Chapter 9 - The meet up

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Kuya, may nakita po ba kayong lalaking matangkad? Naka-sando po siyang puti at naka-short na may butas-butas---" di ko na natuloy sasabihin ko na nag-sign ng kamay yung lalaking tinatanong ko na wala siyang nakita at iniwan na ako nito.

Lumapit naman ako sa isang mag-asawa na magkasama para magtanong.

"Miss, Mister! Excuse me po. May nakita ba kayong lalaking naka-sandong puti at short na may butas-butas? Maputi po siya, matangos ang ilong, may killer smile at..." Takte! Lahat na atang katangian ng guwapong lalaki sa kanya niya. Paano ko ba ieexplain mukha nito ee di ko masabi na guwapo yung lalaking iyon. Tss. "Basta po, matangkad siya at englishero siya." Patuloy na describe ko kay Clive.

Letcheng batang iyon! Sabi nang di lalayo ee. Kulit!

"Wala." Sagot ng babae sakin.

"Ah? Ganon po ba? Sige, salamat po." Sabi ko nalang.

Umalis na ito at naiwan akong napasimangot at humugot ng hininga.

"Saan ko hahanapin yung estrangherong iyon?! Sa kaylaki ng Maynila, saan ako magsisimula?" Problemadang sabi ko at napakamot nalang ako ng ulo ko.

Nakakita ako ng isang bench at naupo agad ako doon. Gusto ko magpahinga dahil kanina pa ko palakad-lakad dito. Nandito ako sa Luneta Park. Nagbabakasakaling napadpad yung englisherong Ros na iyon dito. Medyo malapit din kasi ito sa apartment ko. Ito lang kasing pasyalan na malapit sa amin. No choice, baka dito siya napadpad.

Gabi na at kailangan ko ng umuwi at magpahinga pero paano ko gagawin kong nawawala yung alaga ko. Kainis kasi e! Ang kulit talaga! Sabi nang di lalayo pero ayun! Nawawala tuloy siya.

Hayst! Problema ko pa. Naku! Naku! He's so stuuuuupid! He's so so so very matigas ang ulo! Kahit wala ang lalaking iyon, napapa-english pa rin ako pero di ko ma-translate ibang word na di ko alam. Taglish muna ako ngayon.

"Bahala siya kung nawala na siya! Uuwi na ako! Tutal, di ko naman siya kilala. Tsk!" Sabi ko nang mapagdesisyon na umuwi na.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at naglakad na paalis sa Luneta Park. Uuwi na ako sa apartment ko. Bahala na kung di ko na mahanap yung Ros na iyon. Sino naman siya para magka-concern ako sa kanya? Kahit ni kaunting impormasyon, di ko kilala siya. Di ko nga alam ano tunay niyang pangalan at saan siyang lupalot nanggaling. Kainis! Dahil may amnesia siya, di ako mapakali.

"Kainis!" Nanggigil na sabi ko nang huminto ako sa paglalakad."Grrgh!" Inis na sabi ko halos naipadjak-padjak ko pa paa ko sa kalsada.

Dahil sa inis ko at pag-iisip kay Ros, nasa gitna pala ako ng kalsadang iyon. Bigla nalang may bumisinang kotse at tarantang sumigaw ako dahil mabubunggo na ako nito.

"Ahh!" Sambit ko.

Mabilis naman pumreno yung kotse at dahil sa takot, napaupo ako. Halos nasaktan ako sa pagkakabagsak ng puwetan ko sa kalsada.

"Aray." Sambit ko habang sapo likod ko. Nakakahiya hawakan pwet ko. Daming tao dito kaya. Ikaw kayang humawak ng pwet baka sabihin nila nagd*d*kit ka. Tss!

Lumabas nalang sa kotseng pula ang isang medyo katandaan nang lalaki. Tumungo agad ito sakin.

"Hija, okay ka lang ba? Pasensya na. Nakaharang ka kasi sa daan." Sabi ng matandang lalaki na nasa 45+ palang ang edad.

