Chapter 27: Supportive Friends

Sino-sort ni Derin ang mga events sa buhay ni Estela by timeline. By decades na niya ito inayos. Tapos, may ginawa siyang flashbacks na rin na puwedeng i-insert sa ilang chapters. Wala pa siyang naging pamagat sa libro. Mamaya na niya isipin iyon pagkatapos niyang ma-polish ang first draft na malayo pa namang mangyari. O kaya naman ay tatanungin niya si Estela na ibigay ang gusto nitong title kung may maisip man ito. After all, her employer was the owner of the said personal story.

Kahit na parang ang bagal ng mga oras na dumaan kada araw lalo na’t napapaisip siya kay Cairon ay natagpuan na lang niya ang sarili na ibinaon ang sarili sa trabaho. Kahit paano ay bumibilis din ang kamay ng orasan kapag ganoong lubog na lubog siya sa pagsusulat.

“Yes!” tugon niya sa cell phone nang tumunog ito nang hindi man lang tiningnan kung sino iyon. Nasa tabi lang ng desk na ginagamit niya sa library ang aparato. Doon na siya pinagpatrabaho ni Estela para huwag maistorbo at nang mas komportable.

“Where are you? We’re waiting at the restaurant you said.”

Napamaang siya nang marinig ang boses ni Jace. Napasapo pa siya sa kanyang noo.

“Oh, my God! I forgot! I’m so sorry! Is Gretch pissed?” napangiwing usisa niya.

Napatawa ang Amerikano sa kabilang linya. “Of course… not!”

“I’m gonna kill you, Jace! I’ll be right there! Just give me like… maybe thirty minutes to an hour?”

“All right. I’ll tell Gretch it’ll take you a lot of time to arrive here.”

Nagmamadali na siyang maligo at magbihis. Naghabilin na lang siya kay Ate Lucinda kung saan siya pupunta kung sakaling hahanapin siya ni Estela. Napakagat-labi siya habang napasulyap sa sports car ni Cairon. Nami-miss na niya ito… kahit ang mga mahahalay na nitong mga salita. Pero napapilig siya ng ulo.

‘Hindi. Hindi ko siya nami-miss,’ deny niya sa sarili.

Gamit ang kanyang kotse ay nag-drive na siya papuntang lungsod.

Napatili pa siya nang makita ang magkatipang Amerikano at Amerikanang aktres. Ang bodyguards nito ay nasa hindi kalayuan lang at parang turista lang din, simpleng napamasid sa kanilang paligid.

Nagyakapan silang dalawa ni Gretchen at nagbeso-beso. Pagkatapos ay sumunod si Jace. Dalawang taon na ring engaged ang dalawa at malapit na ang kasal ng mga ito. Masaya siya para sa mga kaibigan niya.

“We really want you to come to my wedding, Derin!” pakiusap ni Gretchen. She flipped her shoulder-length blonde hair, and her blue eyes twinkled. Halatang excited na ito sa kasal nila ng katipan.

“Aww. That’s so sweet! But that’s what? Like… five months from now?” Sa California daw gagawin iyon.

“Yep! And… you have to bring your wedding date. That’s a must! Definitely!” Pinakunot pa nito ang ilong at pinalaki ang mga mata upang igiit.

Ngumiwi siya sa kaibigan. Sino ba naman ang wedding date na dadalhin niya roon? Ito talagang kaibigan niya parang siraulo. Alam naman nitong wala siyang boyfriend, eh.

“Hey, don’t tell me you still don’t have a boyfriend! Until now? Who was that guy you’ve mentioned last time?” tudyo nito.

Napatawa na lang siya nang mahina. At bigla ba namang napalis iyon nang mapasulyap siya sa entrance ng restoran dahil may umagaw sa kanyang atensyon. Kaya naman ay napalingon doon ang magkatipan. Todo ang pagrigudon ng puso niya sa nakita.

