Chapter 15

Kung relasyon ang hanap ko, mas piliin ko na lang ang mamatay na isang matandang dalaga kaysa maging boyfriend siya. Kahihiyan at pangungutya lang ang matanggap ko kung sakali na papatulan ko siya.

Ang asyumera ko sa part na maging boyfriend siya, pero saan ba pupunta ang pag amin niya sa akin na gusto niya ako? Saan ba papunta ang panlalandi niya sa akin? Ano yun, tikim-tikim lang ‘pag nagsawa hahanap ng fresh?

Humihikab na nakadukduk ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Hindi ako nakatulog ng maayos kaninang madaling araw dahil bumabagabag sa isipan ko ang mga salita na binitawan ni Ethan. Hindi ko rin na enjoy ang pagligo kagabi dahil panay ang tingin ko sa paligid baka nandoon siya pinagmamasdan ako. Naging paranoid ako pagkatapos kaming makita ng secretary niya kagabi.

“Mag isa ka lang dito, Lil?”

Umangat ang ulo ko at sumalubong sa akin ang stress na mukha ni Maam Mia. Tumango ako. “Bakit , maam?”

“Sino ang naka assigned sa mga office's?” tanong niya ulit at tingnan ang schedule namin na nakadikit sa pader. “Rest day pala ni Sony. Si, Rose nag duty ba?”

“Nag absent, maam. Na ospital nanay niya. Iyon ang sabi niya sa amin kagabi at nagmadaling umuwi.”

Malakas siyang bumuntong-hininga. “Kanina pa nagrereklamo ang HR walang housekeeping na pumunta doon. Lahat ng office’s marumi ang masama pa nun naabutan ni MR. CEO kung gaano ka rumi ang HR at sa iba. Sinabon ako doon,” frustrated na umupo siya sa upuan. “Malinis ba ang area mo? Ikaw na muna ang maglinis doon, unahin mo ang office ni CEO,”hinilot niya ang kanyang sintido. “Kainis yang mga taga HR. Ang tamad-tamad, kahit mag walis sa area nila hindi pa magawa sila naman ang nagkakalat doon.”

Sa lahat ng area na nililinisan namin, hate na hate ko ang Hr. Bukod sa mga maarte, ang strikta pa nila. Hindi sila marunong maglinis sa sarili nilang kalat. Utusan ang tingin nila sa aming mga housekeeping na anumang oras tatawagin nila para maglinis ng kanilang mga dumi at kalat.

“Sige, maam. Ako na muna ang maglinis doon,” ani ko.

“Kung sino ang hindi busy mamaya, ipasunod ko nalang sayo.”

Nagkataon kasi na walang naka duty ang naka assign sa mga office’s kaya no choice kundi ang saluhin ang trabaho nila, hindi naman busy doon sa cr, nandoon rin si Rey para tumao muna.

Dinadaga ang puso ko habang papalapit ako sa office ni Ethan. Plano ko pa naman sana na hindi magpakita sa kanya pero pagkakataon ang gumawa ng paraan para papuntahin ako sa kanya.

No'ng sinabi niyang iabot niya sa akin ang pants ko, hindi ako nakipagkita sa kanya. Alam ko ang ligaw ng bituka no'n kapag kasama ako. Bahala na kung itapon niya iyon, hindi ko iyon kukunin kung sa kotse na niya ako papuntahin.

Nakahinga ako nang maluwang nang wala ang secretary ni Ethan sa kanyang table. Hindi ko pa alam kung paano siya haharapin after nang nangyari kagabi. Isang malalim na paghinga ang binitawan ko bago kumatok ng tatlong beses sa pinto ng office ni Ethan pero walang sumasagot mula sa loob. Ayaw ko naman pumasok kaagad na walang pahintulot galing sa kanya.

“Wala si CEO.”

"Good morning, ma'am,” pagbati ko, isa siyang accountant sa accountant office 2 at hindi ko alam kung ano ang pangalan niya. “Maglinis sana ako, " ani ko.

Tumango siya. “Pumasok ka na lang. Makisuyo ako sa basura namin, pwede?” pormal na tanong niya.

“Unahin ko na lang ang paglinis sa inyo, maam.”

Sinundan ko siya ng tingin ng pumasok siya sa loob ng office nila. “‘Wag na, kaya namin linisin ‘to. Itong basura lang ang ipasuyo ko kasi hindi ko alam kung saan siya itatapon.”

“Sige, ma’am, ako na ho ang magtapon nito," ani ko at hinila palabas ang isang malaking garbage bag na puno ng basura. Magaan lang naman dahil puro mga papel ang laman.

“Salamat,” aniya.

