Chapter 9: King of ROS
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Sa susunod, wag kana magpapa-late, Beth. Yung dapat trabaho mo, may nagtrabaho na. Pwedeng bawasin yan sa sweldo mo," anang sabi ni Aling Doya."Sa susunod, wag mo na yan uulitin."
"Sorry po." Hinging pasensya ko sabay yumuko pa.
"Sige. Maglinis kana." Sabi nito at iniwan na ako nito sa Locker room kung saan Locker room ito ng mga Jannitor and Jannitress.
Nang makaalis, binuksan ko na agad yung locker ko para kunin ang wallet ko. Di ko kasi iniiwan dito ang pera ko dahil wala akong tiwala sa mga kasamahan kong Jannitor din dahil minsan nang mawala ang pera ko dito. May malikot na kamay kasi dito.
Pagkakuha ko, nilagay ko agad iyon sa bulsa ng uniporme ko at lumabas na ng Locker Room. Nasa labas lang yung mga kagamitan na panlinis ko. Bago ko pa man itulak yung kagamitan kong panlinis, nakarinig nalang akong boses na babae na parang sumisigaw.
"Oh my god, Mom! Are you serious?! Hindi mo ko ipagkakasundo sa anak ni Tito Cedric?! Di ba kasunduan nyo dati kung sino ang heir ng Uphone sa magkapatid ay iyon ang mapapangasawa ko? Anong nangyari? Bakit ayaw nyo ni Papa kay Johnser na mapangasawa ko? May hindi ba kayo sinasabi sakin?" Yan ang narinig kong sabi ng babae. Nakita ko siyang nasa tapat ng isang kuwarto habang nakatayo lang at may kausap nga sa phone.
Kasing tangkad ko lang ang babae. Maganda, may mamahaling damit na suot, maputi, makinis ang balat at halatang anak mayaman kaso nga lang parang mataray siya. Dahil sa tono palang ng pananalita niya, alam mong spoiled sya. Pilit ko minumukhaan ang babae dahil parang pamilyar sakin ang mukha niya.
Saan ko nga ba siya nakita?
"Mommy? Mommy?!" Turan nito. Nakita ata niya na pinatayan siya ng tawag. Halos nagtili ito sa sobrang inis."Sh*t, sh*t, sh*t!" Inis na sambit lang nito.
Pinapanood ko lang siya.
Nang makita niya akong nakatingin sa kanya, tinignan nalang niya ako ng masama.
"Anong tingin-tingin mo dyan?!!" Parang lalaki na tanong nito.
Dali-dali naman akong umalis.
Basta mayayaman talaga, ang sama rin ng ugali.
Tumungo nalang ako sa pupuntahan ko.
THIRD PERSON POV:)
"Marunong ka bang maglaro ng Rules of Survival? Dahil may pera ka, ikaw sana ilalaban namin. Pwede ba?" Tanong ng lider kay Ros.
"Huh?" Tanging nasambit nalang niya.
Wala siyang naintindihan sa sinabi ng lalaki. Ang naintindihan lamang niya ang word na 'ROS'. Hindi niya alam ano pa ang sinasabi nito.
"Di mo ba naririnig ang sinasabi ko? Ikaw ang lalaro sa laban namin." Ulit nito.
"Hmm, sorry. I don't understand---" di napatuloy sasabihin pa ni Ros nang hilahin siya patayo nung lider at pinaupo sa harap ng computer.
"Ikaw maglaro ng ROS. Kailangan mo ipanalo ito. Kung hindi, malalagot ka samin." Boses na nagbabanta halos kinuwelyuhan pa siya nito.
Di man maintindihan ni Ros ang sinasabi ng mga ito sa kanya, naiintindihan naman nito sa mga kilos nito. Ramdam niya ang takot dahil sa ginawa nito sa kanya halos napalunok pa siya ng laway.
Wala siyang magawa kaya tumango-tango nalang.