“Good God! Is that him?” kinikilig na anang Gretchen na pinahinaan ang boses. Nanlaki ang asul na mga mata nitong bumaling sa kanya. “He looks so damn hawt!” Agad itong napabaling sa fiancé. “Baby, you know that you’re the only one for me, right?” bawi nito kay Jace. Hinaplos pa nito ang pisngi ng lalaki na tumawa naman at hinalikan ang Amerikana.

“Ate Lucinda told me I can find you here,” sabi ni Cairon nang makalapit na sa mesa nila. Nakatitig ito sa kanya bago sinulyapan ang mga kasama niya sa mesa.

Tumikhim siya at napakurap-kurap. Bakit kasi parang biglang nag-slow motion ang lahat sa paligid niya at nakikita pa niya ang makulay na background ng binata gayong light beige lang naman ang pintura ng pader ng restoran?

Paanong naging makulay iyon?

Naloloka na yata siya.

‘Hindi, stress lang ‘to sa trabaho,’ palusot ng isip niya.

“U-uh… yeah. As you can see.” Pansin niyang tila naghihintay ang lalaki sa susunod niyang gagawin. “Ahm… This is my friend Gretchen and her fiancé Jace.” Umayos siya sa pagkakaupo kahit maayos naman na.

Nakita niyang bahagyang tumaas ang kilay ni Cairon sa kanya nang marinig ang pangalan ng Amerikano. Ito kasi iyong itinanong nito sa kanya noon kung sino si Jace.

Binati ni Cairon ang magkatipan, pati na sa pagiging engaged ng mga ito.

“We’ll send you the wedding invitation when we’re back in California,” pahayag ni Gretchen kay Cairon na umupo sa tabi ni Derin.

Pasimple pang hinawakan ng binata ang kamay niyang nasa ibabaw ng kanyang hita. Kinuha nito iyon para ipatong naman sa hita nito at ang isang kamay ay naglaru-laro sa hinawakang kamay niya.

‘Sh*t!’ mura niya sa loob-loob lang.

Parang hinalukay-ube na naman ang sikmura niya sa ginagawa ng lalaki. Naramdaman niya ang tila paghigpit ng muscles niya sa kanyang puson at bumaba pa iyon sa pinakasentrong parte ng katawan niya. Nanunuyo ang lalamunan niya at hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan.

“Thank you,” simpleng sabi ni Cairon kay Gretchen. “Where are you staying, by the way?”

“Oh, we’re still looking for an inn or something around here,” tugon ni Jace sa binata. “Someone was supposed to book us a room but forgot all about it,” dagdag nitong sinulyapan si Derin.

Hinawakan ng dalaga ang kanyang pisngi at muling humingi ng despensa sa magkatipan.

“Well, it doesn’t matter. There’s plenty of guest rooms in my house. You can stay there for as long as you like.” Bigla ba naman itong nag-offer na sa mansion na nito tumuloy habang nandito ang mga ito.

Nagkatinginan ang magkatipan at si Derin. Hindi niya talaga inasahang mag-alok ang binata ng ganoon dahil isang linggo rin ang plano ng magkatipan na mananatili sa Sta. Ignacia para makasama siya.

Nakonsensiya tuloy siyang masyado dahil naipangako niya noon na hahanapan niya ng matutuluyan ang mga ito pero nawala naman sa isipan niya dahil sa sobrang pagka-busy niya sa trabaho. At sa kagustuhang kalimutan si Cairon.

“Oh, that’s great, so generous of you, Cairon! If it’s not of any inconvenience for you, then we’d like to stay at your home,” sabi ni Jace nang nakangiti. Nagigiliw ang mga berde nitong matang nakatitig sa kausap na lalaki. Napaka-friendly naman kasi ng Kanong ito.

“No problem. It’s okay. Derin’s friends are always welcome in my home,” assure ng binata na hinimas-himas pa rin ang kamay niyang hawak nito.

Napansin man iyon ng magkatipan ay parang natutuwa pa ang mga ito para sa kanya. Kita niya ang panunudyo sa mga mata ng dalawa.

‘Tch! Ang supportive naman ng mga ‘to,’ sa isip niya. ‘At siya rin,’ sabay baling niya ng tingin kay Cairon.