Chapter 42.1

Warning: Theme and Language.

Pawisan siyang napabalikwas ng upo sa kama. Nagbaba siya ng tingin sa sarili at napapikit. Gano'n pa rin. Walang saplot. Nag-angat siya ng tingin sa wall clock. Alas-tres ng madaling araw.

Panlimang gabi na, and it is still the same dream. S** with the same man, she thought.

Pero sa pagkakataong iyon ay may kakaiba. Naalala na niya ang manipis at mapulang mga labi nito, pati na ang nakakalokong ngisi na hindi mawala-wala sa buong eksena ng panaginip niya. Napahawak siya sa hubad at pawisang dibdib. Naghabol ng hininga.

Masakit ang palapulsuhan niya na parang may humawak nang mahigpit sa mga 'yon. Kumikirot ang anit niya na parang may humila sa buhok niya. At ang mas nakakapagtaka ay ang mga mapusyaw na pulang marka sa braso at dibdib niya.

Napalunok si Jewel. Tumayo ang balahibo niya sa batok at nanikip ang dibdib habang inaalala ang lalaki sa panaginip. Kahit mulat na siya ay malinaw pa rin sa ala-ala niya ang kakaibang ngiti sa labi nito. Ramdam pa rin niya hanggang ngayon ang mainit nitong halik sa batok niya.

Nakagat niya ang ibabang labi.

Noong una ay ayos lang sa kaniyang magpaubaya sa lalaking 'yon, pero habang patagal nang patagal ay mas lalong naging kakaiba ang mga panaginip niya. Nagiging totoo sa totoong mundo at hindi na siya natutuwa.

Nakakakilabot na ang lalaki sa panaginip niya.

Sinampal-sampal niya ang sariling pisngi. "You're awake, Jewel. You're awake now," paalala niya sa sarili at mabilis na bumangon mula sa kama.

Tumakbo siya tungo sa banyo at agad na binuksan ang shower. "Oh bi***!" mura niya nang bumuhos ang malamig na tubig.

Hindi niya pala nabuksan ang heater. Napahugot siya nang malalim na hininga at tinimpla ang temperatura ng tubig. Mabilis niyang tinapos ang pagliligo at tinakbo na naman ang walk-in closet. Matapos niyang makapagbihis ng bestida ay lumabas siya ng kuwarto at tumakbo na naman pababa ng hagdan.

Ayaw niyang manatili sa loob ng kuwarto dahil pakiramdam niya, may tumititig sa kaniya roon. No'ng isang linggo pa niya nararamdaman ang mga matang nakasunod sa kaniya sa loob ng kuwarto, kaya kapag nagigising siya mula sa panaginip ay agad siyang maliligo at tatakbo palabas ng kuwarto.

Hindi siya naniniwala sa multo pero hindi niya alam kung bakit may gano'ng pakiramdam sa kuwarto niya. Hindi na niya sinabi sa mga magulang dahil hindi naman siya mahilig mag-kuwento sa mga ito. Wala na rin siyang mga kaibigan na pwedeng maging sumbungan, at wala na ring ginagamit na cellphone sina Dalya at Pedro simula nang mapalayas mula sa mansiyon.

She is left with nothing but herself alone.

At... nasasaktan si Jewel sa tuwing iniisip niyang wala siyang pwedeng maging sandigan sa oras na kailangan niya ng makakausap. Lahat ng taong malapit sa kaniya noon ay iniwan siya't pinagkaluno.

Ito na siguro ang naging kabayaran sa ugali niyang makasarili. Noon ay mas mahal niya ang sariling kaligayahan at walang pakialam sa taong nakapaligid sa kaniya. And she is now paying for her selfishness. Iniwan na siya ng lahat. 

Nanlabo ang paningin niya pero mabilis siyang kumurap para mawala ang tubig sa mga mata niya. Hindi siya iiyak. No. She will not cry. Never!

"Ang aga mo ata, iha?"

"Bi***!" mura niya at napahawak sa dibdib. Lumingon siya at nakita niya ang mayordoma. Pinandilatan niya ito ng mata. "Don't do that again!"

