Chapter 16

Janelle's Point of View

Umagang-umaga palang ay nagising ako dahil sa katabi ko. Paano ba naman kasi, ang higpit ng pagkakayakap niya sa'kin na para bang iiwan ko siya. Hmp.

"A-ali... "

"Hmm? "

"Baka naman may plano kang umalis sa kama noh? "

Naramdaman ko naman siyang umiling. Yung ulo niya kasi nasa leeg ko.

"Ano yun? Sa kama tayo magde-date? "

Naramdaman ko naman siyang tumango at mas sumiksik pa siya. Buti nalang at wala akong kiliti sa leeg kundi kanina pa to nasa sahig.

"Ali... "

"Hmm? "

"Alis ka na"

Umiling naman siya.

"Alis na Ali. Naiihi na ako eh.. "

"Then let me carry you" sabi niya at biglang umalis sa kama sabay buhat sa'kin na pang bridal style.

"Hoy! Ibaba mo nga ako! " sigaw ko sa kanya at pinipilit kung umalis pero malakas siya.

Babae pa rin pala talaga ako hays...

Kaya hinayaan ko nalang siya na dalhin ako sa cr.

Ibinaba niya naman ako sa loob ng cr at tumingin sa'kin. Tumingin din ako sa kanya.

"Oh? Labas na"

"What? "

"Lumabas ka kasi iihi ako"

"No. I'll stay"

Aba't......!

"Labas ka na nga! Iihi ako! "

"Why? "

"Wh—anong why? Syempre babae ako at lalaki ka kaya alis! Bawal! " sabi ko habang naka-cross arm.

"But I saw it already... "

//>_

Aware ba to sa mga pinagsasabi niya?!

Kaya ang ginawa ko, tinulak ko siya papalabas at agad na sinarado ang pintuan. Take note, ni-lock ko kasi alam kong papasok at papasok pa rin yun.

****

Pagkatapos kung maligo—oo naligo na ako—ay lumabas kaagad ako at nakita ko naman si Ali na naka-upo sa kama at nakakunot-noo.

"Bakit? " taka kong tanong sa kanya habang tinutuyo ko ang buhok ko gamit ang isa pang tuwalya.

"You take a bath already? " tanong niya.

Tumango naman ako at pumunta doon sa closet ko. Hindi doon sa maraming magagandang damit ha? Bali may isa pa akong closet at yun ay isang buong kwarto. Ewan ko ba sa lalaking to at kung anong nasa-isip niya.

"Bakit mo naman yan natanong? " tanong ko sa kanya nang hindi na siya magsalita.

"You didn't tell me... "

"At bakit ko naman sasabihin sa'yo? " tanong ko sa kanya habang naghahanap ng pwedeng suotin para sa date na to.

"I want to join you"

.................... //>_

Tae talaga tong lalaking to!

"Maligo ka na nga kung ayaw mong hindi matuloy tong date na to! " sabi ko sa kanya at tinapon sa kanya yung kung ano mang gamit yung nasa kamay ko.

Kinuha naman yun ni Ali at itinaas.

Luh! Yung panty kooo! //0_0//

Bigla namang tumakbo si Ali papunta sa cr kaya hinabol ko naman siya pero... Ni-lock niya yung cr! Aba't!

*tok*tok*

"....."

*tok*tok*

"....."

*tok*tok*!

Sa wakas! Binuksan na rin! Pero taena! Agad akong napatalikod! Kasi naman eh... Bigla na lang binubuksan yung pinto tas wala ng suot... //•_•//

"Why babe? "

"Y-yung ano ko... "

"Hmmm? "

"Y-yung pan-ty ko... " //>_

"Oh? Come in and get it"

Hala? Pwede namang ibigay nalang... Ang pervert talaga nito.

"Ibigay mo na nga lang yan sa'kin" sabi ko at itinapat sa kanya yung kamay ko.

Pero imbis na panty ko yung binigay niya, bigla nalang niya akong hinila papalapit sa kanya kaya na-feel ko yung ano niya... Abs tsaka.... Basta yung ano!

"Ah tae! " sigaw ko at agad na tumakbok papa-alis sa cr.

Narinig ko naman siyang natawa kaya mas nainis ako.

Tae! Tae! Tae //>_

***

Una na akong lumabas ng kwarto kasi naman ehhh.. Huhuhuhu..

May bigla namang lumapit sa'kin na maid.

"Good Morning Ma'am. May bisita po si Sir Gutierrez. Paki-sabi nalang po" sabi niya kaya tumango naman ako.

Sino naman kaya yun?

Agad akong pumunta sa sala at may nakita naman akong magandang babae. Mga 21 ata to.

Lumapit naman ako sa kanya at mukhang naramdaman niya naman ang presinsiya ko kaya napalingon siya sa'kin.

Ang ganda... Sheyt...

"A-ah... You are? "

Teka lang. Na-start struck ako sa ganda niya.

"Good Morning. I'm Zaxia (za-sha). Zaxia Montevor" pakilala niya sa'kin.

Wait... Familiar yung Zaxia—wutdapak?! Eh ito yung 'fiancé' kuno ni Ali! Anong ginagawa nito dito?? Maninira ng datee?!?

Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang tinig ni Ali.

"Zaxia? "

Parehas kaming napatingin ni 'Zaxia' kay Ali.

"Hi kuya! "

• • •

"Oh? So you meet my lovely wife already? " nakangiting tanong ni Ali at hinila ako papalapit sa kanya ng makalapit na siya sa'min.

"Yeah! She's beautiful Kuya! "

Salamat....—wait—what? Hindi niya ako aawayin? Like others do?

"By the way, what are you doing here? " tanong ni Ali kay Zaxia.

