KABANATA 21: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY

Inilapit nito ang mukha sa kanya saka siya kinuyumos ng halik. Kahit gabi-gabi siya nitong inaangkin ay parang hindi pa rin nawawala ang pananabik nila sa isa't-isa. Pinagsaluhan nila uli ang kasabikang iyon.

Hindi niya alam kung bakit parang totoong inaangkin siya nito kahit panaginip lang iyon. Gumagalaw na ito sa ibabaw niya at nararamdaman niya ang palalim na palalim na pagpasok nito. Dumagan ito sa kanya at hinalikan siya sa labi. Yumakap siya agad dito at ibinaon ang mga kuko sa likod nito.

Nagtaka siya dahil parang nararamdaman niya ang magaspang na balat sa likod nito.

"Ahhhhrggghhhhh!"

Napadilat siya sa nakakapangilabot na tunog na parang nanggaling kay Leandro habang dumidiin pa rin ito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya dahil ang nakikita niyang nakadagan sa kanya ay hindi si Leandro!

Isa iyong halimaw!

May mahahabang sungay ito at mabalahibo ang buong katawan. Nakapikit ang halimaw habang inaangkin siya. Hindi siya makagalaw sa takot nang bigla itong dumilat at nakita niya ang mapupulang mga mata nito. Bigla siyang napasigaw at pilit na itinutulak ito pero dama niya ang likidong ibinuhos nito sa loob niya tanda na nakaraos na ang halimaw na umaangkin sa kanya.

"Ahhhhhh!" sigaw nya.

"Lilia! Lilia!"

Nararamdaman niya ang pagyugyog sa mga balikat niya. Panay pa rin ang sigaw niya at pilit niyang inaalis ang kamay na nakahawak sa kanya.

"Lilia!"

Isang malakas na sampal ang nagpagising sa kanya. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang nag-aalalang mukha ng ina habang ang ama naman niya ay nasa tabi nito. Mabilis na yumakap siya sa ina at napahagulgol.

"Binangungot ka uli."

Hindi siya umimik at umiyak lang nang umiyak. Agad na lumabas ng kwarto ang ama niya dahil halos hubad ang katawan ng anak nang takbuhin nila ito sa silid nang makarinig ng sigaw nito. Nang mahimasmasan ay saka siya tinanong ng ina. Nakita niyang madilim pa rin ang paligid.

"Ano ang napanaginipan mo?" tanong nito.

"N-nakalimutan ko na po," pagsisinungaling niya.

Kung pwede lang ay ayaw na niya talagang maalala iyon.

"Bakit ganyan ang suot mo?" nagtatakang tanong ng ina niya na inayos pa ang damit niya at tinakpan siya ng kumot dahil halos kita na ang katawan niya.

"M-maalinsangan kasi ang gabi kaya't ito ang suot ko. B-bigay kasi ito ni Gloria," pagsisinungaling niya uli at ang tinutukoy ay ang kaibigan sa bayan na kaklase niya dati.

"Ganu'n ba? Oh, sige, matulog ka na uli. Alas dos pa lang ng madaling araw," sabi nito.

Akmang tatayo na sana ito nang hawakan niya ang kamay ng ina.

"Samahan ninyo akong matulog, Nay," pakiusap niya.

Tahimik na bumalik sa pagkakaupo sa kama niya ang ina at tinabihan nga siya sa pagtulog. Hindi niya inaalis ang pagkakayakap dito. Maya-maya pa ay mahimbing na ang tulog ng ina. Natatakot siyang pumikit uli. Ayaw niyang makita si Leandro. Ayaw niyang makita ang halimaw.

Kahit anong pilit niya na manatiling gising ay kusang pumikit na uli ang mga mata niya. Nakita niya ang sarili sa tagpuan nila ni Leandro. Takot na takot siya nang mapagtantong nasa loob na naman siya ng panaginip niya. Sinampal niya nang malakas ang sarili upang magising pero nananatiling nandu'n pa rin siya.