Nakatingin lamang ako dito at parang may naramdaman nalang akong kakaiba ng makita ang matandang lalaking ito. Yung puso ko parang ang lakas makatibok ma tila may kahulugan iyon. Feeling ko kilala ko siya. Iba ang pakiramdam ko nang makita ko siya. Parang may something sa akin na importante siya sa akin.

Feeling ko matagal ko na siyang kilala pero ngayon ko palang siya nakita. Siguro nakita ko na siya kahit saan. Pero bakit ganito nararamdaman ko? Parang malapit siya sa buhay ko.

LEANDRO YU POV:)

"Daddy, please! Sabihin nyo naman sakin ang dahilan bakit ayaw nyo ko ipagkasundo kay Johnser. Ano ba ang ayaw at kinaaayaw nyo sa panganay na anak ni Tito Cedric?" Tanong pa rin ng anak kong si Mandy habang papunta ako sa parking lot para umuwi na sa bahay.

Kanina pa niya ako kinukulit at di tinatantanan. Kahit ilang ulit ko na siyang sigawan, nangungulit pa rin siya.

Ayaw ko mapangasawa ng anak kong si Mandy si Johnser dahil may----

"Daddy!" Inis na sigaw nito.

Nang makarating sa kotse, agad na binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Bago sarhan ang pinto, tiningnan ko si Mandy na inis na inis na nakatayo sa harap ng kotse ko.

"Sumabay kana sakin umuwi. Ipapahatid ko nalang sa driver natin ang kotse mo sa bahay. Bilis!" Sabi ko dito at sinarado na ang pinto.

Padabog naman na naglakad siya sa kabilang pinto at pumasok doon. Naupo siya sa tabi ko at di pa rin naaalis ang nakataas at salubong niyang kilay. Lumalabas pa rin ang pagkaka-maldita niya at spoiled brat niya.

"Daddy, sabihin nyo na kasi! Parang di nyo ko anak e! Napagtataguan naman ako ng sekreto!" Inis pa rin na pahayag nito.

"Tama na, Mandy at baka palayasin na kita sa pamamahay ko. Ika-cancel ko na din ang flight mo next month papuntang Dubai." Pananakot ko dito. Pupunta kasi kami ng Dubai para may i-meet na isang malaking kompanya na kukunin lahat ng mga stock namin. Mayamang negosyante ito ng Dubai at gusto sumama ng anak ko para makilala si Mr. Mahkumdhi.

"Daddy! Tinatakot mo ba ako?" Malditang tanong nito habang nakatingin ito sakin na nakataas-kilay.

Tiningnan ko siya ng seryoso. "Yes." Sagot ko at bumaling na sa daan at ini-start na ang engine.

Doon na naman nagpipigil ng inis ang anak ko halos nakakagat labi na ito at nakakuyom ng kamay.

"Nasa MOA ang mommy mo. Susunduin natin siya doon." Ani ko.

Doon na nga ako nagmaneho para sunduin ang asawa kong si Lorisette, ang nanay ni Mandy.

*//////

Di naman nagkalahating oras, nasundo na namin ang asawa ko. Nasa hulihan na si Mandy nakaupo samantala so Lorisette ay nasa harapan na kung saan katabi ko siya sa frontseat.

Tahimik lang ako habang nagmamaneho habang panay sumbong si Mandy sa kanyang ina.

"Mommy, si Daddy ayaw ako ipagkasundo kay Johnser. Mommy, pilitin mo nga si Daddy! Mas malaking opportunity natin ito sa pamilya natin pag mapangasawa ko ang heir ng Uphone." Pahayag at sumbong lang nito dito.

