Chapter 42.2
"Bakit naman, Ma?" Lumunok na naman siya. "Pwede naman nating bawiin ang titulo mula sa kanila. Saka sampung taong tayong nagtatanim at nag-aani sa Aisle kaya imposibleng hindi nila ibabalik ang titulo kung ganiyang hinayaan tayo ng mga Hernandez na angkinin ang Aisle sa sampung taon na 'yon!"
"Yon ay dahil pinakiusapan ng ama mo ang Alkalde. Marami nang lupain ang mga Hernandez kaya hinayaan na nila tayong magtanim at mag-ani sa Aisle. Pero hindi ibig sabihin niyon na habambuhay nila tayong pahihintulutan. Kaya pinlano namin ng ama mong ipakasal ka sa anak ng Alkalde nang sa gayon ay masisiguro naming hindi tuluyang mawawalan ng pagka-may-ari ang ating angkan sa Aisle..." Ngumiti ng marahan ang ina. "... para sa kapakanan ng susunod na henerasyon ng angkan natin, Jewel."
"Pwede naman sigurong bilhin ulit ang Aisle."
Umiling ang Donya. "Mabibili mo lang ang isang titulo kung ibebenta ng kasalukuyang nagmamay-ari, Jewel. Hindi natin mababawi 'yon hangga't hindi nagpapasiya ang Hernandez na ibenta, ngunit hanggang kailan kami maghihintay ng iyong ama? Hindi namin nais na ipasa sa 'yo ang bigat ng responsibilidad ng Aisle."
"Pero pinakasal niyo ako kay Gideon. Hindi ba pagpapasa ng responsibilidad din 'yong ginawa niyo?"
"Ginawa namin 'yon alang-alang sa 'yo. Alam naming mabuting tao si Gideon at aalagaan ka niya. Itong si Simoen Saavedra ay may hindi magandang reputasyon sa labas ng Unibersidad, kaya kahit pa mula siya sa kilalang angkan ng mga Saavedra ay hindi namin nais na maging manugang ang batang 'yon."
Hilaw siyang napangiti sa sinabi ng ina. Hindi talaga. Ayaw niya ring maging asawa si Simoen kung sakali man. Dahil hindi niya masisikmurang tumira sa iisang bubong kasama ang lalaking 'yon.
"But why did you ask me to go back to Gideon?"
"Dahil nais ko na maging isang responsableng asawa ka, Jewel." Marahang ngumiti ang ina sa kaniya. "Ilang taon ka naming kinulong sa mansiyon na 'to kaya alam kong hindi mo pa kilala ang totoong mundo. Nais kong lumaya ka sa hawla na pinagkukulungan namin sa 'yo. Atsaka, tumawag siya kahapon para sabihing gusto ka na niyang kunin ulit. Hindi naman bato ang puso ng ama mo para hindi pumayag sa hiling ng manugang niya."
Inabot niya ang baso ng juice at nilagok. Binaba niya 'yon pagkaraan. "Why is this so sudden, Ma?" tanong niya. "I mean, after with my confinement in the hospital, hindi na siya pumayag na doon ako tumira sa bahay ni Gideon. So, why? Why of all sudden... biglang nagbago ang desisyon ni Papa?"
"Dahil sinabi ni Gideon na mahal ka niya, Jewel. Kaya gusto ka naming bumalik sa asawa mo dahil inamin na niyang mahal ka niya at gusto ka niyang alagaan."
Doon siya natahimik. Napaiwas ng tingin. Ramdam pa niya ang pag-init ng pisngi niya sa hiya. Ang lalaking 'yon talaga! Hindi na dapat ito nagsabi ng kung anu-ano sa mga magulang niya. Nakakahiya!
Tinikom nalang niya ang bibig at pinagpatuloy ang pagsubo. Hindi siya tumutol o pumayag sa ina niya. Hindi pa sa ngayon dahil kailangan pa niyang pag-isipan kung babalik siya o hindi. Kahit pa nagpakatotoo ito sa mga magulang ay hindi 'yon sapat para mapanatag siyang totoo nga ang confession ni Gideon.
