Chapter 15: Getting Weak

Tinitigan ni Cairon ang mga mata ni Derin. May pagsusumamo, paglalambing, at pang-e-engganyo roon. Para siyang tuod na nakatulos sa kinatatayuan at hindi niya namalayan ang paglaylay ng tuwalya sa harap niya kaya mas nakikita ng lalaki ang umbok ng kanyang dalawang dibdib. Ang pisngi niya ay talagang mainit na. Siguro hanggang leeg at tainga na iyon. Ramdam niya kasi ang mabilis na paggapang ng init.

Inangat nito ang isang kamay at hinaplos nang banayad ang kanyang pisnging nag-iinit dahil sa hiya at galit na rin dahil hindi niya man lang ito kayang sapakin ngayon.

‘Bakit parang may kapangyarihan siyang pigilan akong gawin iyon? Ano’ng meron sa lalaking ‘to?’ Nalilito siya, lalo na sa sarili. Hindi niya maarok kung ano iyon.

“You’re so beautiful, Derin. You’re driving me crazy, you know that?” bulong na naman nito sa kanyang tainga.

Bago pa man siya makaimik o ano pa man ay yumuko ang binata at naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang leeg. Maingat na pagdampi yaon sa labi nito sa sensitibong parte ng gilid ng kanyang leeg. Napapikit siya ng mga mata. Nawalan siya ng lakas na lumaban at itulak palayo sa kanya ang binata. As usual.

Hindi tumagal ay naglandas ang maiinit nitong labi sa kanyang panga patungo sa kanyang mga labi. Narinig niya ang mahina at nasisiyahang ungol nito nang bahagyang gumalaw ang kanyang labi para tumugon sa halik nito. Hindi naglipat-saglit ay lalo nitong nilaliman ang paghalik sa kanya at ipinasok ang dila nito para hanapin ang dila niya at tikman din.

‘Oh, sh*t!’ mura na naman niya sa isip. ‘This is not happening!’

Nonetheless, she liked how his sweet, warm, and wet tongue coaxed hers, illiciting some response from her. Para siyang idinuduyan sa alapaap nang hindi niya maintindihan. Parang wala ng ibang mahalaga kundi ito at ang halik nito sa kanya.

‘Oh, God. I’m so screwed!’

Narinig niya ulit ang mahina nitong ungol at lalong pagdiin ng matigas nitong hinaharap sa kanyang puson. Ang isang kamay nito ay hinimas ang isang balakang niya samantalang ang isa ay nakahawak sa kanyang likod para hindi siya makalayo mula sa katawan nito. Subalit nanatili ang mga kamay niyang nakahawak sa dibdib nito. Sa matigas at malapad na dibdib. Gumalaw ang kanyang kamay nang hindi niya alintana na nagpaungol na naman sa binata.

“Oh, hell! Yes, babe,” he cursed under his breath. Nagpatuloy ito sa paghalik sa kanyang labi na parang gusto na siyang lamukusin sa sobrang panggigigil. Ramdam niya rin iyon sa paraan ng paghaplos nito sa kanyang pang-upo. Tumauli ang kanyang pagkababae, naramdaman ang pagpintig nito nang hindi niya mawari.

‘Bakit? Ano itong pinaparamdam niya sa ‘kin? Am I really turned on because of his touch and kisses?’

Biglang may tumunog. Ang cell phone nito. Ilang ulit din iyon bago natigil sa paghalik sa kanya ang binata nang nagmumura nang mahina at hinihingal. Kapwa nila habol ang kanilang hininga.

“Kaninong cell phone ba ‘yon?” inis na anito. Nag-aapoy ang mga mata.

Kahit paano ay napatawa siya sa kabila ng pagkapahiya at pagkainis sa sarili.

“It’s your phone, you idiot!” sabay tulak niya sa lalaki. Inayos na niya ang tuwalya sa pagtakip sa kanyang katawan.

“The hell!” sabi nito ulit.

Napaiwas siya ng tingin mula rito. Kung makapagmura kasi parang wala nang bukas. Kaapu-apuhan yata ito ni Satanas. Well, guwapong kaapu-apuhan ni Satanas.

Marahas nitong dinukot iyon mula sa bulsa ng board shorts at tiningnan ang LCD bago sinagot. Subalit napatingin itong muli sa kanya.

“What the hell is it?” inis nitong bungad sa sinumang tumatawag dito.

Naisip niyang iwanan na ito. Oras na para makatakas. Kumbaga, dapat nang mag-regroup na ang nagkakalat-kalat niyang lohikong utak. Bakit kasi naakit at nagpadala siya sa halik na iyon ng lalaki?

Napasunod ng tingin sa kanya ang binata na walang nagawa nang umalis siya.

Hanggang ngayon ay abot-abot ang kaba niya. Hindi iyon dahil sa pagtakbo niya mula sa swimming pool papunta sa kanyang silid kundi dahil sa pagpapaubaya niya sa binata.

Napasandal siya sa dahon ng pinto ng silid niya. Nasapo niya pa ang kanyang dibdib na rumigudon.

“Gaga ka talaga, Derin!” pinagalitan niya ang sarili. “Ano na ngayon ang iisipin ng kumag na ‘yon? Wala ka ng kawala. Wala ka ng puwedeng sisihin. Hindi ka uminom ng alcohol katulad noong kagabi! Leche talaga ang pervert na ‘yon. Bakit ba kasi ako may kakaibang nararamdaman sa kanya?”

Pinukpok niya ang sariling ulo at napabuga siya ng hangin. Tumakbo siya papunta sa banyo at mabilis na nag-shower. Binalik-balikan ng isip niya ang nangyari sa kanila ni Cairon. Paano kung may nakakita sa eksenang iyon? Paano kung si Estela ang nakakita sa kanila pero hindi nakialam? Para siyang manliit at gusto na niyang kainin ng lupa sa kahihiyan.

***

Nang makapagbihis ay paikot-ikot naman si Derin na naglakad sa loob ng silid niya. Natatakot siyang lumabas at baka makaharap na naman niya si Cairon. Isa pa, parang hindi niya kayang lumabas din dahil baka nga nakita iyon ni Estela at nahihiya pa siyang harapin ang may edad na babae. Hindi niya kasi alam kung paanong ipapaliwanag kung sakaling banggitin iyon ng retired actress.

Habang naglalakad ng paroo’t parito ay hindi mapakali ang mga kamay niyang naglilikot at pinipisil ang mga iyon. Nabigla siya nang may kumatok sa kanyang silid. Muntik na siyang mapalundag dahil sa tunog na yaon.

“Derin?” tawag ni Ate Lucinda. “Lunch na raw kayo ni Madam Este at Sir Cairon,” dagdag nito.

Napapikit siya ng mga mata. “Sh*t,” mahinang sabi niya sa sarili. “Um… n-nandiyan na po!” Wala siyang choice. Wala nang silbi ang pagtatago niya roon sa kuwarto. Kailangan niyang humarap sa mga ito.