"Oh. I've been looking for Caesar but I don't know where he is. Do you know kuya? " tanong niya.

Si Caesar?

"Oh Caesar? He must be somewhere out there, hiding from you" sagot naman ni Ali.

"Argh! I hate him! Sige kuya, hahanapin ko muna si Caesar. Bye bye! Bye bye din Ate Janelle! " sabi ni Zaxia sabay alis.

Eh??

"Ah... Ka-ano ano mo siya? " tanong ko kay Ali.

"Hmm her? She's soon to be my sister-in-law"

Sister-in-what?! Akala ko ba engage na sila??

"Akala ko ba engage na kayo—" agad kong natikom ang bibig ko at naka-kunot noo namang tumingin sa'kin si Ali.

"What? Engage? "

Ahmmm....

"Ahm.. Pumunta kasi ako sa bahay nang Papa mo nung birthday mo.. " sabi ko habang pahina ng pahina ang boses ko.

Nagulat naman ako sa ginawa niya. Bigla niya nalang kasi akong niyakap...?

"A-ali? "

"I'm glad you're alright" bulong niya sa'kin.

"Huh? "

"I already knew about it" sabi niya at kumalas.

"Eh? Paano mo nalaman? "

"Ikaw lang naman ang may ganoong dress kaya talagang malalaman ko"

Ahhh.......! Ako lang?? Ang swerte ko naman ata!

"Hindi ka ba galit? " naka-pout na tanong ko.

"Nope" sagot niya.

Kaya ang ginawa ko ay hinalikan siya sa bibig.

Oo na, ako na malandi. Tsk.

"Belated Happy Birthday" sabi ko sa kanya matapos yung halik. //^_^//

"That was the best gift I had ever have, babe" nakangiti niyang sabi.

"Can we proceed to your Birthday Date? "

"Sure"

****

Natatawa ako sa mukha ni Ali! Paano ba naman kasi, nahilo matapos naming sumakay nang roller coaster hahaha!

Yep! Nasa amusement park kami! Masaya kaya rito!

"A-ali—hahahahahahaha—laugh trip talaga—hahahahahaha... " walang tigil na tawa ko habang si Ali naman ay naka-upo sa upuan.

Hanggang sa namili kami ng pagkain, hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa.

"Babe, stop laughing"

"A-ayoko—hahahahahahaha"

Grabeh! Iniisip ko palang yung mukha niya, para na akong sasabog sa kakatawa.

"Babe... " pagmamaka-awa niya pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa.

Pero napatigil rin ng may makita ako.

"A-ali... "

"Hmmm? "

"Doon tayo! " sabi ko habang nakaturo sa horror house.

Nakita ko namang namutla si Ali. Pfft—

"Don't tell me... Takot ka rin jan? Bwahahahahahahahaha"

"T-tsk. And what's w-wrong with that? " utal na tanong niya habang nasa ibang direksyon ang tingin.

Bwahahahahahaha! 😂😂😂

"Halika na! Pasok tayo don! Don't worry, andito naman ako eh! " sabi ko at na may tunong proud na proud.

"No"

"Sige na kasiiii.. "

"No babe"

"Please... " sabi ko at nagpa-cute sa kanya.

Napabuntong-hininga naman siya at bahagyang tumango kaya agad ko siyang hinila pero hindi pa kami nakakalapit ay may bigla akong narinig na putukan.

Agad naman akong niyakap ni Ali ng mahigpit.

"L-luh... A-anong nangyayari..? " nanginginig kong tanong kay Ali.

"Cover your ears babe" bulong niya naman sa'kin kaya tumango ako.

Nagka-gulo na ang mga tao sa amusement park kaya nahirapan kaming lumabas ni Ali.

At nang makalabas naman kami, nagulat ako kasi biglang dumaing si Ali kaya napatingin ako sa kanya at nadaplisan siya!

"H-hala! Hala! Okay ka lang ba? Kaya mo pa ba? " tanong ko sa kanya ng may pag-aalala.

Tumango naman siya pero hindi pa rin tumitigil ang dugo na lumalabas sa kanya.

Hinanap ko naman yung kotse niya at nang papunta na sana kami ay may humarang sa'min.

"Anong kailangan niyo? " tanong ko sa kanila.

"Sumama ka sa'min" sabi nung lalaking nasa gitna at walang hawak na baril.

"Bakit? Anong kailangan niyo sa'kin? " tanong ko ulit sa kanila.

Bigla namang nanghina si Ali kaya agad ko siyang inalalayan.

"Ali! "

"Miss, sumama ka nalang sa'min at hindi masasaktan ang kasama m—"

Hindi naman niya natuloy ang sinasabi niya ng tinignan ko siya ng masama.

"Papadaanin niyo kami o papadaanin niyo kami? " tanong ko sa kanila.

Nakita ko namang namutla yung nasa gitna at sinabihan niya yung mga kasama niyang padaanin kami kaya agad kong inalalayan si Ali papunta sa sasakyan niya.

Nagtaka naman ako kasi sumunod yung mga yun sa sinabi ko. Ganoon na ba katakot ang mukha ko? Hindi naman no?

Nagulat naman ako ng biglang dumaing si Ali.

"Oh my god! T-teka, dadalhin na kita sa hospital! " sabi ko kay Ali pero pinigilan niya lang ako.

"N-no... House... "

"H-huh? Bakit naman? "

"M-may doctor ako doon—ahh! "

"O-oh sige! Basta wag ka nang magsalita jan! " sabi ko at pina-andar yung sasakyan niya.

Huwag kang mamamatay pervert ka! Huwag na huwag kang mamamatay dahil kapag namatay ka, mas papatayin pa kita!