Chapter 14
“ Night swimming tayo sa sabado sa Sanvali,” suhestiyon ni Amy. “Malapit na ang anniversary ng mall malamang sa malamang puro overtime tayo no’n.”
“Oy! Sige ba. Kailan ba ‘yan?” excited na tanong ni Astro.
"Sa sabado nga. Baklang ‘to hindi nakikinig,” sagot ko.
“Eh! Natutulala parin kasi ako sa kagwapuhan ni Sir Jake,” napangiwi ako nang panggigilan niya ang braso ko. “Kaya lang laging seryoso ang mukha at lumalabas siya kapag nandoon na kami maglinis.”
“Tatlong araw na yun bad mood,” singit ni Rose na kasama ni Astro na naka assigned doon.
Tatlong araw na ang lumpias mula nung nangyaring ang kababalaghan sa office niya. Tatlong araw na rin ako nagtatago sa kanya dahil naaasiwa ako sa ginawa ko. Kaya gustong-gusto niya akong landiin dahil kusang bumibigay ang katawan ko sa kanya.
Sa cr na ang area ko, kaya pabor sa akin ang pagkakaton dahil nandoon lang ako sa loob nagtatago kapag tapos na ang gawain ko, lalabas lang ako kapag luch break. Hindi rin ako naglalakad na mag isa lang tuwing papasok at uuwi ako para kahit makita niya ako wala siyang rason na lapitan ako at kausapin.
Nagpakawala ako ng isang mamalim na paghinga. HIndi ko maitatanggi sa sarili ko na namimiss ko siya. Na kulang ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang boses niya. Na gusto kong makita ang hindi ko mabasang expresyon ng kanyang mukha sa tuwing magkaharap kaming dalawa.
Kapag kasama ko siya, lahat ng pagod at hirap na nararamdamanp ko nawawala.
“Lil, sama ka ha,” saad ni Jessa. “Hindi ka sumama sa amin noong nakaraan.”
Gusto ko sanang tumanggi na hindi ako sasama pero baka magtampo sila. Ilang beses na ako tumanggi sa tuwing magkayayaan sila. Tumango ako. “Sige, te. Sama ako.”
“Sino pa ang sasama para ma balanse ko kung magkano ang paghahatian natin sa bayad,” saad ni ate Grace. Si James lang ang hindi pa sigurado dahil magpapaalam raw muna siya sa kanyang nobya.
“Si, Sir Jake,” nagsitayuan kaming lahat sa sinabi ni Sony. “Papunta na siya rito.”
Mabilis pa sa alas kwatro na dinampot namin ang aming mga gamit at nagmadaling pumunta sa aming area. Mula noong nakita kami ni Ethan na kumakain sa ibaba, hinigpitan na kami ni Maam Mia at Maam Toneth. Ayaw niyang mangyari ulit iyon. Kahit hindi kami pinagalitan at pinatawag sa HR naging maingat na kami sa aming galaw.
MInsan nalang kami magtipon dito sa diswashing area. Lahat nasa bawat area na kami nakatambay, pumapasok lang kami dito sa diswashing area kapag may kailangan kami at kapag malapit na ang break time namin.
Nakita ko sa gilid nang aking mata ang pagsunod nang tingin ni Ethan sa akin. Gusto ko siyang lingonin at salubungin ang tingin niya. Tama nga si Astro, ang seryoso ng kanyang mukha at halatang bad mood siya.
Walang tao sa cr pagkadating ko. Ganito ang eksena tuwing alas dos ng hapon, kaya lagi akong natutulog sa stock room at oras lang ang binabantayan. Kumuha ako nang pamunas at nagpasyahang punasan nalang ang salamin sa labas doon sa sink para masabing nagtatrabaho ako.
Nahinto ako sa paghakbang palabas nang saktong lumabas rin si Ethan sa men's comfort room. Alanganin kong sinalubong ang tingin niya nang lingunin niya ako. Umalon ang kanyang lalamunan, malamlam kanyang mga mata na sinusuri ng tingin ang kabuoan ko. Naiilang na itinuloy ko ang paghakbang palabas.
“Are you avoiding me. . . again?”
Tiningnan ko ang repleksyon niya sa salamin. Naghugas ito nang kamay ngunit bahagyang nakalingon ang mukha sa akin. Naninikip ang dibdib ko nang makita ang lungkot sa kanyang mga mata at pag asa na sana mali ang hinala niya.