Nagkibit-balikat lang ang matandang mayordoma at bahagyang ngumiti sa kaniya. "Pasensya na. Magkakape ka ba ngayon?"

"Y-Yes." Lumunok siya saka mabilis na tinungo ang kusina. Nakasunod lang ang mayordoma sa kaniya. "Make it brewed and give me some creamer also."

"Napapansin kong simula nang nagdaang linggo ay ganito ka na kaaga nagigising. Masyado ka na ring magugulatin. Madalas pa ang pag-inom mo ng kape. Iha, alam mo siguro na masama sa kalusugan ang sobrang kape."

"I know. I don't need your words, Manang."

Bumuntong-hinga ang mayordoma. Pinaghila siya nito ng upuan at nagpunta sa kitchen counter. Naupo naman siya sa upuan saka humalumbaba. Inisip niya kung may deadline siya ngayong araw.

"Heto na ang kape mo, iha." Nilapag ng mayordoma ang tasa ng kape at creamer sa mesa at nilapit sa kaniya. "Bumili ng mangga si Andeng. Mula sa Mantalongon ang mga mangga at kakaani lang. Gusto mo bang matikman? Siguradong matamis ang mga 'yon."

Napaangat siya ng tingin. Bigla nalang sumagi sa isip niya ang tungkol sa project na A Seed to Care. Ngayon pala ang deadline! Natampal niya ang noo. Bakit niya nalimutan ang project?

Naman, sinabi niya kay Gideon na isasauli niya ang buto. Nakapagtanim na sana siya noong isang linggo kung hindi nawala sa isip niya ang tungkol doon. Ano na ngayon ang ipapasa niya sa Professor?

"May problema ba?"

Tumingin siya sa matanda. "May project akong..." Bumuntong-hinga siya. "Nevermind." Nag-iwas siya ng tingin.

"Jewel, iha."

Nilagyan niya ng creamer ang kape. "Why, Manang?"

"Mamaya ay ipapabalot ko ang mga gamit mo kina Augustina."

Tumaas ang kilay niya at sumimsim sa kape. "Pinapalayas na ako?" biro niya saka umirap.

Natawa ang matanda. "Hindi sa gano'n. Pero utos ng Donya na ibalot ang ilan sa mga gamit mo dahil kukunin ka na ulit ng asawa mo, iha."

"Si Gideon?" takang tanong niya. Tumango ang matanda kaya natawa siya. "Anong akala niya sa akin? Manika? Matapos ipamigay, kukunin na lang basta-basta?"

"Galit ka ba sa asawa mo, iha?"

"Oo." Nagsalubong ang dalawang kilay niya, maya-maya pa'y lumambot ang ekspresyon niya. "Galit siya kasi sinampal ko siya."

"Nag-away kayo?"

Kumunot na naman ang noo niya at muling napatingin sa matanda. "Bakit kayo tanong nang tanong, Manang?"

Ngumiti na lang ang matanda at hindi na umimik pa. Bumuntong-hinga naman si Jewel saka muling humalumbaba. Bagot na siya sa kusina pero ayaw naman niyang bumalik sa kuwarto. Natatakot siyang bumalik doon. Baka mamaya ---

"Iha, sinong humawak sa palapulsuhan mo?"

Napaupo ng tuwid si Jewel at nagbaba ng tingin sa tinitingnan ng matanda. Tumaas ang manggas ng bestida niya kaya nakita nito ang pulang marka sa palapulsuhan niya. Mabilis niyang tinago sa ilalim ng mesa ang mga kamay. Bumilis ang tibok ng puso niya.

"It's nothing."

"Sinong humawak niyan ---"

"I said it's nothing, Manang."

"Iha ---"

"Shut up!"

Padabog siyang tumayo at tumakbo pabalik sa kuwarto. Nakagat niya ang labi. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Huminto na muna siya sa hallway at huminga nang malalim. Pagkatapos, lakad-takbo niyang tinungo ang kuwarto. Pabagsak niyang sinara ang pinto.

Nanginginig sa takot ang kalamnan niya. Walang dapat makaalam sa sikreto niya. Wala!

