ring ang cellphone nang dalaga na nakapatong sa mesita sa tabi ng kama.

“Wait baby! Baka importante, sasagutin ko lang!”

Nagmamadali siyang bumaba sa kama at kinuha ang telepono saka sinagot iyon ng makitang ang sekretary niya ang tumatawag.

“Yes?”

“Mam? hindi pa kayo uuwi? Tambak na trabaho niyo.”

“Sapak you want?” Tatawag lang para ipaalala ang trabahong sandali niyang tinakasan.

“Joke lang Mam. Just want to inform you po na malapit na ang publishing ng mga bagong magazine nad it needs your full attention and may mga kailangan ka pong pirmahan para sa production.”

Napabuntong-hininga ang dalaga. Oo nga pala! Muntik na niyang makalimutan iyon. “Okay! Next week na ang uwi namin so maaasikaso ko na iyan. Though, nandiyan ka naman.”

“Opo. Pero kailangan po ng sign niyo eh!”

“Okay, okay.”

“Sige Mam. Bye. Enjoy!”

Hindi na siya nakapag-paalam sa kausap dahil hinila na naman siya nang lalaki patungo sa kama at ngayon naman ay naka-kandong siya dito.

“Ano daw?”

“Malapit na publishing.”

Bumuntong-hininga si Kaisr saka siya hinalikan sa leeg. Umiwas siya agad dahil sa naramdamang kiliti pero sadyang makulit ang lalaki at humahabol. “We’re alone here babe. Walang iba!”

Nakakapang-hibo ang tinig nito. Nakaka-akit. “And...?”

“Hmmm... baka naman?”

“Baliw! Bawal pa.”

Parang bata naman itong nagmamaktol at humiga sa kama saka nagpagulong-gulong. At dahil kandong siya nang lalaki, napasama siya. Muntikan pa silang mahulog sa kawayang sahig.

“But why?”

Natawa ang dalaga sa hitsura nang kasintahan. Parang batang hindi napagbigyan sa gusto. “Red days.”

“Last day mo na di ba?”

Tumango ang dalaga. “Hmmm.”

“Tommorow then.”

It’s not even a question. Talagang sigurado ang mokong na papayag siya? Hmmm well, why not naman di ba?

Nanatiling nakahiga ang mag-kasintahan hanggang sa mag-tanghali at napag-pasiyahan na nilang magluto na ng panghalian. Hindi umuuwi ang mag-asawa sa tanghali dahil nagbabaon ang mga ito. Ganoon din naman ang dalawang kapatid ni Kaiser o di kaya ay bumibili sa canteen. Kaya tunay na solo nilang dalawa ang bahay.

Paminsan-minsan ay may naririnig siyang ingay ng mga sasakyang dumaraan dahil may mga sasakyang pumapasok sa loob ng hacienda. Maluwag masyado ang pamamalakad ng may-ari.

“Babe? Talaga bang pwede pumasok ang mga sasakyan dito?”

“Yes! Okay lang naman iyon sa may-ari as long as hindi dumadaan sa harap ng rest house at saka isa pa wala namang mawawala dito sa hacienda dahil may mga tauhan naman na nagbabantay.”

If she were the one owning this place she’ll going to make this place private. And the rest house, it’s a bungalow type pwede siyang i-renovate at lagyan ng second floor para kita talaga ang mga tanawin sa paligid.

Ang hacienda ay binubuo ng mga palayan, taniman ng mangga at niyog. Mayroon ding mga pananim na mais. Tunay nga na marami ang produkto ng lugar na ito ngunit sadyang maluwag sa lahat ang may-ari. At sa palagay nang dalaga ay hindi talaga mawawala ang may kumuha o magnakaw ng mga pananim lalo na at labas-masok ang mga taong hindi taga-hacienda.

“Ano na naman iyang tumatakbo sa isip mo, Mahal ko?” maya-maya ay puna sa kaniya ni Kaiser ng mapansin ang kaniyang pananahimik. “ Business na naman iyan ano?”

Habang hinahalo niya ang gulay na niluluto ay nagtungo sa kaniyang likuran ang lalaki saka siya niyakap at ipinatong sa kaniyang kaliwang balikat ang baba nito. tipid niyang nginitian ang kasintahan at hindi na inabala pa ang sariling sumagot sa tanong nito.

