CHAPTER 42: PAPA
HOMER
She’s here and ganun ang itsura niya, sigurado ako na ung ash na bata kanina ay anak ni pilar pero hindi ko inaasahan na tatawagin niya akong papa.
“ baby sorry natagalan ako, naikalat ung eyeliner ko kasi” si nancy.
“ its okay, upo na tayo para makakain na” tumango siya at umupo kami.
Kung nag tataka kayo kung paano naging kami ni nancy, well hindi ko din alam. Siguro sa kakukulit saakin tapos sinabayan pa ng tanong tapos nag yes ako. Akala niya siya ung sinagot ko ung secretary ko pala, hinayaan ko na lang at baka nga naman mag work out.
Tapos na kaming kumain at nag cr uli si nancy, sabi ko hintayin ko na lang siya sa labas. Bakit kasi mag mamake up pa eh okay namang hindi na, buti sana kung light pero ang kapal naman. Kakaiba talaga siya, pag sinisita ko sasabihin niya para di ko daw ipag palit.
“ papa!” si ash na kumapit uli sa paa ko.
“ ashton jusko ka, lika ka nga dito” ang mama ni pilar.
“ papa uwe” ha?? Tinignan ko ang mama ni pilar.
“ ash tara na, mag papahinga pa ang momita mo. Kagagaling lang sa flight, lika na” hinihila siya pero ayaw nong bata.
“ uwe” sabi niya, ako uuwi??
“ ashton!” si poeky, kinuha niya ung bata at doon na umiyak.
“ tita dalhin mo na sa kotse” sabi ni poeky, naawa naman ako sa bata na umiiyak.
“ wa-wait” lumapit ako sa bata.
“ sorry but Im not your papa” tumigil ung bata at tinignan ako.
“ no! papa” pumunta siya saakin, nagulat pa nga ako.
“ ashton!” sigaw ni poeky.
“stop, its not helping” sita ko kay poeky, iniwas ang tingin.
“ bata pa lang pinapagalitan mo na, kausapin mo ng maayos nakakaintindi naman sila” inis kong sabi.
“ papa uwe” pinapauwi niya talaga ako.
“ ashton may trabaho pa kasi ako at need mo ng umuwi kasi si momita mo need na mag rest pero pwede mo ako bisitahin okay?” tumango siya, naiintindihan niya kaya ung sinasabi ko.
“ bisitain mo ako pag may oras ka okay pero for now, go to your momita and go home” tumango uli siya, ibinigay ko kay poeky at pumunta naman siya kay poeky.
“babye na” sabi ko, nag wave siya.
“ baby sino mga iyon?” mabuti naman at hindi sila nag pang abot ni poeky, baka mamaya kung ano nanaman sabihin at isipin niya.
“ may batang makulit, yaan mo na. tara??” tumango siya at sumakay na kami sa kotse.
POEKY
“ nakatulog na si ash, ano naman kaya nakain niyan at papa siya ng papa” sabi ni tita.
“ ganyan po ba dito?” tanong ko.
“ hindi anak, never yan nag sasabi ng papa dito at ikaw lagi ang binabanggit niya. Bigla na lang nag ganyan nong nakita si homer” sagot ni tita.
“ lumalaki na siya mahal kaya nag hahanap na din ng papa” singit ni tito.
“ alam ko naman iyon pero sa dami ng tao bakit si homer pa ang nilapitan” oo nga, tama si tita.
“ baka si homer ang ama” natatawang sagot ni tito, napa ngiti na lang ako.
“ nga pala poeky, mag tatagal ka ba dito??” napaisip ako.
“ hindi ko pa po alam pero gusto ko sanang pumunta tayo sa ibang bansa, gusto ko din kasi mai pacheck up kayo” umiling sila.
“ naku iha, wag na. hindi na namin kailangan ng check up pero kung mamasyal bakit hindi” sagot ni tito.
“ oo nga anak, wag na. tsaka maayos na kami at thank you sayo kaya wag mo na kaming ipa check up baka doon pa kami magkasakit” sabi naman ni tita.
“ osige po pero tuloy na lang din po ang pamamasyal natin lalo pat nakakapagod ang pag aalaga kay ash, ngayon nga palang parang nahihirapan na ako paano pa kaya ung ilang taon” natawa sila sa sinabi ko.
“ ganyan talaga, tiyaga lang at si ash naman mabait yan tsaka matured. Nakakaintindi yan iyon nga lang medyo matigas lalo na pag may gusto naspoil mo” natawa ako, well wala naman akong anak at pamilya na pag bibigyan ng pera kaya sakanila ko iginugol ang mga perang kinikita ko.
Hindi naman nila ako binigo dahil naka pundo ng lote at bahay, iyon nga lang ay hindi pa tapos pero ipapatapos ko habang andito ako at ung kotse kaya swerte parin ako na may naging pangalawa akong pamilya, sana masaya si pilar ngayon.
“ ah tita tatabihan ko muna si ash po doon” tumayo na ako
“ osisge, nga pala anong ulam ang gusto mo?” na miss ko ang bbq.
“ bbq na lang po at bulalo” tumango sila.
“ osige, mamalengke na kami” sabi ni tita, pinuntahan ko si assh sa kanyang kwarto.
Tumabi na ako sakanya, ang cute naman ng kwarto ni ash parang gusto ko tuloy bumalik sa pagka bata. Pipikit na sana ako ng may mapansin ako,, tumayo ako at tinignan ko.
Mga pictures, paano siya nagkaroon ng mga ganitong pictures at bakit pictures ni homer?? Kaya pala kilala niya si homer dahil dito pero bakit? Ang meron sakanila tsaka bakit andito ito dito??
Imbes na matulog ako, pinag titingin ko ang mga pictues na nakatago. Andami kasi parang daig pa ang stalker neto, kahit anong anggulo kasi may picture si homer.
Tinabihan ko si ash pero nasa isip ko parin kung bakit may picture dito si homer?? Tanungin ko na lang si ash at baka masagot niya ung tanong ko.
Anong oras na ako nagising at si ash ay wala na sa tabi ko, tumingin ako sa apanan ko at andon siya. May pictures ni homer ang tinitignan niya, tinabihan ko siya.
“ bakit ka merong ganitong pictures ash?” tanong ko.
“ papa” iyon lang sagot niya.
“ hindi mo siya papa”’ sabi ko.
“ papa, papa, papa” ulit niyang sinasabi, tinignan ko siya na naka ngiting naka tingin sa litrato ni homer. Anong meron?? Bakit parang may hindi nanaman akong alam.