Chapter 11: Childish
JOHNSER SY POV:)
"Lola, pahinga muna kayo. Baka ano mangyari sainyo." Sabi ko habang nasa terrace ito at nakaupo sa isang upuan yakap-yakap ang litrato ng kapatid ko.
"Iwan nyo muna ako. Gusto ko muna mapag-isa." Naiiyak na sabi nito sa amin.
Kakatapos lang kasi kani-kanina ang libing ng kapatid ko. Kaunti lang ang mga dumalo at dahil private ang libing ng kapatid ko at walang mga reporter na nakapaikot sa amin.
Pagkakataon ko na ito para pumalit sa pwesto ni Clive sa puso ni Lola pero wala. Parang ayaw pa rin niya ako. Pinagtatabuyan pa rin ako ni Lola.
"Lola, pahinga muna kayo. Wala pa kayong tulog---" di ko natuloy ang sasabihin ko nang tinawag ni Lola ang tagapag-alaga ng kapatid ko.
"Diego." Tawag nito.
Lumapit naman si Diego. "Yes, Madam?"
"Paki-alis dito si Johnser. Ayaw ko ng maingay dito." Utos ni Lola dito.
Nakaramdam na naman ako ng sakit tulad ng nararamdaman ko dati. Lagi niya akong pinagtatabuyan at si Clive lang ang paborito niya saming dalawa. Kahit ni isa, di man lang niya ako niyakap o pinasalubungan ng kung ano-ano nung bata pa ako. Puro lahat kay Clive ang atensyon niya.
Minsan tinatanong ko rin sa sarili ko kung pamilya ba nila ako o hangin lang ba akong palutang-lutang sa bahay.
"Sir Johnser, tara po. Pasensya na at ayaw po ng Lola nyo na nandito kayo." Mahinang sabi sakin ni Diego.
Wala akong magawa kaya nakasimangot na tumalikod na ako para umalis sa lugar na iyon habang sinasamahan ako paalis sa terrace ni Diego.
Wala akong masabi kundi...
"Balang araw, kailangan mo rin ako." sa loob-loob ko.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Pauwi na ako ngayon sa apartment habang panay isip pa rin ang nangyari kanina pati na rin sa nawawala si Ros. Dahil sa kanya nasira na naman araw ko. Kung di siya umalis-alis, di sana nangyari yung kanina.
Akalain mo yun, muntikan na ako mabangga dahil sa sobrang inis ko sa makulit na ingleshirong hilaw na iyon. Tapos yung nagmamay-ari pa ng sasakyan yung babaeng nakita ko sa Uphone yung parang pamilyar sakin. Saan ko nga ba siya nakita?
Hayyy! Buti nalang di pa ko natigok. Pag nabangga talaga ako at nawala na ako sa mundong ibabaw, naku! Mamamatay talaga akong virgin pa. Gusto ko pa makapagtapos ng pag-aaralan at makapaghanap ng magandang trabaho at saka makapag-asawa ng mayaman. Alam kong mangyayari ang makapagtapos at makahanap ako ng trabaho. Pero yung makapag-asawa ng mayaman? Imposible yun! Walang makakagusto sakin ng mayaman dahil sa panget at estado ko sa buhay. Siguro, kung pinanganak akong mayaman, mayaman rin mapapangasawa ko. Pero hindi. Di ko ka-level sila. Sa mga mahihirap lang ako.
Di pa ko nakakarating sa apartment ko bigla nalang narinig ko na naman ang nakakainis na boses ng lalaking iyon.
"Beth, saan ka galing? Hinintay kita. Miss na kita. Labyo!" Sabi ng lalaking kinaiinisan ko habang tumatambay ito sa may computer shop kasama tatlo niyang alipores.
"Ayiieee!" Kinikilig na sabi naman ng tatlo niyang kaibigan.
Huminto ako sa paglalakad at nakakatakot ang tingin na binalingan ko siya.
