Chapter 41

Sabay na pumasok sa opisina ng Direktor sina Hazel at Joseph. Napaiwas siya ng tingin sa dalawa. No'ng isang araw pa nakabalik sa klase si Joseph mula sa intercampus competition sa Cebu City. Narinig niyang second place ang UDM sa Regional at may dinaos na celebration party kagabi sa function hall. Hindi siya dumalo kahit pa imbitado siya.

"Good morning, D-Director," bati ni Hazel.

Ngumiti si Joseph. "Good morning, Sir." Tumingin ito sa kaniya at sa mga magulang niya. Nawala ang ngiti sa mga labi nito at napaikhim. "Good morning, Jewel."

Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang lalaki. 

Pinaupo ng Direktor ang dalawa sa visitor lair na nasa tapat ng mesa. "Alam niyo ba kung bakit kayo nandito?" tanong nito.

Umiling si Hazel. "Hindi po." 

Nagkibit-balikat lang si Joseph. "May klase kami ngayon, Sir. Bigla nalang kaming pinatawag ng opisina niyo."

"Miss Hazel and Mister Joseph, may isang video akong ipapakita sa inyo at magpaliwanag kayo pagkatapos." Pinakita ng Direktor ang video sa cellphone ni Gabbi. Maya-maya pa'y binigay nito ulit kay Gabbi ang cellphone at umikhim. "Miss Caliwag accuses you, Miss Hazel, as the maker of that video. And you, Mister Joseph, we all saw what you did in that video."

Napakurap si Hazel at nangunot ang noo ni Joseph. Walang salitang lumabas sa bibig ng dalawa, at dahil naubos na ang pasensiya ng ama niya ay sumigaw na naman ito upang bantaan ang dalawa.

Unang bumigay si Hazel. Nanginginig ang mga kamay nito. "Mister M-Mangubat..." Sumulyap si Hazel kay Gabbi, at naglakbay ang tingin nito patungo sa kaniya. Nakita niya ang paglunok nito. "T-That's not true. Hindi galing sa akin ang video na 'y-yan."

"Hazel!" sita ni Gabbi. "Wag kang magsinungaling!" 

Nag-iwas ng tingin si Hazel at nagbaba ng tingin sa sahig. "Hindi ako ang k-kumuha sa video na yan. H-Hindi. Hindi ako! Saka bakit ako ang pinagbibintangan mo, Gabbi?"

"Kasi sa 'yo ko naman nakuha ang video na 'yan!" Nagsalubong ang dalawang kilay ni Gabbi. "Nang hiniram ko ang cellphone mo, nakita ko 'yan sa recycler. Pinasa ko sa cellphone ko! Kung ayaw mong maniwala Laine, kunin mo ang cellphone niya! Kung nagsasabi ako ng totoo, makikita niyo sa recycler ang video pero kung wala kayong makita, patayin niyo ako!"

"Gabbi!" sita niya. Hindi maganda ang binitiwan nitong salita. Pero humalukipkp lang si Gabbi at nag-iwas ng tingin.

"Gawin mo na, Miss Hazel. Please hand your cellphone to us," sabi ng Director. 

Kagat-labing tumayo si Hazel at inabot ang cellphone sa Director. Sinabi nito ang password at agad naman 'yong nabuksan. Binigay ng Director ang cellphone kay Gabbi. "Retrieve the said video," utos nito.

Tinanggap 'yon ni Gabbi at ilang minutong hinarap ang cellphone. Maya-maya pa'y hinarap nito ang screen sa kanila. "Ito. Nakuha ko ulit ang file. Marine ang kurso niya kaya siguro hindi niya alam na may built-in recycler program ang cellphone. Gusto ko lang malaman kung anong old files ni Hazel kaya tiningnan ko ang laman niyan. At nakita ko ang video."

Kumurap si Hazel pero hindi umimik. Napahinga naman nang malalim si Jewel at naging isang linya ang mga labi. It's the same video. Hinarap niya si Hazel na nakatungo pa rin hanggang ngayon. 

Kumuyom ang mga kamao niya. Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil sa galit. Tinuro niya si Hazel.

"Freaking b****! Matagal mo na palang tinago ang ebidensya, Hazel?" Naglapat nang mariin ang mga ngipin niya. "What on earth am I doing with these years? Bakit ako nakipagkaibigan sa inyong tatlo! Si Tiara, si Gabbi, at ikaw Hazel! Pare-pareho lang kayo! Freaking liars!"

"N-Natakot lang ako, L-Laine."

Marahas niyang tinuro si Joseph na hindi makatingin sa kaniya. "This man tried to do some things on me, yet you didn't help me? Nando'n ka lang sa tabi, taking video of that shameful scene? What are you? A freaking audience?!"

Umikhim bigla si Joseph. "Lasing tayo nang gabing 'yon, Hudyo. Alam mo 'yan."

"Lasing?" singit ng ama niya. "Paanong nalasing si Jewel sa loob ng Unibersidad?"

