Chapter Twelve

“Nay... Tay si Shamia Sandler po girlfriend ko! Babe si Nanay Belinda at Tatay Karlito.”

“Hello po sa inyo! Mam, Sir!”

“Jusmiyong bata ari ee! Tatay at Nanay na lamang daw naman ang tawagan sa amin ening ay!” litanya ni Tatay Karlito na hindi mapigilang mapakamot sa ulo. Natatawa naman si Nanay Belinda dahil sa reaksyon ng asawa.

“Ah opo... Nanay hmm—Tatay!”

Lalong natawa si Kaiser at ang mga kapatid. “Babe? Don’t be nervous hindi sila nangangain.”

“Ngani naman ening! Ay anung trabaho ngani nang magulang mo ay? Hindi ko na naitanong nung tumawag kayo.” Tanong ni Tatay Karlito.

“Sa Hotel and Restaurant po sila. And my kuya is the one handling our Construction Firm po.” Napahawak sa puso si Tatay Karlito dahil sa sinabi ni Shamia, si Nanay Belinda naman ay kaswal lamang na nakikinig na animo sanay ito sa mga ganoong usapan. Tahimik lamang din ito at nakikinig lamang, Tatay Karlito is the one who did the interview.

“Ay hindi baga alangan si Utoy namin sa iyo? Ano ang sabi nang pamilya mo sa binata namin?” tila alangan na ani Tay Karlito.

“Okay lang naman po sa kanila. And hindi naman po matapobre ang pamilya ko ‘tay! Hindi po nila pinangungunahan ang mga desisyon ko sa buhay.”

Tiningnan nang dalaga si Kaiser na nasa kaniyang tabi saka ito nginitian. Umakbay naman ang binata sa kaniya at bahagyang hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo. Namumungay ang mata nito na bahagyang humilig sa dalaga.

“Are you tired?” bulong ni Shamia sa kasintahan.

“Nah! It’s okay. Tuloy lang kayo sa kwentuhan niyo.” Anito saka ngumiti kaya bumaling na muli siya sa mag-asawa sa kanilang harapan na mataman silang pinagmamasdan.

“Ano naman ang inapagkaabalahan mo sa buhay hija?” sa wakas ay ang nanay naman nila Kaiser ang nagtanong.

Sasagot na sana ang dalaga nang biglang sumulpot si Kharis mula sa kusina at siyang sumagot sa tanong nang sariling ina. “Naku Nanay! Baka mabigla ka sa trabaho ni Ate Shamia ay... may-ari nang Shamia’s Magazine ‘yan ‘Nay, na maraming branches all over the Asia. At saka model din yan!”

“Paano mo nalaman iyan, Kharis?” naka-kunot na ang noo ni Kaiser nang bumaling sa kapatid na may pagmamayabang sa boses.

“Sorry ate Sham.” Anito saka tumawa. “Nag-research ako tungkol sa iyo ay!” saad nito na nag-peace sign pa.

“Totoo ba hija? Nakuu! Talagang bigatin ang girlfriend nang anak ko ah!” puri ni Nay Belinda.

“Hindi naman po.”

“Susss! Pa-humble ‘Nay itong girlfriend ko.” Sabat ni Kaiser na malaki ang ngisi kaya hindi niya napigilang kurutin sa balikat. Umarte naman itong nasasaktan.

Hindi maiwasang isipin ni Shamia na may ganito palang side si Kaiser kapag kasama ang pamilya. She’ve never imagine na iba pala ang Kaiser na kasama niya noon sa trabaho, at ang Kaiser na kasama ang pamilya nito. Masyado itong seryoso pagdating sa trabaho nito kaya hindi niya maiisip na may pagka-pilyo at maloko pala ang binata.

“Hindi naman po nasusukat ang pagmamahal sa estado ng buhay! Hindi naman po kasi natuturuan ang puso na magmahal lamang nang kapantay sa estado nang buhay.” Mataman niyang saad sa mga kaharap.

Nakita ni Shamia ang panandaliang pagkatigagal ni Nanay Belinda at Tatay Karlito. She don’t know if what that was for. Narinig rin niya ang tila kinikilig na hagikhik ni Kharis na nakasilip na rin sa pinto nang kusina kasama si Kobe.

“Nice one, Mahal ko.” Turan ni Kaiser na niyakap siya at hinalikan sa pisngi pagkatapos ay ibinaon ang mukha nito sa kaniyang leeg. Ginawa iyon nang binata sa harap ng pamilya nito!