Umiwas ako ng tingin at itinuon sa aking ginagawa. “Nag iingat lang ako Ethan. . . Bukod sa mga empleyado na makakita sa atin, marami ring CCTV camera ang nakapalibot sa bawat sulok,” nilingon ko siya at sinalubong ang kanyang mapupungay na mata. “Mahirap na kapag nahuli tayo ng camera at makita iyon ng SOM. Hilig pa naman ng matandang yun ang mag review ng CCTV camera.”
Kinuha niya ang panyo na nasa kanyang bulsa at pinunasan ang kamay. Nagtataka na sinundan ko siya ng tingin nang maglakad ito palayo sa akin at sumandal sa pader sa gilid ng pintuan na hindi makikita ng camera at nang mga tao na dumadaan.
“Okay na ba na dito ako? Walang makakita sa akin dito kundi ikaw lang.”
Napailing nalang ako at lihim na ngumiti sa kanyang ginawa. Kahit alam kong pinaglalaruan niya lang ako may bahagi sa puso ko na natutuwa kasi hindi lang ako ang nag iingat, inaalala niya parin ang sitwasyon ko. Pero naguguluhan parin ako kung bakit ganito ang pikikitungo niya sa akin. Kung bakit minsan pakiramdam ko mahalaga ako sa kanya.
“Malala na yata iyang sakit mo,” nagsalubong ang kanyang kilay. “Patingin ka sa doktor, sayang ang kayamanan mo.”
Umismid siya. “Wala akong sakit. . . maliban lang sa gusto kita. . . makita araw-araw. “
Kahit mahina ang pagkasabi niya, malinaw iyon lahat sa pandinig ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at dinig ko ang malakas na tibok niyon. Natiklop ang bibig ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Natulala lang ako na nakatitig sa kanya.
“‘Wag mo na ako iwasan,” seryosong saad niya sa malumanay na boses. “Dahil kahit anong takbo mo upang umiwas sa akin. . . hahabulin kita.”
“Ethan. . .”
Matamis siyang ngumiti. “I need to go. May asikasuhin ako sa DZM CORP. ‘Wag mong kalimutan iyong mga sinabi ko sayo,” kumindat siya sa akin, napa atras ako ng humakbang siya palapit sa akin. “Hihintayin kita mamaya sa labas, nasa kotse ko ang pants mo. Nilabhan ko na yun,” aniya nang huminto siya sa harap ko.
Umawang ang labi ko at namumula ang pisngi sa huli niyang sinabi. “May utang ka sa akin, tatlong halik.”
Hanggang sa makalayo siya tulala parin ako sa aking kinatayuan. Kahit kailan talaga ang lalaki na iyon. Kahalayan parin ang pumapasok sa isipan.
_________
Night swimming.
Nag e-enjoy na ang mga kasamahan ko sa poll. Kakarating ko lang dahil umuwi muna ako sa bahay dahil nakalimutan ko ang magdala ng extra na damit. Gusto na magtampisaw kaya nagmamadali kong tinungo ang banyo upang magbihis. One-piece swimsuit na kulay black ang suot ko at pinatungan ko iyon ng cotton short.
Nanlaki ang mata ko nang muntik ko nang makabungguan si Ethan. “Ethan. . .” saglit siyang natigilan mukhang hindi niya rin inaasahan na makita ako dito.
“Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?” salubong ang kilay na tanong ko sa kanya.
Sinilid niya sa bulsa ng kanyang urban short ang cellphone na hawak. “Kung, oo, anong gagawin mo?” sagot nito sa nanghahamon na tono.
Huminga ako ng malalim pinipigilan na patulan siya. Nakaligtas nga ako sa loob ng mall niya pero dito sa labas wala akong takas. Tinapuan ko siya ng masamang tingin at padabog na umalis.
“Yanie, saglit.”
“Ano ba!?” galit na bulyaw ko ay marahas na binawi ang kamay ko na hawak niya. “Kahit ngayon lang Ethan, please, layuan mo ako,” pagmamaka-awa ko.
Nasa madilim na parte kami at malayo sa mga tao. Naglakad ako paliko sa isang sulok na may mga ilaw. Binilisan ko ang paghakbang ngunit naabutan niya parin ako.