Umikhim ang Direktor. "Ah, Mister Mangubat ---" 

"Kahihiyan!" sigaw ni Don Sebastian. "Napakapabaya ng Unibersidad mo, Hubes. Isang kahihiyan sa buong Medellin!"

Bumuntong-hinga ang Direktor at masamang tumingin kay Joseph. "Bawal ang alak sa loob ng Unibersidad, Mister Joseph. Paanong nalasing ---"

"May nakapuslit na alak sa Christmas party, Sir. Aksidenteng napagpalit ang juice at alak kaya nalasing kami ni Jewel," sabi ni Joseph.

Nagdilim ang awra ng Direktor at pinandilatan ng mata ang lalaki. Umikhim ito at tumingin ulit sa ama niya. "Mister Mangubat, titiyakin kong wala nang makakapuslit na alak sa loob ng Unibersidad."

Natawa bigla ang ama niya. "Malinaw na malinaw ang kapabayaan ng Unibersidad. Hindi na ako magtataka kung may mga magnanakaw, sinungaling, at mapang-abuso sa loob nito."

Kumuyom ang kamao ng Direktor. Napahiya. Hindi na sumagot sa ama niya at nag-iwas ng tingin. Umikhim ulit ito. "Miss Jasmine, mula ngayon ay expel ka na sa Unibersidad. Magdidemanda naman ang Unibersidad kay Miss Gabbiana. Suspendido nang dalawang buwan sina Miss Hazel at Mister Joseph." Tumingin ang Direktor sa kaniya. "At Miss Jewel, binibigyan ka ng pagkakataon ng Unibersidad na mamili sa dalawa. Shifting course or special online class. The University is deeply sorry for the troubles you've encountered while staying in our premises."

"I..." Lumunok siya at huminga nang malalim. Masamang sulyap ang binigay niya kina Hazel at Gabbi bago muling bumaling sa Direktor. "I don't want to shift course. Gusto ko munang mag-online class."

Tumingin ang Don Sebastian sa kaniya. "Mas maganda kung lilipat ka sa kursong AgriBusiness ---"

"Pa," pigil niya. "Let me decide for myself. Just for once, ako na muna ang magdidesisyon sa sarili ko."

Dumilim ang awra ng ama niya. Hindi nito nagustuhan ang pagputol niya sa sinasabi nito pero biglang umikhim ang ina niya. "Hayaan mo na, Sebastian. Ilang argumento na ang binato mo sa anak mo pero determinado siyang magpatuloy sa pangarap niyang kurso. Wala tayong magagawa kung sadyang mahal niya ang kursong 'yan."

Naningkit ang mga mata ng ama niya, pagkuwan ay bumuntong-hinga't tumango. Lihim namang napangiti si Jewel. Pero nang nabaling ang tingin niya sa mga kasama sa kuwartong 'yon ay napalis ang ngiti sa mga labi niya. 

Napatingin siya kay Hazel. Nanginginig ito at panay ang pahid ng pawisang kamay sa palda ng uniporme. Nagtagis naman ang bagang ni Joseph at hindi makatingin sa kaniya. Nagbukas-sara pa ang kamao nito.

Samantala, panay ang tahimik na iyak ni Jasmine habang nakatungo, at wala namang reaksyon ang Guidance Counselor sa tabi nito. Pero pansin niyang pinaglalaruan ng huli ang kamay na parang hindi mapakali sa upuan. 

At si Gabbi... tulalang nakatitig sa sahig. Bahagyang nakaawang ang bibig at namumuti ang kamao dahil sa mariing pagkuyom. Napalunok si Jewel at napaiwas ng tingin. Hindi niya gustong makitang magkagano'n ang mga dati niyang kaibigan, kahit pa may ginawa ang mga itong kalokohan sa kaniya. 

Umikhim siya. "Sa totoo lang, galit ako sa kanilang apat pero hindi naman siguro kailangang maparusahan nang matindi." Tumingin siya kina Gabbi at Hazel saka mabilis na umiwas ng tingin. "I'm okay with this closure. I mean, I am satisfied to know their secrets. Actually, noon pa ako lumayo sa kanila kaya hindi na siguro kailangan ang parusa ---"

"I'm sorry Miss Mangubat but I can not promise that," sabi ng Direktor. "May ebidensyang lumabag sa batas ng Unibersidad ang apat kaya kailangan nilang maparusahan. This is in accordance with the University's rules and regulations."

Napatungo siya. Alam niya 'yon kaya hindi niya maiwasan malungkot. Kilala niya si Gabbi. Nag-aaral ito nang mabuti para makapagtapos, at dahil sa nangyari ay hindi na nito maaabot ang pangarap. Si Hazel naman, hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng mga magulang nito, lalo't malaking kawalan ang dalawang buwan na suspension.

Kahit na may kasalanan ang mga ito sa kaniya ay naaawa pa rin siya sa apat.