Inilagay ko muna iyon sa dulo at pumasok sa office ni Ethan at nagsimula ng maglinis. Saan kaya sila? Bakit wala sila dito? Pero ang sabi ni Ma’am Mia narito na raw siya. Piniling ko ang aking ulo. Bakit ba inaalam ko kung nasaan sila? Malamang busy iyon dahil businessman siya. Minadali ko ang paglinis at sinunod ang accountant office 1 nang matapos ako sa office ni Ethan.

Bitbit ang dalawang malaki na garbage bag na puno nang basura hinila ko iyon palabas at itinabi muna sa dulo ng hagdan upang linisin ang HR.

"Salamat naman at may housekeeping na," sambit ni Maam Mea Ann nang makapasok ako.

" Busy kasi sa baba, ma'am, " sagot ko at sinimulan na pag walis mula dulo.

Ang liit ng office nila pero parang sampong tao ang naka tambay dito sa subrang dumi at alikabok ng sahig. Ang mga basura sa basurahan nila nag uumapaw na hindi man lang magawang pulutin ang nalaglag. Kumuha ako bagong garbage bag panlagyan ng basura nila. Panay ang pagbuntong-hininga ko ng palihim habang nag ma-mop dahil panay paroon-parito ni Maam Agnes sa sahig kung saan basa pa. Paulit-ulit ako sa aking ginagawa at hindi maka usad dahil sinusunod ko ang dumi sa tinatapakan niya.

Nakasalubong ko si Ethan sa hagdan. Salubong ang kanyang makapal na kilay na tiningnan ako, bumaba ang tingin niya sa tatlong malalaking garbage bag na bitbit ko.

"E-Sir, ako na ho," pagpigil ko nang kunin niya sa kamay ko ang garbage bag na hawak ko.

Dumilim ang mga mata. Lalong lumalim ang pagkunot ng noo niya at panay ang pag igting ng kanyang panga.

Tumingala ako at sinilip kong may tao sa itaas, sinilip ko rin ang ibaba, nang makitang walang tao hinablot ko ang garbage bag sa kamay niya, muntik pang mapunit iyon sa lakas ng pagkahila ko.

"Ako na," mariin sa sambit ko." Hindi porket inamin mo sa akin na gusto mo ako, gagawin mo na ang bagay na ito."

He licked his lips and massage the bridge of hia nose. He sighed." You're so unfair."

"Ay! Wow! Ako pa ang unfair?" Sarkastikong sambit ko.

" Doon rin ang punta ko sa baba, sasabay ako sayo. "

" Pwede kang pumunta doon sa pupuntahan mo at sumabay sa akin nang wala kang bitbit. Ano nalang ang sasabihin ng makakita na ang isang CEO pinabitbit ko ng basura? "

Tumaas ang sulok ng labi niya ng diinan ko ang pagsabi ng basura. "Tabi ka nga," galit na saad ko at sinadyang tamaan siya sa katawan ng garbage bag na dala ko. Nasa likuran ko siya nakasunod sa akin pababa ng hagdan.

"Wala ka namang regla pero bakit mainit ang ulo mo? Gusto mo-,"

Huminto ako at nilingon siya."Baka gusto mong itulak kita rito? Tingnan natin kung makapasok ka pa dito sa mall mo kung bali-bali na ang buto mo sa katawan."

He cleared his throat. Naghahanap nang maikatuwiran sa akin. Inismiran ko siya at nagpatuloy sa paglakad. Mabuti nalang talaga at walang mga empleyado na papaakyat. Gusto ko siyang kutusan sa kaharutan niya.

Tahimik lang siyang nakasunod sa akin hanggang sa makalabas kami, napahinto ako nang bigla akong nahilo sa sikat ng araw. Pumikit ako nang maramdaman ang sakit sa kabilang bahagi ng ulo ko.

“Okay ka lang?”

Ang nag-alala na boses ni Ethan sa likuran ko ang nagpamulat sa akin. Marahan akong tumango kahit ang totoo medyo kumikirot pa ang ulo ko. Ganito ako kapag bigla nalang nakakita ng sinag ng araw, nahihilo ako at sumasakit ang ulo at mata ko.

“‘Wag ka masyadong dumikit sa akin may mga camera dito,” paalala ko sa kanya. Pumantay siya ng lakad sa akin, pailalim ko siyang tiningnan ng masama. “Sabi ko ‘wag ka masyadong dumikit sa akin.”

“Isang dipa ang layo ko sayo.”

“May mga tao,” mariin na sabi ko.

Bumaling siya sa akin at ngumiti. “Don’t worry, sa kanila ako papunta. Hindi sila mag-iisip ng malisyoso gayong doon ka rin patungo.”

“Ewan ko sayo! Nababanas ako sayo!”

