Chapter 50

Umupo si Gabbi sa tabi ni Jasmine at humalukipkip. Hindi ito sumagot sa tanong niya. 

Umikhim ang Director. "Miss Mangubat, we are deeply sorry for the issue brought by that article."

"So this is all about that," bulong niya.

Tumango ang Direktor. "We have found the culprit. We already discussed this with your parents but I still have to summon them. They will be here ---" Nahinto sa pagsasalita ang Direktor nang may umalingawngaw na mga yabag sa buong kuwarto. Niluwa ng pinto ng divider ang mga magulang niya. Napatayo ang Direktor. "It's nice to have you here, Mister and Missus Mangubat."

Isang tango ang sinagot ng ama niya habang hindi naman bumati ang ina niya. Naupo ang mga ito sa magkabilang tabi niya. Ngumiti nalang ang Direktor at naupo sa upuan nito.

Maya-maya pa'y may pumasok na isang babae. Ang Guidance Counselor ng Department niya. Naupo ito sa kabilang tabi ni Jasmine ay naunawaan niyang guardian ito ng blockmate niya. Nang tingnan niya si Gabbi, nakatungo lang ito at nakahalukipkip. 

Wala ba itong guardian? At bakit naman pinatawag ang dalawa sa opisina kasama siya? 

Umikhim ang Director. "Since all involved persons are here, I'll explain what happened. 

Our intel have said that there was a breaching of University's records, and the system was hacked at the midnight of July 2. It was a newly built virus so the maintenance hadn't noticed. 

If it weren't because of that article, they will not find out that unauthorized body has override the whole system. After the IT retrieved the system, all data of the hacker including the IP address of the device used was gone. Our intel had a hard time to retrieve the lost data. It was not until Isagani noticed something."

Isagani? Hindi ba pangalan 'yon ng Professor na pumalit kay Gideon?

Nagpatuloy ang Direktor. "One of his students forgot a note under a desk. It was the University's Administrative password."

"Password?" takang tanong niya.

Tumango ito. "Yes. That password was used to override the system. And we found out that one of the most trusted intel in this University had put the virus in our computers. Mr. Caliwag..." Bumuntong-hinga ang Direktor. "Ms. Gabbiana Caliwag is the sister of Mr. Lineus Caliwag, the top intel of UDM and the person who put the virus in our computer. The note was found in Ms. Jasmine Policarpio's desk. 

And upon retracing this case, we found out that Ms. Caliwag is the one who hacked the system and Ms. Policarpio's role is to get an administrative password from her mother... Mrs. Rosalinda Hernandez-Policarpio."

Nangunot ang noo niya at napailing. "But I can't understand. How could a BSED Science student and BSABE do this?" bulong niya.

"When Mr. Isagani reported the note, it was also the time when the intel had retrieved the lost data and using GPS, they have located the address at Ms. Caliwag's house."

May sandaling katahimikan sa loob ng opisina bago umikhim ang ama niya. "Anong parusa ang ibibigay sa mga bata?" tanong ni Don Sebastian. "Hindi ko gustong masuspendi lang, Hubes. Gusto kong ma-expel ang dalawang bata."

"Mister Mangubat ---"

Tumalim ang tingin ng Don. "Hindi lang patakaran ng Unibersidad ang nilabag ng dalawa. Isang cybercrime ang nangyari. Kumupit ng password. Sa katunayan nga, patong-patong na kaso ang gusto kong isampa sa dalawang babaeng sumira sa pangalan ni Jewel Laine."

"Mr. Sebastian Mangubat," luhaang saad ni Jasmine. "I'm sorry. I'm very sorry, Sir. Okay lang po sa akin na ma-suspend o ma-expel pero 'wag niyo po akong i-demanda. Inaamin ko na pong nagnakaw ako ng confidential files sa desk ni Mama pero pinagsisihan ko na po ang nangyari." Suminghot si Jasmine at tumingin sa kaniya. "J-Jewel... I'm sorry..."

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Jasmine just admitted that she did it. But... of all people, why it has to be Jasmine? Inakala niyang si Tiara ang nagpakalat. Kaya nga tumahimik na siya't hindi na hinabol ang may kagagawan dahil ayaw niya rin namang ma-suspend si Tiara, for the sake of their fallen friendship.

Magtatanong sana siya pero nagsalita ang ama niya.

"Pinag-isipan mo sana ang magiging resulta ng kapangahasan mo, bata. Isang Mangubat ang kinalaban mo at wala ni isang tao ang bumangga sa isang Mangubat na hindi naparusahan nang matindi!" sigaw ng ama niya. Tumingin ito sa Guidance Counselor na tahimik lang sa tabi ni Jasmine at nakatungo. "At ikaw, Rosalinda. Hindi mo alam kung anong kahihiyan ang dinala ng anak mo sa inyong pamilya! Ang batang 'yan ay lumalaking magnanakaw! May kasabihan na kung anong puno ay siya ring bunga. Hindi ko nais na pag-isipan nang masama ang pamilyang Policarpio, pero sadyang malaki ang ginawang pagkakasala ng iyong anak! Wag mong idamay pa ang mga Hernandez sa kahihiyan. Lumayo kayo sa Medellin kung ayaw mong idemanda ko ang 'yong anak!"

"G-Gagawin ko 'yan, Mister M-Mangubat. Sana ay mapatawad niyo ako. Nagkulang ako sa pagpapalaki sa kaniya kaya ginawa niya ang bagay na 'yon."

Napalunok si Jewel. Hindi pa niya nakita ang amang namumula ang mukha dahil sa pagpipigil ng galit. Kuyom na kuyom pa ang kamao at nanginginig sa panggigigil.

"Ikaw," biglang saad ng ina niya. Tinaas-baba nito ang tingin kay Gabbi na kasalukuyan pa ring nakatungo. Gusto niya sanang sumingit pero hinawakan ng ina ang kamay niya at pinisil nang mariin. Parang sinasabi na 'wag siyang mangialam. 

Walang nagawa si Jewel kung hindi tumahimik. Dahil kung makikisingit siya sa usapan ay talagang makakatikim siya sa mga magulang. Ayaw niyang sagarin ang pasensya ng mga 'to lalo't wala nang Gideon na sasalo sa kaniya kung sakaling may maiisip na namang hindi maganda ang ama niya.

"Walang delikadesa. Sino ba ang mga magulang mo at bakit ka pinabayaang gumawa ng masama? Tiyak akong masasamang tao sila dahil lumaki kang masama."

"Ma," awat niya at sinulyapan si Gabbi. Pansin niyang nakakuyom ang kamao nito habang nakatungo. "She's my friend. Hindi niya gagawin 'yon. There must be misunderstanding here," depensa niya.

Natawa ang Donya. "Ano bang iniisip mo, Jewel Laine? Mas malinaw pa sa sikat ng araw ang lahat ng ebidensya. Lahat 'yon ay tumutukoy sa babaeng 'yan! Kung talagang kaibigan mo 'yan, hindi niya dapat ginawa ang bagay na makakasira sa pangalan mo!"

"M-Ma..."

"Your mom's right, Jewel!" segunda ni Jasmine. "Nag-request ako kay Gabbi na i-hack 'yong system ng school para mapasok ko 'yong website at i-post 'yong content. Binayaran ko siya para gawin 'yon. Nakiusap ako sa kaniya at umuo siya, Jewel. That means that Gabbi wants to do it! So the blame is not just on me! Gabbi still has the greatest responsibility since she's the one who hacked it and not me! Besides, if she's your friend, dapat hindi na siya umuo in the first place!"