Chapter 25: Jealousy Arises

Naisip ni Cairon na nababaliw na siya. Hindi ba’t gusto niyang maangkin ang dalaga? Hindi ba’t pagkakataon na niya iyon kanina? Bakit ba pinakawalan pa niya? At ngayon ay paikot-ikot siya ng lakad sa loob ng malaking silid niya. Para siyang isang hayop na nakahawla.

Nagsisisi siya.

“Tsk! I think I’m getting crazy,” sabi niya sa sariling napailing-iling. “This is so unlike me to just let go of a woman when all I want to do is ravish her!”

Bumuga siya ng hangin. Umupo siya sa kanyang kama at humiga. Nakatingin siya sa kisame habang inaalala ang paghalik sa dalaga na tumugon din sa maiinit na halik niya.

“Hell!” He felt that it was great!

Alam niyang hindi ito tumugon sa kanya dahil iyon ang kabayarang gusto niya para sa inutang nitong pera sa kanya upang makapamili ng souvenirs. He knew deep inside she felt something for him. Pero bakit parang pinagkaitan niya ang sarili ngayon? Dahil gusto niyang magiging sigurado ang dalaga. At siguro siya na rin.

Still, he had his hard-on. Same old, same old.

Ganoon pa rin ang epekto sa kanya ng dalaga. Matindi pa nga. Pero nakuha pa rin niyang magpigil sa sarili. Puwede na yata siyang maging santo, eh, he thought sarcastically.

Napaisip siyang babalik na nga pala siya sa Manila mamayang madaling-araw. He did not want to go. He did not want to go to work. He did not want to leave.

He did not want to leave her.

Napatigil siya sa pag-iisip nang tumunog ang kanyang cell phone. Si Cammy na naman.

“When are you going back to Manila? May nakakita sa ‘yo kanina sa lungsod kasama si Derin. So, I thought…”

“What do you want, Cammy?” he snapped.

“Puwede bang sumama sa ‘yo kapag papunta ka na ng Manila? May car is broken at pinapaayos ko pa. Not sure when it’s going to get fixed, and I have an appointment with a client tomorrow afternoon, so it’s very important for me to be there.”

Napabuntong-hininga siya. Ayaw pa naman niyang may ibang babaeng sasakay sa sports car niya kundi si Derin lang.

“Why don’t you take a bus?”

“What? Alam mo namang hindi ako sasakay sa mga gano’n. I don’t commute, Cairon. Really, you know that.”

“You’re not my responsibility, Cammy.”

“Maaatim mo bang mawawalan ako ng kliyente dahil ayaw mo ‘kong isama sa pagbalik sa Manila, ha? Doon naman ang punta mo, kaya bakit ayaw mo? Dahil ba kay Derin? Natatakot kang baka magseselos siya, ha?”

“Damn it!”

Napatawa ang babae sa kabilang linya. “Ikaw, kung hindi mo ‘ko isasama bukas, kakausapin ko si Derin at…” Sadya nitong ibinitin ang nais sabihin.

“Damn you, Cammy! What are you going to tell her, huh?”

“Well… maybe… our past sexcapades? I’m sure she’d love to hear⸺”

Napapikit ng kanyang mga mata ang binata. “Pagseselosin mo talaga siya?” Alam niyang puwede niyang malaman kung magseselos nga ba kay Cammy si Derin sa pamamagitan ng mga impormasyon ng ex niya pero hindi puwede. Alam niyang dapat nakalibing lang iyon sa nakaraan.

Napatawa si Cammy sa kabilang linya. “You’re a coward after all.”

“F*ck you, Cammy.”

“Which… you already did. So hard, in fact. So? Ano? Isasabay mo ba ako o hindi?”

***

Parang tulog-manok ang ginawa ni Derin. Bakit ba kasi? Alam niyang aalis si Cairon mamayang madaling-araw. Hindi niya alam kung anong oras pero baka mga bandang alas dos para makapaghinga ito nang kaunti pagdating sa Manila bago pumasok sa trabaho.

