Chapter 27:
Pagkarating sa bahay ay agad siyang humiga sa sofa kaya ako naman ay tinanggal ang sapatos niya at minasahe ang paa niya.
"What are you doing?" Tanong niya ng naka-kunot noo sa’kin,
"Minamasahe ka. Talikod i-massage din natin ang likod mo."
Hindi naman na siya nagtanong pa at sinunod nalang ako. Siguro dahil pagod na pagod na talaga siya ngayong araw. Pangatlong araw na kasi nilang nagpa-practice at water break lang ang pahinga nila. Minasahe ko siya hanggang sa makatulog siya. Pinunasan ko din siya ng maligamgam na tubig para maginhawaan ang kanyang katawan. Pagkatapos ay umupo ako sa sahig at tinitigan siya.
"Asawa nga kita. Kasama araw-araw pero bakit ang hirap mo pa rin abutin?" Tanong ko kay Yuri habang natutulog at tinitigan ang buong mukha niya.
"Bakit ang layo-layo mo pa din kahit abot-tanaw na kita. Oo, alam ko na minsan sweet ka sa'kin and I feel so special dahil doon. Alam ko may puwang na ako sa puso mo kahit konti pero hindi sapat iyon," pagpapatuloy ko pa.
‘Magbestfriend lang ba talaga kayo ni Nicole?’
Iyan ang matagal ko ng gustong tanungin sa kanya pero natatakot ako sa sagot na makukuha ko mula sa kanya. Naalala ko naman ang mga sinabi sa'kin ni Glyren kanina.
"Mas mukha pa silang mag-asawa kaysa sa inyo. Nagtataka na tuloy ako kung magbestfriend nga lang ba talaga sila."
"Bakit hindi ka kumilos? Like, duh! Bobohan mo pa, Kie. Maagaw na ng babaeng iyan ang asawa mo."
Hindi lang pala kami ni Samantha ang nakakapansin pati na din pala si Glyren. Napailing nalang ako sa naiisip ko.
I trust you, Yuri. Sana sabihin mo nalang na ayaw mo sa'kin at huwag mo kong pakitaan ng kabaitan kung sa bandang huli ay sasaktan mo rin ako. Hinawakan ko ang pisnge niya kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mata.
“I'm falling deeply in love with you, Yuri. I don't know how to escape from this."
---
Nagising ako dahil sa sikat ng araw at naramdam ko na nasa kama na ako. Maybe binuhat ako ni Yuri at dinala dito sa kwartoko. Bumaba ako at napansin kong wala na si Yuri. Umalis na ata siya para magpraktis. Lumabas ako sa terrace saka nag-inat. Napakunot ang noo ko ng makita si Nicole sa baba ng bahay namin. Napatingin naman ako sa orasan. It's 7:30 am.
What the hell is she doing here? Anong ginagawa niya dito sa bahay namin ng ganto kaaga?
Try niya kaya magbitbit ng damit next time para dito na siya tumira. Ang aga-aga nakaka-imbyerna. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ko si Yuri papunta sa kanya niya kaya dali-dali akong bumaba.
Nagkapatid-patid pa nga ako makababa lang ng mabilis. Nakita ko silang nagtatawanan at hinahampas pa ni Nicole ang braso niya.
"Oh, hi! Nicole. Masyado ka atang maaga." Sambit ko kaya nakuha ko ang atensyon nila.
"Gising ka na pala, Kie." Nakangiting sambit ni Yuri sa’kin.
"Obvious naman," Sambit ko at tinalikuran sila.
"Papasukin mo na iyang bwisita na lagi nalang nandito," mahinang sambit ko.
"Ano iyon?" Tanong nila.
"Ang sabi ko pumasok na kayo," sambit ko at nilingon pa sila.
Tumango naman sila at sumunod na sa’kin pumasok sa bahay. Naiinis ako dahil talagang si Nicole ang sinabayan niya maglakad imbes na ako.