Matapos silang mag-luto, masaya silang kumain saka nanatili na lamang sa bahay at inaksaya ang oras sa paglalambingan at kulitan. Hindi na niya naisip pang tumawag sa sekretaryang si Pia.

SABADO. Naisipan ni Shamia at Kharis na mamasyal sa labas ng hacienda. May munting mga palengke at bilihan sa labas ng hacienda kaya nalibang siyang magtingin-tingin ng mga gamit at palamuti. Mayroon ding mga souvenir at maaring ipasalubong.

Mag-isang namimili si Shamia dahil may nakitang kakilala si Kharis at sandaling nagpaalam sa kaniya na may pupuntahan sa kabilang dako ng pamilihan sandali.

Busy ang dalaga sa pagtitingin ng mga souvenir na maaring ipasalubong sa kaniyang Mommy ng may kumalabit sa kaniya mula sa likuran. Standing there is a woman with a child she’s holding on her right hand. Hindi gaanong matangkad ang babae, in fact hanggang tenga niya lamang ito and she’s a morena girl.

“Yes?” She approach her nicely kahit na nakataas ang isa nitong kilay sa kaniya na animo anumang oras ay sasakmalin na siya.

“Pwede kang makausap?”

“Sure. Saan ba?”

“Sunod.” Anang babae saka siya tinalikuran.

Aba! Ma-attitude! Aniya sa isip.

Narating nila ang medyo secluded na lugar. Hindi naman kalayuan sa pamilihan pero walang tao.

“Why do you want to talk to me?”

“Gusto kong makausap ka tungkol kay Kaiser.” Maangas ang dating ng boses nito pero hindi na lamang niya pinansin.

“What about him?”

“Akin si Kaiser at mas may karapatan ako sa kaniya dahil may anak kami.”

Binundol ng kaba ang dibdib ng dalaga. Is this the problem they talking about last time?

“And...?” Kahit kabado ay nagawa pa rin niyang mag-usisa.

“At isa pa hindi ka naman niya totoong mahal! Kapag umaalis siya sa amin siya nagpupunta para makasama kami. Hindi mo nahahalata? Tss, akala ko matalino ka? Mayaman ka di ba? Sabi nila matalino ang mayayaman, parang hindi naman ikaw...”

Hindi siya makapagsalita dahil sa rebelasyong nalaman. Pero hindi siya nagpatinag dahil may tiwala siya sa lalaking minamahal.

“Bakit mo sinasabi sa akin ‘to?”

“Hindi mo alam? Para umalis ka na at para wala na kaming kahati ng anak namin sa atensyon niya. Hindi iyong kailangan pa niyang umuwi sa gabi kahit na pwede naman siyang mag-stay sa amin.” Nakairap pa na sabi nito sa kaniya. At ng tila may maalala ay nagpatuloy. “Ahh! Kaya nga pala hindi ka pa niya iniiwanan ay hindi pa siya nakakakuha sa pera mo at sa yaman mo. Gosh! You’re so slow!” mataray na anito. “Ano nga ulit ang natapos mo? O baka naman mayaman ka lang because of your parents at wala ka naman talagang natapos?”

Literal na pang i-insulto na iyon sa parte nang dalaga. “Why are you asking? For you to insult me again?” ganti ni Shamia kahit na gustong-gusto na niyang magwala.

Hindi gumagana ang isip niya dahil sa mga narinig sa babaeng kaharap. Kusa na lamang dumaloy ang luha niya na kanina pa niyang pinipigilan.

Galit. Poot. Sakit. At pagmamahal, ang sabay-sabay niyang nararamdaman para sa lalaki.

Ngayon niya lamang naranasan ang ganitong sakit dahil sa pagmamahal. Hindi naman ganito noong una niyang karanasan sa pag-ibig. Masaya silang naghiwalay noon, masaya nilang tinapos ang namamagitan sa kanila nang mga nauna niyang karelasyon. Pero ngayon? Hindi niya alam.

At tila tuksong nag-flashback sa dalga ang mga narinig siya sa binata noon.

