Chapter 30: HOSPITAL

HOMER

FLASHBACK

Nasa hospital ako ngayon, nagkaroon uli ng komplikasyon si papa at kadadala naman kahapon si mama dito sa ospital. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko lalo na ung kinausap ako ng doctor na kailangan nila parehong maoperahan.

Pero mas nanghina ako sa siabing presyon lalo pat dalawa sila, ngayon saan ako kukuha ng ganung kalaking pera. Unang pumasok sa utak ko ay si poeky, tatawagan ko na sana ng nag iba ang isip ko.

Madami na siyang iniisip at pag lumapit pa ako, itong nakaraan kasi naging maganda ang koneksyon namin. Sabi ko hindi ko na ilalapit ang sarili ko sakanya pero hindi ko mapiggilan, ewan ko ba.

Lagi niya akong tinutulungan at sobra sobra na kaya pag humingi pa ako ng tulong ngayon ay sumusobra naman na ako, umuwi na lang muna ako at iayos ang gamit ng magulang ko.

“ kamusta sila tito at tita??” si nancy, matagal kaming hindi na nag uusap simula nong huling pag uusap namin tungkol sa nakaw niya.

“ kailangan nila maoperahan” sagot ko.

“ may pera ka??” tinignan ko siya.

“ maghahanap pa lang” sagot ko, bumalik na ako sa pag aayos.

“ homer may alam ako kung saan ka pwede kumuha ng pera---”

“ nancy hindi ako tulad mo, kaya---”

“ hindi mo kayang mag labas ng ganung kalaking pera homer, kahit pag balikbaliktarin mo pa. May offer si mr. leonardo. kung gusto mong malaman, puntahan mo siya at kayang kaya ka niyang tulungan” tumalikod na siya.

END OF FLASHBACK

“ hindi talaga ako nagkamali sa pag pili sayo kahit ganun ang ginawa mo saakin pero ngayon abswelto kana at wala ng takas si poeky sa pag gi-give up sa kompanya. Verry good homer, verry good” sabi ni mr. leonardo.

“ here take it, wag kang mag alala nasa hospital ko ang mga magulang mo at sisiguraduhin nilang gagaling sila” tumango ako, nag paalam na din ako para pumunta sa hospital.

Nasa hallway ako ng hospital ng makita ko si pilar, nilapitan ko siya at masama ang tingin saakin. Mukhang alam niya na, wala akong choice eh kailangan ko itong gawin.

“ kamusta si poeky??”

“ sa ginawa mo may gana ka pang kamustahin siya?? Ganyan kana ba talaga homer ang laging sinasaktan si poeky?!!! Akala ko talaga iba ka eh pero parehas lang talaga kayo ng kaibigan mo, pera lang katapat” hinablot ko ang braso niya, hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya uminit ang ulo ko.

“ wala kang alam sa nangyayari at ginagawa ko ito dahil may rason ako, hindi mo maintindihan dahil wala ka sitwasyon ko” inis kong sabi.

“ talaga?? Well gusto kong sabihin sayo na nasa hospital din ang magulang ko and guest what kung sino ang may pakana? Ung boss mong walang puso!!! Pero pinili ko bang maging masama?? Hindi! Dahil alam kong darating din ung karma nang matanda na iyan!!!” inirapan niya ako at nag lakad palayo.

Ilang araw ang lumipas ay okay na ang magulang ko, magpapa recover na lang sila dahil successful naman ung operasyon sakanilang dalawa. Tinawagan nga pala ako mr. leonardo na pumunta sa kompanya kaya papunta na ako at medyo late na nga ako sa usapan namin.

Pumasok na ako sa kompanya ng madatnan kong kinakaladkad na si poeky palabas, naka kalas siya at nilapitan ang lolo niya.

“ tapos na poeky, isuko mo na at tanggapin ito dahil kahit anong gawin mo hindi mo na maibabangon ang kompanyang ito tsaka patong pato na ang utang mo. Para mawala na ang problema mo isuko mo na ito saakin at kunin itong pera” sabi ni mr. leonardo.

“ bakit ka ganito lolo, kadugo niya ako at mas pinipiling niyong mawala ako kaysa manatili sa tabi niyo” malungkot niyang sabi.

“ alam mo na ang sagot diyan poeky, wag mo ng pahirapan pa ang sitwasyon mo. Kunin mo na ito” lumapit si mr. leonardo kay poeky at ibinigay ung pera sakanya.

“ you may go” tumalikod na si mr. leonardo, naiwan na siya at nanatili siyang nakatayo ng ilang minuto hanggang nag lakad na siya at makita ako.

“ hindi na sana kita nakilala, nagsisisi ako kung bakit pa ako nagtiwala sayo. Your such a big user!” nag lakad na siya palabas at napa buga na lang ako ng hangin, im sorry poeky pero kailangan ko itong gawin. Ayokong mawala ang magulang ko dahil sila na lang ang meron ako na hindi kayang tumbasan ng pera, sorry.

Lumipas ng ilang buwan nabalitaan ko kay mr. leonardo na hindi maganda ang katayuan ngayon si poeky, ung pera kasi na binigay sakanya ay ibinigay kay pilar para gamitin niya sa pang bayad sa hospital bill.

Ako na muli ang humahawak sa kompanya, ipinag katiwala uli saakin ni mr. leonardo at sigurado siyang hindi ko na daw siya lolokohin dahil nga sa laki ng utang na loob ko sakanya.

Araw, buwan at taon ang lumipas hanggang yumao na si mr. leonardo, hindi ko alam na may iniinda na siya pala pero dahil sa dami ng sakit niya nagkaroon ng komplikasyon hanggang bumigay ang katawan niya.

Lahat ng ari-arian niya ay ipinangalan saakin, hindi na iyon nakaka pag taka dahil itinakwil naman niya na ang apo niya at wala na din ako balita kay poeky kung asan na siya, basta ang huli kong alam ay hindi maganda ang estado ng buhay niya noon.

Umasa akong makikita ko si poeky sa huling araw ng lolo niya pero wala ni isang anino, impossible naman na hindi niya malaman dahil ibinalita ito. Matapos ang paglilibing kay mr. leonardo ay dumiretso ako agad sa kompanya.

Gustuhin ko man mag pahinga pero hindi pwede dahil sa dami ng aasikasuhin ko, bumukas ang pintuan at si nancy lang pala.

“pahinga ka muna, baka ikaw naman ang magka sakit” sabi niya.

“ malakas ako at dami ng aasikasuhin ko kulang ang isang araw para matapos ko lang ang trabaho ko” sagot ko, may kumatok sa pintuan at pumasok si carlos.