"May dala kong pang-agahan niyo." Sambit ni Nicole at nilagay sa mesa ang paper bag na hawak niya.
"Nakita ko nga. Nag-abala ka pa. Nakakahiya naman sa’yo." Sarkastikong sambit ko.
"Kie, ano ba iyan? Nagdala na nga siya ng pagkain para sa’tin ganyan ka pa?" Sambit ni Yuri.
"What?" Walang ganang sambit ko, “Bakit sinabi ko bang magdala siya?” Inis kong bulong.
"Tss. Let's eat." sambit ni Yuri at isinawalang bahala ang sinabi ko.
"Akala ko ba may practice kayo ngayon?" Tanong ko kay Yuri at pasimple siyang tinignan.
"Na-cancel," tipid niyang sagot sa’kin nang hindi ako tinitignan.
Nagsimula kaming kumain at ako ay tahimik lang. Hindi kasi ako makarelate sa mga pinag-uusapan nila. Gusto kong isuka itong kinakain ko sa mukha nitong babaeng ito. Nang-gigigil talaga ko.
"Why are you staring at me like that?" Tanong ni Nicole sa’kin.
"Nothing." Sambit ko at pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
"Galit ka ba dahil nandito ko?" Tanong niya sa malungkot na tono. Uminom muna ako ng coffe bago ko sumagot.
"Bakit naman? Ikaw pa nga nagdala ng breakfast namin kaya bakit ako magagalit?" sambit ko ng walang emosyon at ngumiti ng peke sa kanya. Pwe!
"Ahh… Akala ko galit ka, eh." Sambit niya at uminom sa basong hawak niya. Mabilaukan ka sana.
"Pagsinabi kong hindi ako galit. Hindi ako galit." Sambit ko at dinala na sa lababo ang pinagkainan ko.
-
Siya ang nagligpit ng pinagkainan nila dahil sabi niya ay nakakahiya naman daw kung ako pa ang magliligpit dahil maaga daw siyang nanggulo sa bahay namin. Akalain mong naisip niya pa 'yon.
"Restroom lang ako paalam ko." Paalam ko sa kanila at tumango naman sila bilang sagot. Binilisan ko lang ang pag-ihi dahil wala akong tiwala sa babaeng iyon.
Bumalik na ako sa sala at napahinto ako ng makita ko si Yuri. Nakatayo siya malapit kay Nicole. Magkalapit ang mukha nila sa isa't-isa at nakahawak pa si Nicole sa batok niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero dahil sa posisyon nilang iyon ay malinaw na sa'kin na hindi lang sila magbestfriend... Na may malalim pa na namamagitan sa kanila. Na sapat na iyon para saktan ako ng sobra.
Nandilim ang paningin ko. Hindi ko na-kontrol ang sarili ko dahil sa sakit na nadarama ko ay sinugod ko sila.
"Kie, bitawan mo ang buhok ni Nicole." Rinig kong sambit ni Yuri ng sabunutan ko ito ngunit isinawalang bahala ko ang sinabi niya.
"Malandi! Mang-aagaw!" Sigaw ko habang humihikbi. Kasabay no'n ang mahihinang hampas para kahit papano ay madama niya ang sakit na nadarama ko.
Sinabunutan ko lang siya at pinaghahampas dahil lalo akong nanggigigil kapag pinipigilan ako ni Yuri. Mas kinakampihan niya ang babaeng ito kaysa sa'kin na asawa niya. Gusto kong tanggalin ang buhok niya hanggang sa makalbo siya.
Napapikit at napadaing ako ng hawakan ni Yuri ng mahigpit ang kamay ko at itulak ako. Sa sobrang lakas ng pagtulak niya sa'kin ay nabunggo ako sa sofa kaya sumakit ang likod ko.
"Are you okay?" Tanong niya sa babaeng iyon at sinuri ang katawan niya. Gusto kong matawa ng malakas dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Siya pa talaga ang inintindi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumawa ako ng mapait saka pinunasan ang luha sa'king pisngi dahil sa walang humpay na pagtulo nito.