Sino pa ba siya? Ee di si Anthony. Ang siga at tambay dito. Adik na adik sa computer. Imbes magbasa siya ng libro, paglalaro ang inaatupag. Crush raw niya ako? We? Mag-aral muna siya para magkagusto ako sa kanya. Kaso wala, wala ata siyang pag-asa. Waley talaga!
"Pakyu." Insulto ko sabay tirik ng ang mata ko at naglakad na ako para pumasok sa apartment.
"Beth, wag kang mag-alala. Mapapansin mo din ako! Magugustuhan mo rin ako! Dadating din ang araw na mare-realize mo, may pagtingin kana sakin. Kung mangyari man, wag kang mag-aalala, sasaluhin kita." Sigaw ni Anthony sabay nag-flying kiss pa sakin.
Nagtilian na naman yung mga kaibigan niya. Daig pa yung mga babae kung kiligin. Naipaikot ko nalang ulit ang mata ko sa pinagsasabi niya. Tuluyan na nga ako nakapasok sa apartment. Tumungo na ako sa hagdan para pumanhik.
Di pa ko nakakarating sa room ko, nakita ko nalang si Ros na nakaupo sa sahig habang nakasandig sa pintuan. Pinagtitinginan siya ng mga babae na naka-upa rin dito halos kinikilig ang iba dahil sa taglay na kaguwapuhan ni Ros.
Naka-pout lang si Ros habang tingin sa ibang deriksyon dahil siguro naiinip na ito sa kakahintay sakin.
"Ang guwapo niya." Naririnig kong sabi ng mga babaeng nagsisidaanan sa tapat ni Ros.
"Jusko! Sana mapansin niya ako."
"Kung boyfriend ko lang yan, di ko na siya papakawalan pa. Swerte ko na kung akin na siya. My god!" Sabi naman ng iba.
Napataas-kilay nalang ako sa mga naririnig ko. Ang lalandi ng mga ito? Yan? Guwapo? Saan banda? Duh!
Nang makita ako ni Ros dali-dali naman itong tumayo at pinagpagpag ang short. Parang bata na naka-pout na lumapit agad ito sakin.
"Hey! Why you took so long? I'm waiting for you for five minutes. The door is lock, I can't go inside." Sabi agad ni Ros sakin.
"You din! Saang lupalot kang nagpupuntang bata ka?!" Di na ko naka-english pa dahil sa galit na nadarama. Dahil sa kanya muntik na ko mapahamak."My god! Your getting to my nerve!" Sabi ko nalang sa kanya at gusto ko na siya sabunutan sa inis. Dahil sa kanya lalo nasira araw ko. Pero ano pa ba magagawa ko? Di naman siya nawala, mabuti nalang umuwi pa rin siya.
"I came from the store." Paliwanag niya habang naka-pout.
"Then, what are you doing there?" I asked.
"I buy food cause I'm hungry." Parang bata pahayag nito sabay hinihipo-hipo ang tiyan na kunyari gutom nga siya kanina. "Come on! Let's eat. I'm hungry, my Lady Beth." Yaya na nito at nag-puppy-puppy eyes pa siya. Nagkunyaring gutom na gutom na talaga siya.
Ang cute niya sa ginagawa niya kaya napangiti ako at nalimutan na ang kinagagalit ko kanina sa kanya.
"Okay, let's go. I have food here I just heat it." Sabi ko dito.
Nakangiti si Ros na pumasok kami sa loob ng kuwarto ko. Excited na siya kumain dahil gutom na gutom na raw siya.
May isang misteryosong lalaki na nasa labas ng kalsada na nakatanaw sa bintana nf room namin ni Ros. Naka-jacket na itim ito habang nakapantalon at naka-sapatos rin na itim. Halatang binabantayan kami ni Ros na di namin nalalaman.
*****
Kakatapos lang namin kumain ni Ros. Nag-aayos na ako ng higaan niya sa kuwarto ko habang siya ay nanonood ng TV.
Masyado siya mapili sa pagkain saka kala mo mayaman na nadidiri sa kinakain namin.
