CHAPTER 31: BIRTHDAY

HOMER

“ bro happy birthday” bati ni carlos, kung naalala niyo siya ung carlos na hinire ni poeky noon pero hawak pala siya ni mr. leonardo.

“ salamat” nag cheers kami.

“ anong balak mo?? Ilang taon kana bro pero tag tuyot kana” kumunot ang noo ko.

“ tag tuyot na sinasabi mo”

“ kilala kana ng lahat ng bansa pero wala ka paring girlfriend?? Buti hindi ka natutuyuan” heto nanaman siya nang aasar.

“ ano ako babae para tuyuan??” sagot ko, natawa siya

“ pero hindi nga, anong balak mo???” tanong niya, umiling ako.

“ wala ako balak, sakit lang yan sa ulo. Siguro mag hahanap na lang ako ng babae na magdadala ng lahi ko tapos bayaran ko ung babae” kumunot ang noo niya

“ surrogate?? So ayaw mo ng mag makakasama araw araw?? Ayaw mo ng buo ang pamilya??” sabi niya.

“ okay na ako sa anak, ayoko talaga kasi ng babae” tinignan niya ako ng hindi maka paniwala.

“ ang sabihin mo takot ka sa babae” natawa siya.

“ pero sige hanapan kita, ung maganda ang lahi para sulit naman ung bayad mo diba” tumango na lang ako.

“ pero ayaw mo si nancy??” napa taas ang kilay ko.

“ ilang taon na iyon na nanliligaw sayo tapos wala ka pala balak sagutin, di sana diniretso mo na lang at hindi pa nanligaw” dugtong niya, eto talagang si carlos hindi mapigilan sa kakatanong.

“ sinabi ko naman sakanya iyon noon pa, siya ang nag pumilit at wala na ako magagawa doon tsaka anong magagawa ko kung wala ngang maramdaman ito” tapik ko sa puso ko.

“ ang sabihin mo may laman ng iba yan kaya ganyan” napailing na lang ako, I bri-bring up nanaman niya siya.

“ walang laman kundi mga ugat” sagot ko, uminom na lang siya na may halong pagtutukso ung ngiti niya.

Pero kamusta na kaya siya? Maski kay pilar ay wala na din ako ballita, nakaraos na kaya sila o nasa ibang bansa na?

“ biglang emo ang gago” lakas maka asar etong carlos na ito.

“ gago, doon ka nga” natatawang umalis siya, may party dito sa bahay at lahat ay kasamahan ko sa kompanya at mga business partners ko tsaka kaibigan na din.

“ homer” si nancy.

“ ikaw pala, bakit ka andito?? Ayaw mo bang mag enjoy?” tanong ko.

“ paano ako mag eenjoy kung andito ung mag bibigay ng saya saakin” sagot niya, ngumiti lang ako ng tipid sakanya.

“ homer may itatanong sana ako, alam kong hindi ko dapat ito gagawin pero mahal na mahal kita at gusto kong maging parte ng buhay mo kaya nilakasan ko na ang loob ko para gawin ito”’ kumunot ang noo ko, may kinuha siya sa bulsa niya at lumuhod. Shit!!!

“ will you marry me homer??” wala akong maisagot dahil gulat na gulat ako.

“ nancy tumayo ka nga diyan” umiling siya.

“ answer me” taena!!!

“ nancy ganito kana ba---“’

“ oo ganito na ako ka desperado!! Mahal kita homer kaya nga ako na ung nag propose eh! Just answer me homer” napailing ako.

“ wag mong gawin ito sa sarili mo nancy, dapat hintayin mo ung lalaki na magkusa at wag mong pilitin ang isang tao. Binababa mo lang ang sarili sa ginagawa mo, know your worth hindi ung ganito” itinayo ko siya.

“ hindi ako ung guy para sayo, sana tanggapin mo iyon at wag ipilit pa dahil ikaw lang masasaktan. Una pa lang binalaan na kita, kaya nga never ako nag gi-give back sayo dahil wala talaga eh. Please wag mo na sanang gagawin pa ito” nag lakad na ako palayo sakanya, nakita pala ng ibang kasamahan ko maski ang magulang ko.

“ sorry” iyon lang nasabi ko sakanila, lumabas ako at sumakay sa kotse.

Alam kong masakit iyon kay nancy pero mas lalong masasaktan siya kung pakakasalan ko na hindi ko naman mahal, ewan ko ba maganda naman si nancy at mabait. Kung tutuusin complete package eh pero wala eh, wala talaga.

“ isang beer” sabi ko sa waiter na saktong nag lakad sa gawi ko.

Naka tingin lang ako sa mga ng may mahagip ang mata ko na pamilyar, inaaninag ko kung siya ba talaga and siya nga pero bakit?? Bakit sa ganito siya bumagsak?? Imposibleng owner siya kasi kapareho niya ng uniform ung ibang waiter.

“ sir eto na po ung beer niyo” sabi ng waiter.

“ teka ung waiter na iyon kasamahan niyo??” tanong ko, tinignan niya at tumango siya.

“ yes sir” umalis na siya, bakit sa ganito siya bumagsak?? Naka pag tapos siya ng pag aaral, bakit sa ganito pa?? hindi safe ang ganito. Hindi ko naman nilalahat ung mga bar pero iba ung mga tingin nila sakanya, hinahawakan pa nga siya bewang at wala lang sakanya.

Nakatitig lang ako sakanya, madaming pwedeng trabaho sakanya at sayang naman galing niya kung sa ganito lang siya babagsak.

“ miss can I order any na pwedeng pulutan” tinignan niya ako at ni wala man lang akong nakitang gulat sa mukha niya.

“ hi babe” may lumapit na lalaki at nilalantakan siya ng halik, is this her??

“ babe nag tra-trabaho ako, upo kana at isusunod kitang kukuhanan ng order” sabi niya sa lalaki

“ okay babe” umalis na ung lalaki, tumingin siya saakin.

“ ano pong order niyo uli sir?” casual niyang sabi.

“ sisig na lang” sagot ko, tumago siya at umalis na. pumunta na siya sa kabilang mesa at inasikaso niya ung lalaki kanina na parang boyfriend niya, she’s really different now kumpara noon na napaka galang tignan.

Umalis ako sa bar pero nasa sasakyan parin ako, hindi ko alam kung bakit ko siya hinihintay pero sa nakita ko kanina parang ayaw ko siyang papasukin bukas na dito. Na tyempuhan ko siyang lumabas ng may sumalubong sakanya at mukhang si pilar na may dalang baby.

Sumakay na sila taxi, mukhang may kailangan akong dapat alamin. Sa tagal ng panahon na hindi kami nag kita, ganito ang makikita kong sitwasyon niya.