Chapter 10— Fever

"Okay, Kyle. Sabihin mo lang lahat ng gusto mong sabihin, okay? Ready?" Tanong niya sa'kin.

"Yes. But I'm a little bit nervous, Clint. Okay, I'll do my very best." Pilit na ngiting sambit ko sa kaniya.

"Okay! You can do this, Kyle! I can do it!" Pikit matang pag chicheer ko sa sarili ko. With hand gesture pa na inhale at exhale.

"Ready. Into three, okay?" I nodded. "Okay. 1, 2, 3. Start!"

"Soooo, hi everyone! Alam kong kilala nyo na ako pero magpapakilala padin ako. So, I'm Kyle Elijah Haisquin, an actress and at the same time singer. A lot of you are asking kung bakit ako na involved in this kind of issue. So, unang-una, diko po talaga alam kung bakit 'to na issue. Siyempre na shock ako kung bakit ako na involved sa ganito. Kasi, never pa akong na involve sa ganitong klaseng issue e. I mean, may issue naman pero maliliit lang naman 'yon." mahabang lintaya ko habang nakaharap sa camera. "Ang masasabi ko lang sa mga fans at supporters ko na, wag na wag kayong maniniwala sa video na 'yan. Kasi, hindi ko pa naman nakikita sa personal si Mr. Michael. I mean, yes, I idolize him before. That was before. And after what happend or the issue, stinop ko na, not totally na stop na stop talaga." dagdag ko.

"'Wag kayong mag alala, gumagawa naman na ako ng paraan para maayos na 'to. And sa gumawa nito, kung sino ka man, sana tinubuan ko nang konsensya sa katawan mo. Pero imposible e, nagawa mo ngang manira ng tao hahaha." Pekeng tawa ko. "Pero sana, sana, sana, burahin mo nalang yong video na hindi naman totoo. Wala nga akong boyfriend e tapos may ganyan na akong issue. Grabe, malala na nga talaga mga tao ngayon." naiiyak na naman na lintaya ko sa harap ng camera.

Hanggang sa tuluyan na talaga akong naiyak, dahil di 'ko naimagine na magkakaganito pala ako.

Call me names, pero sensitive talaga ako pag ganito na ang topic. Lalo na't ako yong laman ng usapan.

Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawang masama sa kaniya para gawan niya ako ng ganito. Isa pa, birhen pa ako. Dahil wala pa akong naging boyfriend mula ng makipag break ako sa una ko.

Sa mga nagdaang araw, walang ibang lumalabas sa bibig ng mga tao o ng media na hindi ang tungkol sa issue na 'to.

Sininyasan ko si Clint na i-stop na ang video, at sinunod naman niya agad dahil nasa likod lang siya ng camera.

May puting panyong nakalahad sa akin, na sa wari ko'y kay Clint, dahil kami lang dalawa ang nandito, walang pasubalit ko itong tinanggap.

Walang hiya na ba ako pag sinabi kong sumingha ako panyo? E kasi naman, tumutulo na pala ang sipon ko habang umiiyak. Diko naman namalayan kasi nag eemote ako e. Bakit ba?

Sa ngayon, wala akong ibang gagawin kundi linisin ang pangalan ko.

Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"Take a rest, Kyle."

"You think so?"

"Yeah. Look at yourself. You look like a miserable cat." Panlalait niya, while gesturing my face, pero diko kayang sitahin kasi para naman talaga akong kuting sa mukha kong 'to.

Kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin pero tumawa lang ito.

Yeah, he smiled.

Napatitig ako sa kaniya dahil sa pagtawa niya.

Alam mo 'yong feeling na tumigil ang mundo mo dahil sa pagtawa niya.

Diko alam pero this pass few days, iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Alam mo 'yong, masaya ka pag kasama mo sya despite sa naging issue ko. Kapag na notice nya na malungkot na naman ako, pinapangiti niya ako. Nakaka stress ang issue ko pero nandyan siya para pasayahin ako.

Parang gusto ko sya na ano. Ewan! Diko na talaga maintindihan ang sarili ko sa tuwing kasama ko siya. Diko alam ang tamang word na idedescribe sa nararamdaman ko sa kaniya.

Hindi parang e, kasi gusto ko na talaga siya. Na realize ko 'yan kasi sa tuwing wala sya sa tabi ko malungkot ako. Masaya ako kapag kasama ko siya.

"Hey!" he waved his hand in front of my face.

Kaya napabalik ako sa ulirat at dinivert ko nalang ang mata sa ceiling.

Nanatili akong tahimik.

Nagsalita ulit sya pero diko padin nilingon.

"Ganyan kaba kapagod, na maski ako dimo na naiintindihan? Okay, I understand you Kyle. But please, rest for a while. I'll just edit your statement video then I'll post it later. Don't worry, I'm on leave."

"Okay. Wake me up if you're going to post it, okay?" he nodded.

Tumungo na ako sa room ko at binagsak ang sarili sa kama ng walang sali-salita.

Napatitig na naman ako sa ceiling at sa hindi malamang kadahilanan, naisip ko na naman yong sinabi niya nong nasa condo niya kami.

"I'll donate it."

San kaya niya 'yon Ido-donate?

'Di naman siguro sa mga drug addict, diba?

Argh! Cut the trap! I should rest now. I'm too drained.

Sa kakatitig ko sa ceiling ng kwarto ko ay diko na namalayan na nakatulog na pala ako.

---------

Pagkagising ko ay di muna ako bumangon kasi ambigat ng pakiramdam ko.

Ansakit ng ulo ko.

Ang bigat ng katawan ko.

Parang nilalagnat ata ako.

Kinapa ko ang leeg at noo ko, at boom.... ang init ko nga!

Ang bigat-bigat talaga ng ulo ko huhu.

Teka... di ako ginising ni Clint a? 'Wag niyang sabihing pinost na niya ng diko man lang alam?

Pero di ko na ininda 'yon dahil ang bigat talaga Ng pakiramdam ko. As in... parang bibiyak na ang ulo ko. Mamaya ko nalang kakausapin si Clint tungkol don.

Nagtalukbong na lang ako ng kumot at pinikit ang mata.

Pero 'di na ako nakatulog muli kaya wala na akong nagawa kundi bumangon at pumunta ng banyo para maligo. Para naman malamigan man lang ang katawan ko.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto at tumungo sa couch.

Nilibot ko ang tingin sa buong unit, diko naaninag si Clint.

Siguro may nilabas lang saglit, babalik naman siguro 'yon.

Dipa naman ako nagugutom kaya nag cellphone na muna ako pero ang sakit ng mata ko kapag nag ce-cellphone ako kaya nilagay ko nalang ito sa mini table na nasa harap ko.

Wala naman akong magagawa kundi matulog kaya tumayo ako lumipat nalang ako sa sofa kasi baka mahulog ako pag sa sofa ako matutulog.

Pinikit ko na ang mata ko at hinayaan ang dilim na kainin ako.