CHAPTER 33: POEKY

HOMER

“ parang masaya ka pa sa pagkawala ng lolo mo at walang ibinilin ang lolo mo saakin” sagot ko, tumango tango lang siya habang nilalaro ang kuko niya.

“ what happen to you? Asan na ung expensive poeky” natawa siya.

“ pwede ba wag kang umasta na walang alam sa nangyare saakin at kung ano man ang nakikita mo ngayon eto na ako” sagot niya, nakakadismaya na ganito na siya pero ano ba nangyare sakanya nitong nakaraang ilang taon. Wala akong alam

“ wala kana bang sasabihin? May trabaho pa ako” sabi niya.

“ you can work to my company” tumawa siya ng malakas.

“ akalain mo iyon ikaw na ung nag gaganyan saakin ngayon pero no thanks, masaya ako sa ganitong buhay” seryoso siya? Ayaw niyang mag trabaho sa kompanya? Ibang iba na siya.

“ your happy to be like this?? Poeky hindi ito ang nilakihan mong buhay, wag mong ipilit and stop acting like this na akala mo galing ka sa hirap” sumeryoso ang mukha niya.

“ act? Ako?? Mahirap bang tanggapin na ganito na ako, homer im tired being rich and thank you sa lolo ko dahil inimulat niya ako sa mundong mas maganda kaysa sa buhay ko noon” tumayo siya.

“ hindi pa ako tapos sayo poeky” sinamaan niya ako ng tingin.

“tapos na ako sayo” naglakad siya ng hinawakan ko ang wrist niya

“ wag mong hintaying ipasara ko ito poeky, umupo ka at mag uusap pa tayo” kita ko ang inis sa mukha niya, andami kong gustong linawin sakanya.

“ wow yayamin na talaga, okay sige. Uupo ako at mag uusap tayo, sige go ano na dahil ang oras ko mahalaga lalo pat hindi ikaw ang nag papa sweldo saakin” bumalik siya sa pag kakaupo.

“ wala akong alam sa nangyayare sa buhay mo kaya gusto kong alamin” seryoso kong sabi.

“ talaga?? Close kayo ni lolo tapos ni isang beses hindi niya sinasabi sayo mga pinag gagawa niya??” hindi ako sanay na ganito siya maki pag usap saakin, dati napaka class niyang mag usap pero ngayon para na siyang laking kalsada.

“ kung ano trato niya sayo noon na kontrolado ay ganun din saakin” sagot ko para narin malaman niyang hindi maganda ang buhay ko maski may pera ako, may bahay ako, may kotse ako. Ung seryoso niyang buhay at laging dinidikta ang dapat gawin ay ganun ang ginawa saakin ni mr. leonardo at bilang pag tanaw ng utang ng loob ay sinusunod ko.

“ sa sobrang dami ng ginawa saakin hindi ko na maisa isa kaya I su-summarize ko na lang, simula nong nawala ako sa kompanya walang ginawa si lolo kundi pahirapan ako, walang tigil na pagpapahirap pero tumigil iyon nong namatay siya” tinignan niya ako.

“ hindi ko alam” nag smirk siya.

“ hindi mo inalam dahil nasayo naman na ang gusto mo kaya bakit mo pa aalamin, sino ba ako sayo homer diba. Para lang naman akong gamit na pag wala ng pakinabang ay hayayaan mo na lang sa sulok o itatapon na lang” sabi niya.

“ poeky hindi ko—”

“ lagi mong sinasbing hindi mo ginusto at kailangan mo lang gawin ito dahil kailangan pero homer may mga choice ka! May mga choice ka kung talagang hindi mo gusto!”

“ pero okay lang sabi ko nga masaya na ako sa buhay kong ito, mag focus ka sa buhay mo ngayon at ako ay mag fofocus sa buhay ko ngayon” dugtong niya.

“ iba na ang mundo natin, iba na ang tinatahak nating dalawa kaya please ito lang pakiusap ko sayo leave me alone” tumayo na siya at nag lakad na palayo, lumapit naman agad ung manager.

“ ah sir---”

“ wag niyo siyang pahirapan kung ayaw niyong ipasara ko ito” tumayo na ako at nag lapag ng bayad ko.

Lumabas na ako at sumakay sa kotse, aandar na sana ako ng makita ko uli si poeky na nasa labas at mukhang nag papahangin. Iistart ko na sana ung sasakyan ng makita kong nilapitan siya ng nong lalaki, naalala ko ito.

Ito ung katawagan niya ng babe, nag uusap sila at may dinukot ung lalaki na yosi. Sinindihan niya ito at inalok pa si poeky, tsk!!! Bad influence ang gago pero nagulat ako ng kinuha ni poeky kaya bumaba ako at mabilis na kinuha iyon tsaka tinapon.

“ masama iyon lalo na sa isang babae” hindi siya naka react agad sa pag dating ko.

“ bro sayang naman un” pinupiu nong lalaki at hinithit, tinignan ko si poeky na naiinis.

“ hindi ka nakakaintindi sa huling pinaa usapan natin?” may diin na ung salita niya.

“ pinipilit kasi ako poeky kaya expect mo na hindi mangyayari ang gusto mo, kung mangyari man iyon siguro pag nasa tamang landas ka na” tumalikod na ako at iniwan sila.

“ leave me- leave me alone ka diyan, tsk!” sabi ko habang inabante ung sasakyan.

Hindi ko siya pwedeng iwan sa ganitong sitwasyon, pag okay na siguro angg estado niya doon ko na siya hahayaan mag isa pero for now hindi ko siya tatatantanan hanggang maiayos ko ang bbuha niya. Alam kong ayaw ng lolo niya ng gagawin ko pero wala na sa picture ang lolo niya at dalawa na lang kami ang natitira kaya bago man ako mawala sa picture ay maitama ko at maibalik ko ang poeky noon.

Kahit man lang ito magawa ko sakanya, kapalit ng pananakit ko at pag tra-traydor sakanya noon. From the very start wala akong hinangad kundi ang maging masaya siya, naibigay ko iyon noon at kaya ko uli iyon gawin ngayon.

But this is tough dahil napaka hard to get niya pero sabi nga nila mag tiyaga ka lang at makukuha mo din ang lambot na gusto mo. Nakarating na ako sa bahay at diretso na sa kwarto dahil madami akong iniisip na gagawin sakanya.