Chapter 15
Janelle's Point of View
Anong ginagawa nito dito?
"S-sino ka?! " sigaw ni Aunt Jes kay Ali at agad naman siyang pinigilan ni Bruha.
"Ate, huminahon ka" sabi ni Bruha.
"Sino ba tong walang hiyang lalaking to?! Asawa ba to nang salot na babaeng yan?! " sigaw ni Aunt Jes at pinahinahon naman siya ni Bruha.
Binitawan naman ni Ali si Aunt Jes at lumapit sa'kin.
"Are you okay? " may pag-aalalang tanong niya sa'kin.
"Okay lang ako pero paano mo nalaman na andito ako? " taka kong tanong sa kanya.
Don't tell me...
"It doesn't matter. Let's go home" sabi niya at hinawakan ang bewang ko.
Aalis na sana kami ng sumigaw ulit si Aunt Jes.
"Hoy lalaki! Saan mo dadalhin ang babaeng yan?! Kailangan siyang maparusahan dahil sa ginawa niya! " sigaw ni Aunt Jes habang si bruha naman ay pinipigilan parin siya.
Lumingon naman si Ali sa kanila.
"Do you have an evidence, Madame? " tanong ni Ali kay Aunt Jes.
"Oo! Dahil siya lang naman ang may masamang dahilan para gawin to kay Janine at kay Lily! "
"I believe you don't really have an evidence to prove that my wife is responsible for this" si Ali yan.
"Bakit? May ebidensiya ba yang malandi mong asawa?! "
Aba't.....!
"Of course she have. Want me to show it for you? "
Yung voice record lang ang ebidensiya ko.. Tsaka di naman nila ako papaniwalaan kung sasabihin kong nakita ko si Lily na may kinaka-usap na dalawang lalaki sa labas eh.
May lumapit naman sa'min na lalaki at wtf?! Sam?! Bakit andito to?!
May pli-nay naman siya na video at laking gulat ko nang makitang yun yung nangyari kanina sa labas. Yung may kina-usap si Lily na dalawang lalaki.
Fi-null naman ni Ali ang volume and the video began.
"Ma'am, may ipapagawa po ba kayo? "
"Oo. Kailangan niyong pumunta sa room na ibibigay ko. Tapos ay kakatok ako at may ibibigay ako sa inyong babae na pagsasaluhan niyo mamaya"
"Talaga Ma'am? Nako salamat ma'am! "
"Oh heto ang bayad. Gawin niyo to nang maayos, maliwanag? "
"Yes ma'am! "
....... and the video ended.
Nakita ko namang nanginig si Lily.
"Totoo ba to Lily? " seryosong tanong ni Tito France.
"O-of course not Dad! It must be a fake video! " sabi ni Lily.
"We have evidence to proves my wife's innocent. Now, we will take our leave" paalam ni Ali at umalis na kami.
Pero bago pa kami tuluyang makaalis, tumingin ulit si Ali kila Aunt Jes.
"And the Guzman Corporation will no longer be part of the Gutierrez Company" huling sabi ni Ali at tuluyan na kaming umalis.
Play Backward ◀◀◀◀ (yung time na umalis si Ali ng bahay)
Author's Point of View
Maaga pa lang ay umalis na sa bahay nila si Ali dahil ipinapatawag siya ng kanyang father. Pero bago siya umalis ay napatitig muna siya sa himbing na himbing na tulog na si Janelle at hinalikan ito sa noo.
Pagkalabas niya, nakita naman kaagad niya si Sam na nakatayo katabi ng sasakyan niya.
"Good Morning Sir"
"Bantayan mo si Janelle hangga't wala ako. Understood? "
Tumango naman si Sam at umalis na si Ali.
Pagkarating niya sa bahay nang papa niya ay pinagbuksan naman kaagad siya ng mga gwardiya at bumati. Pagkapasok naman niya sa bahay ng papa niya ay bumungad agad ang mga maids at si Rodolfo, ang butler.
"The Chairman is waiting for you on his office, elder young master" sabi ni Rodolfo kay Ali at tumango naman si Ali.
Pumunta siya sa office ng kanyang ama at nakita naman niya ang ama niya na naka-upo sa upuan nito at seryoso ang mukha niya.
"Dad... "
"Ang sabi ni Emerson ay hindi mo pa siya napapatay. Is that true? " seryosong tanong nang ama ni Ali sa kanya.
"Yes" sagot naman ni Ali.
Napatayo naman kaagad ang ama niya hinampas ang table.
"Bakit?! Hindi umaabot ng isang buwan ang mga trabaho mo pero isang simpleng babae lang?! Hindi mo magawang patayin?! " sigaw ng ama niya sa kanya.
Ali clenched his fist and try to calm his self.
"I'm sorry dad. I'll kill her as soon as possible" paghingi niya ng pa-umanhin sa ama.
"You better be! All the Alvarez must die! All of them! " sigaw ng ama niya at umupo muli sa upuan niya.
Nagpaalam naman si Ali sa ama niya at lumabas ng opisina.
Mabilis siyang naglakad papunta sa sasakyan niya at frustrated na pumasok. Nahampas niya pa yung manibela niya.
Habang nag-e-emote si Ali, may tumawag naman sa kanya. Si Sam.
"Hello? "
"S-sir... "
"Yes? "
"S-si Ma'am Janelle kasi sir... "
Napa-upo naman ng diritso si Ali.
"What? What happened to her? " worried na tanong niya.
"May masama pong nang—"
"Where is she?? Tell me! "
Binigay naman ni Sam ang address kay Ali at nagmadali namang pumunta si Ali doon.
Back to kanina ⏩⏩⏩⏩
Janelle's Point of View
Matiim kong tinitigan si Sam na nagda-drive ngayon at kay Ali.
Sinundan pala ako nito... At kagagawan yun nang lalaking nasa tabi ko...
"What? "
"Hmp"
Hindi pa rin tayo bati no! Hmp!
"Hey babe... "
"Oh? "
"Pansinin mo naman ako"
"Hmp"
"Babe... "
"Ayoko nga"
Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap.
"Kung ano man ang nagawa ko, please forgive me" aniya habang nakayakap sa'kin pero forgive?!
Paano kita mafo-forgive kung ikakasal ka sa iba eh kasal na naman tayo?? Ano yun? Mamatay akoo?!
"Babe... "
Pero wala naman kaming nararamdaman sa isa't-isa. Bakit ba ako mag-iinarte?
"*sigh* Fine. I forgive you"
"Really? "
"Hmmmm"
Mas humigpit naman ang yakap niya sa'kin at may binulong siya.
"Let's go to a date? "
Datee??
"Date? Kailan naman? " tanong ko sa kanya.
"Tomorrow"
"Hmm... Okay"
"By the way, you're so beautiful babe"
//>_/
Thump. Thump.
Ano ba toooo??? Bakit ganito nalang kabilis ang tibok ng puso koo?? Heart! Stopp!