Malay ba niya kung nagsisinungaling ang lalaki?
Pagkatapos ng tanghalian ay nagkulong siya sa kuwarto. Wala na siyang virtual class sa araw na 'yon kaya malaya siyang nakapagbasa ng erotica sa Bokipad.
Ilang minuto pa nang may kumatok sa pinto. Pinagbuksan niya ang kumakatok. Si Augustina. "Ito na po ang padala, Senyorita."
"Salamat." Tinanggap niya ang parcel at muling sinara ang pinto.
Mabilis niyang kinabit ang micro-cam ayon sa panutong nakasulat sa box na pinaglagyan niyon. Matapos ay bumalik siya sa pagbabasa. Sumapit ang gabi at pagkatapos ng hapunan ay doon lang niya naisipang i-check ang kuha ng kamera.
Binuksan niya ang computer na nakakonekta sa micro-cam. Napangiti siya. All set. Maayos ang kuha ng kamera. Bigla nalang may nag-pop up na notification sa gilid ng monitor. May bagong email daw siyang natanggap. Binuksan niya ang inbox. Mula sa nagngangalang Prophetic John.
Nangunot ang noo niya. Prophetic John? Pamilyar ang pangalang 'yon. Binuksan niya ang email nito at binasa.
Ms. JLM,
I'm sorry for a late reply. I've been receiving a lot of messages lately. So, let's interpret your dreams.
I will be frank to you, dear. That man in your dreams is your night husband. Night husband is spiritual husband. They take the look or face of someone familiar to you, and they will go into you - to have sex with you. Be very careful, dear. This night husband is a demonic presence. Don't be fooled by pleasure of sex. This will be your downfall. One of the girl who have the same problem as you has been dreaming sex for over a year. And all of her savings - cars, house, bank accounts - have gone. The worst part is... she invited that presence into her physical body, that lead to possession.
You need deliverance. You need to be free from that slavery or everything will be too late for you.
Plead the Blood. This is a spiritual battle and you can't do anything about it unless you plead the blood of Jesus. I pray that you overcome this battle through Jesus Christ.
And do not ever watch nor read pornographic movies or books. Or anything that invites sexual masturbation. Because if you are tainted, the enemy can easily enter and destroy your life.
Remember, the enemy (demon) comes to steal, kill, and destroy. The enemy will steal that fire you have for the Lord, and kill it instantly. When he succeeded to steal and kill, he will eventually destroy you not just spiritually but physically and mentally.
So stop. Stop it. Call Jesus now. Call God while He can be seek, because time will come... that He will hear no more from the heaven.
I am just His servant, and the decision is still in you.
Repent and be free... or stay in that situation and let the demon win?
- Prophetic John.
Nangunot ang noo niya at dinelete ang message. Kalokohan. Hindi totoo ang pinagsasabi nito.
Nag-browse pa siya sa inbox. Nakita niya ang email ng Professor niya sa A Seed to Care Project. No'ng isang araw pa siya nakapasa ng project.
Sa katunayan, kumuha lang siya ng magandang seedling sa garden saka nilagay sa paso at nag-video. Pagkatapos ay dinispatsa niya 'yon kaya nakakatuwang nakakuha na siya agad ng marka para sa project. May minus na limang puntos dahil late siyang nagpasa. Ayos lang. At least, mataas ang marka niya sa project. Nag-reply siya ng pasasalamat sa Professor at pinatay ang computer.
Nagbasa siya ng erotica at natulog pagkatapos niyang gawin ang nakasanayan niyang gawain.
Ilang oras ang lumipas nang magising siya. Alas-tres ng madaling araw. Walang saplot, pawisan, at naghahabol ng hininga. Pero sa pagkakataong 'yon ay wala na siya sa kama.
Nagising siyang nakahiga sa malamig na sahig!
