Chapter 9— Unexpected hug from him
"Hanggang ngayon, trending padin ang scandal video na ayon umano ay si Kyle Elijah o mas kilala bilang Kyle ang nasa nasabing video. Pahayag naman ni Doc. Xander Clint Castromayor, isang sikat na neurologists na naniniwala siyang hindi iyon si Kyle. Sobra naman ang pagtataka ng mga netizens lalong lalo na ang mga fans ni Kyle, kung bakit alam na alam at siguradong sigurado ni Doc. Clint na hindi ito si Kyle. At hanggang ngayon, 'di padin nahuhuli ang gumawa nito. Samantalang si Michael Clark Hy, isang batikang actor at na involved din sa nasabing scandal video, ay parang walang ginagawa dahil natahimik ito.'Yan muna ang ulat ngayon, mula dito sa FMC news. Ako si Faith Karumayan, nag-uulat!" paghahayag ng broadcaster.
Pagkapanuod ko pa lamang sa live broadcast na 'to, alam kong matagal tagal pa itong huhupa. Pero, ginagawa na namin ang lahat ng aming makakaya upang mahuli ang gumawa nito. Sa ngayon, nag hire ako ng private investigator at diko alam kong nag hire din ba si Clint. Basta ako, gagawin ko ang lahat mawala lang ang video na 'to.
Isang linggo na din pala ang lumipas, mula ng kumalat ang scandal video ko kuno. Si Lajia, ang manager ko, ang naging harang ko sa lahat ng gustong kumuha ng statement galing sa'kin. Siya ang gumagawa ng paraan para walang makalapit sa'kin. I mean, meron naman, pero 'yong mga pili lamang, 'yong mapagkakatiwalaan talaga.
Dahil naaawa na din ako sa mga taong tumatakip sa'kin, sa mga taong patuloy na sumusuporta na umaasa na 'di talaga 'yon totoo.
Siguro, time na din 'to para patunayan ko na malinis talaga ang pangalan ko.
Time na para ako naman ang gumawa ng tama sa sarili ko.
Time na para ako naman ang humarap sa suliranin na ito.
At time na, para masolusyonan na din ito, dahil 8 days na 'to, but still.
Dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama, at dali-daling pumunta sa banyo para maligo. As I stared myself in the mirror, dry lips, big eyebags, walang ayos, parang lusyang, walang kolorite sa mukha. As in walang wala. Ang panget kona.
Pagkatapos, nag-ayos muna sa sarili kasi baka akalain nila totoo 'yong issue dahil ang manang ko na.
Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng unit ko, ay sandamakmak na reporters at camera's flashed ang bumungad sa'kin. Pilit kong pinapakita na presentable ako, hays buti nalang naka make up ako ngayon, kundi nakuuu baka bangkay ang porma ko sa camera.
"Ms. Kyle, totoo ba ang sinabi ni Doc. Castromayor na hindi daw ikaw 'yon?"
"Ms. Elijah, sandali lang. Ahmmm.... anong meron sa inyo ni Doc. Castromayor?"
"Kyle, anong masasabi mo sa video scandal mo na kumakalat ngayon?"
At ang tanong na 'yon ang pumantig sa tenga ko. Kaya nilingon ko ang lalaking interviewer at sinagot ng....
"Well, masasabi ko lang na magtago kana, dahil sa oras na malaman ko kung sinong gumawa non, delikado ka sa'kin." Sagot ko nang nakangisi sa camera. "Galingan mo lang ang pagtago, dahil baka magising kana lang kinabukasan, nakatali kana." Dagdag ko pa.
Narinig ko naman ang bulong bulungan Ng mga ito dahil sa sinabi ko. Siyempre, first time kong maging ganito sa harap ng camera.
Well, ganito naman ang kailangan pag umaacting pero iba 'to e. Tungkol sa'kin ang usapan men, pero disadvantage nga lang kasi 'di totoo.
"Ms. Kyle, last question. Totoo po ba ang kumakalat na scandal nyo ngayon ni Mr. Hy?"
"Hindi. Siyempre 'di kayo maniniwala 'pag sinabi ko pero kayo na ang bahala. Masasabi kong hindi totoo kasi hindi naman talaga totoo, dahil wala naman talagang nangyari. At isa pa, diko pa nga na meet 'yang si Mr. Hy e. I used to idolize him before, but now that I was linked by him at ang worst sa isang scandal video pa. But now, that this happened, I will never stand him na. As in never." I defended. "Well, I may sound toxic to you, but that's the truth. I'm just stating the fact that, there's nothing happened between us because I've never had a chance to meet him before." Whoah! Parang nagpasikot-sikot lang ang sinabi ko a. Pero bahala na.
May nag hands up ulit ng kamay, at magtatanong na sana siya, kaso naudlot dahil may dumating.... at si Clint 'yon.
Kaya nabaling ang attention sa kaniya ng lahat. Pero ikinagulat ko nalang na, dali-dali itong tumakbo papunta sa'kin at hinigit ako papasok ulit sa unit ko.
"Anong ginawa mo?" nakakunot noong tanong niya. "Alam mo ba 'yang ginagawa mo, ha? Sinabi ko naman sa'yong 'wag kana munang lumabas!" Medyo napataas na ang boses nito.
"Yon na nga e. Lilinisin ko na ang pangalan ko e. Kasi gusto ko ng matapos na ang isyung to, na kahit minsan hindi magkakatotoo!" sagot ko ng nakakatitig sa kaniya. Kaya napakamot nalang sya ng kilay't umupo sa couch at ginulo ang buhok na animo'y naguguluhan na sya.
"Gusto ko na ng normal na buhay, Clint!" dagdag ko, nanlalabo na ang mata ko hudyat na naiiyak na naman ako. "Ayaw ko nito! Ayaw ko na nito!" napaupo nalang ako sa sahig dahil nadala na ako sa emosyon ko. Umiiyak na ako. "Ayaw ko nito!" paulit ulit kong sambit habang umiiyak.
"Fuck!" he cussed.
Iyak lang ako ng iyak. Nakita ko pa na tumayo siya at naglakad papunta sa'kin.
Namalayan ko nalang na nakayakap na ako sa kaniya habang umiiyak.
"Shhh, tahan na Kyle. Gusto mo mag film tayo? Diba gusto mong malinis ang pangalan mo? Videohan kita, doon mo gawin ang statement mo. Para sa ganong paraan man lang makatulong ako sa'yo. Wala kasing silbi yong detective na hinire ko."
F-film?
S-statement?
O-okay?
Sa sinabi niyang 'yon, gusto ko nang gawin, para matapos na 'to.
Kaya nilingon ko siya at tinitigan, only to found out that his staring at me too.
"Ngayon naba?" puno ng pag-asang tanong ko sa kaniya.
"Ngayon ba ang gusto mo?" mahinahong saad nito.
Kaya dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili ko. "Oo. Para matapos na 'to. Gusto ko ng bumalik sa normal ang buhay ko." parang naiiyak na naman na sagot ko.
Tinitigan niya muna ako, animo'y binabasa ako kung seryoso ba ako. And so am I, tinitigan ko din sya pabalik at pilit na pinagmumukhang seryoso ako, sa sinabi ko.
He just sighed in defeat and nodded kaya dali-dali akong nag-ayos ng sarili.
This is it!
Malilinis ko na ang pangalan ko.