Binitawan na nga ng lalaki si Ros halos inayos pa niya yung damit niyang nagusot.
"Saan yung pera mo?" Tanong nito.
"Pera?" Sa loob-loob ni Ros.
* * *FLASHBACKS* * *
"Money? What's money?" Tanong ni Ros kay Beth.
"Money. Here!" Sabi nito at kinuha sa bulsa ang isang one hundred at bente. Pinakita nito iyon sa kanya.
"This thing you called money?" Nakataas-kilay takang tanong niya dito.
"Yes, this is money. If you don't have this, you'll dead in hungry." Paliwanag ni Beth sa kanya.
"P-era." sambit niya sa tagalog ng money. "Pera. Wow! Cool! When I say 'pera'." English na sabi niya at tuwang-tuwa siya nang nasasambit niya nang maayos ang pera.
"This is your money. If I'm not here and your hungry, go outside there's a store in front. Buy some food." Bilin nito sa kanya sabay lagay ng pera sa kamay ni Ros.
Parang bata na ngayon lang nakahawak at nakakita ng pera, nanlalaki mata siya habang panay tingim niya ang perang gawa sa papel.
"Paper? The money is a paper." Nakangiting saad niya. Para siyang bata na ngayon lang naka-discover ng isang bagay.
"Okay. Keep it. I'm gonna go na. Behave. When I'm day off, I'll teach you to speak Tagalog." Paalam na ni Lady Beth sa kanya.
"Bye, my Lady. Be careful." sabi niya dito.
Tumango nalang ito at lumabas na ng kuwarto. Naiwan siyang panay paulit-ulit na sinasambit ang word na 'pera'.
* * *END OF FLASHBACKS* * *
Nang maalala ang conversation nila ni Lady Beth ay agad na binigay niya ang pera niyang nasa bulsa halos inubos pa niya ang perang nasa bulsa niya.
Napa-'woah' nalang ang magbabarkada sa binigay ni Ros sa kanilang pera. Dahil marami iyon halos inubos na atang ibigay lahat ni Ros ang perang binigay sa kanya ni Beth.
"Mang Sandro, three hours po!" sabi ng leader sa tindero na binilhan ng pagkain ni Ros.
Dali-dali na dinala ng lalaki yung pera at binigay sa tindero na nangangalang Sandro.
"Okay!" Sabi naman nito.
Doon na nga nagsimula maglaro si Ros. Nung una, kinakabahan siya hawakan ang mouse pero nawala nalang ang takot niya nang simulan niyang ipindot ang keybord.
Di niya alam parang alam na alam niya saan siya pipindot at para saan iyon.
Habang panay lakad lang ng nilalaro niya ay panay salita naman yung lider.
"Kailangan mo makarami ng mapatay na kalaban. Kung sino ang naunang namatay, iyon ang talo at kung sino ang buhay pa, yun ang panalo. Kailangan mo di mamatay at dapat deretsyo kalang para mabawi namin yung 1000 namin sa kabilang grupo." Paliwanag ng lider sa laro niya.
Wala siyang maintindihan sa sinasabi nito pero tinututok nalang ni Ros ito sa paglalaro niya ng Ros. Ramdam niya na masaya siya sa ginagawa niya. Masaya siya habang naglalaro niyo. Feeling niya, magaling sya sa larong ito. Ngayon na wala siyang memorya, di man niya naaalala ang nakaraan niya, alaala naman ng katawan niya ang ginagawa niya.
Nakapatay naman siya ng isa at sa kabila bumabaril palang. Muntikan nang mabaril siya ng kalaban niya mabuti't siya naunang nakabaril dito at nakadalawang patay na siya.
Nakangiti siya habang naglalaro ng Ros nung oras iyon. Di niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon pero masaya siya sa paglalaro niya ng Ros.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Pauwi na ako galing sa trabaho ko. May dala akong supot kung saan bumili ako sa karinderya malapit sa amin ng ulam at kanin para kakainin namin mamaya ni Ros.
