Chapter 40.3

Mas lalo lang nangunot ang noo ni Jewel. Jasmine sounds desperate. Paano kung na-frame up lang si Gabbi? Paano kung gawa-gawa lang ni Jasmine ang kuwento? Hindi pa rin naman nagsasalita si Gabbi kaya malamang ay may dahilan kung bakit sobrang desperado si Jasmine na mapaniwala siya. 

"And you expect me to believe your accusation, Jasmine?" Naningkit ang mga mata niya. 

Napalunok si Jasmine at nagpalipat-lipat ng tingin mula sa kaniya at tungo sa mga magulang niya. "Y-Yes! Hindi ba pinutol mo na ang ugnayan niyo? She's no longer your friend! Isa pa, we're classmates since grade eleven kaya alam mo kung nagsasabi ako ng totoo!"

Hilaw siyang natawa. "We're only classmates, not bestfriends. How will I know if you're telling the truth?"

Napasinghap si Jasmine. "J-Jewel Laine..." 

Humalukipkip siya at sumulyap kay Gabbi. Still the girl is not saying a thing so there must be something wrong here. "Pa'no kayo nagkakilala ni Gabbi?"

Lumunok si Jasmine. "Grade school classmate ko siya. Kilala ko 'yong kuya niya as an internet hacker. T-Tapos... binayaran ko siya para gawin 'yon." Nagbaba ng tingin si Jasmine. "Again, I'm sorry, Laine. Umm, nadala lang ako ng emosyon. C-Crush ko kasi si Joseph." Namula ang pisngi ni Jasmine kaya tumungo ito. "A-At palagi ka niyang bukambibig kaya hindi na ako nakatiis. Pinakalat ko ang nalaman ko mula kay Gabbi."

Crap. Accusation again. Bumuntong-hinga siya. "Nalaman mula kay Gabbi? Bakit? You're her friend?"

Dahan-dahang umiling si Jasmine. "We're not really good friends. Just casual." Huminga ito nang malalim. "I saw you and Gabbi, with the two other girls one night. Pumuslit kayo sa Boy's Dormitory then came back to Girl's Dormitory with laughing gestures. Then I concluded that they are your friends dahil hindi ka naman tumatawa at ngumingiti nang gano'n kapag kasama mo kaming mga ka-block mo." Nag-iwas ito ng tingin. "Kaya nilapitan ko si Gabbi and ask about your secrets, kapalit ng pananahimik ko about what you did that night. At dahil ayaw ni Gabbi na magkaroon ng issue kaya sinabi niya ang mga sikreto mo na nalalaman niya."

"Why do you keep on accussing Gabbi?" inis niyang tanong.

"Kasi 'yon ang totoo, Jewel Laine! Oo, I just love Joseph kaya nagawa ko 'yon, para siraan ka't malaman niyang hindi ka na pwedeng maging girlfriend niya!" Nakagat ni Jasmine ang labi. "But ask your Gabbi! Ask her what are her motives kung bakit nakipagtulungan siya sa akin, kung kaibigan mo naman siya!"

Kumurap siya at tumingin sa gawi ni Gabbi. Nakatungo pa rin ito kaya hindi niya makita kung anong reaksyon nito. Umikhim siya. "What are these accusations, Gab?"

Pero nanatiling tikom at walang kakibo-kibo si Gabbi. Nagitla siya nang biglang hinampas ng ama niya ang mesang nasa gilid nito. "Sumagot ka sa tanong ni Jewel! Kung ayaw mo magsalita ay ipapatapon kita sa kulungan!"

"Mister Mangubat," awat ng Direktor. "Please understand my student. Wala siyang guardian na nandito kaya mas mabigat at mahirap sa kaniyang magsalita sa lahat ng bintang ukol sa kaniya. Please be gentle with her, Mister Mangubat."

"Sir," sabat ni Gabbi. Napatingin siya rito. Kuyom ang kamao nito at nakatungo pa rin. "Ginawa ko po lahat ng 'yon. Totoo po ang binibintang ni Jasmine."

"See? I told you!" hysteria ni Jasmine. Agad naman nitong pinatahimik ng Guidance Counselor.

Nag-angat ng tingin si Gabbi. Namumula ang mga mata nito dahil sa pagpipigil ng luha. Nagtama ang tingin nilang dalawa. Mapait na ngumiti si Gabbi. "Ginawa ko lahat ng 'yon para protektahan ang pangalan ko at masira ko ang pangalan ni Jewel."

Napakurap siya. "W-What?"

"Yan! Lumabas na rin ang tunay mong kulay! Isa kang masamang anak! Totoo ngang pinalaki ka ng masasamang magulang!" sigaw ng ina niya.

Nagtagis ang bagang ni Gabbi at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Wala ho kayong karapatan para husgahan ang mga magulang ko. Kahit mayaman kayo ay wala pa rin kayong karapatan!"

"Walang respito!" ani ng ama niya. 

Nagitla si Jasmine sa sigaw kaya napatakip ito ng tainga. Hinawakan naman niya ang braso ng ama para pakalmahin ito. "Pa."

Nagtaas-baba ang balikat ni Gabbi. Matalas ang tingin nito sa sahig. "Nasa 'yo lahat ng bagay na pinangarap ko, Jewel." Tumango-tango ito at natawa. "Meron ka na lahat, e. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit naghahanap ka pa rin ng ginhawa. Kung hindi ka lang naging makasarili, hindi mo sana mararanasan ang nangyayari ngayon."

"W-What do you mean, Gab?"