"T-Thank you, Mister Mangubat. Thank you, D-Director," sabi ni Jasmine. Nagpapasalamat ito dahil walang demanda.

Wala namang imik ang tatlong akusado at nagsi-iwas ng tingin.

Napatungo si Jewel. Maya-maya pa'y napapikit nang may maalala.

Ang Municipal scholarship niya!

Nakagat niya ang labi.

Kasali sa kontrata ng scholarship na kailangan niyang i-maintain ang good reputation sa Unibersidad na papasukan. At malinaw na hindi niya nasunod ang nakasulat sa kontrata. Napabuga siya ng hangin. Talagang hindi siya inaayunan ng sirkumstansiya. Paano na siya ngayong wala si Gideon para sumalo sa pagkakamali niya?

Lumunok siya at bumuntong-hinga na naman.

Kasalukuyan pa rin niyang ginagamit sa loob ng Unibersidad ang credit card na binigay ni Gideon. Hindi kasi siya binibigyan ng allowance ng ina dahil iniisip nitong bibili siya ng erotica kapag makakahawak ng pera.

Nilihim nga niya ang tungkol sa credit card pero kalaunan ay nalaman din naman ng mga magulang. Mabuti nalang at hindi kinumpiska, dahil ayon sa mga magulang ay bigay ng asawa niya kaya hindi na nila papakialaman basta't sa loob ng Unibersidad gagamitin ang credit card.

Lihim siyang napangiti. Ewan pero nagpasalamat siya kay Gideon dahil kung hindi ito nagbigay ng credit card ay baka namumulubi na siya sa Unibersidad. Malaking kahihiyan kung uutang siya sa kaklase niya.

Kailangan pa nga niyang sabihin dito na mawawalan na siya ng scholarship, para naman hindi ito mabigla sa laki ng credit na babayaran. Napabuga na naman siya ng hangin. Pinaghirapan niyang makuha ang scholarship pero sa isang issue lang ay mawawala na.

Pero ang mas inalala niya ay ang muli nilang paghaharap ni Gideon. Wala na siyang mukhang ihaharap dito matapos niyang sampalin nang pagkalas-lakas ang asawa. Tuloy, nagsisi siyang nagpadala sa emosyon.

Parang ang kapal kasi ng mukha niya kung bibisitahin niya ang asawa para lang ipaalam na mas malaki na ang babayaran nitong credit para sa kaniya, matapos niya itong masampal nang pagkalakas-lakas. Ngumuso siya.

Matapos ang eksena sa opisina ay hapong naupo sa backseat ng kotse si Jewel. Kasalukuyang nagda-drive ang Papa niya at nakaupo naman sa passenger seat ang ina niya. Bumibiyahe sila pauwi ng mansiyon.

Napagod siya nang husto. Sumasakit ang ulo niya at gusto lang niya ay matulog. Pero hindi dinadapuan ng antok ang diwa niya. Kahit nakapikit ay umaandar pa rin ang utak niya. Marami siyang iniisip. Mga posibilidad sa hinaharap at kasalukuyan.

Maya-maya pa'y dumapo kay Gideon ang isip niya. Anong excuse ang sasabihin niya para muling makausap ang lalaki? Wala na siyang maisip.

Nakauwi na sila nang mukha ni Gideon ang iniisip niya. Kahit nang magpaalam siya sa ama't ina matapos ang hapunan ay si Gideon pa rin ang laman ng isip niya. Humiga siya sa kama na si Gideon ang iniisip.

Hindi na siya natutuwa.

Busangot niyang kinuha ang cellphone at nagbasa ng erotica sa Bokipad para maalis sa isip ang mukha ni Gideon. Kapag kasi sumasagi sa isip niya ang asawa ay nagrurumentado ang puso niya. Kung magpapatuloy 'yon ay tiyak na maghahabol na naman siya ng hininga.

Masama talaga ang naging bagsak niya kay Gideon. Umiling siya at mas pinagbuti ang pagbabasa.

Ilang oras siyang babad sa screen at nang sumakit ang mga mata ay tinigil na niya. Kaso, namamasa siya kaya ginawa na naman niya ang bagay na 'yon. Hindi lang isa pero dalawang beses. Doon lang siya unti-unting ginapo ng pagod at antok. Nakatulog siya.

Pero ewan ba niya kung bakit bigla siyang nagmulat sa kalagitnaan ng gabi. Pawisan siya't habol ang hininga. Umupo siya at hinawakan ang dibdib. Laking gulat niya nang wala siyang makapang damit. Pagtingin niya sa katawan ay gano'n nalang ang gulat niya.

Nakahubad siya!

Paanong nakahubad siya? Malinaw sa ala-ala niya kung paano siya nagbihis ng nightgown. Kaya bakit hubad-baro siya? Pati undies ay wala siya!

Nahihintakutan niyang tiningnan ang wall-clock. Alas-tres ng madaling araw.