Chapter 18

Kahit anong paglayo ang gawin ko sa kanya, kung sa iisang lugar lang kami, wala ring patutunguhan. Siya ang magdesisyon kung kailan niya ako makita, kailan niya ako pupuntahan, kailan at saan niya ako lalandiiin. Hindi siya mapipigilan kahit naka ilang sabi na ako sa kanya na tumigil na siya sa ginagawa niya dahil ayaw kung may ibang tao na maka alam. Ayaw ko mawalan ng trabaho.

Akala ko, pagkatapos na malaman ni Valerie ang tungkol sa amin titigilan na niya ako, pero malala pa pala dahil naging malaya siya na maging malapit pa sa akin pagkatapos ng gabing iyon.

Na appreciate ko lahat ng ginagawa niya, ang pag-alala niya sa akin, sa kalusugan ko, sa sarili ko at nakikita ko ang sinseredad doon pero hindi tama. Maling-mali lalo na at may karelasyon siya.

Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng ‘Gusto Kita’ na sinabi niya. Gusto bilang ano? Kaibigan? Kalandian? Karelasyon? Hindi ko alam kung alin riyan ang tinutukoy niya. Kasi ako, gusto ko muna siyang makilala. Hindi namin kilala ang isa’t isa bukod sa pangalan at apelyedo namin. Hindi ko nga alam kung ilang taon na siya. Baka mamaya niyan may asawa at anak na pala siya.

Itinabi ko ang baunan ko matapos akong kumain. Ibinigay ko rin sa kanya ang isang buong hita ng chicken joy dahil dalawa ang baon ko. Kaunti lang ang kain ko dahil hindi ako makakain ng maayos dahil sa lalaking katabi ko. Tahimik siyang kumakain. Hindi ko siya magawang lingunin dahil sa subrang pagkailang. Masarap naman ang pagkaluto ng gulay kaya lang hindi ko maiwasang mag isip na baka hindi niya nagustuhan ang lasa.

“Ito parin ang baon mo bukas, Lil?” tanong ni Valerie.

“Mmm,” tipid na sagot ko.

“Makihati ako bukas, ha. Kaya ramihan mo ang dala, ang sarap,” aniya.

Inusog ko ang baunan ko na may kanin pa nang makitang mukhang nabitin si Ethan. Narinig ko ang mahinang pagtikhim niya at umusog ng kaunti palapit sa akin. Para akong na kuryente ng masagi ng siko niya ang braso ko. Napakislot ako at gulat na nilingon siya ng hawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa aking hita sa ilalim ng mesa.

He mouthed ‘thank you’. Pinisil niya iyon bago binitawan at bumalik ulit sa pag kain. Dumukduk ako sa ibabaw ng lamesa at ginawang unan ang dalawa kung braso. “Iidlip muna ako,” pagdahilan ko sa kanila upang itago ang namumula kong mukha.

Sino ba ang hindi mahulog sa kanya? Kung sa simpleng galawan niya lang namumula na ako sa kilig. May pa hawak sa kamay pa siyang nalalaman pwede naman mag thank you nalang. Napamulat ang mata ko ng maramdaman ang palad niya na nasa hita ko na kahit may suot akong pants ramdam ko ang mainit niyang palad doon. Kung ganun tapos na siya kumain? Pero bakit umabot na naman ang kamay niya sa hita ko?

Ibinaba ko ang isa kong kamay upang alisin ang palad niya doon ngunit hinuli niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon. Sinubukan kong tanggalin ngunit hinigpitan niya pa lalo ang paghawak. Hindi ako maka upo ng maayos dahil baka makita ni Rose ang magkasiklop namin na kamay. Katabi ko siya.

Nakadukduk parin ang ulo ko sa aking kanang braso. Pa simple kong nilingon ang mukha ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin pero hindi nagbago ang kaswal na emosyon sa kanyang mukha. Parang walang may ginawa. Napasimangot ako. Balak ko talaga ang umidlip dahil ganito naman palagi ang routine ko pero paano ako iidlip kung ang buong atensyon ko ay naroon sa magkasiklop naming palad.