“Ay hala! Sige! At ipagpapatuloy ko na ang pagluluto at nang makakain na tayo, siguradong nagugutom na kayo.”

“Magpahinga muna kayo jan at ako’y tuutulong sa Nanay niyo sa kusina para mapadali na ang hapunan natin.” Paalam ni Tatay Karlito.

Agad na humiga sa si Kaiser sa kaniyang kandungan at ginawang unan ang kaniyang mga hita nang maiwan na silang dalawa sa sala. Hawak nito ang kaliwa niyang kamay saka ipinatong sa dibdib.

“I love you Shamia Gyllette.”

“Pagod ka na talaga ‘no?” natatawang ani Shamia sa kasintahan. Bigla-bigla na lamang kasi nagsasabi ng ganoon.

“Sagutin mo na lang pwede?”

“Oo na po. I love you too, baby!” nangingiti niyang saad. Nakapikit pa rin ito kahit na nag-uusap pa sila.

“Kuya may cellphone na natunog sa bag na dala niyo.” Sigaw ni Kharis mula sa silid na pinagdalhan sa gamit ni Shamia.

Panigurado sa kaniya iyon dahil nasa bulsa ni Kaiser ang cellphone nito. Saka lamang niya naalala na nagbilin nga pala ang Mommy niya na tumawag dito kapag nakarating na sila.

“Kai, baka si Mommy iyon!”

Tumayo naman ito at nagtungo sa silid, ito na ang kumuha sa cellphone nang dalaga. “Ang mommy mo nga!”

“Hello Mom?”

“Shamia nakarating na ba kayo?”

“Yes Ma! Kani-kanina lang po.”

Muling tumabi ang binata sa dalaga at muling humiga sa kaniyang kandungan. Hinaplos ni Shamia ang buhok nang kasintahan habang ito ay nakatitig na naman sa dalaga.

“Aba’y matagal pala ang biyahe patungo riyan ano? I told you to use your chopper for the transportation so that Kaiser won’t get tired on driving pero ang tigas nang ulo mo jan!” sermon nang Mommy niya sakaniya. Hindi pa rin pala natatapos ang isyu na iyon.

“Mommy isinuggest ko na iyon! Pero sabi niya nga masyado iyong agaw-pansin dito.” bumuntong-hininga ako saka nagpatuloy. “Nakarating naman kami ng ligtas ah! Don’t be so paranoid Mommy.”

“Aba’t ikaw na bata ka wag kang mag-maldita jan ah! Sasabunutan talaga kita, nakita mo!”

Mukhang narinig ni Kaiser ang sinabi nito dahil hindi nito naiwasan ang matawa. “O si Kaiser ba iyong narinig ko? Paka-usap nga!”

Nakasimangot niyang ibinigay sa binata ang phone.

“Hello Mom... Opo! Mabait naman siya dito... Opo! Yes po!” ani Kaiser na may kasama pang pagtango. “Opo, kakain na po kami maya-maya lang, nagpapahinga lang po sandali... Opo! Sige po! Bye!”

“Anong sinabi sa’yo?” nakakunot-noo na ani Shamia nang ibalik nito sa kaniya ang cellphone.

“Wala naman. Tawag lang daw tayo roon kapag may kailangan.”

Napa-ngiti ang dalaga dahil doon. Masaya siya na hindi manlang nagdalawang isip ang pamilya niya na payagan siyang sumama kay Kaiser para makilala ang pamilya nang binata.

Suportado pa nang mga ito ang binata na dalhin siya nang probinsiya. Ayon sa mga ito ay upang maranasan naman raw niya ang ganda nang probinsiya. Dahil minsan nagbabakasyon ang mga ito ng probinsiya. Maganda raw ang atmospera hindi tulad sa syudad na mausok at halos wala nang sariwang hangin.

Tama naman ang mga magulang niya sa sinabi. Kahit na hindi pa siya nagtatagal at hindi pa naiikot ang paligid ay masasabi niyang maganda ang probinsiya at sariwa ang hangin. Iyon ang napansin niya habang nasa biyahe.

KINAGABIHAN ay masaya kumain ang buong pamilya. Nagsalo-salo sila sa munti nilang mesa ngunit marami naman ang nilutong pagkain ni Nay Belinda. Masayang nagku-kwento si Kharis tungkol sa eskwela nito samantalang tahimik naman na kumakain si Kobe.