* * * FLASHBACKS * * *
"What's this?" Nandidiring tanong ni Ros sakin habang tinitingnan yung munggo na binili ko sa karinderya malpit sa apartment.
"That? This is Ginataang Munggo." Nakangiting sagot ko.
"Ginataeng Munggow?" Ulit nito sa sinabi ko. Masyado pa siya di magaling sa pagsasalita ng tagalog pero okay na rin.
Nakangiting matamis tumango ako.
Kinuha niya yung kutsara na nasa gilid ng plato niya at sumandok nito. Halos parang bata na sinusuri ito.
"It's so sticky. Yucks!" Sabi niya sabay binalik ulit yung munggo na sinandok niya sa kutsara.
Uminit naman ulo ko sa ginawa niya.
"Yah!" Galit na singhal ko.
"Ouch!"
Ano pa ba ginawa ko. Pinalo ko ang kamay niya. Kulit kasi!
"Sumandok kana ng ulam then binalik mo pa don't you kadirian! Food yan not poison, it's a gift of God." Galit na suway ko dito halos napa-taglish na ako. Ay ewan!
Kumikilos siya parang mayaman ee na akala mo di pa siya kumakain nito. Walang pili-pili ngayon. Kung ano nandyan, yun ang dapat kainin. Ang arte niya!
"Ouch. It's hurts." Parang bata na sambit niya at napa-pout pa.
"Taste it... This is yummy." Sabi ko sa kanya at kinuha ang plato niyang may kanin na. Nilagyan ko nang Ginataang Munggo ang plato niya.
Pagkakuha, nilagay ko ulit plato niya sa harap niya.
"Yan! Eat that!" Parang nanay na sermon ko sa kanya."If you don't eat that, I will hurt you." Pananakot ko sa kanya sabay pakita ng kamao ko.
Parang asong umurong sa akin. Walang magawa kaya kumain siya. Nang matikman niya ang munggo, napaangat siya ng ulo sabay nag-twinkle-twinkle ang mata.
"Wow! So yummy!" Sarap na sarap sabi nito.
"I told you, it's yummy." Nakangiting sabi ko."Eat."
Madami ang kinain niya halos sunod-sunod ang pagsubo niya ng pagkain. Halos di mawala sa mata niya na parang ngayon lang siya nakakain nito.
"Woah! It's so yummy!" Sabi lang niya habang may laman ang bunganga.
"Sige. Kain ka lang." Sabi ko sa kanya at dinagdagan ng kanin ang plato niya.
Sa sunod-sunod ang pagsubo niya, nabilaukan siya.
"W-water." Sabi niya halos nahihirapan na siya magsalita.
Kumuha naman agad ako. Sumalin ako ng tubig sa baso at pinainom sa kanya. Wala ako magawa kaya tumawa lang ng tumawa.
**End of Flashbacks**
Di ko alam sa pagmumuni ko, nakangiti na pala ako. Nalimutan ko nang lagyan ng punda yung mga unan. Natigil nalang pagmumuni ko nang marinig kong tumatawag si Ros.
"Lady Beth, I'm thirsty!" Sabi nito habang nanonood ng TV halos nasa taas pa ang paa niya.
Dali-dali ko naman nilagyan ng punda ang unan."Oo wait lang!" Sabi ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto para kuhanan siya ng tubig.
MANDY YU POV:)
"Ano balita, Mandy? Ipapakasal ka raw sa panganay na anak ni Mr. Sy?" Tanong ni Coreen sa akin.
Nasa Food court kami ng Uphone at kasama nagla-lunch break ang bago kong mga kaibigan. Sino pa ba? Ang Chismosa Squad. Sina, Coreen, Jacksy, Lanie, Alfred at Alesia. Part na ako sa squad nila. Maganda sila kasama, makukulit at mga puro patawa kaso nga lang mga chismosa.
"Hindi pa, pinag-uusapan pa." agot ko habang kumakain ako ng tempura habang naka-chopsticks.
"Talaga? Sayang naman. Pag mapangasawa mo ang new Heir ng Uphone, yayaman pa kayo siguro."
