CHAPTER 32: LIFE
POEKY
Sa ilang taon walang ginawa si lolo kundi pahirapan ang buhay ko, lahat pina block ako sa mga kompanya at dinamay niya na din pala si pilar na hindi man lang sinasabi ni pilar hanggang nalaman ko na delikado na ang lagay ng magulang niya.
Para makabawi ako sa lahat ng ginawa ni pilar, lahat ng pera ko ay ibinigay ko para lang mailigtas ang magulang niya at sa awa ng diyos ay nakaligtas sila. Hindi ako takot mag hirap ay nahahanapan naman ang pera iyon nga lang sa kaso ko may pumipigil kaya heto ang bagsak ko ang maging waiter sa isang bar.
Mas okay naman na ito kaysa gumawa ako ng masama diba, ung buhay ko noon ay kinalimutan ko na at niyakap ko na ang pagiging simple ang buhay hanggang nabalitaan ko ang pagkamatay ni lolo. Hindi ako pumunta kundi pumunta ako matapos nilang ilibing para walang makakita saakin.
Kahit sobra ang ginawa saakin ay kadugo ko parin siya at may respeto parin ako sakanya, siguro naman ay matatahimik na ang buhay ko at walang naka abang diyan sa daan para gawan ako ng masama.
“ kamusta may client na tayo??” umiling si pilar
“ wala pa, ang hanap kasi ung willing maikama at hindi inserted” sabi ni pilar.
“ ayoko naman iyon, dibale na makakahanap pa tayo ng iba diyan” sagot ko, maliban sa pagiging waitress ko ay nag apply naman ako sa part time ni pilar na pagiging sorrugate. Hindi ko alam na papasukin ko ito pero wala eh, kailangan kong gawin ito para makatulong sa pamilya ni pilar.
Kahit wala naman sila sa bingit ng kamatayan ay may kailangan parin silang Imaintain na gamot at syempre nangungupahan kami tapos ilaw at tubig pa, kahit share kami ni pilar ay kulang parin ung sweldo namin dahil nga sa mahal ng gamot ngayon.
“ nga pala nakita ako ni homer” napatigil si pilar sa pag papa dede sa bata.
“ nag usap kayo?” umiling ako.
“ umakto lang ako ng normal, kinalimutan ko na nga sila diba” umupo ako at kumuha ng mani na bagong luto.
“ ang tadhana walang kalimot kalimot sakanya poeky” inirapan ko siya.
“ ako ang gumagawa ng tadhana ko at wala siya sa listahan ko” sagot ko.
“ poeky katulad mo din siya na biktima---”
“ mas pinili niya kumampi sa masama kaysa saakin, kaya ko siyang tulungan non pilar pero anong ginawa niya? Pinili niya ung napaka daling paraan at manakit ng tao. Wala silang pinag kaiba ni lolo, kaya hindi na din ako magtataka kung bakit gustong gusto siya ni lolo dahil magka ugali sila” iritable kong sagot.
“ so paano na lang pag pinagtagpo kayo uli??”
“ ganun uli, act as normal dahil wala namang dapat pang gawin. Iba na buhay ko at iba na buhay niya, iba ang tinatahak ko at sa iba din siya” napapailing na lang si pilar sa sinabi ko.
“ nga pala nakita ko ang bf mo na may kasamang iba nanaman” umikot ang mata ko.
“ pabayaan mo siya, alam mo naman kung ano lang kami” sagot ko.
“ poeky ano ba nangyari sayo? Hindi ka nama ganyan noon ah” sumeryoso na ang mukha ni pilar.
“ binago ako ng pagsubok ng buhay pilar, hindi pang habang buhay nasa taas ka at iyon lang ang napatunayan ko sa buong buhay ko kaya heto ako ngayon ini enjoy ang buhay at hintayin na matigok” napa buga na lang siya ng hangin.
“ anlayo ng well mannered na poeky noon kaysa ngayon na parang laki sa kalsada” tumaas ang kilay ko.
“ sisihin mo si lolo kung bakit ako naging ganito, lumuhod na nga ako diba pero anong ginawa niya itinakwil ako na parang basura. Alam na nga niyang hirap na hirap ako pero patuloy parin siya sa pag dildil saakin sa lupa” totoo naman kasi ung sinasabi ko.
Gabi nanaman, syempre pag gabi oras na ng trabaho ko. Si pilar balik trabaho na uli iyon next week, andaming tao. Makakarami ako ng tip neto, ngumiti ako ng malawak pero may nahagip ang mata ko na pumasok na lalakll
“ tsk! Ano naman kaya ginagawa niya dito uli, tumalikod na ako at nag kunwaring busy para hindi ako ung tatawagin niyang waiter.
“ miss isang beer” nananadya din eh noh, andaming bakanteng mesa dito pa sa malapit saakin umupo.
“ poks beer daw sabi ni pogi” sabi ng janitress namin.
“ on the way na sir” agad kong sabi at umalis, pumasok ako at kumuha ng beer.
“ ang gwapo ng customer mo ah, bwena mano agad” pang aasar saakin.
“ hindi yan bwenas saakin, kung gusto mo ikaw mag dala nito” ini abot ko ung beer.
“ oy oy oy hindi ko pa shift noh” nakakainis! No choice ako kundi dalhin ito sakanya
“ heto na po sir, anything pa po?” tanong ko kay homer.
“ sit down” nanliit ang mata ko.
“ sir hindi kami table girl, kung gusto niyo ng may ka table mamili po kayo doon” tinuro ko ung kumpulan na babae.
“ sit down or irereport kita sa boss mo” tinignan niya ako.
“ pasensya na po kasi ang trabaho ko---”
“ excuse me, ccan you call your manager” sabi niya sa isang waiter, ako ung pilit na humihinahon tapos gaganituhin ako??
“ ah yes sir, im the manager of this bar ano pong problema??” tinignan ako ng manager na parang papatayin ako.
“ I want her” sabi ni homer, biglang may kumalabog at sa tagal na walang pakiramdam ay ngayon ko lang nalaman na may puso pa pala ako
“ ita-table po ba? Pero kasi—’
“ need ko pa bang kausapin ung may ari??” seryosong sabi ni homer.
“ ah hindi na sir, poks upo na. ako na bahala sa rerelyebo sayo” sabi ng manager namin, pinilit niya akong iupo at wala na akong magagawa kaysa masisante naman ako.
“ akala ko matatahimik na ang buhay ko dahil wala na si lolo pero mukhang ibinilin niya pa ako sayo para guluhin ako, ano pa bang gusto niyo saakin? Walang wala na ako oh” iritable kong sabi.