Chapter 16: Pushed To Him

‘Muntik na, eh!’ inis na nasa isip ni Cairon.

Kung hindi tumawag ang buwisit niyang engineer ay baka dinala na niya sa silid niya ang dalaga at nagpatuloy sa ginawang paghalik sa babae at sinimulan na sana ang ritwal para pasabugin ang bulkan. Suyang-suya talaga siya sa empleyado niya.

May ikinunsulta ito sa kanya tungkol sa isang project na gusto niyang pasimulan sa Lunes at gusto nitong i-double check kung ayos lang kung iiwan nito ang isa pang kasalukuyang proyekto na pinamamahalaan nito para iiwan sa isa pang engineer. Ayaw kasi nitong bitiwan iyon nang hindi pa tapos. Para matapos na ang usapan ay sinabi niyang isesesante niya ito kung susuwayin pa nito ang utos niyang iwanan iyon at magsimula sa halip sa bagong project. Minura pa niya ito at walang nagawa kundi sundin ang nais niya. Dahil sa empleyado niya ay naunsiyami ang kanyang ginawang pag-seduce kay Derin.

Ang babae naman ay parang isang hito na agad tumalilis nang mabitiwan niya lang nang kaunti. Nakakita lang ng pagkakataon ay agad na umiwas sa kanya. Pero kahit paano ay alam na niyang pahina na nang pahina ang depensa nito laban sa kanya. Natutuwa siya na ganoon ang nangyari. May progress na siya kahit sa pangalawang araw pa lang. Sana nga lang ang bumigay na ito bago pa man siya makabalik sa Manila at nang wala siyang sakit sa puson kapag aalis na sa mansion. Hindi pa niya alam kung kailan siya makakabalik kapag nandoon na siya. At sigurado siyang hindi siya mapakali hangga’t hindi niya naaangkin si Derin.

Ang pilyo niya talaga. Wala na yatang makakapantay pa.

Napatingin siya sa dalaga nang dumalo ito sa kanilang magtiyahin sa hapag-kainan. Ngunit hindi nito sinalubong ang mga mata niya. Kay Tita Estela niya lang ito nakangiti nang matipid. Nakaupo siya ngayon sa kabisera at magkatapat ang mga itong nakaupo sa mahabang mesa sa dining room.

“Cairon, why don’t you show Derin around? I think I got a migraine attack, so I’ll be a lousy hostess to my guest,” paliwanag ng tiyahin niya.

Nakita niyang napamaang ang dalaga. Siya naman ay todo ang ngiti sa tiyahin at sa dalaga.

“Of course, Tita Este. No problem. You just take a rest. I’ll take good care of your guest.” Iginiit pa niya iyon.

Nakita niyang parang nataranta ang mga tingin ng dalaga pero hindi ito makapagsalita. Nagigiliw tuloy siya rito. Pagkatapos ng nangyari sa kanila kanina sa may pool ay alam niyang natatakot itong mapag-isang muli sa kanya. Alam niyang gusto nitong labanan ang nararamdaman para sa kanya. Siguro ay dahil sa tiyahin niya ang kliyente nito. It may have something to do with work ethics, but he did not care one tiny bit. He would get what he wants.

“Thank you, Cairon. Buti na lang at hindi ka agad bumalik sa Manila gaya ng plano mo,” sabi ng tiyahing inabot ang kanyang kamay para tapikin ito.

‘Well, thank you dahil pinigilan mo akong umalis, Tita. And because of that, I met someone so interesting, fascinating!’

Dumako ang mga mata niya kay Derin. It was like he was eyeing a delicious prey.

Pagkatapos nilang kumain ay nag-toothbrush lang siya bago naghintay kay Derin sa may porch.

“You don’t really have to do this,” sabi ng babae nang makalabas.

Nakatungo ito at hindi nakatingin sa kanya. Nakasuot pa rin ito ng shorts at fitting na T-shirt na suot kaninang pananghalian pero mukhang nag-apply lang ito ng manipis na makeup, nakalugay ang mahabang buhok, at mabango pa rin.

Gusto na naman niya itong kabigin at halikan, pero nagpigil na siya sa sarili sa pagkakataong ito. Gusto rin naman niyang ilibot ito para makita ang kagandahan ng probinsyang ito at lalo na ang lupaing pagmamay-ari niya—nila ng Tita Este niya.

“What are you talking about, sweet lips? Gusto kong gawin ‘to,” turan niya sabay hawak sa kamay nito at hinila na papunta sa pick-up truck.

Binawi ng babae ang kamay at napangiti na lang siya sa sarili, pinakawalan ito.

Ipinagbukas niya ito ng pinto sa passenger seat. Kung hindi pa ito nakaangkas sa sasakyan ay susugurin na naman ito ni F nang makita ang dalaga. Napatawa tuloy siya sa nakatakas na namang aso sa hawla. Wala talagang ginawa si Mang Matias sa hawla na iyon para hindi makawala ang aso. But well, wala siyang pakialam dahil ayos lang sa kanya na makalabas din ang alaga para makapag-enjoy sa paligid. Malaki naman ang pagmamay-ari nilang lupain. Kilala ng mga empleyado ang aso kaya hindi ito mawawala.

“Hey, buddy! Gusto mo bang sumama, ha?” Hinimas-himas niya ang ulo nito. Kinarga niya ang aso at napatingin sa dalaga. “He wants to come with us.” Kinindatan niya ang dalaga.

Umawang ang labi ng dalaga.

“Say please, F,” aniya na ikinaway ang isang paa ng aso sa harap ng dalaga.

Tumahol ang aso nang nakangisi sa dalaga.

“Fine,” sabi ng babae na inirapan ang aso niya at isinara ang pinto.

Napatawa tuloy siya at tumahol na naman ang aso niya.