Chapter 39: PILAR

POEKY

Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang libing ni pilar, dahil wala na si pilar ako na ngayon ang papalit sa obligasyon niya at para saakin ay walang problema doon. Nag kausap na din kami nila tita at tito na hayaan nilang ako ang sumustento sakanila total pamilya naman na ang turing ko sakanila at kaka ilang pilit ko ay pumayag naman sila.

Sabi nga nila mag titinda sila kahit sa labas lang ng bahay, hindi ko na sila pinigilan at umuo na lang ako basta ba wag nilang sobrahan baka kasi makasama naman sakanila. Si baby dadalhin ko naman sa trabaho ko, mukhang kaya ko naman.

Speaking off andito na kami sa kompanya, pinag titinginan tuuloy ako pero deadma lang, ang mahalaga hindi ko mapapabayaan ang trabaho ko.

“ mag tra-trabaho ka ng may baby??!!’ si nancy.

“ oo, wala naman sa company rule na bawal ang baby pag nag tra-trabaho” tumaas ang kilay niya at inirpan ako, panigurado ay mag susumbong iyon.

Pinalaaro ko muna si baby kasi kagigising lang naman niya kanina, nag trabaho na ako ng dumating si nancy kasama si homer. Sabi na eh mag susumbong siya, hay naku.

“ sa tingin mo ba magagawa mo ang trabaho mo pag----”

“ ako na bahala sa baby, tapusin mo yang trabaho mo at pag tapos kana kunin mo saakin” naka tingin lang kami kay homer na kinuha si baby at mga gamit niya tsaka siya nag lakad palabas, tinignan ako ni nancy na naiinis.

Hindi ko na lang siya pinansin at nag trabaho na, kailangan ko itong tapusin para makuha si baby. Hindi ko alam kung alam niya mag alaga pero hindi niya naman kukunin si baby kung hindi niya alam siguro.

“ ahm how I am going to feed him?” teka kasasabi ko pa lang na siguro naman alam niya tapos andito siya.

“ akin na, titimplahan ko at ipadede mo. Hindi na kailangang ihele yan pag matutulog” tumango siya, nag timpla na ako at ibinigay sakanya.

“ pwedeng dito muna kami” tumango ako, nag trabaho na ako unti unti kong natatapos ang trabaho ko habang na kay baby si homer, tinitignan ko si baby na ngayon ko lang napansin ay never umiyak.

Saktong natapos ko ang trabaho ko ng twelve at tinignan ko si homer na parehas sila ni baby na tulog sa sofa na talagang pinag kasya niya ang sarili niya sa maliit na sofa, tumayo ako at nilapitan sila.

Mabuti na lang komportable si baby kay homer, paano kaya pag nabuhay si baby ko at masaya kami ngayon. Masaya nga ba?? Magiging ganito nga ba si homer sa anak namin??

“ if I were given a chance to be a father, im going to be a good father and a husband too” inimulat ni homer ang mata niya at nagka tinginan kami.

“ pero too bad dahil inilihis ng panahon saakin” dahan dahan siyang bumangon at tinignan si baby.

“ poeky paki sagot nga ito ng walang halong ek ek, minahal mo nga ba ako noon?” seryoso niyang tanong.

“ masyadong mabilis kung sasabihin nating minahal kita pero may naramdaman ? oo, meron at akala ko magtatagal iyon dahil pabuo na ng pabuo at natutunan ko na ding maging masaya noon pero sabi nga nila walang permanenteng kasiyahan sa mundo” sagot ko, tumayo na ako.

“ what if subukan natin??” nilingon ko siya.

“ wag pilitin kung walang nararamdaman homer, pareho lang tayong masasaktan” sabi ko.

“ meron akong nararamdaman---”

“ homer awa ang nararamadaman mo saakin at hindi pagmamahal, dahil sa nakikita mong sitwasyon ko gusto mo akong tulungan pero ang naisip mong paraang ay magkaroon tayo ng relasyon well sinasabi ko sayo subok ko na iyan at hindi nag work, sa huli tayo parin ang masasaktan”

“ kaya ko at makakaya ko itong mga nangyayari” dugtong ko pa, wala na siyang ibang sinabi at iniwan na lang kami ni baby.

Kung lagi na lang ganito na kada mag uusap kami ay may bakas ng past mas okay na atang umalis na lang ako dito, hindi na ito talaga para saakin at hindi mawawala ang lungkot saakin dahil aalis ako sa trabahong matagal ko ng gusto na laging nasa opisina pero kung laging ganito, paano kami makaka move on? Paano kami makaka pag umpisa??

Oras na ng uwian kaya inayos ko na agad ang gamit ni baby tsaka binuhat para makauwi na, nag lalakad ako sa hallway ng makita ko si homer at nancy. Tumalikod ako para hindi na maka istorbo sa usapan nila pero bakit may sariling buhay ung paa ko dahil nag tago siya at nakikinig na ako sa usapan nila.

“ homer hanggang kailan ka mag papagamit don sa babaeng iyon ah?? Simula nong naging surrogate ka niya hanggang ngayon ay walang sawang pag gagamit sayo, homer! Gising!” rinig kong sabi ni nancy.

“ nancy hindi---”

“ paanong hindi? Una naging sorrugate ka, ginawa kang asawa para gamitin sa lolo niya, sunod ginagamit niya ang kabaitan mo para maibalik ang kompanya at naulit nanaman ngayon. Ang hirap sayo masyado kang mabait at ito namang isa ay hindi pinapalampas ang kabaitang iyon!”

“ homer hindi ba kayo nag sasawa na paulit ulit na lang ang nangyayari??! Ni minsan ba naisip mo na ung sarili mo naman ang pagtuunan mo at hindi ang ibang tao?!! Homer wala na siyang kinalaman pa dito sa kompanya na ito kung iyon ang dahilan mo para panatilihin siya dito”

“ unang una anak siya sa labas ng ama niya at tinaggap lang sila ng mama niya, kaya nga hindi siya tanggap ng lolo niya at sayo ibinigay ang mana dahil wala siyang tiwala sa anak ng mamamatay na ama niya!!!” muntik ko ng mabitawan si baby sa narinig kong iyon, teka? Anong anak sa labas?? Pinaimbestiga ko kay pilar ung background ni papa at wala siyang sinabing iba.

“ nancy!! Kunting respeto naman sa mga yumaong tao at kahit anong gawin mo may karapatan pa din siya” sagot ni homer.