CHAPTER 40: LEAVING
HOMER
Bakit hindi na pumapasok si poeky? Ilang araw na, wala man lang paalam kung bakit absent siya. Paano kaya pag puntahan ko siya sakanila? Tinignan ko ang oras at schedule ko, wala pala akong meeting ngayon kaya pwede ko siyang puntahan sa bahay nila.
Pag katok ko pa lang ay binuksan na agad nila, ang mama ni pilar ung nag bukas na buhat buhat si baby.
“ good morning po, si poeky po?” tanong ko.
“ wala siya, pinapasabi niya pala na hindi na siya babalik doon sa kompanya mo at wag kanang bumalik dito” tumalikod na siya, teka?? Pero bakit? Anong rason?
Ano nanaman kaya ang problema? Ipinahanap ko uli siya at nasa sasakyan lang ako habang hinihitay na malaman nila kung nasaan si poeky, tumunog ang phone ko at sinagot ko.
“ sir nasa airport” binaba ko agad ung phone at mabilis na pumunta sa airport, aalis siya?? Diba may usapan kami na dito lang siya? Ano bang nangyayari nnanaman
Kulang na lang mag over speed na ako para makarating agad sa airport, bumaba na ako sa sasakyan at agad na pumasok. Hinanap si poeky, hindi magkaunda ugaga ang pag lingon ko hanggang makita ko siya sa may paasport area kaya tumakbo ako at hinila siya palabas ng airport.
“ aray! Ano ba!” hindi ko pinansin ang pag aaray niya at hinila ko siya pero malakas niyang hinila ang kamay niya.
“ ano ba!!” sigaw niya.
“ aalis ka? Nakalimutan mo na ba ang usapan natin!” inis ko ding sabi.
“ pwede bang hayaan mo na lang ako??” kumunot ang noo ko.
“ may problema ba?? Nag usap na tayo diba, ano nanamang problema mo??” ganito na lang siya, kung may ayaw siya aalis siya. Kung lagi na lang niya tatakbuhan ang problema ay walang mangyayari.
“ homer alam ko na ang lahat” tinignan niya ako.
“ alam ko na ang lahat na hindi ako tunay na anak ni mama, kaya galit na galit si lolo saamin ni papa dahil sabit lang kami sa pamilya at si mama lang ang may gusto saamin. Homer, bakit hindi mo sinabi saakin noon pa lang?? bakit nilihim niyo saakin?! At talagang kinausap mo pa si pilar para itago ang katotohanan saakin?? Hanggang kailan??? Hanggang kailan mo ako paiikutin!!!!” tumulo ang luha niya.
“ tungkol sa kaso ni papa, binayaran lang ni mama ang judge para pumanig ang katotohan kay papa pero may kasalanan talaga si papa, pinatay niya ang kapatid ni mama kaya ganito na lang ang galit ni lolo saakin”
Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang lahat ng ito pero tama siya, simula nong nakita ko si pilar sa may kuhanan ng birth certificate ay nag duda na ako at hindi ako tumigil sa pag iimbestiga hanggang nalaman ko at nalaman ni pilar.
Nakita niya ako don at wala akong balak na pangimasukan ung issue na iyon pero base sa nakikita ko kay poeky parang di niya deserve malaman ang totoo kaya kinausap ko si pilar at nong una ay ayaw niya pero nong huli ay pumayag na.
Alam niya kasing masasaktan si poeky ng grabe at sa mga nangyayare sakanya, kung gaano kabait si poeky parang gusto mo na lang na manatili siya sa kung ano ang alam niya.
Biktima lang si poeky sa lahat ng nangyayari, biktima sa mga pinag gagawa ng magulang niya pero walang sekretong hindi maibubunyag ika nga nila.
“ ipinatanggol ka lang ng ama mo sa manyak na kapatid ng mama mo kaya nagawa niyang patayin, alam iyon ng mama mo kaya ganun ang ginawa at nong araw ding iyon ay nag desisyon sila na bumukod kaya mas nagalit ang lolo mo, kaya---”
“ tama na, alam ko na lahat iyan kaya nga aalis na ako. Gusto ko umalis para kalimutan ang lahat ng sakit, lahat ng mga nangyare kaya pwede bang hayaan mo na ako” sabi niya.
“ paano ang kompanya---”
“ homer wala akong karapatan sa kompanya at sa lahat ng ari arian ng mga ledesma, hindi ako tunay na ledesma at kampante ako na mabuti na lang sayo iniwan ni lolo ang lahat dahil alam kong kaya mong patakbuhin at palaguin ang kompanya” kinuha niya ung maleta niya.
“ poeky ayaw ko ang mgaa ito, balak ko ngang ibalik sayo ito kasi---”
“ enough, hindi mo ba ako narinig?? Gusto ko lumayo at kalimutan ang lahat, kasama ang kompanya! Kasama ang masasakit na nangyari! Kasama na ikaw! Kaya please nakiki usap ako sayo hayaan mo na ako, palayain mo na ako dahil pagod na akong mag paikot ikot sa buhay mo”
“ pwes ako?! hindi ako pagod mangialam sa buhay mo, poeky ma----”
“ homer, hayaan mo ang tamang daan ang mag desisyon para saatin pero sa ngayon nasa ibang daan ako. Kung talagang concern ka, hayaan mo akong lumayo at makalimot. Kung mananatili ako sa buhay mo mababaliw lang ako” tumalikod na siya.
“ so mas gusto mong makalimot kaysa manatili sa tabi ko? Wag tayong mag lokohan poeky, alam nating kung susubukan natin magiging successful” bwelta ko.
“ homer please”
“ poeky mahal kita!!! Hindi lang ikaw ang nag mahal poeky, maski ako ay nagmahal din” napiling na lang siya at nag lakad na palayo saakin.
“ tang *ina poeky!!! Kakalimutan mo na ba talaga ang lahat?!! Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ko piniling kumampi sa lolo mo!!!” sigaw ko pero patuloy lang siya sa pag lakad papasok sa airport.
tang *na nag paalipin ako sa lolo mo dahil sayo dahil simula nong nalaman ko ang totoo at sa mga nakikita kong pag sisikap mo at hindi mo deserve ang mag hirap kaya nga nag pagamit ako at hinintay itong pag kakataon na ito na mag simula uli.
Hindi mo alam lahat dahil ang inalam mo lang ay ang nakaraan ng ama mo at magulang mo, hindi mo inalam kong ano ang mga ginawa ko para sayo, hindi mo alam ang ginawa ko sa lolo mo para lang sayo.