"Siya pa talaga ang tinanong mo kung okay lang siya?" Sambit ko at sinugod ulit ang babaeng iyon. Sinabunutan ko siya at sinampal. Wala na akong pakialam. Sobra na ang pagtitimpi ko. Sobra na ang sakit.
Sa nagdaang araw ay sobra akong nagtimpi sa kanya kaya ngayon ko ilalabas lahat ng galit ko sa babaeng ito. Si Yuri naman ay pilit akong inilayo sa kanya at itinutulak.
Ang sakit!
Hindi ko na alam kung ano ang mas masakit. Ang mga galos na nakukuha ko sa pagtulak niya sa'kin at pasa o ang sakit na nadarama ko sa puso ko?
"Tigilan mo na siya!" Sigaw niya sa'kin. Napapikit ako ng hilahin niya akong muli at iharap sa kanya. Inambahan niya rin ako na para bang sasampalin ako ngunit pinigilan niya. Napakagat-labi ako sa sobrang galit.
"Don't stop me. Malandi siya! Mang-aagaw. I'm your wife!" Sigaw ko sa kanya at napahagulgol.
"Yes, you're only my wife on papers. So, don't act like you're really one dahil kung puso ang basehan ay wala ka lang para sa'kin," sigaw niya sa'kin.
Ahh... Oo nga pala. I forgot about that.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang madama ko dahil sa narinig ko.
Ang magalit o umiiyak?
Magwala o kumalma?
Sisihin siya dahil hindi niya ako matutunan mahalin o sisihin ang sarili ko dahil mahal na mahal ko na siya?
"Siya? Mang-aagaw? Nagpapatawa ka ba? Hindi siya 'yun. " Sambit niya at napaurong ako dahil sa expresyon ng mukha niya. Wala kang makikitang emosyon sa mukha niya ngunit dama ko ang galit at poot.
"Nagpapatawa ka ba?" Tanong niya at ngumisi sa'kin. Nakakatakot siya pero mas natatakot ako sa sasabihin niya.
"Ikaw! Ikaw ang mang-aagaw!" Sambit niya at dinuro pa ako kaya napaurong akong muli.
"Inagaw mo ang pwesto na dapat sa kanya! Siya dapat ang asawa ko at hindi ikaw! Siya dapat ang kasama ko sa araw-araw at hindi ikaw!" Sigaw niya sa'kin at sa bawat salitang binibitawan niya ay para bang may kutsilyong itinatarak sa puso ko.
Namanhid ang buo kong katawan at ang kaninang iniinda kong sakit sa paghawak niya sa braso ko ng mahigpit ay hindi ko na maramdaman.
Mali! Hindi ko na alam kung ano na bang mas masakit ang pisikal ba o ang emotional na sakit.
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko kaya napayuko na lamang ako at humikbi. Ang sakit-sakit. Walang lubay sa pagtulo ang mga luha ko.
"Ako? Ako ang nang-agaw? Ang pinangarap ko lang naman ay abutin ka." Mahinang sambit ko habang nakayuko.
"Naabot mo nga ako pero hindi ang pag-ibig ko." Walang emosyong sambit.
F_ck! Para bang dinudurog ang puso ko sa bawat salitang binibitawan niya.
Tumingin ako sa mga mata niya kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa sobrang pag-iyak. May katanungang biglang pumasok sa utak ko at nagbigay ng pag-asa. Paki-usap sagutin mo ito ng totoo.
"Para saan iyong mga halik at yakap na pinaramdam mo? Ang pag-aalaga na pinakita mo ng panahon na magkasama tayo? Ano iyon? Para saan iyon?!" Sigaw ko sa kanya at hindi ko na napigilan pa kumawala ang mga sakit na nadarama ko.
"Sabihin mo sa'kin kung para saan iyon, Yuri?" Humihikbing sambit ko sa kanya.