Chapter Thirteen

Tila ilang oras pa lamang ang tulog nang magkasintahan ng naulinigan na agad ni Shamia ang pagtilaok ng mga manok. Mayroon rin siyang naririnig na bumubulong-bulong sa tabi niya. Hindi niya iyon pinansin dahil sa talagang inaantok pa siya ng sobra. Sumiksik pa siya lalo sa katabi.

“Hayae na muna sina kuya mo! Wag maingay jan, mga pagod yan sa biyahe.”

“Nanay ba’t napunta na dine si Ate Sham? Katabi ko kayang tumulog ari sa kwarto!”

“Bayae daw ay! Tapos na magligo si kuya Kobe mo ikaw naman ee! Atanghaliin kayo, maiigi kung madali laang ang biyahe ay.”

Muli na sana siyang makakatulog nang magsalita naman ay ang kaniyang katabi. “Ingay!”

“Ay sorry, Kuya.” Hagikhik nang boses na kanina pang naririnig ni Shamia, ang boss ni Kharis. “Sige tulog na ulit.”

Naramdaman nang dalaga ang dahan-dahang paglayo ng babae. Kumakanta-kanta pa ang dalaga. Nang makalayo ay muli itong nagsalita. “Sweet kuya ehy! Sene ell!”

“Ikaw Kharis ay kung anu-ano pang kalokohan ang inagawa! Magligo na at tanghali na! ee pag nahuli kayo sa pagpasok ay wag na kayong tumuloy!”

Isang boses ng lalaki naman ang narinig niya. “Hindi ako kasama jan Nanay.” Marahil ay si Kobe.

Muling kumilos ang katabi nang dalaga kaya sa halip na makatulog siyang muli ay pilit na lamang niyang iminulat ang kaliwang mata dahil tila naging mailap na ang antok sa dalaga.

“Good Morning, Babe!” bati kay Shamia nang katabi na niya ngayong si Kaiser.

“Good morning. Bangon na Baby ko, hahatid mo pa sina Kharis sa school di ba?”

Agad naman itong bumangon, pero hindi niya inaasahan na bubuhatin siya nito mula sa pagkakahiga kaya ang nangyari kandong siya nang kasintahan habang siya’y nakabalot sa kumot.

Nakarinig siya nang mahinang tawa sa pinto nang silid ni Kharis. Nakita niya roon si Kobe na bihis na bihis na. Nahiya tuloy ang dalaga kaya itinalukbong niya ang kumot na nakabalot sa sarili.

“Good morning Ate Sham.” Natatawa pa na bati ni Kobe.

“Good morning.” She said, still covering myself.

“O gising na pala kayong dalawa. Parini na kayo at kain na sabayi na ninyo aring dalwang mapasok ay.” Turan ni Nay Linda.

“Yes Nanay.” Sagot niya. Sa wakas ay ibinaba na siya ni Kaiser sa tabi nito kaya tinanggal na rin nang dalaga ang kumot na nakabalot sa sarili. Itinupi niya iyon saka kinuha ang unan na ginamit nila ni Kaiser kagabi at tangka nang dadalhin sa kwarto nang marinig niya ang tawa nang lalaki.

Nang lingunin niya ang lalaki ay nakatingin na ito sa kaniya. Sumasayaw ang pagka-aliw sa mga mata nang binata, sumusulyap pa ito sa kumot na tinupi niya.

“What?”

“Hindi ka marunong magtupi. Tsk tsk.” Natatawa pa na anito saka inaagaw sa kaniya ang kumot at ito na ang nagtupi ng maayos. Sinimangutan niya ito nang makitang maayos at malinis ang pagkakatupi nito sa kumot. Ipinatong nito iyon sa unan na hawak ni Shamia. “Okay na, dalha na iyan!”

Inirapanniya ang kasintahan. “Nakakatawa?”

Lalo lamang siyang tinawanan nang lalaki pero hindi na niya ito pinansin pa. Nagpatuloy na si Shamia sa pagpasok sa silid na inukopa niya ng nag-daang gabi. Nadatnan niya roon si Kharis na nagsusuklay ng buhok at nag-aayos.

“Good Morning Khar.”

“Morning Ate.”

“Kumain ka na ba? Kumakain na si Kobe sa kusina.” Wika niya habang hinahalungkat ang bag at hinanap ang mga make-up. Nang makita ay inilabas iyon at ipinatong sa maliit na vanity mirror sa harap ni Kharis. Nagtataka siya nitong tiningnan kaya nginitian niya ito. “You can use that.”

“Hindi naman ako maalam gumamit niyan ate.”

“Maalam?” naka-kunot noo niyang tanong. I’m sorry I don’t understand.

“Marunong. Tamang powder lamang at saka lip balm ang gamit ko, pa’no ay inakagalitan ako ni Kuya Kobe pag naga make up ako!”

“Why is that?”

“Awan naman dun.”

May sasabihin pa sana siya ng may kumatok sa pinto ng silid saka niya narinig ang boses ni Kobe sa labas. “Hoy! Kharis! Aba! Hindi ka na naman makain? Naga-diet di naman bagay.”

