KABANATA 20: (HULING KWENTO NG LAGIM) ANG BANGUNGOT NA DREAMBOY
Bitbit ang gasera na humarap siya sa malaking salamin at tiningnan ang sarili. Wala sa loob na hinawakan niya ang sarili mula leeg hanggang sa nagyayabang niyang mga dibdib.
Malalaki ang mga dibdib nya at masyadong pansinin. Lagi nyang nahuhuli ang mga tingin ni Mang Igme sa mga dibdib niya kapag bumibili sila rito.
Dinama ng mga daliri nya ang isang niyang dibdib. Napapikit siya sa sensasyong dulot ng paghawak niya rito. Agad na dumilat siya at pumunta na sa kama niya. Humiga na siya roon para matulog. Hinipan niya ang gasera bago pumuwesto nang maayos sa kama para matulog at makapiling uli si Leandro.
Nakita niya ang sarili na nakatayo sa isang malaking kahoy sa tabi ng isang malaking sapa. Hindi iyon ang tagpuan nila ni Leandro. Bago ang lugar sa kanyang paningin. Luminga-linga siya para hanapin ito pero wala pa rin ang lalaki.
Nang tumingin siya sa sapa ay parang tinatawag siya ng tubig. Dahan-dahang inihakbang niya ang mga paa papunta sa sapa. Malamig ang tubig nang lumusong siya. Agad na napayakap siya sa sarili dahil walang manggas ang kamisetang suot niya.
Tumigil lang siya nang hanggang beywang na niya ang tubig. Maya-maya ay biglang may yumakap sa beywang niya galing sa likod. Napatili siya sa gulat. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang nakatawang mukha ni Leandro.
Hinampas niya ito nang marahan sa dibdib nang mapaharap dito. Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakayakap sa beywang niya.
"Ginulat mo ako!" naiinis pero nakangiting sabi niya rito.
Nawala ang ngiti ni Leandro at tumitig sa kanya.
"Ang ganda mo talaga, Lilia," paanas na sabi nito sa kanya.
Biglang uminit ang pakiramdam niya sa klase ng tingin nito.
"L-leandro," tanging nasabi niya.
Nakita niyang wala itong damit pang-itaas kaya't kitang-kita niya ang ganda ng katawan nito. Mabilis na lumapat ang mga labi nito sa bibig niya. Yumapos na siya sa leeg nito nang lumalim na ang halikan nila.
"Ohhh..." mas lumalakas ang ungol niya sa ginawa nito.
Napuno na ng ungol niya ang paligid. Bumaba ang isang kamay nito sa laylayan ng kamiseta niya para pumasok sa loob ng damit niya.
"L-leandrooo..."
Bigla ay pinunit nito ang damit niya. Nagulat pa siya sa tunog nu'n. Masyado itong malakas dahil napunit nito agad iyon sa isang galaw lang nito. Mas lalong uminit ang pakiramdam niya nang wala nang nakatabing na tela sa mga dibdib niya.
Dama niya kaagad ang dalawang kamay ni Leandro. Napaigtad siya nang maramdaman ang hapdi nang may parang tumusok sa balat niya. Para bang hinihimas siya ng taong may mahahabang kuko. Agad na napatingin siya sa mukha ni Leandro na tumingin din sa kanya. Tiningnan niya ang mga kamay nitong nakahawak sa katawan niya. Hindi naman mahahaba ang mga kuko nito.
"Lilia," paanas na sambit nito sa pangalan niya.
Bumalik uli ang init sa katawan niya lalo na nang halikan siya uli nito. Napapasabunot na siya sa buhok nito. Kusang naghiwalay ang dalawang binti nya habang nakatayo pa rin sila sa gitna ng sapa.
Maya-maya ay nararamdaman na niya ang pagpasok nito sa kanya. Unti na itong bumabaon sa loob.