"Lilia," narinig niya ang mahinang pagtawag ng lalaki.

Napaatras siya sa takot. Nang lumingon siya ay nakita na niya uli si Leandro. Hindi na ito mukhang halimaw.

"H-huwag kang lumapit!" sigaw niya rito.

Malalim itong huminga habang nkatingin sa kanya.

"Magpapaliwanag ako," nagsusumamo ang boses nito.

"Isa kang halimaw!" sigaw niya pa rin dahil sa matinding takot.

Napapaatras siya sa tuwing lumalapit ito.

"Alam kong hindi mo ako magugustuhan sa totoo kong anyo. Matagal na kitang sinusubaybayan at ang tanging alam ko lang para malapitan ka ay ibahin ang mukha ko. Kaya ko namang panatilihing ganito ang mukha ko kung gusto mo. Lumalabas lang talaga ang anyo ko kapag nakakaramdam ako ng matinding emosyon gaya nang nararamdaman ko sa tuwing nagtatalik tayo," mahabang paliwanag nito.

"Ayoko! Isa ka pa ring halimaw. Hindi kita matatanggap. Ibalik mo na ako sa amin. Ayoko sa iyo!" naiiyak na siya sa takot.

"Lilia..." pilit pa rin itong lumalapit sa kanya.

"Ayoko sa iyo! Tigilan mo na ako!"

Natigilan ito sa paglapit sa kanya. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit na nananatiling nakatingin sa kanya. Maya-maya ay biglang nag-iba ang anyo nito sa harap niya. Unti-unting tumubo ang mahahabang sungay nito at nagiging pula ang mga mata. Napuno na naman ng balahibo ang buo nitong katawan at lumabas ang buntot. Nakita niya pa ang dalawang pangil nito.

"Ahhhh!" malakas na tili niya saka hinimatay.

Nagising siya uli na ang nabungaran ay ang mga mukha ng nag-aalalang mga magulang. Nakita niyang mag-uumaga na.

"Lilia," masayang tawag ng ina niya nang makitang gising na siya.

Yumakap uli siya rito na nanginginig sa takot.

"Dinadalaw ako ng halimaw sa panaginip, Inay, Itay," sabi niya na kumalas na sa pagkakayap ng ina at tumingin sa mga magulang.

Nagkatinginan ang dalawang matatanda.

"Kailangan na siguro natin siyang dalhin kay Ka Temyong," sabi ng ina niya sa ama niya.

Tumango ang ama niya. Ang alam niya ay isang albularyo si Ka Temyong na nakatira sa pinakadulo ng lugar nila.

"Sasamahan ka namin, anak. Pupuntahan natin si Ka Temyong ngayon din," sabi ng itay niya.

Pagkaligo at pagkatapos kumain ay sabay nga nilang tinahak ang bahay ni Ka Temyong. Tatlong oras ang byahe nu'n galing sa bayan. Naglakad pa sila ng trenta minutos bago marating ang bahay nito.

Pinapasok agad sila ng matandang albularyo nang makarating sila sa bahay nito. Sinabi agad ng mga magulang niya ang nangyari sa kanya. Ang alam lang ng mga ito ay dinadalaw siya ng halimaw. Hindi niya sinabing nagpaangkin siya sa halimaw na iyon.

Tinitigan siya ng matanda bago sinabihang lumabas muna ang magulang niya.

"Kailan mo unang nakita ang halimaw sa panaginip?" tanong nito habang nagpapatulo ng kandila sa isang palanggana ng tubig.

"Isang buwan na po," maikling sagot niya.

"Halimaw ba siya agad nang makita mo?"

Umiling siya.

"Nagpakita po siya bilang isang makisig na lalaki kaya't hindi po ako natakot sa kanya. Gabi-gabi po siyang nagpapakita sa akin hanggang sa magkaigihan kami," kwento niya.