Bumangon siya para uminom ng tubig pero wala na palang laman ang baso at pitcher sa bedside table niya. Naubos niya siguro sa kaiinom kada gising niya at pagpunta sa banyo. Para siyang buntis na pusang hindi mapakali. Gusto na niyang sipain ang sarili, kung puwede lang. Pabalik-balik din kasi sa isip niya ang sinabi sa kanya ng lalaki na may gusto ito sa kanya at lalo na ang halik na iyon na tila pamamaalam. Sobrang pusok.

Diyos ko Lord! Sumiksik na talaga sa isip niya. Hindi lang iyon. Nag-replay pa ang lahat ng eksena kung saan hinalikan siya ng lalaki noon. Sa pool, sa may hagdan, sa may blind curve noong una silang nagkita… Para na siyang mababaliw.

Suot ang night shirt ay bumaba na siya para pumunta sa kusina. Subalit nasa hagdan pa lang siya nang makita niya si Cammy na may dalang overnight bag at kasama si Cairon. Natigilan siya. Aakyat sana siya pabalik bago siya makita ng lalaki pero huli na. Nakita na nga siya ng binata.

“Hey… sweet lips! Gising ka pa pala?” anang lalaki.

Napalingon sa kanya si Cammy na may ngiti sa labi. Binati siya nito.

Sasama sa binata ang babaeng ito sa Manila? Nagkabalikan na ba ang mga ito? Pero ano raw? Sweet lips na naman kasi ang tawag ng lalaki sa kanya. Naiinis na siya, ah. Pinaglalaruan ba talaga siya ng lalaking ito?

Bumaba na lang siya at sinalubong siya ng lalaki.

“Um… kukuha lang sana ako ng tubig, eh,” sabi niya rito na hindi mapatingin sa mukha nito.

“Tutulungan na kita. Hindi pa gising ang mga maids at si Ate Lucinda. Aalis lang naman ako, eh. Hindi ko na sila kailangan. At ikaw, bakit gumising ka pa? Para ba magpaalam sa ‘kin, hmm?” Ngumiti sa kanya nang nakaloloko ang lalaki.

Binigyan niya ito ng matalim na tingin pero nakangisi pa rin ito sa kanya nang nanunudyo. Hindi man lang natinag sa masamang tingin niya. He was already immune to it. It seemed.

“Pero buti na rin ‘yon. Mami-miss kitang masyado,” biglang lambing na naman nito na ikinalukso ng puso niya.

Umalis na ito pagkaagaw ng pitcher sa kamay niya para pumunta sa kitchen at ikuha siya ng tubig.

“Makikisabay lang ako kay Cairon. Okay lang ba?” anang Cammy sa kanya.

‘Okay lang ba? Eh, nandito ka na?’ anang isip niya. ‘At ang kumag na ‘yon hindi man lang sinabi na sasabay sa kanya ang ex niya. For five hours ay magkakasama sila samantalang ako ay maiiwan dito!’

‘Sh*t! Teka lang, Derin. Tumigil ka na. Wala kang karapatan na magalit o magselos. Right? Right!’

Humugot siya ng hangin. “Sure, why not? Pareho naman kayo ng destinasyon, ‘di ba?” aniyang ngumiti nang pilit kay Cammy. Kahit paano ay nakuha niyang sumagot dito. Pero sa isip niya ay gusto niyang sabunutan ang babaeng ito.

Wala ba itong sariling kotse? Eh, siya ngang walang hacienda meron, ito pa kaya?

Ngumiti sa kanya ang ex ni Cairon. “Salamat at hindi ka katulad ng ibang mga girlfriends na sobrang selosa, lalo na si Cairon ang boyfriend. I mean, you know.”

‘Hus! Kung makangiti ito parang santa!’ inis na naisip niya.

“But if you were, I’d understand,” dagdag ng babae.

Ngumiti lang siya rito nang matipid pero sapilitan pa rin. Hopefully ay hindi iyon nakuha nito.

Bumalik naman si Cairon na bitbit ang pitcher niyang may lamang tubig na malamig.

“Get back to sleep, sweet lips. I’ll call you when I get there, okay?” wika ng lalaki na ibinigay ang pitcher sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.