Chapter 24: Pay By A Kiss
Pagdating nila sa mansion ay pinigilan si Derin ng lalaki bago pa man siya makapanhik ng hagdan. Iniabot nito sa kanya ang supot na kani-kanina lang nito dinala. Napansin niyang may binili ito kanina pero hindi niya napansin kung ano. Naisip niyang baka may binili lang ito para sa tiyahin.
“Para sa ‘yo ‘yan,” wika ni Cairon sa kanya.
Napilitan siyang tanggapin ang supot. “A-ano ‘to?” aniyang sinilip ang nasa loob. Hindi niya akalain na para pala sa kanya ang binili nito.
“Woven pen holders. Hindi mo ba talaga alam kung ano ‘yan?” anang lalaki.
“B-bakit kasi tatlo?” kunot-noong aniya.
“Because ‘I like you’!” walang gatol na tugon nito.
Natigilan siya sa sinabi ng binata. Hindi niya inasahang marinig iyon mula sa lalaki. Seryoso ba ito? Nakita niyang unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Nanunuyo ang lalamunan niya at lumakas ang pagtahip ng kanyang dibdib.
Hindi niya namalayang humigpit ang pagkakahawak niya sa supot ng pinamili niyang native bag para kay Gretchen at bamboo wine holder para kay Jace na fiancé nito. Ibibigay niya ang mga ito kapag darating sa susunod na buwan. Magbabakasyon daw ang mga ito sa Pilipinas at magkikita sila.
Dahil nakagala naman siya kasama si Cairon ay kaya naisip niyang bumili ng souvenirs para sa magkatipan at ibibigay ang mga iyon kapag nagkita na sila. Baka pupuntahan daw siya ng mga ito dito sa Sta. Ignacia. Hindi niya kasi alam kung kailan siya ulit makakagala. Sigurado siyang magiging busy siya sa kanyang trabaho sa susunod na buwan nang dahil sa kanyang project ngayon.
“What’s with you? Ngayon ka lang ba nakarinig ng lalaking nagsasabing ‘I like you’?” untag ni Cairon sa kanya nang nanatili siyang tahimik. Wala naman kasi siyang masabi.
Magkalebel ang kanilang mga mata ngayon dahil nakapatong siya sa hagdan. Tumikhim siya at napaiwas ng paningin. Kanina pa kasi siya nakatitig sa guwapo nitong mukha. Sa maikling salita, binigyan siya nito ng woven pen holders na tatlo at ang ibig sabihin niyon ay gusto siya nito.
What was she supposed to feel? To react?
Para siyang matilihan. Nakatayo lang kasi siya roon at hindi nakakibo habang nakatitig sa lalaki. Teka, nakanganga ba siya? Itinikom na lang niya ang bibig para sigurado.
Tumikhim siya ulit at tinalikuran ang lalaki. “I-I’ll go get the money,” sa halip ay aniya. Napakagat-labi siyang nagsimulang pumanhik na naman. Pero nang nasa second floor na siya ay naabutan siya nito at pinigilan sa braso.
“Sabi ko naman sa ‘yo kiss ang gusto kong kabayaran,” ngising anito.
Parang nangungusap na naman ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya. Hinapit siya nito sa baywang at ramdam na naman niya ang matigas nitong hinaharap sa puson niya. Nakatitig ito sa nakatikom niyang labi.
“Open your sweet lips, babe,” utos nito nang banayad na may tunog na paglalambing.
‘Sh*t!’ mura niya sa isipan nang sumunod siya sa gusto nito.
Nakita niyang umunat ang mga sulok ng labi nito bago siya nito hinalikan.
‘God! Ano ba ‘to?’
Pumikit na lang siya ng mga mata at marahang napatugon sa halik nito. She matched the way his lips moved against hers. Hindi na niya napigilan ang sarili. She was totally falling for his…
‘What, Derin?’ pang-uuyam ng kanyang isipan.
‘Ah, basta!’ Ayaw na niyang mag-isip.
Narinig niya ang mahina nitong pag-ungol habang hinahalikan siya. Patuloy nitong iginalaw ang mga labi sa kanya. Lumalim iyon at kay sobrang sarap. Halos hindi siya makahinga pero humigit siya ng hangin sa pamamagitan ng kanyang ilong. Ganoon din ang lalaki.
He gently nipped her lower and upper lips, one by one. Then, his tongue stroked hers, and she met it with equal passion.
Tuluyan na yata siyang nawawala sa sarili. Hindi na niya naisip na tumigil sa paghalik. Basta sinuklian lang din niya ang bawat paggalaw ng bibig ng lalaki. Hindi niya alam kung gaano sila katagal na naghahalikan basta patuloy siyang tumutugon kay Cairon.
Rinig niya ang pag-anas nito sa kanyang pangalan na siyang nagpalundag ng kanyang puso. Ang sarap pakinggan nitong ibinubulong ang kanyang pangalan sa pagitan ng mga halik. She thought it was so sexy and sweet.
She was feeling heady when he finally broke the kiss after a short while. Or was it a long while? Wala siyang alam.
Humihingal sila kapwa at nakatitig ito sa mga mata niya. “What are you doing to me, you seductive woman?” mahinang bulong nito sa kanya.
“W-wala akong ginawa sa ‘yo, ah,” pilit na sagot niya at napalunok. Binalikan ng isip niya kung may ginawa o ipinakita nga ba siyang motibo rito pero wala siyang mahagilap.
He snorted. “The hell you didn’t do anything,” ang anito sa kanya.
Napalunok siya habang umiinit ang kanyang pisngi. Alam niyang hindi ito dahil sa atmospera kundi dahil sa maalab na halik nito.
“Huwag mo nga akong akusahan, Cairon. Ano, b-bayad na ba ako?” Itinaas niya ang nguso.
Napatawa ito nang mahina at dahan-dahan siyang binitiwan. “Yes! Go to your room before I’d change my mind.”
Para namang sinilihan ang puwet niyang sumunod sa sinabi nito. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Hinihingal siya nang marating ang kanyang silid na animo’y napakalayo nito at nasa Timbuktu. Napasapo pa siya sa dibdib niya nang nakasandal sa dahon ng pinto. Nanginginig ang kanyang mga tuhod.
‘Diyos ko Lord. Ano ba ‘tong nararamdaman ko para sa kanya? Hindi ‘to puwede! Hindi.’
Alam niyang hindi rasyonal ang makadama ng ganito kung kuwestiyonable ang lalaki lalo na’t kakakilala lang nila at hindi maganda ang impresyon niya rito.
‘This doesn’t make sense at all!’ anang utak niya. ‘So, why?’
Humugot siya ng malalim na hininga. Napatingin siya sa mga supot na nasa kamay pa niya. Milagro yatang hindi niya naibagsak ang mga ito nang halikan siya nang mapusok ng binata kanina.
Dumako sa labi niya ang kanyang mga daliri. Hinaplos niya ang tila namamaga niyang labi nang dahil sa halik ni Cairon. Halos kainin kasi siya nito kanina.