Chapter 23: Faves

Kumibit si Cairon. “From time to time, when I feel like it.”

Dumating na ang kanilang order, plus extra na dessert.

“Strawberry and Ferrero Waffles on the house, Sir Cairon,” pagpaalam ng waiter nang nakangiti. Nasa twenties ito, moreno at average ang tangkad.

Tumango siya. “Thanks, Luke. Pakisabi kay John I appreciate it. I’ll talk to him when I’m not busy, okay?”

“Yes, Sir,” ngiting tugon ng waiter na napasulyap sa dalagang nakangiti rin dito bilang pasalamat. Umalis na ito pagkatango kay Derin.

“May libreng ekstrang dessert? Ang galing naman! Gusto ko na ang restorang ‘to,” sabi ni Derin na ngingiti-ngiti sa kanya. Iyon pa ang inuna nitong kinain. “Ano?” tanong nito nang hindi pa rin siya kumilos para kumain.

“You’re eating the dessert first,” puna niya.

“I actually like my dessert first before anything else,” pahayag nito.

His lips formed into an O. “Huh! You’re actually full of surprises,” nasabi niya sa babae.

“You don’t know me, Cairon,” anito sa kanya na sumubo at napa-mmm pa sa sarap ng kinakaing on-the-house waffles.

Hindi matanggal-tanggal ang paningin niya sa mga labi nito. Para siyang hinahalina. At sa ganitong pagkakataon ay bumabalik sa isip niya kung gaano kasarap hagkan ang babaeng ito.

“Guess what? I want to know you better, Derin.” Hinawakan niya ang paningin nito kaya nakatitig lang ito pabalik sa kanya.

Bumagal ang pagnguya ni Derin sa pagkain at napaiwas ng paningin pagkatapos ng ilang segundo⸺o minuto? Napatawa na lang siya rito nang marahan at nagsimula nang kumain sa kanyang in-order.

“Why do you like to eat your desserts first?” naitanong niya sa babae.

Muli itong napatingin sa kanya. Lumunok ito bago sumagot, “I rarely have desserts back in the day…”

“Noong naghihirap ka, gano’n?” wika niya.

Tumitig sa kanya ang babae at marahang tumango. “Diabetic ang lola ko kaya hindi rin ako puwede dahil ayokong tuksuhin siya. I tried to keep a strict diet, especially when she was still alive. Ako kasi ang nag-aalaga sa kanya noong nabubuhay pa siya. But still, it was too late for her. Hindi na gumana ang ilang organs niya sa katawan dahil sa taas ng blood sugar niya kahit na nag-i-insulin na siya.” Napabuga ng hangin ang dalaga at napailing nang marahan. “It was awful. Naghirap si Lola hanggang sa mga huling sandali niya.”

Pansin niya ang luhang bumalong sa mga mata nito ngunit pansin niya ring pinipigilan nitong huwag mapaluha sa harap niya. Naisip niyang pagaanin ang mood nito para hindi ito tuluyang mapaiyak.

“But shouldn’t you stay away from desserts if you don’t wanna end up like your old woman?” ang aniya sa babae.

Napangiti ang dalaga kahit paano. “Yeah, I should. That’s why I only eat desserts rarely. Madalas vegetable salad lang ang kinakain ko lalo na kapag nasa bahay lang pero kumakain din naman ako ng ibang pagkain, lalo na kung hindi ko pa natitikman. Hindi ako sobrang mapili, actually. Kinokontrol ko lang kung ano ang dapat kong kainin.”

Napangiti siya sa sinabi nito. “So, do you have any favorite food?”

Umiling ito. “Nothing in particular, but I do love bean sprouts. Kahit paano siya lutuin, basta sprouts, kakainin ko.”

“Hindi ba maugat iyon?” biro niya pa nang makahulugan.

Pinaikot ng babae ang mga mata. “Kalaswaan na naman ang nasa isip mo. Kung sasapakin kaya kita riyan?” Inambahan pa siya nito.

Napatawa tuloy siya na nakataas ang mga kamay. “Sorry. I was just kidding! See? You don’t look like you’re going to cry.”

Napalunok ang babae at napaingos. “Sino’ng may sabing iiyak ako, ha?”

Lumambot ang ekspresyon sa mukha niya. “I’m sorry, but I don’t want you to cry, Derin.”

Napatitig sa kanya ang babaeng hindi nakapagsalita.

***

Naglakad-lakad muna sila sa may mga stalls sa hindi kalayuan ng restoran pagkakain nila. Mamayang mga alas otso ang sara ng mga ito pero ang iba ay nakasara na nang maaga.

Nakapamulsahan si Cairon habang may mga produktong tinitingnan ang dalaga katulad ng native bags, straw hats, figurines, at iba pa. Habang busy ito sa pamimili ay may nakakuha sa kanyang atensyon⸺isang woven pen holder.

“What’s your favorite color?” pasimpleng tanong niya sa dalagang busy sa katitingin sa isang pamaypay na may iba’t ibang kulay. Tinesting pa nito ang pagpaypay habang nagigiliw na nakamasid sa kanila ang nagtitinda.

“Apple green,” tugon nitong napasulyap sa kanya pero agad na ibinalik ang atensyon sa sinusuring pamaypay. Siguro ay napahanga ito kung paano iyon ginawa.

Napagtanto niyang kaya pala iyon ang kulay ng kotse ng dalaga. Ang pinakamalapit na kulay na light green ang napagdesisyunan niyang bilhing woven pen holder. Tatlo.

Inilagay na iyon ng teenager na babaeng tindera sa isang asul na supot. Binigyan pa niya ito ng ekstrang bayad at nagpasalamat ito sa kanya nang may matamis na ngiti. Kinindatan na lang niya ito.

Pumili ang dalaga ng isang bag at isang bamboo wine holder na maganda ang pagkakadisenyo. Pero nang mapakapa ito sa shorts ay wala pala itong dalang pitaka.

“Sh*t. Nakalimutan ko palang dalhin ang wallet ko. Pahiram naman ng pera, o,” sabi nito sa kanya. “Babayaran kita pagdating sa bahay mo.”

Napangisi siya rito at dinukot na ang pitaka para bayaran ang mga pinili nitong bilhin. Siya na ang nagbayad at inilagay na iyon ng tindera sa tig-iisang malalaking supot kung saan kasya. Tinanggap nito ang dalawang supot pagkapasalamat sa tindera.

“Iba ang gusto kong ibayad mo.” He deliberately dropped his voice into a bedroom tone.

Napanganga si Derin sa kanya. Hindi nakapagsalita.

“Kahit isang kiss lang, sweet lips,” hirit niya.

Kumislot ang mukha nitong napatingin sa kanya. “Kahit kailan ka talaga, manyak!” Tinalikuran siya nito at nauna na itong magtungo sa kung saan nakaparada ang pick-up truck niya.

Patawa-tawa na lang siyang sinundan ang dalaga.