Chapter 14
Janelle's Point of View
Kinabukasan ay nagulat ako nang wala na si Ali sa bahay. Minsan kasi ay naghihintay talaga yun sa'kin kaya nakakagulat lang.
Bakit kaya ang aga non?
"Ah sinabi ba ni Ali kung bakit siya maagang umalis? " tanong ko sa isang maid.
Umiling naman siya kaya nagpasalamat nalang ako.
Hmmm...?
*iling*iling*
Huwag mo na ngang isipin yung lalaking yun! May reunion ka pang pupuntahan! Tama tama!
Pumunta na ako sa walk-in-closet KO at namili ng pwedeng suotin mamaya.
Hmmm... What would it be?
Habang naghahanap ako ay may nakita akong isang dress na kulay green like the nature. And it's perfect for the reunion because it's outdoor.
Pagkatapos sa dress ay sa high heels and the accessories.
After gathering all I need, napagpasyahan ko nang maligo at pumunta na sa bahay.
Pagkarating ko sa bahay, nakita ko sila Ate na kakaligo pa lang.
"Oh? Sis! You're early! " sabi niya at lumapit sa'kin.
"Wala naman akong gagawin eh" sabi ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa likuran ko na para bang may hinahanap.
"Bakit ate? " taka kong tanong.
"A-ah nothing. Halika na at pumasok para makapagbihis ka na" sabi ni ate at pumasok naman ako.
Nagpaalam naman ako kay ate at pumunta sa kwarto ko para mag-make up at magbihis.
Afternoon came and we're ready to go to the reunion. Sa iisang sasakyan lang kami. Si Papa sa front at kami namang tatlo nila Ate at Bruha ang nasa back.
Ilang minuto ang nakalipas and nakarating na rin kami sa venue. It's my aunt's garden which is so wide. They have a house rin with so many rooms so it's like a vacation garden.
"What a surprise! " sabi ni Aunt Jes.
Nginitian ko naman siya at nag-hello naman ako pero inirapan niya lang ako. Hays.. Sister talaga sila eh noh?
Napatingin naman ako sa may gilid (nasa labas pa rin) at nakita ko si Lily (anak ni Aunt Jes) na may ka-usap na dalawang lalaki.
Hala?
So ang reunion na to ay para sa mga Guzman. It means sa side ni bruha kaya hindi nila ako sinasama kasi nga ayaw nila sa'kin. Kaya di talaga ako belong. Hahaha.
Pagkarating namin sa main venue ay marami na akong nakikitang tao and most of them ay di ko kilala. Ang kilala ko lang ay si Aunt Jes (yung inirapan ako), Tito France (asawa ni Aunt Jes) and si Lily (anak nila). Oo, sila lang ang kilala ko and fortunately, mabait naman si Tito France sa'kin. Si Tito France lang.
"Oh? Janelle, iha... " bungad sa'kin ni Tito France.
"Hi Tito France" bati ko naman sa kanya.
"Ang laki mo na ha. At mas gumanda ka! "
"Ay nako si Tito, bolero pa rin hahaha" sabi ko.
"But I'm happy na nakasama ka sa reunion. It's been years since I meet you. Siguro nung 2nd year collage ka pa"
"Ganoon na ba yun katagal tito? Bakit ang gwapo mo pa rin? " pambobola ko kay Tito.
"Ay nako! Bolero ka pa din iha hahahaha"
Habang nag-uusap kami ni Tito France, nagpaalam naman si Ate at kukuha raw muna siya ng drinks namin. At pagka-alis ni ate, dumating naman si Lily.
"Oh my god. Bakit may basura dito?? " arte niyang sabi at kunwari pang nandidiri.
Sinuway naman siya ni Tito France pero wala eh. Hindi mapigilan.
"Why dad? She doesn't really belong noh duhh" sabi niya at umalis.
Nag-sorry naman si Tito sa'kin at sinabi ko namang wala lang yun.
Aba! Wala lang naman talaga yun noh.
Nagpa-alam naman ako kay Tito at nauuhaw ako. Ang tagal naman ni Ate kumuha nang drinks.
Nang makapunta ako sa may drinks, nakita ko naman si ate na may binudbod na something sa isang drinks.
Ano yun? Pampatulog ba yun? Kanino naman kaya niya yun ibibigay?
Agad naman akong naglakad papa-alis doon nang makita kong natapos na si ate sa ginagawa niya.
Habol-hininga akong nagpahinga kung saan kami nag-usap ni Tito at dumating naman si ate na may dalang juice.
"Pasensiya ka na ha at natagalan. Humanap pa kasi ako ng apple juice na favorite mo. Here" sabi niya at ibinigay sa'kin yung glass na may apple juice and take note, ito yung nilagyan niya nang pampatulog.
So she's not sincere for her sorry ha? Wow! Just wow!
Kinuha ko naman iyon ng may ngiti sa bibig.
"Drink it up" sabi niya kaya ininom ko yun. Actually, hindi talaga. Pineke ko lang yung pag-inom ko.