Mabilis siyang nagtungo sa kama at naupo sa gilid. Inabot niya ang cellphone sa ilalim ng lampshade saka binuksan ang app na Bokipad.

Alas-tres pa naman ng madaling araw kaya maraming oras pa ang malalaan niya sa pagbabasa ng erotica. Mamaya pa magsisimula ang online one-on-one class session sa araw na 'yon. Napangiti si Jewel. Isang klase ng ngiti na kapareho sa ngiti ng lalaking nasa panaginip niya.

Pero hindi niya nakita o napansin 'yon dahil tutok na tutok siya sa pagbabasa ng isang bedscene. Ilang minutong pagbabasa sa mga istoryang erotica bago siya nagtalukbong ng kumot, at ginawa na naman ang bagay na 'yon.

After that, Jewel felt satisfied and happy. Hindi na niya ramdam ang takot dahil nanaig ang pagnanasa. Ilang oras pa siyang nagpakasawa sa erotica hanggang tumunog ang alarm clock niya.

Alas-siyete na ng umaga. Magsisimula na ang online class niya. Napairap siya.

S***T! S***T!

Makailang beses siyang nagmura. Hubad na naman siya at nanginginig sa lamig ng kuwarto niya. Ilang hingang malalim ang ginawa niya at inabot ang cellphone sa ilalim ng lampshade sa bedside table.

Alas-tres ng madaling araw. Isang linggo na siyang nagigising sa ganitong oras, nakahubad, pawisan, at habol ang hininga.

Naglapat nang mariin ang mga ngipin niya at matalim ang matang nilibot ang tingin sa kabuuan ng kuwarto niya. Hindi na ito maganda! May kakaiba nang nangyayari. No'ng una ay tino-tolerate pa niya, pero hindi pwedeng ganitong estado siya gigising araw-araw.

Nagbaba siya ng tingin sa tiyan. May mga pulang marka doon kaya mas lalong nagngitngit ang kalooban niya. She might be drugged by someone and that someone does nasty things on her body while she's fast asleep!

Mabilis siyang bumangon, naligo, at nagbihis. Lumabas siya ng kuwarto at bumaba papuntang kusina. As usual, she sat there and sip her coffee prepared by the maid.

Ngayong araw dadating ang pasikreto niyang biniling micro-cam sa isang online store. Inutusan na niya kagabi si Augustina na kunin 'yon sa labas ng gate ng mansiyon. Hindi na problema ang pera dahil binayaran na niya online ang binili pati shipping fee gamit ang credit card ni Gideon.

Hindi niya napansin ang paglapit ng mayordoma sa kaniya. Umikhim ito. "Iha, wala ka pa rin bang planong kausapin ang asawa mo? Tumawag siya kahapon, ansabi ay pupunta siya rito sa Sabado kapag hindi ka pa rin babalik bago sumapit ang araw na 'yon."

Nilapag niya ang tasa. "Bahala siya."

"Jewel..."

"Hindi ko alam Manang kung anong problema niya. Nag-away kami. I thought he's done with me?"

"Asawa ka niya kaya hindi ka matitiis no'n. Pagpasensyahan mo na kung meron man siyang pagkukulang pero Jewel, dapat mong kausapin si Gideon para magkaayos kayo."

Umismid lang siya saka muling sumimsim ng kape. "Basta 'wag niyo nang ipabalot ulit ang mga gamit ko. Ayoko munang bumalik sa bahay ni Gideon."

"Jewel ---"

"Even if Mama instructed you to do so. Mauuwi lang sa wala ang pagod niyo 'pag gagawin niyo 'yon."

"Pero hindi namin pwedeng sawayin ang Donya."

Bumuntong-hinga siya. "Just... don't make me force to leave this house."

Hindi na nangulit ang mayordoma. Pero pagsapit ng tanghalian ay nagkaharap sila ng ina niya sa hapagkainan. Kahit ayaw niyang makasabay ito sa pagkain ay wala siyang nagawa kung hindi maupo sa pwesto niya, lalo't tinawag siya nito. Wala ang ama niya dahil may inasikaso raw ito sa tubuhan.