“Saglit lang, mag-usap muna tayo,” hinihingal na sambit niya nang mahawakan niya ako sa siko.
“Ano ba?!” nagpupumiglas sa inis na sambit ko. Pinaharap niya ako sa kanya ang hinawakan ang magkabilang siko ko. “Bitawan mo’ko. Babalik na ako sa mga kasama ko.”
Umigting ang kanyang panga at mariin na lumunok ng ilang ulit. “Bakit ba ayaw mo ako bigyan ng pagkakataon na mag-usap tayong dalawa?” Mahina ngunit may diin ang bawat pagbigkas niya.
“A-Ano ba ang pag-uusapan natin?”
“About six years ago.”
Biglang nanlambot ang tuhod ko. Nahihirapan akong huminga sa bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko limot na niya ang bagay na iyon. Matagal na iyon pero bakit kailangan niya pang pag-usapan namin? Bakit kailangan niya pang ungkatin? Para ano? Para ipakita sa akin kung gaano ako sa desperaa nang gabing iyon para lang pera?
“Isang gabing pagkakamali lang iyon, Ethan,” mariin na sabi ko, ramdam ko ang panginginig ng boses ko.
Kita ko ang pagdilim ng mga mata niya. “Who told you? Hindi iyon pagkakamali, Yanie, dahil ginusto natin iyon dalawa-,”
“Pera Ethan. . . Pera, iyon ang dahilan ko kung bakit ko iyon ginawa at alam mo yun!”
“Pero gusto kita,” natigilan ako sa sinabi niya. Lumamlam ang kanyang mata. “Gusto kita, Yanie.”
Pagak akong tumawa. " Hindi mo ako pwedeng magustuhan, Ethan. Hindi tayo bagay. Langit ka, lupa ako. Subrang taas mo. Hahayaan mo ba na bumagsak ka sa isang mababa na tulad ko? Walang yaman. Walang pinag-aralan. Um-extra bilang isang bayaran-,"
Mabilis niyang hinila ang mukha ko palapit sa kanya at mariing siniil ng halik ang mga labi ko. Biglang na blangko ang isipan ko sa kanyang ginawa. Paanong gusto niya ako? Paano iyong usapan nila ng babae na nagngangalang Janice sa office niya? Parte parin ba ito ng laro niya? Nang hindi ko tinugunan ang halik niya kusa siyang tumigil.
Halo-halo ang emosyon na bumalantay sa kanyang mukha. Itinabi niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakatabing sa aking mukha at maliit siyang ngumiti. “Pumunta ka na sa mga kasama mo,” awtomatikong pumikit ang mata ko nang dumampi ang kanyang labi sa noo ko. “I’m sorry. I ruined you night.”
Nakapikit parin ang mata ko hanggang sa bumitaw ang kamay niyang nasa siko ko. Doon lang ako nagmulat nang marinig ang yabag niya papalayo sa akin.
“Miss Valerie,” na ngantog ang tuhod na sambit ko sa pangalan niya nang magtagpo ang tingin naming dalawa. Nakatayo siya ‘di kalayuan sa akin. “Miss,” ani ko at lumapit sa kanya. Tumingin siya kay Ethan na papalayo sa amin.
“Wala kaming relasyon, Miss Valerie,” agad na sambit ko ng bigyan niya ako nang nagtatanong na tingin. “Pero nagka-something kami 6 years ago," pakiramdam ko putlang-putla ako ngayon. "Hanggat maari, hanggat kaya ko, iiwasan ko siya. Kailangan ko ng trabaho, may binubuhay ako, Miss. Ayoko na ito ang maging dahil upang mawalan ako ng trabaho,” mangiyak-ngiyak na paliwanag ko, nanginginig na hinawakan ko ang kamay niya. “Pwede ho bang maki-usap, Miss Valerie? Ayoko ho mawalan ng trabaho, pwede ho bang huwag mong ipagsabi ang nakita at mga narinig mo?"
Nakahinga ako ng maluwang sa kanyang sagot. “‘Wag kang mag-alala, wala akong pagsasabihan, takot ko lang kay boss,” aniya. “Una na ako.”
Tumango ako. “Salamat, Miss Valerie.”
Sana nga walang makakaalam ng ugnayan namin ni Ethan. Kahit pa sinabi nito na gusto niya ako. Dahil hindi siya nababagay sa isang tulad ko.