Nakita niya ang pag-lukot nang mukha ni Kharis dahil sa sinabi ng kapatid.

“Tse! Maalam ka pa sa akin. Palibahasa ka naga-gym di naman effective! Duh!”

Narinig ni Shamia ang papalayong yabag kaya natawa na siya sa usapan nang dalawa. “Napikon ata?”

Tumawa lamang ang babae at naglakad na palabas kaya sumunod na rin siya sa nakababatang kapatid nang kasintahan. Nag-diretso ang dalawang babae sa kusina.

“May balak ka na naman hindi kumain ano?” bungad sa kanila ni Nay Linda. Pinatutungkulan ang anak na babae.

“Nanay ay! Nakain naman ako sa school ah!”

“Maga-reklamo ka pa? Kumain ka dine ay, di ka marunong magtipid jan imbes na pamasahe na laang ay akain mo pa sa karinderya.” Sermon ni Tatay Karlito na kumakain na din, kaharap nito si Nay Linda at Kobe sa mesa. Ayon dito ay hindi na siya nahintay sa agahan dahil kailangan raw nitong maagang magtungo sa bukid kasama ang asawa.

Si Kaiser naman ay tahimik na nagtitimpla ng kape sa dalawang tasa.

“Mahiya manlang kayo sa bisita.” Sabat ni Kobe na patuloy sa pagkain. Dahan-dahan namang umupo si Kharis sa silyang katabi ng ina at kumuha ng pagkain.

“Pasensiya na Hija, at hindi ka na namin nahintay kumain ano! Ay kailangan kami ng maaga sa palayan, baka inaubos na yun ng maya, sayang naman yun.”

Natawa naman si Kaiser ng mapansing hindi niya maunawaan ang sinabi ng ina.

“Okey lang po Nanay! Uhh... hindi naman po ako kumakain sa umaga, nagkakape lamang po ako and... uhhh... sa opisina na kumakain.” Alangan pa niyang wika dahil naalala ang sinabi nito sa anak na babae.

Lalong natawa si Kaiser dahil sa pag-aatubili nang dalaga. Nang matapos ang tini-timpla nito ay lumapit ang binata sa kasintahan bitbit ang dalawang tasa saka ibinigay sa babae ang isa.

“Ay naku! At hindi ka nakain ay importante ang pagkain sa umaga.” Ani Nanay Linda. “Ano Kharis? Ee alas syete na!” bulyaw na naman nito sa anak.

Nawala ang atensiyon ni Shamia sa mag-anak na kumakain nang tumabi sa kaniya ang binata at bumulong. “Pasensiya ka na sa mga iyan Babe! Ganyan talaga iyang mga yan. Nakakabingi!”

Tinawanan lamang ni Shamia ang sinabi nang kasintahan. Magtutungo sana siya sa sala nang maalala na ihahatid nga pala nila sa school ang dalawang estudyante ng tahanan kaya bumalik siya sa kusina.

“Babe ihahatid pa nga pala natin sila, di ba?” he nodded. Inabutan na siya ni Kaiser nang mga kubyertos para kumain.

She ate as fast as she could dahil nga maghahatid pa sila patungong eskwelahan. Saktong tapos na siyang kumain ay tapos na rin si Kaiser. Mabilis silang nag-ayos ng sarili para umabot sa mga kapatid nang lalaki.

And thirty minutes later nasa labas na sina Shamia nang university na pinapasukan ng dalawa. Magkasama ang high school at college sa nasabing university kaya sabay lagi ang dalawa kung pumasok.

“Bye Ate! Kuya!” paalam ni Kharis na naunang bumaba kasunod si Kobe.

Akmang papasok na sa gate ang dalawa nang tawagin ulit ang mga ito ni Shamia. Agad naman itong bumalik. She got her purse, took some money and gave it to them na ayaw pang tanggapin.

“Hindi na ate, uhhh ... meron pa naman kaming budget.” Saad ni Kobe na napapakamot sa likod ng ulo. Si Kharis naman ay nagtatago sa likod nang kapatid.

“No no! Take this, guys, baka may gusto kayong bilhin or treat your friends. Sige na!” pilit pa rin niyang inaabot sa dalawa ang pera. Sinulyapan pa niya si Kaiser na nasa driver seat para humingi ng tulong pero wala siyang napala dahil tumingin lamang ito sa dalaga at saka umiling.

“Take these guys! Pretty please!”

Tumingin muna ang dalawa sa kanilang panganay na kapatid na tila nagpapaalam kaya napatingin rin tuloy si Shamia sa gawi ng driver seat.

Bumuntong hininga muna ang binata bago tumango. “Tanggapin niyo na. Hindi kayo tatantanan niyan!”

Napangiti naman siya dahil doon. Muli niyang inabot ang pera sa dalawa na sa wakas ay tinanggap na rin ng dalawa. “Enjoy!”

“Salamat po.” Panabay na anang dalawa saka tumuloy na sa pagpasok sa gate.

Napangiti pa ang dalaga makitang salubungin nang mga kaklase si Kobe at inanyayahang sabay na pumasok sa room pero sumenyas ito na ihahatid pa sa high school building ang kapatid na si Kharis. That’s sweet!