She sat there stiffed. Pero kalaunan ay napalagay na ang loob niya. Magana siyang kumain lalo't paborito niyang ulam ang nakahanda sa hapagkainan. Ilang minuto siyang sumusubo nang magsalita ang ina niya.

"Jewel, bumalik ka na sa asawa mo."

Nasamid siya bigla. Napaubo siya't napahawak sa leeg. Agad naman siyang inabutan ng baso ng ina. Tinanggap niya 'yon at inisang lagok. Binaba niya ang baso sa mesa. "Ano... Ma?"

Bumuntong-hinga ang Donya. "Umuwi ka na kay Gideon."

"Why?"

Binaba nito ang kutsara't tinidor at pinagsiklop ang mga 'yon. Tumitig ang mga mata nito sa kaniya. "Alam mo ba kung bakit pumayag akong ipakasal ka sa anak ng Alkalde?"

Napalunok si Jewel sa seryosong tono nito. Kailanman ay hindi pa ito nagsalita nang ganito kaseryoso sa harap niya. Noon kasi ay palagi nitong nakikita ang pagkakamali niya kaya palagi itong sumisigaw kapag kausap siya. Pero ngayon, para bang ibang tao ang kausap niya.

Umiling siya. "Hindi niyo po sinabi."

"Makinig ka, Jewel." Bumuntong-hinga ang Donya. "Alam namin ng ama mo ang tungkol kay Simoen Saavedra."

Napakurap siya. "A-Ano po?"

"Sinabi ni Rosalinda ang lahat ng ginawa mo sa Unibersidad. Tiyak akong inisip mo na hindi namin malalaman ang kalokohan mo sa UDM, pero simula pa nang tumuntong ka ng sekondarya ay alam na namin ang lahat ng aktibidad mo sa Unibersidad."

Umiwas ng tingin si Jewel. "Umm..." Wala siyang makapang salita. Kaya pala hindi ito nagtanong patungkol sa buhay estudyante niya. Walang pangungumusta kaya naman inisip niyang walang pakialam ang mga magulang sa kaniya. Pero hindi niya alam na minomonitor pala ng mga 'to ang galaw niya sa Unibersidad.

Marami siyang kalokohan sa UDM. Hindi na mabilang sa daliri niya. At lahat ng 'yon ay alam ng mga magulang niya? Nakagat niya ang ibabang labi.

"Jewel, hindi dahil kay Simoen Saavedra kaya ka namin tinulak sa anak ng alkalde." Bumuntong-hinga na naman ang Donya. "Ang totoo niyan ay may mas malalim pang dahilan. Mas malalim pa kaysa ss reputasyon ng ating angkan."

"Anong ibig mong sabihin, Ma?"

Seryosong tumitig ang Donya sa mga mata niya. "Sampung taon na mula nang magkaroon ng aksidente sa Aisle. Bumangga ang kotseng lulan si Nida sa isang poste nang ilaw, at mula noon ay hindi na ito makatayo o makalakad. Dahil sa pangyayaring 'yon, Jewel..." Lumunok ang Donya. "Pwersahang kinuha ng mga Hernandez ang titulo ng Aisle."

Napakurap siya. Hindi niya alam ang tungkol dito. Kailanman ay walang naikwento ang mga magulang sa kaniya. "K-Kinuha nila, Ma?"

"Ayaw ng ama mong ibenta ang titulo pero naapektuhan ang kabuhayan natin dahil sa papalubog na ekonomiya ng bansa. Kung hindi niya ibebenta ay tiyak na mawawalan ng trabaho ang lahat ng katulong at Sacada."

"So... that means..."

Tumango ang ina niya. "Wala na sa atin ang titulo ng Aisle. Nasa kamay ng mga Hernandez 'yon, Jewel. Kaya nang maghanap ang Alkalde ng babaeng ipapakasal sa tagapagmana ng Hernandez ay walang pagdadalawang isip naming pinadala sa mansiyon Hernandez ang mga litrato mo. Sa pagbabakasakaling ikaw ang mapipili ng pamilya nila."