CHAPTER 36: BILL

POEKY

Nasa billing ako ngayon at nanlumo ako sa laki ng bill, hindi pa lalabas sila pilar at si baby pero need ko daw mag bayad para hindi ako maipunan. Nag lalakad ako ngayon papuntang kompanya, dumaan kasi ako doon saglit bago pumasok sa opisina.

“ late kana, ano sa tingin mo boss ka??” si nancy, wala ako sa mood ngayon maki pag sagutan sakanya dahil madami akong iniisip.

“ hindi ba pwedeng ma late kahit minsan??” nilampasan ko siya pero hinapit niya ang braso ko, tinignan ko siya na naiinis.

“ rumespeto ka naman, mas mataas ako sayo” napa buga na lang ako ng hangin.

“ sa susunod po ma’am hindi na mauulit” tinanggal ko ung pagkakahawak niya at nag lakad na papuntang opisina ko, umupo ako at tinignan ung bill. Saan kaya ako kukuha ng pera na ganito, matagal pa naman ang swelduhan pero kahit may sweldo ako kulang parin.

Umextra kaya ako sa bar?? Kahit isang linggo lang? doon kasi makakaipon ako kahit papaano para pag nag sweldo ako pang dagdag doon, tinext ko ung boss doon kung pwede ako umextra kahit isag linggo at sabi ay 15 days pwede at hindi isang linggo kaya umuo na ako agad, sayang di iyon.

Mabilis kong tinapos ang trabaho ko para maka uwi at dumaan saglit sa hospital bago pumunta sa bar, nag ready na din ako ng makakain nila tito at tita tsaka pinainom na din ng gamot. Nag dala naman ako ng extrang damit at bumili ng konting pagkain para sa mag ina.

“ hindi ako mag tatagal ah” sabi ko kay pilar

“ okay lang, kailangan mo din mag pahinga” ngumiti ako ng tipid, hindi ko na sasabihin ung tungkol sa bar.

“ kamusta? Anong sabi ng doctor??” nalungkot siya.

“ need ng operasyonn para maalis ung bukol” tumango ako.

“kailan daw?” umiling siya.

“ wag na, malaki ang kailangan na pera” heto nanaman siya.

“ pilar pag pinabayaan mo, paano ung baby? Mas kawawa naman siya kaya tuloy ang operasyon. May philhealth ka naman kaya makaka tulong iyon” ngumiti siya.

Nag paalam na ako dahil need ko na pumunta sa bar pero naisip ko, kung susumain kailangan ng milyon para sa lahat ng gastos nila at sa maintenance nila tito at tita. Haaayyy kaya ko ito, hindi ako pwedeng pahinaan ng loob lalo pat ngayon na kailangan nila ako.

“ naks bumalik si poks, andaming nag hahanap sayo lalo na si jackpot. Panigurado makakadami ka ngayon” ngumiti ako, sana lang talaga dahil kailangan na kailangan ko.

Maganda ang gabi ngayon dahil nakarami ako at nitong sumunod na araw, kahit papaano ay hindi ako nalalate pero antok ako kaya pag break ko sa opisina ay umiidlip ako.

“ tapos mo na ung pinapagawa ko?” si homer, tinignan ko siya ng antok.

“ malapit na” sabay hikab, kumunot ang noo niya.

“ bakit ganyan ang itsura mo? Sa pagkakaalam ko hindi naman mahirap ang trabaho mo” hindi ko siya pinapansin at tinatapos ko na lang ung ginagawa ko.

“ poeky” tawag niya.

“ sir busy ako” sagot ko, binasa ko ung ginawa ko at mukhang okay na ito.

“ iprint ko lang, paki hintay na lang” tumango siya na kunot ang noo.

“ nga pala may pupuntahan tayo after work” sabi niya, umiling ako.

“ busy ako sir, si nancy na lang” kinuha ko ung na print at inayos saka inistappler tsaka binigay sakanya.

“ ikaw ang gusto ko kasama, basta wait for me sa entrance” iniwan na ako, hayy bahala ka hindi ako mag hihintay dahil may trabaho ako.

Saktong five ay nagmadali na ako, andami namang pwedeng isama ni homer. Umuwi na ako at dating gawi ay nag luto ako, pinainom sila ng gamot at tinext si pilar na hindi na ako makakadaan. Maaga kasi akong pinapasok dahil mag lilinis muna kami, dodoblehin daw ni boss ang sweldo kaya umuo na ako sayang din kasi lalo pat limang araw ko na lang.

HOMER

Sa tingin niya hindi ko malalaman itong pinag gagawa niya, anong nasa isip niya at bumalik siya sa bar? Sumasakit ang ulo ko sakanya. Ano bang meron don sa bar na ito at binabalik balikan mo poeky! At talagang mas gusto mo ito kaysa samahan ako?

Hinintay kong dumami ang customer bago ako pumasok, nag cap ako para hindi mahalata na andito ako. Naka masid lang ako kay poeky at hindi ko talaga gusto ung nakikita ko lalo na ung dumating ung lalaki na maka kapit akala mo jowa, umigting ang panga ko at kinuha ko ang phone ko.

“ ipasara mo itong bar na ito” alam na niya ung tinutukoy ko, tumayo na ako at lumabas na saka sumakay sa kotse.

Umuwi na ako at hinintay na lang ung tawag, naka tanggap na ako ng tawag at confirm na nga na naipasara. Ayaw mong tumigil poeky ah, kailangan mo pa talagang turuan ng leksyon. Humiga na ako sa kama at pumikit na.

Kinabukasan tambak ako nanaman ng trabaho, si nancy kasi na out of town dahil may mga aasikasuhing deal at isang linggo siyang wala kaya saakin lahat ng trabaho.

“ mara paki---- BLAG!!!!” si poeky na galit.

“ inaano ba kita!!!” tinulak niya ako, alam ko na ito ung tungkol sa bar.

“ kung may problema ka saakinn, ako ang tapatin mo wag mong idamay ang iba!!!” tinignan ko siya.”

“ hindi maganda ang dalawang trabaho dahil nakakasama---”

“ tang *nang nakakasama yan!!! Wala kang alam kung bakit ako nag tra-trabaho ng doble doble! Sana man lang tinapos mo ung ilang araw ko doon bago mo ipasara, wala kang alam!!!” sigaw niya.

“ kailangan ko pa bang alamin na nag tra-trabaho ka doon dahil miss mo ung mga lalaki doon na panay hawak sayo?? Sabi ko nga magkanu ba kailangan mo para mag tigil kana sa ginagawa mong pag papahawak ng katawan mo?!! Magkanu!!!” tumulo bigla ang luha niya.

“ malaki, malaking malaki” hikbi niyang sagot.