“Yes sweetie.. Oo! Uuwi din naman ako. Huh? Hindi pa today, pero don’t worry pag may pagkakataon uuwi agad ako.”...“Sige! Bye.. I love you!. Oo nga po. Uuwi ako promise!”

That’s it! Bakit ba hindi niya agad naisip na may pamilya ito ng marinig pa lamang ang mga katagang binitiwan nito noon.

“Ngayon, siguro naman hindi ka na makikisiksik sa pamilya Pineda? Ako na ang nag-sasabi sa iyo dahil nahihiya silang magsabi.”

“S-stop!” garalgal ang boses na pigil ni Shamia sa mga sinasabi nang babae. She can’t take this anymore. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita pero hindi na niya halos marinig ang mga iyon. Bingi na siya sa mga litanya nito. Hindi na niya kayang marinig pa ang mga iyon. “S-stop!”

Hindi alam nang dalaga kung paano siyang nakauwi mag-isa. All she wants now is to get away. Leave. She wants to go home, where she can breathe, where she can express what she feels. Hindi dito na kailangan niya pang makibagay sa mga taong ayaw naman pala siya dito.

Atleast sa kanila, mayroong umiintindi sa kaniya at mayroong mga taong gusto siya despite of her attitude. Hindi tulad dito, she need to suppress her attitude for them to want her, to like her.

Nang makarating siya sa bahay ng pamilya Pineda wala siyang nadatnang tao at laking pasasalamat niya dahil doon makakakilos siya ng maayos. Mabilis niyang in-empake ang mga gamit, hinagilap ang susi ng van at saka nag-drive papalayo sa tahanan na minsan niyang ipinagsiksikan ang sarili, papalayo sa hacienda, papalayo sa taong mahal niya, sa taong akala niya’y kaniya!

Nang marating ni Shamia ang high way agad niyang pinaharurot ang van para mas mabilis ang kaniyang paglayo. Isi-net niya sa GPS ang port kung saan sila dumaan noon.

Habang nagda-drive ay walang patid ang luha sa kaniyang mga mata na dahilan na hindi niya gaanong maaninaw ang daan ngunit ipinagsawalang-bahala niya iyon.

Shamia contacted her secretary while driving.

“Hello Mam?”

Nang marinig niya ang boses nito hindi napigilan nang dalaga ang paghagulgol. Sa wakas may makakausap din siyang tao na alam niyang nag-aalala sa kaniya at umiintindi sa kaniya.

“Mam? Hello?”

“P-pia...”

Agad niyang narinig ang panic sa boses nito. “Umiiyak po ba kayo? Mam? Ano pong nangyari? Are you okay?”

Hindi siya makasagot dahil sa tuwing ibubuka niya ang mga labi para magsalita ay lumalabas ang impit niyang hagulgol.

“Mam? Ipahahanda ko po ang chopper! Pupunta po ako jan ngayon din. Susunduin ko na po ka----”

Hindi na narinig pa ni Shamia ang iba pang sinasabi ni Pia dahil na-blangko na siya ng makita ang tinutumbok ng truck na kasalubong nang dalaga. It’s running this way. My way! Pa-gewang-gewang ang sasakyan at umiwas man siya ay hindi na rin aabot pa. The truck hit her! At tumilapon ang sasakyan kasama si Shamia sa isang bangin. Hindi niya alam kung ilang segundo, minuto o oras na siyang nakahandusay dahil sa pagtilapon, naghihintay ng tutulong.

Kitang-kita niya ang magandang asul na kalangitan na mayroong mumunting mga puting ulap. Mayroong mga ibon na masayang nagliliparan sa himpapawid. Sana ako rin! Sana matagpuan ko pa ang kasiyahan na tulad ng mga ibon na malayang nakakalipad.

Muling tumulo ang mga luha sa kaniyang mata. Pagod na ako! Gusto ko nang magpahinga! Gusto na niyang ipikit ang kaniyang mga mata at maghintay kung may darating ba.

But before she totally close her eyes, she saw a chopper coming. Napangiti siya ng makita ang tatak sa bandang buntot ng sasakyang pang-himpapawid.

SM.

Maybe now! I can take a rest.