"Medyo nakapag-isip-isip ako. Bakit di nalang natin, Leadro ipagkasundo ang anak natin doon? Sayang! Lalo tayong yayaman pag napangasawa niya si Johnser. Mas okay pa iyon dahil guwapo, kaysa naman sa dating magiging tagapagmana ng Uphone ang bunsong anak ni Cedric! Ang panget raw at iyon ang usap-usapan dito. Kaya nga raw dinala sa States dahil ipinanganak itong parang halimaw. Duh! Ayaw kita anak mapakasal doon. Mabuti nga namatay na yun kaysa mapunta ka sa halimaw na lalaking iyon!" Madrastang pahayag nito."Leandro, bakit ayaw mo ah?! Di ba kasunduan na natin sa Pamilyang Sy na kung sino ang tagapagmana ng Uphone ay iyon ang mapapangasawa ng anak ko? Bakit ngayon ayaw mo na at inuurong mo na ang kasunduang iyon? Anong nangyari, Leandro?! Kinakalimutan mo na ba yung mga sinabi ko sayo?! Kailangan natin yumaman pa at ang mga Sy ang gagawa nun sa hangarin natin!"

Dahil sa nainis sa pinagsasabi ng asawa ko, salubong ang kilay na tiningnan ko siya.

"Pwede ba?!! Wag mo kong utusan, Lorisette! Di ako mukhang pera at wala akong alam sa sinasabi mo na usapan natin dahil ikaw lang naman nagplano nun at hindi ako!" Galit na singhal ko dito.

"Aba't! Hoy! Pasalamat ka sakin, mawawala na sana ang Sumex kung di dahil sakin, nakaraos pa yang kompanya mo! At di mo ba natatandaan, muntikan pang bumagsak ang Sumex dahil sa kabit mo. Lalo pa nagkagulo ang Sumex Company noon dahil sa katarantaduhang ginawa mo! Muntikan nang umatras ang magulang ko at pasalamat ka naalis ko sa buhay mo ang kabit mo!" Sumbat pa rin ni Lorisette sakin."Oo nga pala, kamusta na kaya ang babaeng iyon? Wow! Ala-ala ko pa landian ninyong dalawa. God! Di ko iyon matatanggap. Tss." Saad nito sabay nagpa-ikot ng mata.

"Pwede ba, Lorisette, kung ayaw mo mapagsalitaan kita ng di mo magugustuhan, tumahimik ka nalang at baka palabasin kita ngayon sa kotse." Inis kong sabi at bumaling sa daan.

Gusto ko na siyang awayin pero tinitiis ko ang sarili ko. Ayaw ko magka-problema ulit sa kompanya ko. Pinakasal ko lang naman si Lorisette dahil sa kompanya kong muntikan nang bumagsak. No choice ako, kahit ayaw ko sa kanya, pinakasalan ko siya. Akala tuloy niya kabit ko si Cassandra, ang dating kasintahan ko. Mas nauna siya kaysa kay Lorisette. Siya sana mapapangasawa ko kung hindi sana ako pinagkasundo ng mga magulang ko kay Lorisette.

Nasira ang buhay ni Cassandra dahil sa akin. Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin siya para humingi ng tawad dahil sa pagkasira ng buhay niya. Pinangako ko sa sarili ko, pag makita kami ulit, di ko na siya papakawalan pa. May lakas na akong iwan si Lorisette. Tinitiis ko nalang ugali nito kahit naiinis na ako sa katarayan nito.

Ngayon, may lakas na akong hiwalayan siya dahil marami na ang naipon kong pera. Kahit kunin niya ang lahat ng share niya sa kompanya ko, mababayaran ko agad dahil marami nang pera ang naitago ko. Tinagong perang pinaghirapan ko.

"Wow! Sinasagot mo na ko, Leandro ah?! Nakakalimutan mo atang ako ang nagtayo ulit ng bulok mong kompanya." Tonong nagbabanta na sabi ni Lorisette.

"Damn, Lorisette! Isa pa! Iiwanan na talaga kita?" Pananakot ko sa kanya habang sa daan lamang tingin ko at pasulyap-sulyap lang sa kanya salamin.