Tawa lang ang isinagot niya sa pagtataray ko. Tumaas ang sulok ng labi ko dahil nakakiliti sa buong sistema ko ang paraan ng pagtawa niya. Na para bang ang saya-saya niya. Na hindi peke o pakitang-tao ang tawa niya.

“Hihintayin kita,” aniya.

“‘Wag na. Matagalan ako. Didiritso pa ako sa bodega.”

Napalingon ako ng marinig ang malakas niyang pagbuntong hininga. “Imbis na sayangin mo ang oras mo sa akin. . . doon mo na lang iyan ilaan sa girlfriend mo.”

Nagsalubong ang kilay niya. Biglang nagdilim ang kanyang tingin sa akin, naguguluhan. Bumuka ang bibig niya ngunit walang salita na lumabas. Mas mabuti ngang prangkahin ko siya, baka nakalimutan niyang may girlfriend siya dahil nakatuon siya sa panglalandi sa akin. Bago pa siya makapagsalita tinalikuran ko siya. Tinapon ko sa gabundok na basura ang dala ko at dumiritso sa bodega.

“Tagal nating ‘di nakadalaw dito, ah,” saad ni Dave nang makita ako.

Sinalubong ko ng apir ang kamay niyang naka taas. “Ngayon lang nautusan. May itinabi ka bang mga cellophane d’yan?”

Pumasok siya sa loob ng bodega kaya sumunod ako. “Ito lang naitabi ko, kinuha rin ng taga market place e,” aniya at inabot sa akin ang maliit na sako kung saan nakasilid ang mga cellophane. “Bagay kayo ni CEO,” dugtong niya.

“Gago!” umupo ako sa nakapatong na mga karton. “May syota na ‘yan.”

“Wee. . Talaga? Bakit daig pa niya ang linta kung makadikit sayo?” binigyan niya ako nang makahulugan na tingin at nakangisi na nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Ethan doon sa labas kasama ng mga maintenance na kausap niya.

“Lagi ko kayong nakikita na magkasabay lumabas mula no'ng araw na pumasok si CEO rito sa Millanic. ”

Namutla ako. Kung ganon, hindi lang si Miss Valerie ang nakaalam sa mga ginagawa ni Ethan. Sino pa ang nakakaalam? Hindi ko alam kung ako ang kahinatnan ko kung kumalat ang bagay na’to.

“‘Wag kang mag-alala, safe sa akin ang mga nakita ko,” aniya.

“Kapag napahapamak ako sa kalandian ni Ethan na ‘yan, babasagin ko bungo niya.”

Natawa si Dave nang makita ang galit kong hitsura. “Sure ka? Kung ayaw mo sa kanya. . . pwede ko bang extra-han?”

“Kadiri ka!”

Nagtawan kaming dalawa. Bisexual si Dave. Isa siyang packer ngunit madalas dito siya sa bodega, nagtatapon ng mga karton at cellophane. Naging magkasundo kami noong nagkwento siya sa akin about sa babaeng gusto niya pero nalilito siya dahil na a-attracted rin daw siya sa lalaki. Nagkataon din no’ng time na yun ako palagi ang nagtatapon ng basura may pagkakataon kaming mag-usap sa problema niya. Hanggang sa naging magkaibigan na kaming dalawa.

“Sige na, alis na ako. Baka magtaka si ma'am bakit ang tagal ko bumalik,” ani ko.

“Basta ha. ‘Yung sinabi ko.”

I gave him a disgusting look. “‘Ge lang. Malay mo patulan ka niya.”

Binundol ng kaba ang puso ko nang magsalubong ang tingin namin si Ethan. Seryoso ang kanyang mukha at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao at pag igting ng kanyang panga. Siguro dahil magkasama kami ni Dave? Nang tumapat ako sa kanila, nagpaalam siya sa kanyang kausap at sumunod sa akin.

Mabigat ang mga paa ko sa bawat paghakbang sa baitang ng hagdan. Gusto ko siyang kausapin, gusto kong itanong kung galit ba siya sa akin, masama ang loob, pero hindi ako makapagsalita, na para bang may pumipigil sa akin na kausapin siya. Tikom rin ang kanyang bibig na nakasunod sa likuran ko.

Nang malapit na kami sa HR, huminto ako. Pikit ang mata na hinarap ko siya. Pagmulat ko, sinalubong ko ang kanyang madilim sa titig at seryosong mukha. “Ethan. . .”

“May mga camera. At baka may makakita sa atin, baka ano pa ang sabihin nila.”

Nanghihina na kumapit ako sa railings nang lagpasan niya ako. Kinapa ko ang aking dibdib ng maramdaman ang paninikip niyon.

“Masakit rin pala kapag intention kang iwasan ng taong gusto mo,” mahinang usal ko at pumatak ang isang butil ng luha sa mata ko.