Bali tumalikod ako sa kanya ng kunti at tinapon yung apple juice. Sayang yung apple juice but at the same time hindi. Mas gusto ko pineapple juice.
Ibinaba ko na yung baso at nginitian si ate. After a minute, nag-kunwari akong parang nahihilo na epekto raw nung pampatulog.
"Hey are you okay? " agad na tanong sa'kin ni ate with her worried face.
"M-medyo nahihilo ako ate... " sagot ko naman at umarteng nahihilo.
"Halika at magpahinga ka muna. Ihahatid kita sa kwarto" sabi niya at tumango naman ako.
Inalalayan niya ako papasok sa bahay at pumunta kami sa taas kung saan raw ako magpapahinga.
Pagkadating namin sa isang kwarto, I hit her nape making her unconscious.
I tapped the door of the room and went inside the other room. Narinig ko namang bumukas ang pinto.
"Ang ganda naman nito pre! "
"Oo nga! Ang bait talaga ni Ma'am Lily at binigyan tayo ng ganito kagandang babae! "
"Oo nga! Halika na't pagsaluhan na natin to! "
Huling rinig ko sa labas bago bumukas at sumara ulit ang pintuan.
I'm not sorry for what i did because of all you do to me, kulang pa yan. And Lily ha? Tsk. This will be fun.
Ilang minuto pa ay may narinig akong mga yabag sa labas at mukhang may show pa palang hinanda ang dalawa.
May narinig naman akong bulong-bulungan sa labas and then Lily's voice.
"Dito po pumasok si Janelle kasama ang dalawang lalaki. Please Tito Fred, patigilin mo si Janelle"
"Are you really sure na si Janelle ang pumasok at hindi iba? " rinig kong tinig ni Papa.
"I'm sure po. Siya lang naman po ang may dress na nature po eh" inosenteng sabi ni Lily.
Kaya ang ginawa ko ay ginulo ko ang buhok ko na para bang kakagising ko lang at lumabas nang kwarto.
"Ano pong nangyayari? *hikab*" arte ko na para bang kagigising ko lang.
Napatingin naman sila sa'kin at nakita ko naman si Lily na gulat na gulat.
Anong akala mo ikaw lang ang marunong umarte?
"J-janelle? Anong ginagawa mo dyan? " tanong ni Papa.
"Natutulog po. Napagod po kasi ako kanina kaya napagpasyahan kong matulog" sagot ko.
Tumingin naman si Papa sa likuran ko.
"Okay ka lang ba? Sinabi ni Lily na pumasok ka daw sa isang kwarto na may kasamang dalawang lalaki? " concern na tanong ni Papa.
"Po? Wala naman po akong kasamang lalaki at tsaka wala naman po akong kilala ditong lalaki kundi ikaw at si Tito France" sagot ko kay Papa.
Tumingin naman si Papa kay Lily.
"So sino ang nandyan? "
"A-ahm... "
Agad namang nagmadali si bruha at binuksan ang pintuan. Gulat na gulat naman ang mukha niya ng makita niya kung sino ang nandoon.
Syempre yung anak niyang magaling!
"Oh my.... " sabi ni bruha at tumingin sa'kin ng masama. "YOU! You did all of these didn't you?! " sigaw niya sa'kin.
"Po? Wala naman po akong ginawang masama. Natulog lang naman po ako" sagot ko kay bruha with so much galang.
"Huwag ka nang magsinungaling pa! Dahil ikaw lang naman ang salot dito eh! " sigaw niya sa'kin pero sinaway siya ni Papa.
"Tama na yan Liza! Huwag na huwag mong matawag na salot ang anak ko! " sigaw ni Papa.
"Papa... Okay lang ako... " sabi ko kay papa at pinahinahon siya.
Tumingin naman ako kay bruha at lumapit sa kanya.
"I can prove you that I'm innocent" sabi ko at pumasok sa loob ng kwarto.
Lumapit ako sa dalawang lalaki na naka-posas at may suot na sa katawan.
"Tell me, who ordered you to rape her? " tanong ko sa kanila habang nakaturo kay Janine na nakahiga pa rin sa kama at nakatulala.
"S-si—"
Siniko naman siya nung kasama niyang lalaki kaya kwenelyuhan ko yung sumiko.
"Sabihin mo kung sino dahil kung hindi, magbabayad ka" banta ko sa kanya.
"S-sasabihin ko na! Si Ma'am Lily! Si Ma'am Lily po! " sagot niya kaya binitawan ko na siya at hinarap sila.
"You hear it? It's not me" sabi ko at lumabas na nang kwarto.
Pero bigla akong hinawakan ni Aunt Jes at sinampal ako.
"Ikaw ang may kagagawan nito! At talagang ang anak ko pa talaga?! "
Napa-tawa nalang ako at tumingin sa kanya.
"Bakit hindi ang magaling mong anak ang tanungin mo? " tanong ko sa kanya at mukhang nainis naman siya at sasampalin na sana ako pero may humarang.
At laking gulat ko naman nang makita ko kung sino yun.
"You dare to hurt my wife? "
Ali......?