"Pwede ba, Mom and Dad, di na kayo bata. Kainis na kayo ah?" Inis na sulpot ni Mandy. Nakataas-kilay na ito habang nakatingin samin."Daddy, look down!" Sigaw nito.

Mabilis na naiprino ko naman ang kotse nang makitang may babae na nasa gitna ng kalsada. Dahil sa nangyari, nauntok kami dahil sa lakas na pagkaka-preno.

Nang ma-check namin na hindi nabunggo ang babae, dali-dali inalis ko ang pagkaka-seatbelt ko.

"Shit! Tanga ba yun? Alam nang dadaan tayo, haharang-harang pa sa kalsada. Mga taong kalye talaga, mga tanga!" Madrastang turan ni Lorisette.

"Mga bobo kasi, Mommy. Tss!" Si Mandy naman. May pinagmanahan talaga siya sa ugali ng mama niya. Bakit pa ko nagkaanak ng ganyang ugali. Hindi ganitong pamilya ang pinapangarap ko.

Kung kami ata nagkatuluyan ni Cassandra, siguro masaya ako at may malaking pamilya na kami. Namimiss ko na siya. I want to see her again. I want to touch her again. I want to hug her. And I want to kiss her, deeply harder. Damn! I miss him so much!

"Wait. Iche-check ko muna." Sabi ko at agad na lumabas ng kotse.

Nakita ko ang babae na nakaupo sa kalsada habang sapo ang likod. Siguro nasaktan siya sa pagkakabagsak ng pwetan niya. Salamat at di ko siya nabunggo.

"Hija, okay ka lang ba? Pasensya na. Nakaharang ka kasi sa daan."

Nang dahan-dahan itinaas nito ang ulo, para nalang akong na-estatwa nang makita ang mukha nito. Kamukha na kamukha niya ang babaeng mahal na mahal ko.

Cassandra...

Nakatingin lang ito sa akin na parang bahagyang natulala sakin kaunti.

Ang mata at labi niya, parehong-pareho kay Cassandra. Kamukha talaga niya. Para akong nakakita ng maliit na Cassandra na nasa harapan ko.

"Uyy! Ikaw babae, alam mo na ngang kalsada ito, tutunganga kapa sa daan. Baliw ka ba ah?!" Sermon agad ni Lorisette nang lumabas ito ng kotse kasama si Mandy.

"S-sorry po." Hinging patawad nito habang tumatayo na sa pagkakaupo.

"Let's go, Mommy! Wag tayo pumatol sa di natin ka-level." Malditang yaya na ni Mandy sa kanyang ina. Bumaling ito sa babae."Uyy! Bobo ka ba? Wag kang magpapakamatay dito! Sa tulay ka!" Sumbat pa nito sa babae.

Iniangat ng babae ang ulo niya at tiningnan si Mandy.

"So-sorry---" di nalang natuloy sasabihin nito na bahagyang nagulat ito nang makita ang anak ko.

Nanlaki mata din ang anak ko nang makita ang babae.

"I-ikaw yung jannitress ah? Wow! Hanggang dito naman naghahagilap ka pa ng mga bagong ichi-chismis mo. Tsk!" Bulalas ng anak ko sabay tinitigan ito ng malditang tingin.

"Mandy! Respect!" Suway ko dito.

"Sige po, alis na po ako. Sorry ulit." Hinging pasensya lang ng babae at dali-dali umalis.

Gusto ko pa sana ito pigilan kaso nakalayo na ito. Nanatiling nakatingin ako sa kanya paalis habang naglalakad ito palayo.

"Tara na, Daddy!" Tawag ni Mandy sa akin.

Nakatingin lang ako sa babae kahawig ni Cassandra. Nakikita ko sa kanya ang babaeng matagal sa akin nawalay. Ewan ko pero ibang pakiramdam ko sa batang iyon. Namimiss ko tuloy si Cassandra dahil sa kanya...