“Oo nga pala, may pasok pala ngani kami bukas!” naka-ngusong wika nang babae nang matanto na lunes na kinabukasan at kailangan nang mga itong pumasok.

Nabanggit rin nito na nasa ikasampung baitang ito at si Kobe naman ay first year college sa course na BSIS o Bachelor of Science in Information System.

“San kayo nag-aaral? Maybe we can drop you off?” offer ni Shamia sa mga kaharap.

“Hindi ba ate nakakahiya? Okay lang naman kung mag-commute na lang kami.” Saad naman ni Kobe.

“No. Its okey!” tiningnan niya si Kaiser na tahimik lamang na nakikinig sa usapan nila nang mga kapatid nito.

Kasalukuyan silang nasa sala nang munting tahanan.

“Medyo malayo kasi ang MSU ate e.”

“Kobe shut up ka na lang, hindi ka mananalo jan sa ate Shamia niyo!”

She glared at Kaiser na nakahilig sa sandalan ng kawayang silya. “Sasabat ka na lang iyong nakakairita pa ang sasabihin mo?”

“Totoo naman ah?”

“Gusto mo sapak?”

“Basta may kasamang kiss? Pwede!”

Sasagot pa sana si Shamia ng marinig niya ang hagikhik nang magkapatid. Nahiya tuloy ang dalaga dahil nakalimutan niyang kaharap pa pala nila ang mga ito.

“Tabi ba kayo ni Kuya, ate matulog?” maya-maya ay usisa ni Kharis. “Dalawa laang ang kwarto ay! Yung isa ay kay nanay at tatay tapos si Kuya dito sa sala natulog. Matabi na laang ako sa kanila.”

“Pwede naman tayo na lang ang tabi di ba?” sabi niya.

“Pwede rin. Bayae na dito sa labas sina kuya ay.”

So? Dito ang mga ito sa sala matutulog? Hindi ba delikado iyon? Siguro’y nahalata ni Kaiser na naguguluhan siya kaya nagpaliwanag ito. “Safe dito kahit na matulog ka na hindi nakasara ang mga pinto at bintana.”

Totoo? That’s great then! “Pwede din ako dito sa labas?”

Agad na tumutol si Kaiser. “Of course not! Tabi kayo ni Kharis sa kwarto tulad ng gusto mo but not here sa labas.”

Inirapan niya ang lalaki. “Oo na nga!”

“Sige na! pasok na sa kwarto at magpahinga, Khar samahan mo na doon ang ate mo.” Wika ni Kaiser saka lumapit sa dalaga at yumakap saka siya hinalikan sa noo. “Good night babe!”

“Good night.” Aniya saka sumunod na sa kapatid nito papasok sa kwarto.

Hindi malaki ang kwarto, tama lamang sa isang tao. May maliit na cabinet doon na lagayan nang gamit ni Kharis, nakalagay na rin pansamantala doon ang mga gamit ni Shamia. Sa isang tabi ay maliit na lamesa at isang silya na siguro’y ginagamit nang dalaga sa pag-aaral. At sa kabilang tabi ay ang papag na nilagyan nang manipis na kutson, kasya naman ang dalawa sa kama kaya tabi na sila nang dalaga.

“Good night ate! Pasensiya na medyo maiinit dito, nasa kwarto nila Nanay yung electric fan ay! Saka mahangin sana dito kung bukas yung bintana kaya laang ay baka magalit si Kuya pag binuksan natin.”

“I’m fine, don’t worry about me I can manage.” Shamia assured the lady so that she can sleep already, may pasok pa naman siya bukas.

“Paypayan na laang kita ate para makatulog ka, sigurado hindi ka sanay sa walang aircon ano? Yung bahay niyo puro aircon ano? Ganoon naman talaga pag bahay ng mayayaman ay.”

“Ahm... unfortunately yes! Don’t worry one of this days bumisita ka sa bahay ko.”

“Really?” nanlalaki pa ang mata nito habang nagsisimula na siyang paypayan kaya agad niya itong pinigilan dahil baka mapagod pa ang babae.

“You can sleep now Khar! Good night!”

“Good night ate!” anito saka nagkumot at tumalikod sa gawi nang dalaga. Siya naman ay nakatitig sa kisame nang bahay.

Iyong totoo hindi siya kumportable sa kinahihigaan niya, hindi lamang siya nagsasalita dahil sa hiya. Siguro ay masasanay rin siya sa susunod na mga araw pa.