Nanatiling kumain lang ako nang magtanong si Lanie.
"Di ba, kahapon pa lang yung libing ng bunsong anak ni Mr. Sy? Ano? Nakita mo ba mukha nun kahit picture lang? Guwapo ba?" Atat na tanong nito.
"Hindi." Sagot ko.
"Ahhh."
"Nga-nga tayo. Kahit ni isa, di man lang natin alam kung guwapo o panget ang heir sana ng Uphone. Wala. Waley." Turan ni Jacksy.
"Pustahan tayo, panget talaga yun kaya di pinakita picture man lang nun." Pusta ni Alesia
"Ako rin. Panget yun." Pusta rin ni Jacksy at Lanie.
Natigil nalang ang topic naming iyon nang dumating na si Alfred dala ang pinabibili naming coffee dito.
"Ito na yung coffee nyo." Nakangiting sbi nito nang makalapit.
"Salamat." Sabay sabi nila sabay kinuha ang mga coffee na nasa lagayan.
"Thanks." Pasalamat ko at kinuha ang coffee ko at tumayo na.
Nagtatakang nagtanong naman sakin yung apat. "Saan ka pupunta?" Sabay nilang tanong.
"Papaupo palang ako, aalis kana?" Si Alfred naman iyon nang makaupo na ito.
"May gagawin pa ko. See you." Paalam ko na dito.
"Bye!" Paalam nalang nila pero si Alfred nakabusangot lang.
Halata ko naman na may gusto si Alfred sakin pero ni katiting wala akong feelings sa kanya. Di siya ang type ko.
Balak ko ngayon ay puntahan ang anak ni Mr. Sy. Sino pa ba? Si Johnser. Gusto ko sanang makilala siya. Siya naman magiging future husband ko kaya mas maganda kung kikilalanin ko na muna siya.
Bago pa man ako pumasok sa office ni Johnser nang palabas rin sa office nito ang isang pamilyar na lalaki sakin. Sino pa ba? Ee yung Butler ni Clive.
Napatigil ito ng bahagya nang makita ako. Magpapatuloy ulit sana ito sa paglalakad nang pinigilan ko siya.
"Wait!" Sabay hinawakan ko ang kamay nito.
Napatigil naman ito. Dahan-dahan tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa kanya sabay sulyap sa mukha ko.
Mabilis ko naman binitawan ang kamay niya at tumikhim. "Andyan ba si Johnser sa loob?" Tanong ko dito na may maldita looks.
"Andyan." Larang wala sa mood at kabuhay-buhay ang boses sagot niya sa akin. Seryoso lang ang mukha niya ni kahit ngumiti, di ngumingiti. Nakaka-creepy naman siya. Halatang suplado siya.
"Ahhh..." Saad ko lang. Di ko alam parang umaatras ang dila ko sa kanya. Siguroz di lang ako sanay sa ugali niya. Ngayon lang ako nakaharap ng tao na kakaiba ang ugali. Tulad nito na Butler ni Clive. Mukhang nakakatakot siya at napaka-seryoso. Di mo alam kung tao pa ba ito o halimaw. Wala man lang ekspresyon sa mukha niya.
"Wala ka na bang ibang tatanungin sakin bukod dyan?" Supladong tanong nito.
Aba't? Suplado talaga siya ah?
"Wala na. Hehehe, salamat." Sabi ko nalang dito at nag-fake smile.
Umalis na nga ito at naiwan akong napakunot-noo habang tanaw siya papaalis.
"Suplado ah? Akala niya natatakot ako sa kanya?! Feeling sya!" Turan ko sa mahinang boses. "Matangkad ka lang pero wala kang mukha!" Sabi ko at sana narinig niya. Letche!
Tumigil naman sa paglalakad ito at nilingon ako. Nataranta naman ako dahil tumingin siya sakin. Siguro narinig nga niya ang sinabi ko.
Tarantang pumasok na ako sa loob ng office ni Johnser.
"Bwisit! Narinig nga niya."