Nang nasa tapat na ako ng apartment ko, napatingin ako sa computer shop at kita kong lalong dumami ang mga kabataan doon at parang may pinapanood silang naglalaro.
Nakakapagtaka lang kasi dahil mukhang bilib na bilib sila sa pinapanood nilang naglalaro. Di ko makita masyado yung lalaking naglalaro sahil bahagyang nahaharangan ng mga kabataang nanonood.
Kumibit-balikat nalang ako at naglakad na ako papasok sa apartment. Dali-dali pumanhik na ako ng hagdan at tumungo sa room ko. Pagkapasok ko, tumungo ako sa kusina para ilagay sa mesa ang supot kung saan nandodoon ang uulamin namin ngayong gabi ni Ros.
"Ros, are you in the room? Wake up na! We gonna eat now! I'm going to heat our food." English na sabi ko habang hinuhugasan ko ang kamay ko. Pagkatapos, kumuha ako ng mangkok para ilagay doon yung ulam.
Tumungo ako sa mesa at kinuha sa supot ang ulam. Binuksan ko na iyon at nilagay sa mangkok. Uulamin namin ngayong gabi ay ginataang munggo.
"Initin ko pa ba ito?" Tanong ko sa sarili ko."Hmm, wag na ata. Safe naman ito." Sabi ko nalang at kumuha na ng pinggan at kutsara.
Nang maayos na ang lahat, naglakad ako patungo sa kuwarto ko para tawagin si Ros.
"Ros, wake up na! Go out now! We gonna eat na!" Tawag ko pa rin. Walang umiimik kaya binuksan ko ang pinto. Nakita ko nalang walang katao-tao sa kuwarto at walang Ros akong nakitang nakahiga.
Tinungo ko agad ang CR at walang Ros rin akong nakita doon. Nasapo ko nalang noo ko sa laking problema ko ngayon.
"Asan si Ros?" Problemadong turan ko.
THIRD PERSON POV:)
"Woaahhh! Ang galing niya."
"Gold 1 na siya."
"Wala pa siyang talo kanina pa. Dami na pinatay niya."
Yan ang bulong-bulungan ng mga kabataan sa computer shop habang pinapanood nila si Ros na naglalaro ng Rules of Survival.
Tama ang narinig ninyo. Mula kanina at ngayon, wala pang talo si Ros. Kanina nasa Platinum 2 palang siya, ngayon nasa Gold 1 na siya halos bilib na bilib na sa kanya ang mga tao sa loob ng computer shop.
Ang unang grupo ay natalo na niya at may panibagong grupo na naman siyang kalaban. Siguro, matatalo rin niya iyon dahil marami na ang talo nito. Di lang iyon, marami na ang pera naipon niya sa kalaban niyang natalo niya. Halos lahat na ata ng kabataan dito, nagpupusta na ng pera kung sino ang hindi unang mamamatay.
Halos yung lider na nagpalaro sa kanya, bilib na bilib din. Binilhan pa siya ng pagkain ng mga tauhan nito.
"Snack mo, Boss. Baka gutom kana." Sabi ng isang kasama ng lider sabay lapag ng isang biscuit malapit sa keyboard niya.
"Thanks." Nakangiti sabi niya habang nakatutok lang sa screen.
May napatay na naman siyang kalaban halos napa-'wow' na naman ang mga tao.
"Shit! Talo na naman!" Sabi ng kabilang grupo nang natalo na naman ito.
"One hundred nyo, bigay nyo samin." Sabi ng lider halos ine-exposed na niya yung palad dahil excited na naman makakuha ng pera.
Kakamot-kamot ng ulo na binigay nga ng lalaki yung one hundred. At nakangiting binilang na ng lider yung pera na naipon na dahil sa napanalunan namin.
