CHAPTER 35: WORK
HOMER
Unang araw ni poeky ngayon, mabuti naman at pinili niyang mag trabaho dito dahil ipapasara ko talaga ung bar na iyon. Nakita ko siyang nag lalakad sa hallway, kita ko ang pagtataka sa mukha ng mga empleyado.
Kinuha ko na ung kape at nilapitan na siya, sakto naman na naka salubog namin si nancy na umiba agad ang mukha ng makita kami.
“ ano nanaman to???” tanong niya.
“ not now nancy” pumasok na kami sa elevator at iniwan na si nancy.
“ anong trabaho ko?” tanong niya.
“ malalaman mo pag nasa opisina na tayo” sagot ko.
Nakarating na kami sa opisina at inilabas ko ung kontrata, ito ung naisip ko para wala siyang takas. Inilapag ko sa mesa at sinenyasan na basahin niya, kinuha niya at binasa naman niya.
“ what do you think?” tinignan niya ako.
“ desperadong kontrata” sabi niya.
“ homer hindi mo ako pamamay ari para ikulong ako dito sa kompanya, bigyan mo ako ng kontrata na naayon sa kompanya hindi sa gusto mo” sumandal ako sa upuan ko.
“ bakit hindi naaayon sa gusto ko kung saakin naman itong kompanya” ngumiti siya.
“ ay oo nga naman, boss ka eh” kinuha niya at agad niyang pinirmhan.
“ hayan sir, masaya kana?” kinuha ko at tumango ako.
“ okay na, pwede ka ng mag start. Ipapasama kita sa sekretarya ko para samahan ka sa opisina mo at nga pala wag mong pansinin kung ano man ang sinasabi ni nancy” nilingon niya ako.
“ baka ba wag siyang somubra dahil papatulan ko siya” sagot niya, lumabas na siya at napailing na lang ako.
Buong araw ay wala naman akong naririnig na away, sana lang talaga ay hindi lang ngayon ito at pang araw araw na. tumayo ako na sakto naman na dumating si nancy, tinignan ko ung oras.
“ coffee muna bago uwi? Gusto mo?” tumango siya, sakto din dahil alam kong may sasabihin siya kaya niyaya ko na.
“ bakit siya bumalik?” umpisa niya.
“ hindi siya bumalik kundi pinabalik ko” kumunot ang noo ni nancy.
“ pero bakit?? Tahimik na buhay natin” sagot niya.
“ nancy bayad utang loob na lang ito and this will be the last, once na umalis siya wala na ako magagawa tsaka malaki parin ung tulong niya sa kompanyang ito at hindi iyon mawawala. Mas malaki ang maitutulong niya dito sa kompanya kaysa sa bar” nakalimutan ko, nasa coffee shop na pala kami.
“ bar?? Sa bar siya nag tra-trabaho??” tumango ako.
“ oo at nasasayangan ako sa galing niya kung sa bar lang siya” sa ganito ko na lang ipapaliwanag kay nancy kasi ung iba baka bigyan nanaman niya ng dahilan.
“ ah okay kala ko kasi may ginawa ka nanamang hindi pinag iisipan eh, tandaan mo wala na si mr. leonardo na handang tumulong sayo” dumating na ung kape namin.
“ don’t worry hindi na ako padalos dalos ng desisyon ngayon” pero wala akong balak na hawakan ang kompannya pang habang buhay, ibabalik ko parin ito kay poeky pero hihintayin ko munang maging stable siya at hindi ganito.
PILAR
Tinawagan ko si poeky na dumiretso na sa hospital, itinakbo ko kasi si baby dahil bigla na lang namuti. Dumating na si poeky, sinamahan niya akong mag hintay dahil chini check pa nila si baby.
“ miss santos” tumayo na kami at nilapitan ung doctor.
“ kamusta po ung anak ko?” tanong ko.
“malnutrition deficiency mommy, need niya po mag stay dito hangang maging okay na siya kasi pag ire-release namin na ganito baka lumala at tanungin ko po kayo kung may vices ka po ba or sa loob ng bahay??” tanong ng doctor.
“ wala po”’ sagot ko.
“ ah okay po may irereseta lang ako ng gamot na bibilhin niyo, wala kasi sila dito sa hospital” tumango ako.
“ dapat din po kayong ma check dahil nga po breast feeding at titignan natin kung pati po kayo ay need resetahan ng gamot para narin sa baby mommy” nanlumo ako doon dahil syempre wala kaming pera, baka nga kay baby kakapusin pa kami.
“ sige na pilar, kaya yan” nagets agad ni poeky ung itsura ko, alam niya kasing iisipin ko agad ung gastos. Syempre kung apat kaming gumagastos saan kami kukuha ng pang gastos? Alangan namang kay poeky kami aasa.
“ sige maiwan ko na kayo, pweede niyo ng puntahan si baby” tumango kami at nag pasalamat, pinuntahan na namin si baby.
“ eto parang ewan, wag mo ng isipin ung gastos. Kaya ko yan” sumimangot ako.
“ pasensya na, hindi mo naman kami pamilya pero nagiging obligasyon mo na kami” sabi ko.
“ ako din naman may kasalanan kung bakit naging ganito ang buhay mo, kung hindi dahil saakin hindi ka madadamay sa galit ni lolo kaya hayaan mo ng tumulong ako. Wala din naman akong pamilya at kayo lang pamilyang meron ako” ngumiti ako.
“ thank you talaga”
“ isipin mo muna si baby at ako na bahala kila tito at tita, basta ung gastos wag mong isipin okay?? Kaya yan” nakakahiya pero wala na din naman akong pwedeng lapitan kundi siya, mabuti na lang talaga andiyan si poeky.
Iyon na nga gaya ng sabi ng doctor need din akong I check at kailangan ko mag vitamin nga tapos ma coconfine pa dahil may nakitang kakaiba sa dugo ko, haist puro na lag problema.
Hindi ko alam kung nakaka pag pahinga pa si poeky dahil dinadalaw kami tapos inaasikaso pa sila mama at papa, hindi ko na nga naitatanong kung kamusta naman siya. Alam kong pinapahirapan din siya doon pero hindi niya lang pinapakita kasi ayaw niya ng sabaya pa ung mga nangyayari.
Minsan gusto ko ng tawagan si homer para humingi ng tulong kasi nahihirapan din akong makita si poeky na hirap na eh pero kasi pag ginawa ko iyon alam kong magagalit saakin si poeky, ayaw niya na kasing sumandal pa sa iba baka kasi isumbat uli iyon tulad ng ginawa ng lolo niya sakanya.
Pero pag no choice na talaga, need ng humingi ng tulong.