Nanginig ang kalamnan niya sa takot. Mabilis siyang tumakbo sa banyo, naligo, at nagbihis. Tapos, naupo siya sa harap ng computer at hinanap ang file na pinagkagyan ng footage ng micro-cam.
Siguradong may naglipat sa kaniya sa sahig dahil hindi siya 'yong tipong nagsi-sleepwalk!
Kagat-kagat niya ang labi habang naghihintay sa pag-play ng video. Tapos huminga nang malalim. Hindi siya dapat kabahan sa makikita. Hindi siya dapat manginginig sa takot dahil makikilala na niya kung sino ang walang modong naghuhubad sa kaniya sa kalagitnaan ng gabi.
Kapag nalaman niya kung sino ay sinisiguro niyang pahihirapan niya ito. Sa ginagawa nitong paghuhubad sa kaniya at paglalagay ng markang pula sa katawan niya ay talagang makakatikim ang taong 'yon. Wala siyang karapatang paglaruan siya!
Siya na anak ng isang Mangubat!
Napangiti siya nang magsimulang rumulyo ang footage sa monitor. Ang unang footage ay kuha kaninang alas-dose ng hatinggabi.
Nangunot ang noo niya habang naghihintay. Kita niya ang sarili na mahimbing na natutulog sa kama. Wala namang kakaiba. Dahil nabagot siya sa kakahintay ay pinindot niya ang flash-forward.
At nunkang napabulong siya ng malutong na mura. Nanigas siya sa kinauupuang swivel chair. What was that? What was that!
Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang mga labi. Kitang-kita niya ang sarili sa footage. Noong una ay walang kakaiba.
Pero pagsapit ng ala-una ng madaling araw ay dahan-dahan siyang umupo mula sa pagkakahiga sa kama. Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa monitor.
She was sitting on the bed for thirty minutes!
Ni walang kibo!
Nakagat niya ang labi. What she did is not normal! Sino ba namang uupo sa kama ng mahigit tatlumpung minuto at hindi man lang kumikilos ni nagsasalita?
Paulit-ulit siyang lumunok. Ang mas nakakabahala, ni hindi niya alam na umupo na pala siya sa kama! And while looking on the screen, kitang-kita niya na nakapikit siya habang ginagawa 'yon.
That means... she's sleeping while sitting on that bed!
What on earth is happening to her?!
Habol ang hiningang tiningnan niya ang oras sa ibaba ng footage. Alas-dos na ng madaling araw.
"C-Come on... Jewel," bulong niya. "Humiga ka ulit sa kama!" sulsol niya habang nakatitig sa footage.
Pero hindi nito ginawa ang sinabi niya. Bagkus, bumangon ang babae sa footage at naglakad papunta sa paanan ng kama habang nakapikit. Natampal niya ang noo. Ngayon pa siya nag-sleepwalk? E, hindi naman siya sleepwalker!
Ilang minuto na naman itong nakatayo sa paanan ng kama. Maya-maya pa'y nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sariling naghuhubad sa footage.
"Bi***," bulong niyang mura. "What are you doing, Jewel!" impit niyang sigaw.
Napasinghap siya nang humiga sa sahig ang hubad-baro niyang sarili at bumukaka pa sa harap ng kamera!
Uminit ang pisngi niya sa hiya. Sinampal-sampal pa niya ang sarili. At napasinghap na naman siya nang magsimulang umungol ang sarili niya sa footage!
Nanlabo ang paningin niya. Kumurap-kurap. She's like a bi*** while moaning in that video!
Pero ang nakakapanindig balahibo ay ang makitang unti-unting nagkakaroon ng pulang marka ang iba't ibang bahagi ng katawan niya. And she is not mistaken.
Those red marks are kiss marks!
And who made those marks on her body when there's no one in the video but herself only?
Saktong alas-tres nang magising siya sa footage na takot, nanginginig, at yakap-yakap ang sarili.
There is something in her room! She should move soon or else something might happen to her!