Kasabay ng likidong ibinuhos nito sa loob niya ay ang nakakapangilabot na tunog na parang sigaw na hindi niya mawari kung saan nanggaling. Parang galing kay Leandro pero hindi niya makumpirma dahil mahigpit ang yakap nito sa kanya pagkatapos.
Tumindig ang balahibo niya sa tunog na iyon na parang galing sa isang halimaw pero nawala ang takot niya nang halikan siya ni Leandro sa labi. Napapikit siya sa pagod.
Nagising siya kinabukasan sa tilaok ng manok. Dahan-dahan siyang bumangon dahil masakit ang buong katawan niya lalo na sa ibabang bahagi ng katawan niya. Tiningnan niya ang bahaging iyon. Laking gulat niya nang may makitang dugo sa gitna ng mga hita niya.
Tuluyan na siyang napabangon. Lalo pa siyang nagulat nang makitang punit-punit ang damit na suot at wala din siyang suot na panloob. Saka niya naalala ang panaginip kagabi. Inangkin siya ni Leandro sa panaginip. Pero panaginip lang iyon.
Paanong...
Mabilis na nagpalit siya ng damit para lumabas nang maramdamang gising na rin ang mga magulang. Lumabas na rin siya para makaligo at makapagluto ng agahan nila. Maraming tanong sa utak niya pero wala siyang mahagilap na sagot.
Gabi-gabi pa rin siyang dinadalaw sa panaginip ni Leandro. Minsan nga ay pinipilit niya ring matulog sa tanghali kapag nami-miss niya itong masyado. Sa tuwing dinadalaw siya nito sa panaginip ay inaangkin siya nito.
Kusang-loob naman niyang pinapaubaya ang sarili dito. Hindi niya alam kung sa totoong buhay ay hindi na rin siya birhen. Hindi niya naman nakuhang itanong iyon kay Leandro. Nagigising naman siya lagi na parang may kakaibang pakiramdam ang maselang bahagi ng katawan niya.
Espesyal ang gabing iyon dahil mag-iisang buwan na mula nang makita niya si Leandro sa panaginip. Galing siya sa bayan kanina at bumili ng maisusuot para sa gabing iyon. Sinigurado niya munang natutulog na ang mga magulang bago pumasok ng silid at nagpalit ng damit. Isa iyong pulang damit na manipis. Sinipat niya uli ang hitsura sa salamin gamit ang gasera. Masyadong mapang-akit ang hitsura niya.
Napakaikli ng damit na suot niya kaya't kitang-kita ang mahahabang binti niya. Isang pulang panloob din ang suot niya nang gabing iyon. Agad na pumunta na siya ng kama at nilagay sa mesa ang gasera. Nakangiting hinipan niya iyon at tuluyang nahiga nang nakangiti.
Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang sarili na nakahiga sa isang napakalaking kama. Maingat na bumangon siya at inilbot ang paningin sa kwartong kinaroroonan. Makikita ang karangyaan ng may-ari sa kwartong iyon. Halos lahat ng nakikita niya ay ginto. Kahit ang kamang hinihigaan niya ay gawa sa ginto habang ang foam ay kulay ginto rin.
Sa tingin niya ay kwarto iyon ni Leandro. Hindi pa siya kailanman dinala sa bahay nito. Nagulat na lang siya nang may humawak sa balikat niya.
"Lilia," bulong ng isang pamilyar na boses.
Napalingon siya at nakita nga niya si Leandro na nakaupo na sa kama. Saan ito galing? Hindi niya naman ito nakita kanina. Imbes na tanungin ito ay humarap na siya nang tuluyan sa lalaki.
"Napakaganda mo talaga, mahal ko," sabi nito na tiningnan ang kabuuan niya nang may pagnanasa sa mga mata.
Ngumiti siya rito. Naramdaman niyang hinawakan nito ang mukha niya ng dalawang kamay nito. Dahan-dahang pinasadahan nito ng mga daliri ang leeg niya papuntang balikat niya. Napapikit siya sa mainit na mga haplos nito. Napaawang ang bibig niya dahil sa kiliting dulot nu'n.