Panay ang kuwentuhan ng mga kasama ko at nakisali rin si Valerie. Wala silang kamalay-malay sa magkasiklop na kamay namin ni Ethan. His thumb played mine. Lalo akong inantok sa ginagawa niyang paglaro doon. Nanulis ang nguso ko ng pasimple niya akong kindatan ng yumuko siya. Namumula ang pisngi na tinago ko ang aking mukha sa ilalim ng aking braso.

Malandi parin ako. Hindi parin ako natuto sa maling nagawa ko. Kahit alam ko na hindi dapat hindi ko parin pinigilan ang sarili ko. Saan hahantong ang ganitong tagpo namin ni Ethan? May mapapala ba ako bukod sa init ng katawan na binibigay niya? Ang baba ko para sa isang katulad niyang subrang mataas. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao lalo na ang kanyang pamilya at kamag-anak kapag nalaman nila na ang kalandian niya ay isang trabahante niyang janitress, walang pinag-aralan, walang dignidad, naging pokpok pa.

I smile bitterly. Tanggap ko ang katotohanan na hanggang init ng katawan lang ang habol sa akin ni Ethan. Na pagkatapos niyon at wala na akong halaga sa kanya. Na kapag nariyan ang tunay na nagmamay- ari sa kanya wala na akong papel sa buhay niya. Na kapag nagsawa na siya, ako ang kawawa dahil nalunod na ang puso ko sa kanya.

Kinalas ko ang kamay ko na hawak niya nang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag. Kinuha ko iyon sa aking bag at tumayo. “Excuse me,” saad ko. Biglang nagbago ang emosyon na bumalot sa kanyang mukha. It seems, he want to know kung sino ang tumawag sa akin at kung bakit kailangan ko pang lumayo bago iyon sagutin.

Inignora ko siya. Naglakad ako palabas ng canteen. May mangilan-ngilan na tao sa hallway ng locker kaya dumiritso ako sa dulo paliko sa hagdan, sumandal ako sa pader bago ko sinagut ang tawag.

“I miss you.”

Malungkot na ngumiti ako. Gusto kong maiyak ng marinig ang malungkot niyang boses. Sa tuwing tatawag siya at sabihin na namimiss na niya ako nadudurog ang puso ko. Miss na miss ko na rin siya. Gusto ko na rin siya mayakap at makasama. Pero puro pangako lang ako sa kanya. Kahit isang araw hindi ko siya mabigyan ng oras na makasama. Trabaho ang laman ng isip ko, kapag rest day ko hindi rin kami mapang-abot dalawa.

“I’m sorry,” narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga niya. Sawa na siguro siya na marinig ang paulit-ulit na sorry ko sa tuwing magka-usap kaming dalawa. “Babawi ako, promise.”

“You said that many times,” nasa boses nito ang pagtatampo.

“Sorry,” I said again. “Sorry, wala na akong time sayo. Kung puro lang ako trabaho, naintindihan mo naman ako diba?” Gusto kong maiyak nang hindi siya sumagot. “Promise, kapag hindi na busy dito sa work ko maglaan ako ng oras para sayo. Intindihin mo muna ako,” I pleaded.

“Fine. Promise is a promise.”

“I love you, baby. I love you so much.” Natawa ako ng umingos siya.

“Okey. Bye.”

“Anong bye?! Saan ang I love you ko?”

“I love you. I miss you. Take care.” at namatay tawag.

“Ang sama ng ugali, pinatayan ako ng telepono,” nakangisi na himutok ko. Masaya ako dahil sa kabila ng pagiging busy ko at walang oras sa kanya, naintindihan niya parin ako.

“Wala na ba tagala akong pag-asa sayo, Yanie?”

Napahawak ako sa aking dibdib sa pagkabigla nang marinig ang mahina niyang boses sa likuran ko. Nang lingunin ko siya, malungkot ang kanyang seryosong mukha, puno ng emosyon ang kanyang mga mata at panay ang pag-igting ng kanyang panga.

Nanakatingin lang ako sa kanya. Tikom ang bibig. Wala akong masagap na salita, hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Nagtatalo ang isipan ko kung ano ang sasabihin ko. Ramdam ko rin ang pangangantog ng tuhod ko at ang lakas ng tibok ng puso ko.

Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo ngunit nanghihina ako na nakatitig sa kanyang mga mata na nagmamaka-awa. I don’t know what to do anymore. Gulong-gulo ang isipan ko. Nalilito ako kung ano ba talaga ang dapat kung gawin.

Sa huli, pinili ko kung ano ang tama para sa aking sarili kahit pa ikadurog ko ang makita siyang masaktan. “I’m sorry, Ethan. Tigilan mo na ako. Iba nalang. Mag fucos ka na lang sa girlfriend mo.”

Nagsalubong ang kanyang makapal na kilay. Umayos siya ng pagtayo at isinilid ang dalawang kamay sa magkailang bulsa. Naiilang na nakipagtitigan ako sa kanya. Pinasadahan niya ng kanyang dila ang ilalim niyang labi, paulit-ulit habang magkasubong parin ang kilay na nakatitig sa akin.

Kinagat niya ang gilid ng kanyang labi. Napa atras ako ng humakbang siya palapit sa akin. “Paano ako mag-fucos sa girlfriend ko kung hindi mo pa ako sinasagot?” Umawag ang labi ko at pilit pinoproseso sa isip ko ang sinabi niya. “Paano ko iyon gagawin kung palagi kang lumalayo?”

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko mula talampakan hanggang sa ulo ko nang dumampi ang kanyang mainit na hininga sa tainga ko. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Nanigas ako sa aking kinatayuan, hindi ako gumalaw dahil isang lingon ko lang magdikit na ang mukha naming dalawa.

Yumuko siya upang magpantay ang mukha naming dalawa. Parang babaon na ang kuko ko sa mariin na pagkuyom ko ng aking kamao. Ang kanyang banayad na paghinga ay tumatama sa punong tainga at leeg ko at mas lalong nagsitayuan ang mga balahibo ko. Gusto ko siyang singhalan, murahin at tadyakan para lumayo siya sa akin ngunit kusang pumikit ang mata ko nang hawakan niya ang aking kanang pisngi at marahang hinaplos iyon.

“Pusang gala!”

Naitulak ko ng malakas si Ethan sa subrang gulat. Para akong himatayin. Parang masira ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko. Nanlamig ang buong katawan ko at nanginginig ako. Paano nalang kung hindi si Valerie ang nakakita sa amin? Paano kung ibang empleyado?

“PDA!” nakasimangot na singhal ni Valerie kay Ethan. Napayuko ako ng ulo ko. Hindi ko magawang mag angat ng tingin dahil sa subrang hiya na naramdaman. Ilang beses na kaming nahuli ni Valerie pero wala lang sa kanya pero ako, nanginginig parin ako sa kaba, malakas parin ang kabog ng dibidb ko at nanlalamig parin ako.

“Shoo. Shoo. Alis na,” pagtaboy sa kanya ni Valerie. Nang akma niya akong hawakan, umiwas ako.

Iyon dapat ang itatak ko sa kukute ko. Ang umiwas at lumyao sa kanya. ANg hindi magpadala sa mabulaklak niyang bibig at sa mainit na haplos niya. Simple lang. Simple lang pero bakit hindi ko magawa?

Tumalikod siya naglakad pababa ng wala akong salita na narinig mula sa kanya. Humarap ako sa pader at isinadal ang noo ko doon upang itago ang aking mukha. Nahihiya parin ako kay Valerie. Ay naiinis ako sa sarili ko dahil naiiyak ako. Tinalikuran niya ako ng hindi nagpaalam. Walang sorry kahit alam niyang muntik na akong mapahamak sa ginawa niya.

Hinaplos ni Valerie ang likod ko. Yumuyugyog ang balikat ko at tahimik na umiiyak. Umiiyak sa samo’t saring emosyon na pumapatong sa dibdib ko. Nagpadala na naman ako sa matamis niyang salita at nakalimutan na hindi pwede maging kami. I have Zaylon and he have Janice now. At ang isang gabing nakaraan namin ay mananatili na iyong nakaraan at hindi na maaring ipagpatuloy pa.