Mag-iisang oras na siyang nakahiga pero hindi pa rin siya dalawin ng antok at tagaktak na rin ang kaniyang pawis dahil sa init sa loob ng silid. Her clothes are alrady wet because of a sweat and she feels very uncomfortable about that. Lalo na at patay pa ang ilaw, hindi natutulog ang dalaga na nakapatay ang ilaw, I’m not comfortable sleeping with lights off!

Hindi na siya nakatiis dahan-dahan siyang bumangon para hindi magising ang katabi saka nakatip-toe na naglakad palabas nang silid. Naaninag niya si Kaiser na nakahiga sa mahabang kawayang upuan sa labas at si Kobe naman ay sa sahig. May kaunting liwanag na sumisilip sa terasa dahil sa sinag ng buwan.

Dahan-dahang naglakad si Shamia papalapit sa binata, hindi niya alam kung gigisingin ba niya ito o ano dahil alam niyang pagod na pagod ang binata sa biyahe at sa pagmamaneho. Maging ang dalaga ay pagod sa biyahe pero hindi talaga siya dalawin ng antok.

Umupo ang dalaga sa lapag sa tapat nang kinahihigaan ni Kaiser na upuang kawayan saka ihinilig ang kaniyang ulo sa dibdib nang kasintahan. Ngunit agad rin niyang naiangat ang ulo ng bigla itong magising at bumalikwas ng bumangon.

“What the--- Babe what are you doing there?” gulat na ani Kaiser ng makita siyang nakaupo sa lapag.

Naiiyak na tumingin si Shamia sa binata. Nagpapaawa. “I can’t sleep Babe!” bulong niya dahil may natutulog sa kabilang bahagi ng sala. Baka magising sa pag-iinarte niya.

Napaawang ang labi nito nang tila may napagtanto. “Pinatay ni Kharis yung ilaw sa kwarto niyo?”

Nakayuko naman siyang tumango.

Napakamot ang binata sa ulo saka siya tinitigan na parang may malaking problema, ngunit agad ding napakunot ang noo nito nang tila may mapansin sa likod na bahagi nang kaniyang damit.

“Basang-basa ka na rin ng pawis? Ee! Hindi yata nailabas nila Nanay yung electric fan sa silid nila.” problemadong-problemado ang hitsura nito pero hindi maikakaila ang pamumungay ng mata dahil sa antok.

Tinitingan niya lamang ito na problemahin ang lagay niya. Natatawa ang dalaga sa hitsura nang kasintahan pero pinipigilan niya dahil baka mairita ito lalo.

“Halika! Ihahatid kita sa kwarto mo at io-on ko rin yung ilaw sa silid niyo, magpalit ka na rin ng damit matutuyuan ka ng pawis niyan.”

Nakatayo na ito para ihatid siya pabalik sa silid ngunit hindi siya kumilos sa kaniyang kinauupuan. “I want to sleep with you, Babe!”

Natigilan si Kaiser sandali ngunit agad din na tumalikod at nagtungo sa silid na pinanggalingan ni Shamia at ng lumabas ay may dala-dala nang bagong damit.

“Bihis na!”

“Wag kang titingin ah.” Pang-aasar nang dalaga.

Inirapan siya nang lalaki saka tumalikod. Agad siyang naghubad at nagpalit ng damit. “Done!”

“O, ngayon saan tayo matutulog? Dito sa lapag? Hindi naman tayo kasya diyan sa mahabang upuan.”

“We’ll fit.” Sabi niya at kumindat saka ito hinila para mauna nang humiga sa mahabang silyang kawayan. “Come here, Baby! Una kang mahiga, alam kong pagod ka!”

Bumuntong-hininga ito saka tila napipilitang sumunod sa gusto niya.

“Napipilitan?” Pang-aasar niya saka humiga sa dibdib ng kasintahan. Aalma pa sana ang binata pero hindi na niya ito pinagbigyan pang magsalita.

“Nope. Iniisip ko lang na baka hindi ka maging kumportable.” Anito na naka-ngiwi dahil sa pinagaga-gawa niya.

Ngunit tinawanan lamang ito nang dalaga saka walang pakialam na hinagilap ang mga braso ng kasintahan at ipina-ikot sa bewang niya.

“Makakatulog na siguro ako kahit na hindi kumportable, katabi kasi kita!”

He just chuckled and kiss her temple. “Correction, Nasa ibabaw kita!”