CHAPTER 41: LOVE

HOMER

Nong una wala akong pakialam kay poeky pero bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko, lagi ko iyon isinasangtabi dahil malabong magka gusto ako sa isang mayamang babae pero hindi ko mapigilang mahulog sakanya kaya kahit anong offer niya saakin ay oo ako.

Wala eh, nakuha niya ako. Mas lalo na nong pinaka una naming nagkita at wala pa akong kaalam alam sa kompanya noon dahil bagong hire lang ako bilang janitor at inimbita ako sa party, paikot ikot ako hanggang makita ko siyang nakatayo.

Nagandahan agad ako sakanya pero bakas sa mga mata niya na malungkot siya, nag tanong ako at sinagot naman ako. Hindi ko mapigilang sabihan siya ng maganda dahil talagang maganda siya at kita ko sa mata niya na kumislap na para bang ngayon lang nasabihan ng ganun.

Lahat ng mga ginawa ko at mga desisyon ko ay para lang sakanya, satingin niya ba ung mga ilang taon na paglayo nila ay wala akong ginawa?? Meron, sabi ko nga nag pagamit ako sa lolo niya, nag paalila ako sakanya hanggang makuha ang tiwala niya.

Habang kinukuha ko ang tiwala niya, nalalaman ko ang mga pinag gagawa niya kay poeky at pilar. Kahit gusto ko siyang pigilan ay wala akong magawa dahil wala pa akong kaya nong araw na iyon kaya tiniis ko.

Hanggang nakuha ko ang tiwala niya pero napuno ang puso ko ng galit sa mga ginawa niya kay poeky, kahit hindi niya kadugo wala siyang karapatang pahirapan siya. Nabigyan ako ng pagkakataon na gantihan siya dahil na din kay poeky.

Hindi siya namatay dahil sa katandaan, namatay siya dahil sinadya ko para kay poeky. Lahat ng mga ginawa ko ay para kay poeky pero sa bandang huli sa wala napunta, hindi ko siya nakuha. Hindi siya napunta saakin at ang sakit.

Kinalimutan ko ang sarili ko para sakanya, minsan lang ako mag mahal pero sagad at buo ang binibigay ko. Ang sakit lang na sa kabila ng ginawa ko para sakanya ay masama ang tingin saakin at maski inamin kong mahal ko siya wala parin akong napala.

Pinili niyang kalimutan ang lahat, pinili niyang lumayo at iwan ako. Ginawa ko ang lahat at sinubukan ko pero siya mismo ang umaayaw kaya I think its time to let her go and start a new life.

POEKY

Lumipas ang buwan at taon naka recover ako sa sakit and happy ako na uuwi sa pinas, nga pala tulad ng sinabi ko noon na ako ang sususteto sa pamilya ni pilar ay ginawa ko and excited na akong makita ang anak ni pilar.

“ iha!! Poeky anak!!!” si tita, ngumiti ako at tumakbo papunta sakanila.

“ ang baby ash ay malaki na oh” 3 years na ung anak ni pilar at sobrang kamukha niya.

“ sustentado ng momita niya” sagot ni tita, kinuha ko siya at si tito ang kumuha sa bagahe ko.

“ kain muna kaya tayo tita?? Hindi naman ako pagod sa biyahe” nilalaro ko si ash, sumakay na kami sa sasakyan.

“ osige basta ba hindi ka pagod” tumango ako.

“ ako na bahalang mag hanap ng pagkakainan natin” sabi naman ni tito.

Nasa isang resto na kami, binigyan na kami ng menu at pinahanap ko na sila tita at tito ng makakain.

“ what do you want to eat baby??” tanong ko ash, pinapili ko siya sa menu na akala mo alam niyang mag basa hahaha ang cute.

“ spaghetti na lang sakanya poeky” tumango ako, umorder na din ako ng pagkain ko.

“ wash momta… wash” pinapakita niya ung kamay niya saakin.

“ halika ka ash at ako na mag huhugas ng kamay mo” ohh maghuhugas ng kamay.

“’ hindi na po, ako na” ngiti kong sabi, tumayo na ako at kinuha siya saka ibinaba para pumunta sa cr pero hindi ko alam ung c. r

“ wait ash mag tatanong ako kung saan ung c. r” lumapit ako sa crew at tinanong kung saan ung cr at ng pag lingon ko tumakbo na si ash, mali ung pinupuntahan niya.

“ ash wait baby” sigaw ko, hindi ko alam na ganito pala siya

“ ashhhh!” bumunggo siya sa isang nakatalikod na lalaki, nilapitan ko siya at pinatayo.

“ are you okay? Sabi kasing wait” hindi naman siya umiyak.

“ papa” niyakap niya ung paa nong lalaki.

“ ay naku po, pasensya na----” nahinto ako dahil hindi ko inaasahan ang makikita ko si homer.

“ ash hindi siya ang papa mo, come na at mag wash tayo ng hand” inalis ko ang pagkakayap niya sa paa ni homer, bakit sa dinadami dami ng lugar at araw ay ngayon pa talaga kami nagkita.

“ no! papa wash” sabi niya sabay taas ng kamay niya kay homer, hindi tuloy ako mapakali at hindi malaman kung ano ang gagawin.

“ ashton momita is getting mad already, come here and lets wash your hand” seryoso kong sabi.

“ no its okay” singit ni homer at lumuhod para mapantayan ung bata.

“ come and lets wash your hand” agad naman lumapit si ash, pumuta na sila sa cr habang ako nakasunod at hinintay na lang sila sa labas ng cr kasi hindi naman ako pwedeng pumasok sa pang lalaking cr.

“ done momta” ngumiti ako ngg tipid.

“okay, say thank you na para bumalik na tayo sa table natin” utos ko.

“ thank you papa” may papa pa talaga, kinuha ko na ang kamay ni ash at tumalikod na ako para makaalis na doon.

“ wait” huminto kami.

“ still your beautiful” pinag patuloy na namin ang paglalakad at bawang hakbang ay ang hirap huminga, relax poeky.

“ oh bat ang tagal niyo” sabi ni tito.

“ tinakbuhan kasi ako ni ash kaya hinabol ko pa” sagot ko, tinignan nila si ash na kumakain na ng spag. Tatlong taon mahigit pa lang to tapos ganito na siya ka independent.

“ ash sa susunod wag ganun” sita ni tita.

“ opo” sagot niya lang