Bumuhos ang luha ni Gabbi. "Hindi ako mayaman, Jewel. Namatay ang mga magulang ko na ang iniwan lang ay bahay at mga utang. Si Kuya na ang nagsustento sa lahat ng pangangailangan ko." Suminghot ito at pinahid ang luha sa pisngi. "Araw-araw kong nilakad ang Unibersidad noong Senior High dahil minsan lang ako nakakatanggap ng allowance mula kay Kuya. Halos lahat ng pera niya ay nauubos sa matrikula at pambayad ng utang. Walang-wala kami, Jewel. Pero tiniis ko lahat ng 'yon! Nagbihis nang maayos at nag-aral nang mabuti para sana makakuha ng pwesto sa pagiging iskolar ng bayan. Sa pamamagitan niyon, hindi na magkakandakuba si Kuya sa pagtatrabaho sa Unibersidad na 'to!" 

Tumingin nang matalim si Gabbi sa Direktor. "Dahil sa kontratang pinirmahan niya nang magtrabaho rito, hindi ako pwedeng mag-transfer sa public. Sobrang gahaman sa pera ang Unibersidad na 'to kaya pinangako ko sa sarili na isang araw ay papasukin ko ang school records para matigil ang paghuthut niyo ng pera! Pero sobrang bait ni Kuya. Pinigilan niya ako! Muntik-muntikan ko nang makuha ang ebidensya nang paghuthut niyo!"

"Miss Caliwag!" babala ng Direktor. "Dapat ka ngang makulong sa ginawa mo!"

"Oo!" Napatayo si Gabbi. "Alam kong makukulong ako! Dahil ikukulong niyo talaga ako, may kasalanan man o wala! Ako ang ilalagay niyo sa kulungan kapalit kay Kuya!" Humalakhak si Gabbi habang bumubuhos ang luha sa pisngi. "Ako ang itatapon niyo ro'n dahil hindi niyo pwedeng ikulong ang bangkay ni Kuya! Mga walang 'ya!" 

Nahinto sa pagtibok ang puso ni Jewel sa sinabi ni Gabbi. Patay na ang Kuya nito? Pero paano? Saka kailan? Hindi nito sinabi ---

"At ikaw!" turo ni Gabbi sa kaniya. Napaupo siya nang tuwid. "Marami kang sikreto na alam ko, Laine."

"W-What are you talking about?"

"Maang-maangan ka pa?" Humalakhak na naman si Gabbi at inis na sinabunutan ang sarili. "Akala mo hindi ko malalaman kung anong sikreto mo?" Dinukot nito ang sariling cellphone sa bulsa. May binuksan itong app at pinakita sa kaniya.

Nangunot ang noo niya nang makita ang puro dilim, tapos biglang lumiwanag. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sarili at si Joseph na naghahalikan. Maya-maya pa'y unti-unti siyang hinubaran ni Joseph. Doon naputol ang video. 

"Dahil sa videong ito kaya hindi ka na tinigilan ni Jasmine." Ngumisi si Gabbi. "Pero alam mo ba kung saan 'to galing? Hehe. Doon lang naman sa cellphone ng pinakamamahal mong Hazel."

Natahimik ang buong silid na halos marinig na niya ang sariling paghinga. Paulit-ulit siyang lumunok. Naging tuod siya sa kinauupuan. Ayaw niyang bumaling sa mga magulang na nakaupo sa magkabilang gilid niya. Natatakot siya kung anong makikita niyang reaksyon ng mga ito.

Umikhim siya. "T-That's not me."

"Talaga, Jewel?" natatawang saad ni Gabbi. "Bakit hindi mo tanungin si Hazel kung totoo 'to o hindi? Kung masisira lang din naman ang kinabukasan ko, sisirain ko rin ang inyo." Ngumisi si Gabbi. "Friends naman tayo, 'di ba? Kung masisira ako, dapat damay din kayo! Hindi lang ako ang dapat managot ngayon! Dapat ikaw, siya, sila, tayong lahat! Damay-damay na 'to. 'Yan yong pangako natin sa isa't isa noon kaya tuparin niyo!"

Tumayo siya at sinampal si Gabbi. Bumaling ang mukha nito sa gilid. "How dare you," lapat ang ngiping sambit niya. "You call us friends? Kaya mong siraan ang kaibigan mo, Gabbi! You're not a good friend!"

"Bakit?" Pagak na natawa si Gabbi. "Sinabi ko bang mabuti akong kaibigan, Jewel? Ikaw din naman, a? Mabuti ka bang kaibigan? E, wala ka namang pakialam sa mga taong nakapaligid sa 'yo! Sarili mo lang ang iniisip mo!"

"Shut up!" sigaw niya.

"Totoo naman! Sarili mo lang ang iniisip mo! Kumuha ka nang scholarship kahit alam mong walang problema sa pera ang pamilya mo! Hindi mo iniisip na may taong mas nangangailangan ng pwesto mo doon sa listahan ng Municipal Scholars! Hindi mo man lang iniisip ang pakiramdam ng ibang tao! Sariling damdamin mo lang ang pinapairal mo!" Matalim na tumitig si Gabbi sa kaniya. "Sa ating apat, si Hazel lang ang naging kaibigan ko. Tandaan mo 'yan!"

Huminga siya nang malalim. "Likewise. I didn't consider you as a friend either!"

Pabalag na naupo si Gabbi at muling tumungo. Dahan-dahan siyang naupo sa upuan at nag-iwas ng tingin. Umikhim bigla ang ama niya. "Hubes, gusto kong makasiguro. Tawagin mo 'yong batang Hazel ang pangalan."

"Pa." Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi na ---"

"Gusto kong makasigurong totoo ang nasa video. Hubes, pati na 'yong lalaki. Tawagin mo rito ang dalawa."

Nahigit niya ang hininga.