Chapter 26: Missing Her

Napatikom si Derin ng kanyang bibig. May number ba niya si Cairon? Hindi niya matandaang nagbigay siya, ah. Well, baka hiningi sa tiyahin nito.

‘Hmp! Maparaan ang lokong ‘to, ah. Kahit sa anumang bagay na siguro. Ano bang bago?’

“Just… take care,” nasabi na lang niya. Napagtanto niyang totohanan iyon mula sa puso niya.

“I will. Thanks, babe!” sabi nitong hinalikan siyang muli pero sa labi naman ngayon. Kinindatan pa siya pagkatapos.

Pumanhik na lang siya sa hagdan at nakita niyang tinulungan ng lalaki sa bagahe nito ang ex. Sabay na ang mga itong lumabas ng tarangkahan. Siya naman ay nakaramdam ng bigat. Ngayon pa lang na paalis ang lalaki ay nami-miss na niya ito. Subalit nagtataka siyang ang tunog ng pick-up truck ang narinig niya at hindi ang sports car nito gaya ng sa pagkakaalam niya. Bakit kaya? Hindi ba’t mas mabilis itong darating sa Manila kapag iyong sports car ang gamit sana nito?

‘Well, beats me!’ naisip na lang niyang naiiling at nagpatuloy sa pagpanhik patungo sa kuwarto niya. Hindi naman niya nababasa kung ano ang nasa isip ng lalaki.

***

Habang nagmamaneho ng pick-up truck niya si Cairon, napasulyap sa kanya si Cammy na nasa tabi niya.

“I think she’s jealous,” bungad nitong nakangisi.

“Huh?”

“Si Derin. Akalain mo, magkasama tayo nang limang oras? Kung sports car mo kaya ang ginamit natin, it’d only make the trip shorter. Kaya ba’t hindi iyon ang ginamit natin? Malamang naisip na ng bagong syota mo na gusto mo akong makasama nang mas mahabang oras, ‘di ba?” Napahagikhik ang babae.

“If she’s jealous, that’s good. But if you think you could have ridden my sports car? No way. It’s only for Derin. No other woman’s butt will sit in her seat. Got it?”

Bumilog ang mga labi ng kanyang ex. “Oh, is that it? Hindi ko akalaing napakaselan mo pala kahit sa gano’n, Cairon. I never pegged you for being sentimental.”

“Think whatever you want, Cammy,” aniya na nababagot.

She squinted her eyes at him. “So, does this mean she’s the one?”

“Just… shut up.”

Tumawa sa kanya ang ex. “Oh, aren’t you so touchy when it comes to Derin? Masasabi kong siya na nga ang babaeng nakapasok sa puso mo kung saan hindi ko man lang kayang pasukin noon.”

Napasulyap siya kay Cammy. Bigla kasing nag-iba ang tono ng boses nito. “Wait, are you serious?”

She huffed. “I wouldn’t say it if I wasn’t! You’re such an idiot, Cairon! Minahal kita noon, hindi mo lang alam.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “What?”

“But of course, you’re just some sex-starved maniac. Kaya hindi mo nakikita ‘yon.”

“Cammy.”

“Matutulog na nga lang ako. Gisingin mo na lang ako kapag dumating na tayo sa Manila,” anang babae at pumosisyon na para matulog.

Sinulyapan lang niya ito at napabuga siya ng hangin.

***

“You look like you’re always in a foul mood these days, my man!” puna ni Morris kay Cairon nang bumisita ito sa kanyang opisina.

Nasa kabilang gusali lang ang office ng mutual friends nila ni Cammy. Ito ang dahilan kung bakit naging sila ng kanyang ex dahil sa ipinaalam nito sa kanya na may gusto sa kanya ang babae. They just got together one night at naging nobya na niya ito. Hindi man lang niya niligawan.

Aminado siyang nagulat siya nang ikinompisal nitong minahal siya nito. Ni hindi man lang niya napansin iyon noon.

‘Maybe there’s something wrong with me.’

“Tsk! Iyan lang ba ang ipinunta mo rito para sabihin sa ‘kin ‘yan?” Bahagyang itinaas niya ang kilay na sumandal sa kulay-mahogany na swivel chair niya. Tinitigan niya ang kaibigan.

It had been one hell of a week since he left Sta. Ignacia. Palagi niyang tinatawagan si Derin pero laging sinasabi na busy ito at hindi ito puwedeng makipag-usap sa kanya nang matagal.

What the hell was that? Hindi ba siya nito nami-miss katulad ng pagka-miss niya rito?

‘It’s so unfair!’

Ngayong nandito naman siya sa Manila, hindi siya basta-basta makakapunta roon sa probinsya dahil nga may marami siyang trabaho. Apat na araw lang siyang wala sa opisina, gabundok na ang naratnan niya. It was killing him, and it was pissing him off! Big time.

Dahil wala si Derin.

Hindi man lang niya abot-tanaw ang dalaga. Tapos kapag sinasagot siya sa cell phone, parang wala lang. Kaya sino ba ang hindi mag-aalburuto nito sa kalagayan niya? It was all too much for him.

“I think you’re love sick, man,” tudyo ng kaibigan sa kanya. Umupo ito sa visitor’s chair na nasa harap ng desk niyang gawa sa salamin.

“What are you talking about?” Lalo lang siyang naiinis sa pinagsasabi nito. Tinapunan niya ito ng stress ball at mabilis namang sinalo ng gunggong na si Morris.

“Mag-helicopter ka na para mas madaling makauwi sa probinsya. Walang ginagawa ang helicopter mo, ‘di ba?”

“Oo nga pala, ano? Pero ayokong sasabihin niyang patay na patay talaga ako sa kanya para gawin ‘yon. May pride din ako, dude!” nakasimangot na wika niya.

Napatawa nang malutong si Morris. “You’re crazy, man. Who’d think you’ll act like this when you’re in love? I never thought you would.”

Hayun na naman ito sa panunulsol nito. Was he really in love with Derin? That fast? That was impossible, wasn’t it? He could not possibly fall for a girl who he had just met for a few days, could he?

“I can’t go. I have a lot of things to do.” Umiling siya. Nagmamatigas. “Siya naman ay busy sa ginagawa niyang biography para kay Tita Este. I can’t ruin it. It’s her work,” dagdag na sabi naman niya.

“I don’t know, man. Ikaw ang bahala. Buhay mo naman ‘yan.” Naiiling si Morris sa kanya at ibinato ang stress ball pabalik sa kanya.

Sinalo naman niya iyon saka napaisip nang malalim.