CHAPTER 34: BAR
POEKY
Araw araw na lang andito sa bar si homer, inaasar na nga ako ng mga kasamahan ko dahil sakanya at ung manager namin gustong gusto naman. Hindi ako maka trabaho ng maayos dahil sakanya, imbes na makarami ako ng tip ay wala, nga! Nga!
“ araw araw na lang laging gumaganda si poks ah” sabay hawak sa bewang ko ung lalaking amoy amag pero dahil nasa trabaho ako kailangan kong magtiis at gawin ng maayos ang trabaho ko.
“ remove your hand” hayyy! Heto nanaman siya!! Nakakainis na talaga!
“ oooppss mukhang may naloko ka nanaman poks, pasensya na brad” sabay alis sa kamay niya, tinignan ko si homer.
“ what??” pa inosenteng tanong niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at pinag patuloy ko ang trabaho ko, bumalik ako sa counter na bad trip.
“ naku pera na naging bato pa, eto kasing si prince boylet masyadong istrikto” pang aasar ng isa sa kasamahan ko.
“ bakit kasi siya andito, panira ng diskarte. Ano na lang pang bibili ko ng gamot nila tito at tita, bwesit!” reklamo ko.
“ relax, mamaya ay makakaipon ka din” kahapon nag usap kami ni pilar na baka pwede ako daw muna ang bumili ng gamot ng magulang niya dahil ipapa check niya si baby pero paano ako makakabili kung ganito na pag may lumalapit o nakiki pag usap ay andiyan si homer na agad agad sumisingit.
“ poks mukhang araw mo ngayon, si jackpot meron” ngumiti ako, hayy buti na lang talaga hindi parin masama ang araw ko. Mabilis kong nilapitan si jackpot at agad niya naman akong nakita at sinalubong ng ngiti.
“ I miss my poeky” umupo na sila.
Alam ko na ang order nila kaya prinipare ko na, inilapag ko na sa mesa nila kasama ung pulutan. Agad naman akong binigyan ni jackpot ng pera, kasya na ito pang bili ng gamot nila tita. Medyo naka hinga ako ng maluwang doon, naki pag kwentuhan ako saglit pero nag paalam din ako dahil may trabaho parin ako ng biglang may humila saakin.
“ teka--- aray ko” kinakaladkad ako palabas.
“ aray!!” sabay hablot ko sa kamay ko, tinignan ko si homer.
“ ganyan kana ba ngayon poeky?!! Kulang na lang ibenta mo ung katawan mo para sa pera?!! Kaya pala poks ang tawag sayo kasi daig mo pa ang pokpok!” kumirot bigla ung dibdib ko doon.
“ parang hindi mo naranasan ito ah, homer galing ka sa mahirap na buhay at alam mo kung gaano kumita ng pera lalo na pag kailangan. Ano to? Naging mayaman ka lang nakalimutan mo na kung saan ka nanggaling??”
“ wala akong ginagawang masama, kusa silang nag bibigay ng pera at hindi pilit. Syempre tatanggapin ko iyon kasi kailangan ko, sa panahon ngayon kailangan mong maging mautak at madiskarte kung gusto mong may makain” napailing siya sa sinabi ko.
“ magkanu ba kailangan mo para tumigil ka sa trabaho mong ito??” kumunot ang noo ko.
“ bakit? Bakit ka ganyan maka tingin, ganun naman ang ginawa mo saakin noon ah so anong pakiramdam ng tinutumbasan ng pera? Im giving you a two choices poeky, your going to work from me o ipapasara ko itong bar” tumalikod na siya at iniwan ako, hindi ko alam kung bakit tumulo na lang ung luha ko.
Dahil ba sa masasakit na sinabi niya o dahil ba na realize mong napaka lupit ko pala noon at nagiging ganito siya saakin. Hindi na ako nag trabaho pa at nag paalam na ako, pinayagan naman ako pero bago ako umuwi ay bumili ako ng gamot nila tita at tito.
“ oh aga mo?? Walang tao?” sabi ni pilar, umiling ako.
“ si homer nanaman ba?” tumango ako, ini abot ko muna ung gamot sakanya.
“ thank you poeky” ngumiti ako ng tipid.
“ ano nanaman ba ginawa niya?” napa buga ako ng hangin.
“ mas gusto ko pang pahirapan ako ni lolo kaysa ganito, pinipilit niya akong mag trabaho sa kompanya at pag di ako pumayag ipapasara niya ung bar” tumaas ang kilay ni pilar.
“so ano desisyon mo??”
“ ayokong bumalik sa kompanya, kung ipapasara man niya wala na akong magagawa kundi mag hanap ng ibang raket” tinignan ko si pilar.
“ bakit di ka na lang bumalik sa kompanya, mas nababagay ka naman doon at malaki ang sweldo” nilaro laro ko ung daliri ko, parang kasi hindi na ako nababagay doon. Pakiramdam ko nawala na ung pinag aralan ko at kuntento na lang ako sa ganito.
“ poeky wag kang makuntento sa ganitong pamumuhay, ikaw narin nag sabi niyan. Wag kang matakot sumubok uli, parte yan ng buhay na laging may pagsubok. Malay mo naman ngayon tuluyan ka ng umangat” sabi ni pilar.
“ hindi ko alam pilar, ngayon kasi may doubt na ako na kaya ko pa ba? Pagod na akong lumaban simula nong nagkaisip ako. ilang beses kong pinapatunayan ang sarili ko pero mundo na nagsasabi na hanggang ganito na lang talaga” sagot ko.
“ mali, pinapakita lang sayo ng mundo na kaya mo kahit anong pagsubok pa at hindi lang dito ang kaya mo. Sinusubok ka nga lang, hindi mo ito naranasan noon kaya ipinararanas sayo ngayon para balang araw pag dumating man ung ganito uli ay alam mo na ang gagawin” bwelta naman ni pilar.
“ pag isipan mo yang offer ni homer, hindi narin masama para mag umpisa ka uli. Alam naman nating hindi madali lalo pat magiging empleyado ka niya pero lahat ng achievements ay pinag papaguran o pinag hihirapan at alam mo iyan poeky” tumayo na siya.
“ pasok muna ako sa loob, papainumin ko muna sila mama at papa ng gamot” tumango ako.
Kailangan ko ng sign, tumingala ako. Pag kasi babalik ako, panibagong pagsubok nanaman at baka mas mahirap pa sa naranasan ko ngayon. Hayyy!!! Bakit kasi may pagsubok pa kung pwede namang ibigay na lang agad.
Pero sabi nga nila, walang madali sa panahon ngayon. Kailangang magsikap para umangat kasi kung mananatili ka lang sa kung saan ka, walang asenso sa buhay mo.