"Naka-2500 na tayo!" Tuwang-tuwa sabi ng lider.
"Hati-hati tayo dyan." Sabi ng isang kasama nitong lalaki.
Nagpatuloy lang sa paglalaro si Ros dahil nag-eenjoy siya maglaro ng Rules of Survival.
"Wala na kayong pera?" Mayabang na tanong ng lider sa kabilang grupo. Nahihiyang tumango ito. Nakangiting pilyo na nagtanong ulit ang lider."Sino susunod na lalaban?" Tanong nito sa mga kabataan na nandito sa computer shop.
Walang umimik. Nagsitikhim lang sila at umiwas tingin. Nang wala talaga, lumapit ang lider sa kanya sabay hawak sa balikat at may sinabi sa kanya.
"Wala na sayo lalaban. Paano yan? Tapusin mo na yang nilalaro mo." Sabi nito sa kanya.
Di niya naintindihan sinasabi nito kaya tumahimik lang siya. Nagpatuloy lang sa paglalaro. Di niya kasi masabi-sabi na di siya nakakaintindi ng tagalog kaya.
"Galing niya! Siya na ang King of Rules of Survival." Sabi ng isang kabataan na nandito.
"King of Ros."
"Ano pangalan niya?"
"Taga saan siya? Mukhang baguhan siya dito ah?"
"Tol, mukhang anak mayaman. Kita mo palang sa kutis at mukha niya e."
Yan ang bulong-bulongan dito.
Tinapos na nga ni Ros ang nilalaro niya dahil masyado na siyang nababad sa computer. Nakita kasi niya sa screen ng computer na alas 6 na ng gabi kaya kailangan na ata niya umuwi. Papagalitan siya ni Lady Beth niya.
"I'm sorry, Leader. I have to go!" Nagmamadali na sabi niya sa lider. Di pa niya alam ang pangalan nito kaya tinawag pa niyang lider ito.
"Sandali! Pera mo!" Pigil nito sa kanya. Binigyan siya nito ng 1k.
"For what is this?" Takang tanong niya halos napakunot-noo pa si Ros.
"Ah?" Di naintindihan na turan lamang nito.
"Anyway, I'm sorry. I don't understand tagalog. Please speak english." Pag-aamin niya.
"Englishero?" Sabay saad nung kasama nung lider halos napapikit-pikit pa ng mata.
"Tae! Mapapasubo ako nito." Mahinang turan ni Lider.
"Okay. Hmm, this money is... ano nga english ng hati na yan? Hmm... Ah! This money is cut in your playing, Ros. This money what we win in this game. Get this and thanks for winning our group." Sabi nito sa kanya sabay lagay ng pera sa kamay niya.
"Hmm, t-thanks." Turan lang ni Ros.
"By the way, this is Jake, Jero, and John." Pagpapakilala nito sa kasama niya.
"Hello!" Bati ng mga ito sa kanya halos nag-wave pa ng hand.
"Hello." Bati rin niya at ngumiti.
"And I'm Anthony. Kilala ako dito bilang bossbrad---- I mean, they called me Bossbrad. So, call me bossbrad for short." Pagpapakilala ng lider sa sarili niya.
"Bossbrad. Wow! It's cool name." Nakangiting bulalas niya.
"Yeah, yeah!" Sabi lang ni Bossbrad halos pilit ang tawa niya."You? What's your name?" Tanong nito sa kanya.
"I'm Ros." Proud na proud na sabi niya sa pangalan niya at doon na nagsi-ingay Ang mga kabataan sa computer shop sa nalaman ang name ko.
"Ros? Kaya naman pala magaling siya sa Ros." Yan narinig niyang sabi at di na naman niya masyado maintindihan.
"Anyway, bye. See you tomorrow!" Paalam na niya at lumabas na agad ng computer shop.
Siguro, nasa bahay na si Lady Beth at nag-aalala na ito sa kanya. Alam na niyang lagot siya dito.